Chapter 20

3745 Words
“Ang the LORD said, “I will cause all my goodness to pass in front of you, and I will proclaim my name, the LORD, in your presence. I will have mercy on whom I will have mercy, and I will have compassion on whom I will have compassion.” – Exodus 33:19 -- Chapter 20 Angel Loise Bumilang ng tatlong araw ang inilagi ko kina Heaven. Umuuwi si Dreau para bisitahin ang mag iina niya tapos ay babalik din sa villa ni Jandro. Si Billy ay nandoon na namalagi. Dinala ni Euric ang gamit nito roon at ang dinig ko ay mag e-extend sila ng stay sa Batangas. I declined Heaven’s suggestion. Na magbakasyon ako sa Boac. Gusto sana niyang pahupain muna ang tensyon sa pagitan namin ni Jandro na magkalayo. Iyong hindi muna kami tiyak na magkukrus ang landas namin. Una kong dinahilan ang studio pero… kahit wala ako ay pwede namang i-manage ni Debra. Pinagduduhan niya ang sagot ko kaya hindi ko na dinagdagan pa. “Oo naman. Kaya lang… ewan ko, Heaven. Sinet ko sa isip kong lalayo ako. Na kahit ikaw ay hindi ako makokontak basta makalayo lang kay Jandro.” Pag amin ko. Nagkakape kami sa labas ng villa. Tahimik niya akong pinagmasdan pagkatapos ay mahinang bumuntong hininga. I found her serious face but I smiled. “I’m really okay now. Gumaan na ang l-loob ko.” Tinitigan niya ako. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Bakit parang kakaiba pa rin ang nararamdaman ko sa iyo. Parang… may na-miss ako. Or dahil naging busy ako sa pamilya kaya ganito ang nakikita ko sa iyo.” I sighed. A cue of sadness made its way in my heart. Pero binura ko iyon sa isipan ko at tinapik ko pa ang kanyang braso. “We are just adulting. Ang pagbabago ay inevitable…” “Is it because of our choices and priorities, ganoon ba? I tilted my head. “Maybe it is also because of fate.” “Fate?” Tinawanan ko ang sa sakit na bumihag sa dibdib ko. “May mga bagay o pangyayaring hindi pwedeng piliin. At dahil doon… nagbabago ang tao. That no matter how we wanted to avoid that curse, we just couldn’t avoid it. It is bound to be with us. We can’t always escape.” Bumulusok ang hangin sa ilong ko. Brownish ang kulay ng kape ko. Sinayaw sayaw ko ang laman kahit na alam kong lalamig iyon dahil sa ginagawa. My mind isn’t with me. It is in the words that I had said. Tinapik niya ako sa likod kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Nginitian ako ni Heaven. I smiled back. I feel her kindness, her realness, her calmness, her greatness and pure heart. She isn’t heartless and I know that no matter what my situation may bring, she will be there for me. Hindi tulad noong hindi pa nabubunyag ang ginawa ni Jandro. She paid him back. Kahit sinira ni Jandro ang cheque sa harapan ni Dreau. “Pero Angel, may isang katotohanang hindi mo dapat kalimutan sa buong buhay mo. Do you remember Job’s life?” Hindi ko inalis ang titig sa kanya. Tila may kung anong humawak sa puso ko. “Job’s story is one of the Wisdom series in the Bible. Kabilang din ang Proverbs at Ecclesiastes. But Job is the old man who faced hardships but would always remain strong no matter what life would throw to him. Pero ang pinakatumatak na parte ng istorya ni Job sa akin ay… in-allow ni GOD na pagdaanan niya ang mga nangyari sa buhay niya. Satan asked to test Job and He gave the permission.” Umawang ang labi ko. Heaven nodded. “Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi Niya tayo mahal. Hindi sumpa ang buhay natin kundi biyaya. Do not stay on the dark side of your life. Get out of it and ask Him for a help. Kahit sa tingin mo ay walang way out. Sa pinakaimposibleng parte ng buhay natin lumalabas ang karunungan ng Diyos, Angel. Do not lean on your own understanding. Totoo iyon. GOD can do everything. Ilagay mo iyan sa puso mo. Palagi.” tinuro niya ang puso ko. Nagsalubong ang kilay ko. Feeling ko, it is not the right time for any Bible story. But she is Heaven. At kahit pigilan ko, lumulusot sa puso ko ang sinasabi niya kahit sa umpisa ay hindi ko maintindihan. Iniwan niya akong mag isa sa labas. Sinubukan kong ilipat ang laman ng isipan sa ibang topic ng buhay ko o ibang bagay. Inubos ko ang kape ko pero sa huli ay sinearch ko sa internet ang story ni Job. Isang gabi lang natulog si Dreau sa villa ni Jandro. Ayos na raw ito at nahimasmasan na. Bumalik sa farm pero si Billy ay sinamahan muna siya para bantayan. “He doesn’t eat. Kahit anong aya ni Marina, ayaw niyang kumain. Nagkasagutan sila kaso hindi ko maintindihan ang sinasabi. Nilalayasan ni Jandro.” Kwento ni Dreau habang naghahapunan kami. “He also declined my payment.” Malungkot at mahina ang boses ni Heaven. Nakakunot ang noong nakatingin sa asawa. Tinitigan ni Dreau ang kanyang asawa. “He will never accept it, baby. Pero ang sabi niya ay hindi na niya ikukulong si Angel sa villa.” Tumigil ako sa pagkain. “Pwede na akong hindi bumalik?” Abswelto na ba ako? “You’re not a slave, Angel. At kahit ano pang sabihin ni Jandro, mali pa rin ang ginawa niya.” “And I’m sorry, too. I thought…” Inilingan ko si Dreau. “I understand, Dreau. Galit siya. Gumaganti kaya niya iyon nagawa. Natakot ako, oo, pero… hindi naman niya ako sinaktan ng pisikal. Hindi naisakatuparan ang balak niya.” Nagkatinginan ang mag asawa. Kaming tatlo lang ang nasa hapag kaya malaya naming nagpag uusapan si Jandro. Dreau offered to get me house or apartment. Pero ayaw ni Heaven na lumipat ako. Ang gusto niya ay nakikita niya ako. At nagpainit iyon ng puso ko. Sana… sana talaga ay naging kapatid ko na lang siya. Sana. “If you want, I can give you a room in the Inn. Kung gusto mong mas solo ang lugar,” “Baby, why not give her a house or apartment? Doon talagang solo niya.” “O tapos? Malayang babakuran ng kaibigan mo at makakapunta anumang oras niya gusto?” “Hindi naman sa ganoon. Maliit ang room sa Inn.” “May tauhan tayo sa Inn kaya may nakakasama si Angel. At nababantayan ko rin.” “Alright. She’s yours.” nagtaas ng dalawang kamay si Dreau bago pinagpatuloy ang pagkain. Ngumiti ako sa kaibigan ko. “Maraming salamat sa lahat.” I understand her protectiveness. Sa totoo niyan ay mas panatag din ako sa Inn kaysa bagong tirahan. Sinabi ko ring sa studio na lang ako pero laking tutol pa rin si Heaven. Nakikita ko sa kanya ang disgusto na mapag isa ako sa lugar na malayo sa kanya. Which brought warmness in my heart. Pagkatapos akong i-secure ng kwarto sa Inn. Agad akong lumipat. Wala akong masyadong gamit at hindi ko pa nakukuha sa villa. Hindi muna ako pwedeng bumalik. Ang sabi ni Dreau ay ipapahakot niya na lang. Binigay sa akin ni Heaven ang pinakamalaking kwarto at fixed lang sa akin iyon. Huwag ko na raw alalahanin ang bayad dahil hindi siya nagpapabayad. Kahit kuryente o tubig. For me it was too much. Kaya ang sabi ko magbibigay ako pang kuryente at may mga gamit naman doon sa Inn na appliances. Sobrang nakakahiya na. Pero ang sagot niya sa akin ay… “Save all your money. Kapag nakakita ka na ng gusto mong bahay, doon mo gamitin ang ipon mo. No buts or anything, Angel. This is all on me.” may diin niyang salita. Sa paglipat ko sa Inn, panibagong kahaharaping buhay ang pakiramdam ko para bukas. Though, may mga kasama pa rin ako at tinutulungan ako ni Heaven, iba pa rin iyon kumpara noong nasa farm ako. Iba. May ilang araw na akong hindi pumapasok sa studio. Tinitext at tinatawagan na lang ako ni Debra kapag may problema. Sa akin pa rin ang trabahong pagkuha ng kliyente. Sa pagcheck ko sa kalendaryo, malapit na pala iyong event sa manila. Doon sa parents ni Richard. Late afternoon, nabalak akong magmeryenda sa labas. Kumain ako ng lugaw at tokwa. Pero hindi ako nagtagal at bumalik din ako sa farm nina Heaven. Mabigat niyang biling huwag akong lalabas nang mag isa. Though, sinuway ko kahit sandali. Nanghiram ako ng libro kay Kaye. Isa sa staff ng Inn na naka-close ko. Tagalog Romance Pocketbook ang pinahiram niya sa akin. Kinuha ko at dinala. Papalabas na ako nang habulin niya. “Saan po kayo, Ma’am Angel?” Ngumiti ako. “Sa Chapel. Then, siguro magbabasa ako malapit sa pond.” Tumango siya. Kita ko ang paggaan ng kanyang mukha. “Okay po, Ma’am.” “Thanks.” Sabi ko sa libro. “Isosoli ko ito agad.” Napakamot siya ng sintindo. “Kahit magtagal pa po, okay lang. Ilang beses ko na po iyan nabasa. Sabihan niyo lang po ako kung tapos niyo na. Mayroon po akong kasama niyan sa series.” “Ow, okay. Thanks, Kaye.” Kinawayan ko siya pati ang lalaking kasama. Naiwan sa labi ko ang ngiti pagtawid ko sa pinto. Kasalubong ko ang isang matangkad na lalaki. Paghakbang ko pababa sa maikling hagdanan, tumigil ang lalaki. Lumipad ang mata ko sa kanya dahil sa ganoon din ang ito sa akin. Kumunot ang noo ko. I think, dayo ito. Napansin ko ang isang duffel bag na dala niya. Nasa late 30s ang edad at makisig naman. As if on cue, I smiled a bit and then continued on walking. Tumango rin ang lalaki. Hindi iyon nagtagal at nagtuloy tuloy din ito ng pasok sa Inn. Walang tao sa Chapel nang makapasok ako. Umupo ako sa pinakahuling pew. Malinis ang luhuran at malambot. Napatitig ako sa malaking krus na nasa harapan. Ang altar ay simple pero parang may kung anong kirot na hatid iyon sa puso ko. Magdarasal dapat ako. Pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Humugot ako ng hangin at tumitig sa krus. Payapa rito. Parang walang kamalay malay sa nangyayari sa labas. Pagpasok ko pa lang, mahihiya ang paa ko sa ingay. Amoy rosas ang hangin. Dito, hindi ko magagawa ang kunwaring ngiti kundi pait at kirot ang pumapaibabaw sa damdamin ko. May karapatan kaya akong magtanong ng “Bakit?” Nagtanong si Job sa Kanya pero hindi binigyan ng deretsong sagot. Hindi kaya ni Job maintindihan ang Karunungan ng Diyos. Ang ibig ipabatid ng istorya niya ay manampalataya sa Diyos kahit na anong bigat ng sirkumstansya ng sangkatauhan. Pagkatapos ng pagsubok kay Job, ibininalik ang dati niyang buhay. Mas higit sa kung ano ang meron siya dati. That was his reward. Tulad ni Heaven, tumatatak din sa akin ang part na, in-allow iyong mangyari sa kanya. Uminit ang mata ko. Humiling akong… sana iba na lang ang pagsubok na binigay sa akin. Paano ang gagawin ko? Paano ko babaguhin ang mundo? Ilang minuto ang inupo ko sa Chapel. Malamig na ang panghapong hangin pagkaupo ko sa bench na malapit sa pond. Binuklat ko ang librong dala. Nakadalawang tingala na ako sa langit dahil sa pagdaan ng mga ibon ay nananatiling nasa Chapter 1 pa rin ang pahina. Banayad na bumulusok ang hininga ko. Binasa ang unang paragraph. Sa pangalawa, bumaling ako sa hindi kalayuan. Naalala ko ang dating itsura nitong Inn noong nasa construction phase pa lang. At doon sa dating matalahib na parte, kung saan ko siya unang nakita. My lips stretched into a small smile. Nakaupo siya sa harap ng sasakyan. Pinapaliguan ng dilim pero lumiliwanag ang sigarilyo sa kanyang labi. Nainis at natahimik ako pagkakita sa kanya. Heaven called his name. Manghang mangha ang mukha at nawalan ng kulay. Mas tinitigan ko pa siya habang nasa sasakyan ako. Kilala siya ng kaibigan ko. Unang pumasok sa isipan kong baka parte ito ng sindikatong kumidnap sa kanya. Kung ganoon, masama ang taong iyon. Mabait si Heaven kaya hindi ako masyadong kumbinsido. Pero pagbaba ko ng sasakyan, tumalon ang puso ko nang matagal niya akong tinitigan. Iyon pa lang ang umpisa. Sementado na ang matalahib na parteng tinayuan niya at may mga tanim ng iba’t ibang uri ng bulaklak. Wala na ang bakas noong una kaming nagkakilala. Kung aalalahanin, sumasayaw naman ang puso ko sa tuwa. Umusad ako sa pangalawang pahina. Nagkaroon ng ibang tao kaya hindi ko kayang tingnan ang lugar na iyon. Magmumukha akong tanga. Lumingon ako nang may maramdaman. Dalawang babae ang nakatayo roon at nagpi-picture-an. Pumanatag ang dibdib ko at binalik ang atensyon sa libro. Natapos kong basahin ng isang upuan. Nakatulong na walang umiistorbo sa akin. Tuwang tuwa si Kaye nang mabasa ko. Pinahiram niya ako ng isa pa. Kilig na kilig siyang nabasa ko rin iyon. Natawa ako sa kanya bago nagpaalam. Umakyat ako sa kwarto ko. Hinanda ko ang kakain para sa hapunan. “Nga pala, Angel. Nasa akin ang phone ni Jandro.” Kunot noo kong binalingan si Dreau. Pumunta silang dalawa ni Heaven sa Inn at dinalhan pa ng pang dinner. “Ha?” He smirked. “Magmula nang maglasing siya, nasa akin na. Kinabukasan, halos taobin niya ang villa kakahanap pero nang sinabi kong sa akin muna, tiningnan ako nang masama. Alam kong kokontakin ka kaagad. Pero huwag muna. Kapag mas okay na siya. Kapag mas nakakaisip na siyang matino. Tutal, binabalita kong nasa amin ka.” Hindi ako nagsalita. Alam nila kung anong makakabuti kaya hindi ako umimik. Sa mga sumunod araw, nabalita sa Padre Garcia ang bagyong tatama sa Batangas. Tinawagan ako ni Richard. Nahihiyang nangamusta. Humingi rin ng sorry sa pagkalasing niya sa Bawi. Hinatid daw siya nina Gerry at Debra hanggang sa inuupahan niya. Nag okay ako dahil ligtas siya. “By the way, libre ka ba ngayon?” “Hm, bakit?” “Magpapasama na sana ako sa pagbili ng appliances ko. Kung pwede ka lang naman.” Kumunot ang noo ko. May bagyo ah. Pero baka bigla ring humina. Inisip kung may importante ba ngayong araw pero wala naman. Mamayang hapon o after lunch ay pupunta akong studio. “Pwede ako ngayong umaga.” “Yes! Thank you, Angel.” He chuckled. Sinundo niya ako sa Inn. Maaliwalas ang mukha ni Richard. Tinuro ko sa kanya ng appliances store na pwedeng bilhan na mura. Dumeretso na kami roon. “Wala ka pa lang gamit. Bakit hindi ka namili na?” tinitingnan ko ang TV na naka-display. Thirty-two inches. Okay sa kanya kasi mag isa lang siya at kung hindi naman enthusiast sa panonood sa screen. Nasa buhok niya ang kamay at nagkamot. “E, gusto kitang makasama. Saka… baka kung ano lang ang piliin ko rito,” Maraming appliances. Iba’t ibang brand at presyo. Kung may specific siyang gusto, mas madali siyang makakapili. “I’m sure, may alam kang brand. Kung sa pagba-budget, piliin mo iyong magtatagal kahit medyo pricey. Kunin mo lang din ang importante at talagang magagamit madalas.” Tumango tango siya. Lumipat kami sa aisle ng refrigerator. Nakasunod ang staff ng tindahan at siyang nagpapaliwanag sa brand na tinatanong ni Richard. After almost an hour. Nakabili siya ng TV, Ref, aircon, rice cooker, stand fan, electric kettle, induction cooker at air fryer. Pina-sched niya ang delivery pagkatapos magbayad. Nalula ako sa sum ng binayaran niya. “Saka ko na lang bibilhin iyong iba. Sinunod ko ang payo mo.” Tumawa ako. May bibilhin pa pala siya sa lagay na iyon. Binuksan ko ang pinto ng kotse. “Wala ka na bang nakalimutang bilhin? Grocery?” Sinuot niya ang seatbelt. Natigilan nang hawakan ang manibela. “Sa labas ako kumakain. Minsan kay Tito Samuel. Wala pa akong ref kaya…” Nga pala. “Okay. O saan ka ngayon after dito?” Makulimlim na nang pauwi na kami. Naaaliw ako sa pagsha-shopping ni Richard kahit tagapili lang ako. Pero nakakapagod ding tumayo at maglakad ng halos isang oras sa tindahan. Nginitian niya ako. “Kain tayo. Saan mo gusto?” Gutom na rin ako. “Kahit saan.” “Saan iyon?” I tsked. He laughed. Nag-take out na lang kami at binilhan din si Debra. Hinatid niya ako sa studio. Pero umalis din agad si Richard para dalhan din ng pagkain si Atty. Divino. Nanonood kami ng flash report sa TV tungkol sa update ng bagyo. Madilim na madilim na ang langit pero wala pang ulan. Umakyat sa Tropical Storm Number 2 ang lugar namin. Sa f*******:, nalaman ni Debra na nagkakansela na ng pasok sa eskwelahan. “Magsara na rin tayo nang maaga.” Nasa harap ako ng computer at nag e-edit. “Mabuti pa nga. Kahit iyong ibang tindahan nagsasara na rin. Nakausap ko kanina si Aling Karing. Umaangat na raw ang yero nila sa lakas ng hangin,” binaliktad niya ang karatula sa pinto. “May stock ka ba rito?” Pinakita niya sa akin ang katamtamang laki na plastic storage na pinaglalagyan niya ng pagkain. Biscuit, chocolate, delata at kung anu ano pa. Pero halos wala nang laman ngayon at iisang sardinas ang natira. “Hindi pa ako nakapamali,” Mag aalas singko na ng hapon. Bukas pa ang groserya niyan kung sakali pero baka nagpanic buying na ang mga tao. Ganito pa naman palagi kapag nariyan na ang bagyo. Nataranta si Debra. Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto para kunin ang kanyang wallet at payong. Sinarado ko ang software na gamit at saktong paglabas niya. “Dito ka na lang, Angel. Huwag mo na akong samahan. Tumawag si Gerry,” “O bakit daw?” Sinusuot niya ang jacket at taranta pa rin ang mukha. “Sasamahan daw niya akong mamili. Sobrang dami raw tao sa groserya. Pumayag ako kasi may sasakyan siya at para makauwi rin ako agad. Okay lang ba kung dito ka muna? May nakasalang kasi akong sinaing…” “Walang problema. Mag ingat kayo.” Wala pang limang minuto ay kumakatok na si Gerry. Nakasuot din ng jacket at sombrero. “Ang lakas ng hangin sa labas,” “Mag ingat kayo, Gerry. Debra.” Kumunot ang noo ni Gerry. “Hindi ka pa uuwi?” “May nakasalang pa akong sinaing, Gerry. Pinapabantayan ko muna. Saka sandali lang tayo, ‘di ba? Basic food lang ang kailangan ko.” “Tara na!” Tumayo ako sa pintuan. Napuwing ang mata ko sa pag ihip ng malakas ng hangin. Pinayungan ni Gerry si Debra hanggang sa makapasok ito sa loob ng sasakyang dala. Mas nakakatakot ang hangin kaysa sa ulan. Pagkaalis ng dalawa ay ni-lock ko rin ang pinto. Pumasok ako sa counter at umupo sa computer. Sinilip ko ang kalan at sinaing. May tubig pa. Bumalik ako sa counter. Paghawak ko sa mouse, biglang dumilim. Tumahimik ang paligid. Napatingin ako sa pinto kung saan may pagbayo na ng hangin. “s**t,” ginamit ko ang flashlight ng phone ko. Sumilip ako sa labas. Wala ring ilaw ang mga bahay at mukhang lahat ay walang kuryente. Ang luwag na rin ng kalsada. Nagsiuwian na ang mga tao. The hyper wind banged the door. Biglang bumuhos ang malakas na ulan na halos mag zero visibility sa labas. “Naabutan na sila ng ulan.” Tiningnan ko muna ang sinaing. Nang matuyo ang tubig, hininaan ko ang apoy at iniinin na lang ito. Naghanap na rin ako ng kandila. Tinutubuan na ako ng takot habang naririnig ang buhos ng malakas na ulan. Sa isip ko, hindi ako makakauwi agad pagbalik ni Debra kung patuloy ang ganyang buhos. Sinabayan pa ng hanging mabagsik. Mag isa lang akob rito. Okay pa kung may kuryente kaso bukod sa madilim na, may bagyo pa. Kakayanin ko kung may kasama. Tinayo ko ang kandila sa counter. Nilagyan ko ng basahan ang tabi ng pinto dahil sa pumapasok na tubig dahil sa anggi. Hinugot ko sa saksakan ng computer, TV at sinecure ang kuryente just in case makalimutan ni Debra. Makakaya kaya niya rito mag isa na walang kuryente? Ayain ko kaya siya sa Inn magpalipas ng gabi. Umupo ako sa bench sa tabi ng pinto dala ang hindi ko binibitawang cellphone. Ako: Nasaan kayo? Brownout na I need to save my phone’s battery, too. Agad kong pinatay ang screen. Sinandal ko ang ulo sa pader at pinanood ang buhos ng ulan at hangin sa labas ng glass door. Lumipas ang ilang minuto… walang reply si Debra. Kinusot kusot ko ang ilong. Nataranta ako nang maamoy ang sinaing na muntik nang masunog. “Hindi pa naman.” Tingin ko sa hapunan ni Debra. Lumuwag ang dibdib ko galing sa kaba. Bumalik ko sa pagkakaupo kanina. Tiningala ko ang kisame. Binuhay ko ang flashlight ng cellphone ko at tinutok doon. “Oh no…” tumayo ako ulit. Binaba ko sa sahig ang plastic na lalagyanan ng ice cream. Pumapatak doon ang tubig galing sa kisame. Ngayon lang nangyari ito sa studio ko. “Ay pusa!” Napaigtad ako nang may kung anong tunog ang kumalabog sa labas. Lumapit ako sa pinto. Umawang ang labi ko nang makitang may yerong nililipad na sa kalsada at halos nagmukhang papel na winasiwas ng hangin. Napatakbo ako sa kwarto ni Debra. Wala namang namuong patak ng ulan o butas sa kisame roon. Safe ang gamit at kama niya. Lumabas ako at naestatwa nang may malaking bultong kumakatok sa pinto. Dahan dahan muna akong naglakad bago lumapit. Wala siyang payong at nagpapakabasa sa ulan. Kumakatok siya pero sinusubukan din niyang buksan ang pinto. “Sino iyan?” sigaw ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa dilim. Ang ilaw ng kandila ay mahina para makilala ko siya. Natatakot naman akong basta na lang buksan ang pinto. Pero tinutok ko ang flashlight ko. Tumingin ang matang iyon at madilim akong tiningnan. “Jandro…” As if on cue, agad na naglaho ang takot na naramdaman ko. Binuksan ko ang pinto. Kasabay niyang pumasok ang anggi ng hangin at ulan. Umatras ako. Agad niyang sinarado ang pinto. “Bakit sumugod ka sa ulan?” Basang basa siya. At ewan ko kung nasaan ang Raptor niya. Hindi ko kita sa labas. “Jandro?” Nakatayo ako sa tabi counter at kandila. Mangha ko siyang tiningnan dahil may kasama na ako. Isang malaking hakbang mula sa nakasaradong pinto, hinuli niya ang mukha ko at siniil ako ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD