Chapter 13

4217 Words
“You shall not murder.” – Exodus 20:13 -- Chapter 13 Angel Loise Everytime Jandro was with me, I always thought of Marina. She didn’t say anything about the scene she caught in the kitchen nor talk about it with me. Kapag nagkikita kami sa villa, nginingitian niya ako at tinatanong ang araw ko. One time, nasa sala siya nang umuwi kami ni Jandro. She is normal. Parang pang araw araw na eksena sa buhay namin ang nakikita niya. Parang hindi niya alintana ang nakita. Mas ako ang nababa-bother. Dahil kung ako ang girlfriend ni Jandro at nahuli ko siyang may kahalikang iba, magagalit ako. Pag uusapan namin iyon dahil hindi iyon basta bastang issue sa akin. Pero bakit iba kay Marina? O iba lang siya magdala ng problema. Maaari. Iba iba tayo ng pag iisip. But I will never do it again. Ever. “So, ano ang label ninyo ni Jandro? Secret lovers?” Sakay kami ng kotseng inupuhan ng kliyente para sa byahe namin papunta sa Casa De Segunda. Magkatabi kami ni Debra sa likod kaya panay ang tanong niya sa akin tungkol sa amin ni Jandro. Bumuntong hininga ako. Katatapos ko lang i-chat si Jandro. Nilitratuhan ko ang loob nitong kotse at pinadala sa kanya. Pinaalam ko itong byahe namin pa-Lipa. Sinabi ko sa kanya ang address pati ang sasakyang sumundo sa amin para wala siyang masabi. Kinuha pa nga niya ang plate number ng sasakyan at pangalan ng driver. Giniit niyang siya ang maghatid sa amin. Matigas akong tumanggi. Marami siyang trabaho sa farm para ipagmaneho pa kami. Pinagbilinan niya akong huwag sasakay sa kay Richard kung sakaling makita namin. Kundi… ewan ko ro’n! Hindi ko na pinakinggan ang pinagsasabi niya. “Hindi.” “Walang label?” “Wala kaming relasyon.” “E, ano kayo? Bakit ang sweet sweet niya sa ‘yo? Ang sabi ni Gerry, gusto yata ni Jandro na makipagbalikan sa ‘yo, Angel. Totoo ba?” Uminit ang mukha ko sa galit. “Hindi ko alam, Debra. Kung totoo man, hinding hindi mangyayari ‘yan.” Umayos siya ng upo at humaba ang nguso. “Paano ka nakakasiguro? Hatid-sundo ka niya gabi gabi. Tapos nag uusap pa kayo sa phone sa maghapon. May video call pa. Ano ang tawag mo sa ginagawa niya? Nagmamagandang loob? Echosera!” Bumulusok ang hininga ko sa ilong. “Ginagawa niya ‘yon kasi-“ Binili niya ako. Pero hindi ko kayang isambulat iyan kay Debra o kahit kay Heaven pa. Naiwan sa ere ang sasabihin ko. Kunot noo akong binalingan ni Debra. “May gusto pa siya sa ‘yo, Angel.” “Isang malaking kalokohan!” diin kong tanggi. “Ay sus. Kahit si Gerry kitang kita kung paano ka tingnan ni Jandro kapag hindi ka nakatingin. Sige nga, paano kung, nang bumalik siya rito at nakita ka niya, e bumalik din ang feelings niya sa ‘yo, aber?” Paano kung lust lang ang tugon niya sa akin? Nagkibit ako ng balikat. “Baka hihintayin lang niyang makapagbabangluksa ka bago ka niya salakayin.” “Salakayin ka d’yan.” She giggled. “Pinaiwan ka niya sa villa kasi may tama pa siya sa ‘yo. Kita mo noong ihatid tayo ni Richard sa studio? Kung nagbubuga ng apoy ang butas ng ilong no’n, natusta na si Engineer. Buti na lang kumapit siya sa ‘yo. Pustahan? Inlababo pa sa ‘yo si Jandro mo.” sabay siko niya sa braso ko. “Mali ka, Debra. Mayroon siyang Marina.” “Sigurado ka bang jowa niya ‘yon, ha? At bakit aber? Ano ebidensya mo?” I sighed. “Basta.” “Naku, ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Echosera ka!” Pagkarating namin sa Casa de Segunda, naroon na ang pamilya ng kliyente namin. Sila ang nagrent sa lugar at nagbayad ng entrance fee para sa amin ni Debra. Pre-debut shoot ang gagawin namin. Si Debra ang sa makeup at hairstyle. Pinasadahan ko ng tingin ang lumang bahay. Kahit na may ibang nilalaman ang isipan ko. Hindi ko maialis. I am disappointed with Debra. Hindi ko na vinoice out sa kanya kundi tumahimik na lang ako para mamatay ang topic na iyon. Anong ginawa ni Jandro para hindi siya mapagsabihang may Marina na siya at nakatira rin sa villa. Natutuwa pa yata itong si Debra na ayaw niya akong paalisin sa villa. Gayong aware namang naroon din si Marina. Siguro, isang comfort sa akin na lumipat ako ng kwarto sa baba. Nang sa gano’n, hindi ako mukhang isa sa may ari ng farm kundi tauhan na lang. I don’t mind being in that little room. I like being secluded and away from him. Ang hindi ko gusto ay iyong sinusian niya ako. I will change my lock, then. I’ll ask Manang Lucinda. At sisiguruduhin kong walang duplicate key si Jandro. “Pwede po bang kumuha ng litrato kahit wala pa ang kliyente ko, ma’am?” tanong ko sa caretaker at tour guide ng Casa De Segunda. “Oo naman, ma’am. Sige.” “Maraming Salamat po.” nginitian ko ang mabait na babaeng caretaker ng lumang bahay. Inaayusan pa naman ni Debra si Elaine. Tinanong tanong ko ang caretaker tungkol sa history nitong Casa at magiliw naman nitong sinasagot ang mga tanong ko. Sinamahan pa niya ako sa pagpasok sa silong. Kung saan nakadisplay ang portrait painting ni Segunda Katigbak-Luz. Iyon ang pinakauna mong makikita pagpasok sa unang tanggapan ng bahay. “Ito naman po ang siyam na anak ng mag asawang Manuel at Segunda.” Nakahilera sa gilid ang mga litrato ng siyam na magkakapatid. Umatras ako para kunan ng anggulo ang pwestong iyon. “Ito po ba ‘yung mag asawa?” turo ko sa taas. “Yes, ma’am. May mga edad na sila r’yan.” “Pero mukhang mga bata pa rin pong tingnan,” “Opo. Maaga po kasing nag asawa si Segunda. Nasa edad sixteen. At eighteen naman si Manuel.” Napabaling ako sa kanya. “Ang babata pa po, ah.” Natawa ang caretaker. “E, kasi ma’am, minadali ang kasal nila dahil siguro kay Dr. Jose Rizal. Alam niyo ma’am, first love ni Dr. Jose Rizal si Segunda. Kaso engaged na siya kay Manuel Luz. Kaya… ayun. Napaaga ang kasal ng dalawa.” “Ah. Na-threatened sila kay Dr. Rizal.” Tumawa lang ang babaeng caretaker. I already learned that story back in my school days. Naalala kong mas kilala ng mga kaklase ko si Leonor Rivera kaysa kay Segunda Katigbak. Wala namang masyadong romance akong nalaman kina Dr. Rizal at Segunda dahil mga bata pa sila. Though, I never forget the name. Ano kaya ang naramdaman niya nang ipakasal siya kay Manuel Luz? Siguro, dala ng pagiging masunurin sa magulang o kaya ay… mas pinili niya ito kaysa kay Dr. Jose Rizal. Walang makakapagsabi. Kahit ang kasaysayan ay inilihim na iyon. “Ito naman po ang komedor,” I took photos, learned from its history and became in depth for a while. Hindi na ako nakaakyat sa taas nang solo dahil natapos na ang pagme-makeup kay Elaine. Agad na rin kaming nagsimula. Filipino themed ang napili niya. Kaya native dress ang kanyang suot. Maganda ang ayos ni ginawa ni Debra. May choker pa ito. Hinango niya sa dress code noong panahon ni Rizal at nag ala-Maria Clara ang debutante namin. Kinunan ko siya sa silong. Malapit sa portrait ni Segunda Katigbak. Napapatingin ako sa portrait na iyon. Kahit nang matapos kami, naiiwan ang mata ko sa kanya. Para bang… parang may gumuguhit na linya sa dibdib ko. “Okay, smile, Elaine,” “Ganito po?” “Alright,” sagot ko sa mahinhin niyang ngiti. Nangiti rin ako. Dumaan kami sa komedor. Sa hagdanan kung saan naka-display ang Presa o sinaunang plantsa. Kinuhanan ko rin siya roon ng litrato. Sa hagdanan. Sa second floor, nagustuhan ko ang natural lightning ng bahay. Ang lalaki ng bintana at marami. Maraming lagusan ng hangin kaya hindi mainit. “Ito po, ma’am. Ang chess table na ginamit nina Jose Rizal at Manuel Luz noon,” “Naglaro sila rito?” “Yes, ma’am. Dumalaw pa rin po si Jose Rizal dito kahit asawa na ni Manuel si Segunda. Pero hindi para manligaw. Ang sabi po ay parang nagso-solicit si Dr. Rizal. Mayaman po kasi ang mga Luz.” “Ahh.” I took the photo of that chess table. Akalain mo, naging magkaibigan pa ang dalawang lalaki. “Dito ka, Elaine,” Pinapwesto ko siya sa tabi ng lumang piano at violin. She is a natural model but shy. Maganda ang rehistro niya sa camera kahit medyo nahihiya. Naroon ang lumang damit ni Segunda, tampipi, aparador at Maquina de mano. Nagtatanong pa si Elaine kung para saan ang mga iyon. Natatawa kami. At the same time nagkakaroon ng kaalaman. Sa gitna ng dalawahang kama, nakita ko ang imahe ng Our Lady of Guadalupe. Lumunok ako at napatitig sa katulad na imaheng mayroon sa villa. Umatras ako sa tabi ng bintana. Tinutok ko ang camera at tumunog ang shutter. Sunod naming pinasok ang bedroom ng mag asawa. Naroon ang four poster bed, tocador at aparador na gamit nila noon. At ang buong imahe ni Segunda Katigbak. Iyong naka-display sa silong ay kalahati lang ng katawan niya. “Angel!” “Oh?” “Tara na sa azotea,” Saka ko lang nabitawan ang titig sa painting. Halos tatlong oras ang inabot ng shooting namin. Pagod ang lahat pero masaya at ang sarap sa pakiramdam. Naiwan kami sa taas para tingnan ang mga nakuhang litrato. Pinagmeryenda na rin kami ng mother ni Elaine. Pumasok ulit ako sa master bedroom. Hawak ko ang lata ng softdrinks ko. Tiningnan ko ulit si Segunda Katigbak-Luz. She is still young in the portrait. Binaba ko ang lata at tinutok ang camera. Kita ang tocador pero ayos lang. I liked the lady. Para akong hinihila ng kanyang ganda at istorya. I guess, she didn’t protest when her parents told her to marry at age of sixteen and to the man she was engaged with. During that time, ganoon ang uso. Fixed marriage. Lalo na sa mga mayayaman. At di hamak na mas mayaman itong si Manuel Luz kaysa kay Dr. Jose Rizal noong era na iyon. I could understand her situation. Then… Dr. Jose Rizal fell in love with other women. Married Josephine Bracken. Lost a child. And then died. While Segunda Katigbak married Manuel Luz and had nine children. The history might be different if they end up together. Baka naiba ang landas ng Pambansang Bayani ng Pilipinas o kaya ay baka hindi siya naging bayani. At baka hindi rin nagkaroon ng siyam na anak si Segunda. I stared at her image. Hindi siya nakangiti at medyo dark ang imahe para sa akin. Siguro dahil luma na rin. But I am mesmerized with her love story. Hindi ko alam ang naging pagsasama nila ni Manuel Luz pero siguro at kahit papaano ay naging masaya naman siya. Her parents made sure she was going to be well taken care of. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita tinatawag!” Inuntag ako ni Debra. Pagbaling ko sa kanya, bigla akong nahilo. Pumikit ako. Hinawakan ko ang sintido at hinilot iyon. “Hindi mo ba ako narinig?” “Tawag mo ako?” “Ay oo, girl. Sigaw ako nang sigaw galing sa baba. Pumunta pa ako sa azotea para hanapin ka. Kamuntik nang mag panic si Jandro kasi hindi ka sumasagot.” “Si Jandro?” pagdilat ko, malaki na ang ngisi sa mukha ni Debra. “Nasa baba. Sinusundo tayo.” “Ano?” halos malaglag ang panga ko. “Kadarating lang niya. Hindi ka na raw niya nasabihan kasi baka hindi mo raw mabasa ang kung magtext siya sa ‘yo.” Alam kong mula kanina ay hindi ko pa nasisilip ang cellphone ko. Ganito naman kapag may trabaho sa labas. Pero kung nasa studio, palaging nasa mesa ang phone ko. Bumuntong hininga ako kasabay ang malakas na kalabog sa dibdib ko. Binalingan ko ulit ang si Segunda. Kung hindi ako hinila ni Debra, baka nagtagal pa ako sa bedroom na iyon ng ilang minuto. “Jandro,” Bumababa pa lang ako sa hagdanan nang tawagin ito ni Debra. Nakita ko siyang nakapamulsa at tinitingnan ang isa pang portrait ni Segunda Katigbak-Luz. Sa kanyang tabi ay ang caretaker/tour guide. Inuulit nito ang nasabi na niya sa akin kanina. “Bakit hindi ka nagtext na pupunta?” “Magkakilala kayo, Ma’am?” Tumango ako sa caretaker/tour guide. Mula sa painting, binalingan ako ni Jandro. Hindi inaalis ang mga kamay sa kanyang bulsa. “Are you done? Higit tatlong oras na kayo rito…” he said in a raspy texture of voice. “Tapos na kami. Nagmemeryenda lang,” Kumunot ang noo niya. “Pack up na kami, Jandro. Uuwi na rin ang kliyente namin.” Masayang sabi ni Debra. He nodded at her and twisted his lips. “Gusto niyo pa bang i-tour ko kayo sa bahay, Sir?” Bumaling kaming tatlo sa caretaker/tour guide ng Casa de Segunda. Tiningnan ko si Jandro. Tumango ito tapos ay nilingon ako. “Samahan mo ‘ko.” “Ha? Nakaikot na ako kanina,” Tinitigan niya lang ako. Si Debra ay siniko ako at binulungang sumama na sa kanya. Gusto kong irapan siya kung hindi lang kami hinihintay ng tour guide ng bahay. At para makaikot na rin si Jandro. Sayang naman ang pagdayo niya sa Lipa kung aalis din agad. Nakasalubong naming bumababa ang pamilya ni Elaine. Nagpaalam na sila. Binigyan ko sila ng date kung kailan pwedeng makuha ang mga litrato. Hinatid sila ni Debra sa labas. Habang umaakyat naman kami ni Jandro. He is quiet and really listening to the history of this house. Tiningnan pa niya ang chess table tapos ngumuso. He is looking cool. Tumatango at minsang nagtatanong sa tour guide. Though, alam ko na ang ibang sinasabi sa kanya, hindi ako nangielam. Imbes ay pasimple ko siyang kinuhaan ng litrato. Then, I will transfer that in my phone. At bibigyan ko siya ng libreng print. Una ay roon sa tabi ng chess table. Ngumisi ako. Ang tangkad niya. Nakasuot siya ng faded jeans at v neck t shirt na kulay midnight blue. Humahakab ang tela sa abdomen niya. At ang butas sa manggas… tila nai-stress sa pagka-stretch dahil sa braso niya. But damn it. He is simply hot. With that unruly wavy hair, he looked like a rich-succesful-rancher. O Asyenderong suplado. Kabayo at sombrero na lang ang kulang. “Ito naman po ang master bedroom ng Casa de Segunda,” Sinundan ko sila sa pagpasok doon. Nauna ang nagtu tour sa amin. Nasa likod ako ni Jandro. Kaya nang huminto siya para hintayin ako ay bahagya akong nagulat. “Akala ko tapos ka nang kumuha ng litrato?” pabulong niyang sabi. Tumango ako. “Sa akin na ‘to.” Tinitigan niya ako. At ngumisi. Inirapan ko ang reaksyon niya. “Hinihintay ka na roon,” I sighed. “May naalala ako sa ganitong klase ng bahay.” “Saan? Iyong sa inyo ni Dreau sa Bulacan?” Sabay kaming pumasok sa bedroom. “Nasunog na ‘yon. Bakante hanggang ngayon.” Kunot noo ko siyang nilingon. “At updated ka.” “Gusto kong magbagong buhay. Sinisugarado kong… wala nang bakas.” “Nakapagsimula na kayo ulit. Si Dreau, pamilyado na at successful sa negosyo. Si Billy, nakapag aral. Ang ibang tauhan ninyo noon, nabigyan niyo ng panimula. At ikaw…” Binalingan niya ako. Lumunok ako. “… iba na rin ang buhay mo. Hindi na ikaw ang dating Jandro. Ikaw na si Draco de Narvaez. Ang bigtime rancher galing Mexico.” “Tama ka. Hindi na ako ang… dating Jandro mo.” seryoso niyang sambit. Nagtitigan kaming dalawa habang nagsasalita ang tour guide. Naririnig ko ang pag kwento niya sa mga original na gamit dito tulad ng four poster bed. Nang untagin niya kami tungkol sa tocador ay saka ko pinutol ang titig kay Jandro. Tumikhim siya at lumapit sa imahe ni Segunda Katigbak. Umatras ako at kinuhaan siya ng litrato. Pag uwi naming Padre Garcia, pumunta kami sa grill ni Gerry. Kaya tuwang tuwa ito nang makita si Debra. At naupo na rin sa mesa namin. Hinila ako ni Jandro na maupo sa tabi niya. Para raw magkatabi sina Gerry at Debra sa kabilang side. Maraming tao sa grill. Puno ang mga mesa kaya maingay at medyo mainit. May electric fan naman pero mainit din ang buga ng hangin. Sumasabay pa sa ingay ang volume ng TV. Sina Gerry at Debra, kapag nag uusap ay kailangang itapat sa tainga ang boses para magkaintindihan. Tila pyesta rin ang pagkaing in-order ni Jandro. May halo halo pang panghimagas kaya nagdahan dahan ako sa kanin. Nasa kalagitnaan kami ng kainan nang alisin ko ang suot na maong jacket. May suot naman akong puting spaghetti strap blouse. Kanina ko pa tinitiis ang init at ayaw ko sanang magtanggal pero hindi ko na kaya. Nilagay ko sa kandungan ko ang maong jacket. Naka ponytail ang buhok ko kanina pa. Kumuha ako ng tissue para ipunas sa pawis ko sa leeg at bandang dibdib na rin. Humagikgik si Debra sa binulong sa kanya ni Gerry. Kumunot ang noo ko. Paglingon ko kay Jandro, nakatitig pala ito sa akin. “Problema mo?” May dinukot siya sa likod ng kanyang pantalon. Panyo. Pinalit niya iyon sa kamay ko at nilukot ang tissue ko. “Mm… thanks.” “Basa na ang likod mo,” turo pa niya. Tinaas ako ang kamay para punasan ang likod ko. Nahahanginan kaya dapat kong patuyuin. “Hindi ganyan.” Pikon pang boses ni Jandro. “Pinupunasan ko na nga.” Irap ko. “Akin na!” “Hindi na-“ Inagaw niya sa akin ang panyo at pinasok niya ang kamay sa loob ng damit ko. Naetatwa ako. Kahit sa likod lang naman iyon… nadaanan niya ang bra ko para sipsipin ng panyo niya ang pawis ko. Kung aagawin ko ang panyo… makikipagtalo ito sa akin. Pasubo ng kanin si Gerry nang makita ang ginagawa ni Jandro sa likod. Malakas na tumikhim si Debra at napainom ng Iced tea. “Basang basa ang likod mo. Bakit kasi nag jacket ka nang gan’yan? Maong pa. Gusto mong ubuhin, Angel?” Aba at galit pa ang lalaking ‘to. Nilingon ko siya sa likod ko. Napupunasan naman niya ang likod at unti unti kong nararamdaman ang ginhawa. “Hindi naman mainit kanina,” “Kahit na. O kaya dapat nagpalit ka ng damit mo. Hindi ‘yang… ang nipis na nito.” Sabay hila niya sa strap ng suot ko. “Hindi ah. OA ka lang.” Tumingin ako kay Gerry nang tumawa ito at sinandal ang likod sa upuan. “Gago Jandro! Para akong bumalik sa nakaraan, ah! Alagang alaga pa rin ang baby niya!” Kinuha ko ang tissue at binato sa kay Gerry. Mas lalo itong tumawa kaya masama kong tiningnan. Siniko siya ni Debra. “Tapos na.” Bulong ni Jandro sa tainga ko. Kinuha ko sa kanya ang kanyang panyo. Basa na iyon. Umiinit ang mukha ko dahil sa sinabi ni Gerry. Sinamantala ko ang ginagawa para maibsan iyon at tinuyo ko naman ang leeg ko at lalamunan. “Tama na ‘yan, ‘tol! Baka matunaw sa mata mo!” Napalakas ang boses ni Gerry kaya may ilang customer ang napabaling sa amin. Bahagya akong yumuko at nahiya. Pinatong ko sa ibabaw ng jacket ko ang panyo ni Jandro. Hindi ko muna isosoli dahil basang pawis ko. “Kumain ka pa, Angel.” Bulong ni Jandro. Tumango ako. Inabot ko ang iced tea at sumimsim. “Picture tayo, guys!” Tinaas ni Gerry ang kanyang cellphone para makunan kaming apat. Umayos ako nang kaunti. Pinatong ni Debra ang kamay sa balikat ni Gerry. Ngumiti ako sa camera at siniguradong hindi natatakpan si Jandro. “Okay, 1, 2, 3. Say kesooo!” Inakbayan ako ni Jandro at saka kami nakunan ng litrato. “Ang ganda! Malagay nga sa f*******:!” “I-tag mo kami ni Angel.” Sabi ni Debra sa kanya. “Sure! Ita-tag ko kayong lahat!” Naging busy silang dalawa sa kanya kanyang cellphone. Tinuturuan ni Debra si Gerry kung paano mag tag at hinahanap ang pangalan namin. “Accept mo naman friend request sa ‘yo, Jandro.” “Ha? Nag send ka ba?” Nilabas na rin niya ang kanyang cellphone. “Oo, gago! Mag iisang taon na kaya ‘yon!” Natawa kaming dalawa ni Debra. Nakita kong nagbukas ng account niya si Jandro. In-accept si Gerry. Bagong account niya yata iyon. “Masaya ka na?” pang asar nito sa kaibigan. Tinaas ni Gerry ang cellphone niya. May tiningnang mabuti na tila nanlalabo pa ang mata. “Bakit puro kamay ang litrato mo. Sino ‘tong ka-holding hands mo, ha? Sino?” “Si Angel.” Sabay akong tiningnan nina Debra. Ako naman ay parang sirang hindi makangiti o tanggi sa deretsahang sagot ni Jandro. “Kayo… na ba... ulit?” “Oo-“ “Hindi!” sabay baling ko kay Jandro. “Hindi!” “Hindi pa.” segunda niya. Tumahimik ang mesa namin dahil sa titigan namin ni Jandro. Naiinis na ako. Hindi. Napipikon ako. Paano niya naatim na sabihin ‘yan sa kanila? “Hindi tayo magkakabalikan.” “Bakit hindi?” Malakas ang loob niya. Nasa mata niya ang determinasyon na kaya niya ako. Totoo naman na kaya niya akong imanipula. Pero hindi ang desisyon ko. Marahil ay hawak niya ako. Pwede niyang gawin ang gusto niya, bahala siya. Pero itong galit na nararamdaman ko… malakas din. Ano bang plano niya? “Jandro,” “Jandro, kamamatay pa lang ni Don Francisco. Baka… masyado kang advanced, ‘tol. ‘Wag mo namang biglain si Angel.” “Oo nga. Nahirapan din ‘yang si Angel sa kay Don Francisco. Kaya sana-“ “Debra!” nabigla ko ring tawag sa kaibigan ko. Nagulat din siya kaya naiwang nakaparte ng labi niya nang nakatingin sa akin. I am done here. Nag excuse ako sa kanila bago tumayo, bitbit ang jacket ko at panyo. Tinawag ako ni Debra pero hindi ko na siya magawang lingunin. Nasa bukana na ang luha ko. Malapit nang makawala. At ang paghinga ko ay hindi na normal. Naalala ko ang nangyari. Ganito katindi. Pamilyar ang sakit. Ang agos ng luha ko. Ang bigat na naramdaman ko. Ganitong ganito iyon. At para bang… nagbalik ang lahat. Pero kung tutuusin ay sobrang sariwa pa ang lahat. Kailan lang namatay ang matandang iyon. Hindi madaling maghilom ang marka ng nakaraan. “Angel.” Hinaklit at napigilan ako ni Jandro sa siko ko. Pasakay na ako sa tricycle nang abutan niya. “Pasenya na, ‘tol. Hindi siya sasakay.” Sabi niya sa tricycle driver at inabutan niya. Hinila niya ako sa kanyang Raptor na nakaparada sa labas ng grill. Pagsakay ko, mabilis niyang sinarado ang pinto at umikot ito sa driver side. Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at umarteng hindi naiyak. Tumikhim ako. Binuhay niya ang makina at binuksan ang ilaw. Pero hindi nag suot ng seatbelt. “What is it, Angel?” “Wala.” “Alam kong meron.” Hindi ako umimik. “Anong nahirapan ka ang sinasabi ni Debra?” My teeth gritted. Hindi ako nagsalita. Matigas ang lalamunan kong walang lalabas sa bibig ko. “Sa pag aalaga sa matandang ‘yon, gano’n ba?” “Oo…” “Iyon lang?” Mabagsik ko siyang nilingon. “Bakit? Ano bang gusto mong marinig? Matanda na siya nang pakasalan ko kaya ako ang nag alaga sa kanya.” Dumilim ang kanyang pagkakatingin sa akin. “Gaano katagal mo siyang inalagaan?” Iniwas ko ang tingin. I didn’t count the days or the month. Kapag wala sa sarili at walang buhay kang pumasok sa isang lugar ay tila napakahaba ng isang araw. “Ang sabi ni Atty. Divino, balak mong magsimula ulit,” “Oo pero hindi na ngayon.” “Kabubukas mo pa lang ng studio mo. Nag iipon ka. Nasaid ba ang ipon mo para kay Don Francisco?” “I’m sure, alam mo ang sagot d’yan.” “Angel…” “Stop it, Jandro! Stop bugging me! Ikaw ang nagpapagulo, e!” “Tell me why.” “What?!” “Tell me why… we can’t be together again. Please, explain.” “Explain? Hindi ko kailangang i-elaborate sa ‘yo sa mahabang pangungusap-“ “Pero gusto kong sabihin mo sa akin kung bakit hindi pwedeng tayo ulit!” “Dahil ayoko sa ‘yo!” sigaw kong malakas. Natahimik siya pero dinig na dinig ko ang buga ng kanyang hininga. Napaigtad ako nang malakas niyang hinampas ang manibela at malutong na nagmura. Sa sobra takot ko, mabilis ko siyang nilingon. He is mad. No. That’s not madness. He is furiously disappointed. Kinatok kami ni Gerry sa kanyang bintana. Tiningnan muna ako ni Jandro. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya bumaba ng sasakyan. “Jandro, dumating si Mayor Roque. E, nalaman niyang magkaibigan tayo kaya gusto kang makilala…” Sinarado niya ang pinto. Pumikit ako at huminga nang lubusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD