“You shall not commit adultery.” – Exodus 20:14
--
Chapter 14
Angel Loise
Maybe he thinks I don’t have anything in my pocket. Or maybe Atty. Divino told him about my capacity to start anew. But then, he expected me to crawl back to him just because he is so much well now than before. Before… I broke up with him.
Totoo namang walang wala na ako kumpara sa kanya ngayon. Ang pera ko, bagaman nadagdagan sa pagbubukas ng studio ko, ay hindi pa rin maihahambing sa kung ano siya ngayon. He is a farm owner and a villa owner. He is richer. He is capable of doing what he likes. Even if in the sense of owning me.
I would like to think that I’m paid to be his maid. To be his employee. To be his servant. If only he could properly tell me that is my job, then I would be at ease. I will accept the job and move on. Pero hindi ganoon ang pinaparamdam niya at sinasabi. Gusto niyang maging kami ulit kahit nariyan din ang kanyang fiancée. What kind of offer is that?
He is insane to even think about it. We both knew that everything has changed and wouldn’t remain the same.
Bumibigat ang dibdib ko sa tuwing nakakatagpo ko si Marina. She is slowly adapting our culture. Probably because Jandro decided to live here. Kung nasaan siya dapat ay kasunod si Marina at nakasuporta. Why Debra think she isn’t Jandro’s girlfriend? E noong pakilala pa ni Atty. Divino ay fiancée ito. I don’t know why she thinks the opposite. But as long as I am living with them under the same roof, I know what I am seeing. And I will depend myself on that.
“Tanggapin na natin ang trabaho. Isang gabi lang naman ‘yon.”
“Okay naman. Kaso…”
Bahagyang tumawa si Debra sabay tapik sa braso ko.
“Ano ka ba? Malaking opportunity iyon. Saka, mas manunumbalik ang sigla ng studio kapag na-expose tayo sa maraming tao.”
I got worried at first and now I smirked. “I think my exposure for being a Calavera is good enough. Maraming nagchichismis sa akin,”
Natigilan si Debra sa pagsasalin ng tubig. Nasa villa kami. Naghahanda para sa pagdating nina Dreau at Heaven galing maynila. Ngayon pa lang sila uuwi ng Padre Garcia pagkatapos ng halos tatlong linggo. Ang sabi Heaven ay hindi magawang iwan ni Dreau ang opisina at kailangang mag extend. Sinama ko si Debra para makita ang kaibigan namin. Napag usapan ang alok ni Mayor Vicente Roque.
“Kahit naman anong ipakita mong ugali sa mga tao, kung puro sapot ang mindset nila, may sasabihin at sasabihin sila sa ‘yo. Ano naman kung kunin kang official photographer sa private party ni Mayor Roque? Trabaho iyon at professional ka!”
“Pagtataasan ako ng kilay.”
“Edi mainggit sila kung ganoon! Work is work, girl. ‘Wag mong intindihin ang mga negang iyon. Makikitid lang ang utak ang mag iisip nang gan’yan sa ‘yo. Ang inggit ay kasalanan. Natutunan ko iyan kay Heaven, sis!”
Noong gabi sa grill, kinausap ni Mayor Roque si Jandro. Inimbitahang dumalo sa birthday party ng kanyang anak. Jandro introduced me. Kaya inalok akong gawing official photographer sa naturang okasyon ng pamilya Roque.
Wala namang kaso sa akin. Pero… ang malamang pupunta rin si Jandro ang nagpapaatras sa akin. He got invited first. Ang mismong Mayor ang nag imbita. Kung hindi niya ako pinababa sa sasakyan ay wala akong invitation at alok na trabaho. Marina is also got invited.
“Sa mga salita ni Heaven talaga tayo napapanatag.”
Pinag usapan pa naming dalawa ang ilang mga payo at pangaral sa amin ni Heaven. Pareho kaming nag agree na maswerte kaming maging kaibigan siya dahil naba-balance ang kinakaharap naming problema sa buhay. Kasi minsan parang ang hirap hirap ng buhay. Dumarating ang puntong gusto mong sumuko sa suliranin. Pero dahil kay Heaven na mas matatag at matapang sa amin ay nagagawa niyang bawasan ang nagpapabigat sa isipan sa kanyang salita lang.
Sabi nga niya, makapangyarihan ang salita. Kaya dapat iyong nakakabuti lang ang pakawalan sa bibig. Mahirap nang bawiin ang hindi dapat sambitin kapag nasabi na. Ang mahirap pa roon, nabitawan mo na at nakapanakit pa.
At nanggagaling sa puso ang lumalabas sa bibig.
“Oo naman! Kaya nga dead na dead sa kanya si Dreau Frago, e!” sabay bungisngis na may halong kilig ni Debra.
Inaayos namin ang mesang gagamitin sa labas. Outdoor dinner at inuman ang gaganapin. Hindi na kami ng nagbukas ng studio ngayong araw kaya hindi ako umalis ng villa. Tanghalian nang dumating si Debra at ngayon ay tulong tulong kaming naghahanda. Na parang mini party ang mayroon talaga.
Abala naman sa kusina sina Manang Lucinda at Roselia pagdating ng hapon. Pero maagang nilabas ang mesa at kubol na pang payong. At dito kami tumambay ni Debra nang hapon. Kasama namin kanina si Marina.
“Para tayong naka-day off.”
Nangiti ako sa kanyang sinabi. Sa tingin lang namin ito. Sunod sunod na trabaho ang hinarap namin nitong nakaraang mga araw.
Alas kuatro y media ay nakabalik na sa villa sina Jandro at Marina. Nasa labas kami ni Debra nang pumarada ang Raptor. Unang bumaba si Marina. Dala nito ang box ng cake na binili sa labas. Agad niya kaming nginitian. She’s wearing maong pants and white crop top. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang suot at labas ang kaseksihan nito. Ang mahaba niyang buhok ay kulot kulot at maganda. Nude ang kanyang makeup.
Lumapit siya sa amin. May tinanong siya kay Debra. Lumipat ang mata ko kay Jandro na bumaba sa driver’s side. Magkasalubong ang mga kilay at maraming guhit ang kanyang noo. Lumunok ako nang magtama ang paningin namin. Nagderecho ito sa pagpasok sa villa. Samantalang naiwan pa sa amin si Marina.
He is still mad at me. It’s very obvious in the way he is treating me. Pero okay lang sa akin.
At five PM, bumalik ako sa kwarto para makapagpalit ng damit. Nagbaon ng damit si Debra at doon ko na pinaligo. Unti unti na namang natapos ang mga lutuin nang ganoong oras. Sina Dreau na lang ang hinihintay.
Button-down black dress ang sinuot ko. It’s comfy. Nagtsinelas ako. Pinatuyo ko ang buhok ko sa harap ng electric fan. Tapos ay inipitan ko ng shok-shok na puno ng perlas. Naglagay ako ng kaunting lipstick at ayos ng kilay.
Sa kwarto ko na rin pinagbihis si Debra. Nagtanong siya kung bakit doon ang kwarto ko. Sinabi ko ang dahilan ng paglipat ko. Pinagkibit balikat niya lang at hindi na nagtanong ulit.
Do I have to tell her that I should be here instead of staying in my old room?
I guess not.
I should be out of Jandro’s property.
Kung anong sa tingin ko ang tamang gawin, iyon ang susundin ko. At kung sa palagay niya ay nararapat ako sa dati kong pwesto sa villa na ito, sasabihin kong mali iyon.
This is not the Calavera farm anymore. And I’m not Jandro’s… girl.
Nakangiti akong niyakap ni Heaven pagkababa pa lang niya ng sasakyan ni Dreau. Parang habang tumatagal mas lalong gumaganda ang kaibigan ko. I think, motherhood really suits her.
“Oh, nasaan ang mga anak mo?”
Binalingan niya ang kanyang asawa na ngayon ay tinatapik sa balikat si Jandro. Parehong nakangiti ang mag-bossing.
“Inihatid muna namin sa bahay. Parehong pagod sa byahe. Saka namimiss na nga ng lolo at lola nila. Uy, Debra!”
Halos kinikilig pang niyakap ni Debra si Heaven pagkatapos nitong batiin si Dreau.
“Kumusta ang maynila, sister?”
Mahinang tumawa si Heaven. Pero sinutsutan ko si Debra.
“Ganoon pa rin, Debs. Ma-traffic.”
“Hindi ba kayo napapagod sa kakabyahe roon?”
“Hindi naman.”
“Kasi may buhay kayo rito sa atin, mayroon din sa Boac. Tapos sa maynila pa,”
“Pero mas madalas naman sila rito sa atin, Debra.”
Umabrisiete sa akin si Heaven. “Hindi ko maiwan ang Batangas. Nandito ang puso ko.”
“Ay talagang gay’on! Pareho tayo, Heaven.” Nakipag apir pa si Debra sa kanya.
“Lalo na siguro kapag nagpakasal kayo ni Gerry, ano?”
Nagulat si Debra sa sinabi ko. Si Heaven ay suminghap at hinila ang braso ko.
“Kasal agad? Hindi ko pa nga sinasagot ang mokong na ‘yon! Paghirapan niya muna ako, ‘no!”
“Anong meron, ha? Nililigawan ka niya ulit?”
I giggled. “Oo, Heaven. Ayaw sukuan ni Gerry itong si Debra.”
Inulan ko ng tukso si Debra. Pero si Heaven ay seryosong nakikinig at isang beses na nagbigay ng payo. Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ko ng tawa sa dalawang kaibigan ko.
Nang mabaling ako kina Jandro… tila tumigil ang mundo ko dahil nakatitig siya sa akin. Nakapamaywang ito. Katabi si Dreau at mukhang pinapakinggan ang sinasabi ng mga kausap. Euric and Billy are here. Kanina ay tuwang tuwa nang makita si Jandro. Lalo na si Billy. Dahil Kuya ang turing nito sa kanya.
Bumaba ang mata niya sa labi ko. Para akong napahiya kaya unti unti kong inalis ang kagat dito. Lumunok ako at tumikhim. Wala sa akin ang atensyon nina Heaven at Debra. Inalis ko ang tingin kay Jandro. Bumibilis masyado ang t***k ang puso ko.
“Angel,”
“Euric!”
Euric Frago is Dreau’s younger brother. Magkasingkisig ang dalawa pero magkaiba ang awra. Ang huling kita ko kay Euric ay hindi pa ito nagpapatubo ng facial hair. Bumagay sa kanya ang itsura niya ngayon. Medyo mahaba rin ang buhok niya ngayon. He is wearing an all-black outfit. From his longsleeves polo down to his shoes. With gold wristwatch as his… kumurap ako. Napansin kong ang isang tainga niya ay may thud earrings. Akala ko ay relo lang ang accessory nito. Ganoon naman dati.
“Long time no see,”
Bahagya ko siyang tinapik sa kanyang braso. “Oo nga. Ang tagal na rin noong huling tapak mo rito sa Batangas.”
He smirked. I got confused. Parang… may nagbago sa lalaking ito.
“Marami lang trabahong hindi ko maiwan. Pero namiss ko rin dito.”
“Ikaw ba naman, e. Dalawang kumpanya ang kina-career mo. Masyado kang magaling na investor at dugong-Frago.”
Tumaas pa ang ngisi niya at nagkibit ng balikat. Sunod kong niyakap si Billy. He is grown up! Mamang-mama na ang dating at ang sabi ay malapit nang magsimulang pumasok sa kumpanya ng Frago.
“Kumusta na, ate Angel? Lalo kang gumagandang tulad ni ate Heaven.”
“Aba… mukhang magaling ka nang mambola!”
It is really good to see them both again. Bumabalik ang magagandang memories noong unang beses ko silang nakilala. Kahit may nangyaring gulo sa villa nina Heaven noon, nagkaroon naman ako ng mga bagong kaibigan.
At kahit nagbreak na kami ngayon ni Jandro, tila walang nagbago sa trato nila sa akin.
Napakamot ng ulo ni Billy. Binuyo siya ni Euric. Si Dreau ay lumapit sa amin at tinapik ito sa balikat.
“Ilan na ang chiqs mo, Billy?”
“W-Wala po, Kuya Dreau.”
Humalukipkip si Dreau. May ngisi sa mukha.
“Okay lang naman mag-girlfriend. Pero palagi kang magbaon ng kapote para iwas-“
“Trojan Dreau Frago!”
Napabaling ako kay Heaven na ngayon ay hinila ang asawa at kinurot sa tagiliran nito.
Kumunot ang noo ko. Nahuli kong nagtatawanan sina Jandro at Euric. Pati ang ibang tauhang kasama nila. Ano kayang pinagkakatuwaan ng mga ito? Si Billy na pulang pula na ang mukha.
Pagkatapos ng biruan, tuksuhan at buyo, ipinakilala ni Jandro si Marina kina Euric at Billy. Agad silang inasikaso ni Marina. Lumabas sina Manang Lucinda at Roselia para ihanda ang mga pagkain.
Nag ihaw ng barbeque si Jandro. Naupo kami sa kubol. Habang sina Cardo at ibang kasamang tauhan ni Dreau ay nakabantay sa paligid. Pati ang ilang tauhan ni Jandro sa farm.
Napansin kong sina Jandro at Marina ang punong abala sa pag aasikaso sa mga bisita. Pati na rin sa amin ni Debra. Masasarap ang mga pagkain at ang mga lalaking kasalo namin ay parang mga dragon na gutom na gutom. Nagagawa pa nilang magkwentuhan at tawanan na parang hindi mabusog busog.
It is kind of comforting to see all of them now. We all grown up pero ang turingan ay magkakabarkada lang. Heaven is my bestfriend. Nagkaroon ng extension nang naging sila ni Dreau Frago. Lalo na noong naging kami ni Jandro. Solid ang samahan namin noon. I liked their company. I liked our conversations and drinkings at night. It was one of the best moments in my life.
“How long are you staying here, Marina?”
Sumapit na ang dilim. Katatapos lang naming kumain nang tanungin ni Debra si Marina. Magkatabi sila sa upuan. At kami naman ni Heaven. Dalawang mesang pinagdugtong ang gamit namin kaya magkaharapan kaming apat na babae at sa kabilang side naman ang mga lalaki.
Uminom muna ng kanyang tubig si Marina bago nilingon si Debra.
“It depends on him.” turo nito kay Jandro.
“Ahh. So, what if… he… ah chooses to be here and… not there? I mean… ah… there in your home country, Mexico?”
Marina laughed.
Napabaling kami sa kanya ni Heaven.
“I don’t think he is going to stay here for good. He owns a huge ranch in Mehiko (Mexico) and he can’t abandon that.”
“So… you mean to say… Jandro este si Draco… will still return in Mexico?”
Tumango si Marina. Tiningnan niya ako at ngumiti.
“Ofcourse. After his work is done here, we will fly back in my country. Definitely.” And she nodded at me directly.
Nang lingunin ako ni Debra ay agad kong binaba ang mata ko sa plato ko. I took the fork and I pretended to take the last bite of my beef. Hinati ko iyon at kinain. Heaven also looked at me. But I refused to answer that.
Hinapit ni Dreau sa baywang si Heaven at binulungan.
I am fully aware that these men, all of them, especially Jandro heard what Marina says.
At binalingan nila akong lahat.
“Excuse me,”
Tumayo ako at iniwan sila sa mesa. Ramdam ko ang pagsunod ng mainit na mata sa akin. Nakasalubong ko si Roselia na papalabas no’n.
“Saan ka pupunta, Angel?”
“CR lang.” nagtuloy tuloy ako sa kusina.
Pagbalik ko sa kubol, nakatayo ulit si Jandro sa harap ng ihawan. Binabaliktad niya ang stick ng barbeque. Habang ang isang kamay ay may hawak ng beer. Nag iinuman na sila roon. Except kay Heaven.
Nag uusap usap na sila kaya kaunting awkward lang ang nadama ko.
“Iinom ka ba, Angel?” alok ni Debra sa boteng hawak niya.
Nakita kong orange juice ang kay Heaven. Nakaakbay sa kanya si Dreau at may sarili ring bote.
Kinuha ko ang baso ko ng tubig. Inusod ko iyon kay Debra.
“Iinom ka?!” she excitedly asked again.
“May juice, Angel.” Mahinang alok ni Heaven.
Binalingan ko siya. I tried to make this light. Hindi naman ako lalaklak nang marami. Kaunti lang. Tikim lang.
“Tikim lang,” biro kong sagot.
Suminghap si Heaven. Kinuha ni Debra ang baso at sinalinan. Kalahati ang nilagay niya.
Marina is also drinking. So, I guess, it is just fine. After all, mini reunion naman ito.
Pero hindi ko pa naiinom, nababahuan na ako sa amoy. Damn. Nakatitig pa naman sa akin sina Debra at Heaven. So, in the end, I tasted it. Ngumiwi ako sa pait at baho. Hindi naman mabahong mabaho. Hindi lang kaaya aya talaga ang aroma nitong beer para sa akin.
“Dapat pala sa ‘yo ‘yung five percent lang na alcohol.”
Naubo ako at sabay baba ng baso. Naramdaman ko ang paggapang ng init sa mukha ko. Kaunti pa lang iyon pero pakiramdam ko ay talagang tatamaan ako agad.
“Kung hindi ka sanay, ‘wag mo nang pilitin, Angel.” Tukso ni Dreau.
“Hindi ka marunong uminom?”
“Kaunti lang, Euric.” Sagot ko.
“Ah. O baka mabilis kang malasing?”
Nagkibit ako ng balikat. “Hindi ko alam.”
“Dapat coke ‘to, Jandro!” sigaw ni Dreau. “Ibili mo ng coke!”
Nagtawanan sina Euric at Billy. Pati si Billy ay may sarili ring bote.
“Bakit?”
Nilapag ni Jandro ang nalutong BBQ sa mesa. Tiningnan niya ako. Kunot ang noo. Tinuro ni Debra ang baso ko.
“Hindi na siya baby mo,”
“Debra!” suway ko.
Marina is smiling and watching us. Nag uusap kami sa Tagalog kaya wala itong naiintindihan. Gusto ko siyang hilahin at ilayo rito pero hindi ko kaya. Ako ang nahihiya sa ganitong pagkakataon.
“Hayaan mo.”
Bumalik ulit si Jandro sa ihawan.
“Woooh! Deadma?” sabay ngising aso ni Euric. “Pinapayagan ka na niyang uminom, Angel? What happened?”
Tiningnan ko siya at inirapan. s**t. May tama na ba ako?
“Shut up, Euric.” Saway ni Dreau.
Tumawa si Billy at tinabihan si Jandro sa ihawan. May sinabi sa kanya. Tapos ay binalingan kami.
“Kunwari lang ‘yan nang aasar, Kuya Dreau. Gan’yan talaga kapag iniwanan ng asawa.”
Kumurap ako. “Asawa? May asawa ka na, Euric?” nagulat ako. I immediately checked his finger. May gold band nga.
“I’m sorry. I didn’t tell you. Ayaw niya kasi…” patagong bulong ni Heaven sa akin.
Kumunot ang noo ko. What is it? May problema talaga siya?
“Ang daldal mo, Billy. Papaihaw ko ‘yang dila mo d’yan!” sabi ni Euric na tila nalalasing na.
Tumayo si Dreau. Humugot ng sigarilyo sa kahang nasa mesa. Heaven saw that and cleared her throat. Nang marinig iyon ni Dreau ay binalik niya ang stick sa kaha nito at napakamot ng ulo.
“May asawa na rin pala siya?” bulong ko.
Heaven sighed and looked back at me. “Hindi ko alam kung anong rason kung bakit bigla na lang nag-alsa balutan si Donna. Siguro ay may pinag awayan silang matindi. I really hope she’s well now.”
“Si Donna?”
She nodded. Nagkatinginan kami ni Debra. Bumaling din sa amin si Euric dahil napalakas ang banggit sa pangalan ng asawa niya. Pagkatapos ay inubos nito ang iniinom at nagsindi ng sigarilyo.
Natahimik kami. Hiya at pagsisisi ang naramdaman ko. Nang magpaalam si Marina para matulog ay mas lalo lang tumahimik sa mesa namin.
Umihip ang panggabing hangin. Bumalik sa sasakyan si Dreau. Pagbalik nito ay nilagyan niya ng shawl ang mga balikat ni Heaven. She murmured her thanks and looked at her brother-in-law. Tila nagmukhang delubyo ang mukha. Habang sina Jandro at Billy ay nagbubulungan at patingin tingin kay Euric.
“Hindi ba, ninang din ni Aaron si Donna? Siya ‘yung masayahin at cute?”
I nodded at Debra. Bahagya ko rin siyang sinipa sa paa para maipaalalang natahimik na si Euric sa upuan niya.
“Iinom mo na lang ‘yan, Euric. At matulog.” Sabi ni Dreau sa kanyang kapatid.
Sumimsim ako sa baso ko. We tried to divert our topic. Pinag usapan na lang naming mga babae ang studio at upcoming project namin. Hindi ko na alam ang sinasabi ni Dreau sa kapatid niya pero mukhang umokey din naman.
“Ikuha mo kami ng Kebab, Angel. Ubos na, oh. Sana may isaw din.”
“Walang isaw at betamax.”
“Uy, kumakain ka no’n, Euric? Ang galing, ha!”
Dahil wala sa ihawan si Jandro kaya lumapit ako. Nag uusap naman sila ni Dreau. Mahina na ang baga at tila pinapainitan na lang ang mga natirang stick. Namili ako at saka nilagay sa pinggang dala ko.
I’m in the middle of it when Jandro stood by myside. Inagaw niya ang stick na kinuha ko.
“Sunog ‘yan. Ito na lang,”
Siya ang namili. Inilapit ko ang pinggan para maabot niya.
He sighed. “Bakit ka uminom?”
“Bakit? Bawal?”
Siya nga ay uminom din.
“Hindi ka marunong uminom.” May diin niyang sabi pero mahina ang boses.
I smirked. “So? Nasa bahay naman ako. Ayan lang ang kwarto ko.”
“Paano kung sumuka ka?”
“Kaunti lang ang ininom ko! Hindi ako malalasing! OA ka!” matalim ko siyang inirapan at talagang hindi ako papayag na pagsabihan niya.
“Ayos na ‘to.” Sabi ko sa limang stick ng vegetable kebab sa pinggan ko.
Bumalik ako sa mesa at naupo.
“Uy, Jandro,”
Kinuha niya ang iniwang upuan ni Marina at tinabi sa akin. Parang haring naupo siya roon.
“Ano?” tanong niya.
Umirap ako at kumuha ng kebab. Hinipan ko muna bago kinagatan ang pepino. Pinakinggan ko ang kinukwento ni Debra tungkol kay Gerry.
“Nag aaya nga pala ‘yun sa Bawi Eco Trail, Heaven. Sama na rin kayong lahat!”
“Swimming?” lumapit na si Billy at nakinig.
Tumango ako sa kanya. “Sama ka?”
“Sige, ate. Susulitin ko ang bakasyon ko bago pumasok sa opisina.”
Euric chuckled. “Sigurado ka na bang kina Kuya ka? Pwede rin kitang ilakad sa mga Altamirano.”
Mabilis na umiling si Billy. “Kay Kuya Dreau ako loyal!”
Heaven smiled at him. Hinanap niya ang asawa na ngayon ay lumalapit kay Cardo. She sighed and shook her head.
Inabot ko ang baso ko. Yumuko ako nang hindi ko makapa sa mesa. At pag angat ko ng tingin, tinutungga na ni Jandro ang beer ko!
“Sa akin ‘yan, e!” I kicked his leg.
Napaigtad siya sabay baba pero wala nang laman na baso ko. Nagtawanan sina Debra.
“Wala na. Iba na lang ang inumin mo.” may diin niyang salita. He licked his lips and stared at me.
Mamula mula na ang pisngi niya. Pero hindi pa siya mukhang lango o ano.
Tumayo si Debra para kumuha ng bagong bote at inalok niya sa akin. Nagsalin ako sa baso ko. Kalahati ulit.
“’Wag ka na ngang uminom.”
Inagaw iyon ulit ni Jandro at inisang tungga.
“Mukhang malalasing ni Angel si Jandro, ah.”
Inilingan ko si Euric at tinantanan ko na ang bote na iyon. I don’t want them to see how we are at each other. Wala silang kaalam alam kung bakit nandito pa rin ako sa farm ni Jandro. Alam kaya ni Dreau? Pero sigurado akong walang alam si Heaven dahil siya ang unang hihila sa akin paalis ng villa na ito.
“Picture, picture!”
Tumingin ako sa camera ni Debra. Nakahabol si Dreau at umupo sa tabi ng kanyang asawa. Umabrisiete sa akin si Heaven. Ngumiti ako at dumikit sa kanya pero naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa baywang ko.
“Isa pa!” sabi ni Debra.
Naririnig ko ang bulungan ni Dreau at Heaven. Gusto ni Dreau na yumakap sa asawa kaya binitawan ni Heaven ang braso ko. Hindi ko na sila nilingon. Nilapag ni Jandro ang kamay at braso sa kandungan ko at pinagdidikit ang mga tuhod ko. Siniko ko siya sa kanyang tagiliran. Paiba ibang anggulo ang paghawak ni Debra sa camera ng phone niya.
“Kamay mo.”
“Ano?”
“Alisin mo.”
“Ang alin?”
“’Yang kamay ko mabigat.”
“Ahh.”
Pero hindi niya pa rin inalis. Binunggo ko ng hita ko ang hita niya. Binalingan niya ako. Inakbayan ang sandalan ng upuan ko at lumapit sa tapat ng tainga ko.
“You’re still my baby…”
“Ayannn! Ang gagandang nilalang ng mga ‘to!”
Tinitingnan ni Debra ang kuha sa phone niya. Sina Euric at Billy naglabas na rin ng kanya kanyang cellphone at napunta roon ang kanilang atensyon. Habang may sariling mundo sina Dreau at Heaven.
Nakatitig at nakaakbay si Jandro. He smells of his perfume and a bit of smoke from the grill. Amoy beer din pero nangingibabaw ang bango niya. Tiningnan niya ang labi ko. Pinagmasdan niyang matagal. At nang siniko ko siya ulit sa tagiliran ay saka niya lang inalis ang titig sa akin.
“Pwede ba kaming mag ikot dito bukas, kuya Jandro?”
Binalingan ko si Billy. Nakataas ang cellphone pero kay Jandro nakatingin.
“Ipapahanda ko ang kabayo bukas.”
“Sama ako.” Habol ni Euric.
“Kahit anong oras ay pwede kayong bumalik.”
“Yess!” masayang sagot ni Billy.
Uminom ako ng tubig at pinagpatuloy ang pagkain ng kebab. Hindi ko dinidikit ang likod sa sandalan dahil sa braso ni Jandro roon.
“Magbubukas ba kayo bukas ng studio?” bulong ni Jandro sa tainga ko. Ramdam na ramdam ko ang paghagod ng mainit niyang hininga sa balat ko.
“Halfday siguro.”
“’Wag na. Samahan mo sina Billy bukas dito,”
“Aalis ka?” sabay baling ko sa kanya. Na sana ay hindi ko ginawa. Halos magtama ang mga labi namin sa sobrang lapit ng mukha niya.
“Hindi. Nandito pa rin ako.”
Tumango ako. Tiningnan ko si Debra na nakapangalumbaba habang may tinitingnan sa cellphone. Kinuha ko na rin ang cellphone ko para makatingin sa iba bukod sa kay Jandro.
Binuksan ko ang internet at nag f*******:. Nakapag upload na agad si Debra ng group photo namin. Nakatag kaming dalawa ni Jandro. Dalawang litrato iyon. Nilakihan ko at tiningnan.
Iyong una ay nakaabrisiete sa akin si Heaven pero si Jandro ay hindi nakatingin sa camera kundi sa… sa akin.
Shit. Kumalabog agad ang dibdib ko at tila may kumikiliti sa tiyan ko. Uminit ang pisngi ko.
Iyong pangalawa ay na kay Dreau na si Heaven. Hindi nagbago ang pwesto nina Euric at Billy. Kita sa litrato ang pagharang ni Jandro sa mga binti ko. Mas magkadikit kami. Nakatingin na siya sa camera pero hindi nakangiti. Seryoso ang kanyang mukha. Habang tipid na ngiti ang labi ko.
“Maiinggit si Gerry sa akin.”
Nag angat ko ng tingin sa kanya. Nakasilip din siya sa cellphone ko. Kahit nahuli ko ay ni hindi ito bumaling sa ibang dereksyon.
Nagdekuatro ako ng upo. Hindi sinasadyang humantad ang hita ko dahil pumagitna ito sa hati ng dress ko. Imbes na ayusin ko ay inunahan ako ni Jandro at siyang nagtakip sa hita ko.
I went back to see my phone again. Never minding his near presence. His hands and his skin. Never minding his breath and his touch. I am not drunk. But my blood is circulating in a different way. I can’t move anymore. I can’t stop him. I can’t… I can’t even stand up and leave him.
Ang sapantaha ko ngayon, kapag mas lalo akong naiinis sa ginagawa niya, mas lalo kong nagugustuhan ang nararamdaman ko.
Mali, mali at mali talaga. Kinuha ko ang baso ng tubig at sumimsim. Dumikit siya at yumuko. Halos magkatabi na ang mga ulo namin sa pagtingin sa cellphone ko.
I scrolled down on my account. Dinadaanan ko lang ng tingin ang mga post doon. Wala akong naiintindihan. Maliban sa mabilis na t***k ng puso ko.
“Pinalitan ko na dapat noon ang pangalan mo...” he muttered out of nowhere.
I didn’t look at him. Tumahimik lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Nagtag pa si Debra ng ibang litrato namin.
Natapos ang gabing iyon na masaya at humabol ang kaba. Babalik ulit sila bukas para pasyalan ang farm. Sa villa nina Heaven matutulog sina Euric at Billy. Si Debra ay dito na pinatulog ni Jandro.
Nakaalis na sina Heaven nang pumasok kami sa villa.
“Okay na ako sa room ni Angel.”
Sinundan ako ni Debra sa kusina. Naroon pa sina Roselia at naglilinis.
“You can use her room upstairs, Debra. Maliit ang kama ni Angel sa baba.”
Natigilan ako. Nahiya akong lingunin ang kaibigan ko.
“Ow… key.”
Naglinis na lang ako ng katawan at nagpalit ng damit. Antok na antok na ako kaya pagkapasok sa kwarto ay bumagsak na lang ako sa kama at pumikit. Parang may mga bato ang talukap ng mata ko sa bigat. At dala na rin ng pagod.
Para akong nananaginip nang maalimpungatan. I heard the door’s sound. But I didn’t open my eyes. Nakatagilid ako ng higa. Ang lamig ng hangin sa bentilador at hinihila na ako ng antok.
Lumundo ang kama. Ngayon, may pamilyar na amoy na akong naaamoy. May yumakap sa baywang ko at sumiksik sa tiyan ko. Bahagya akong napaigtad nang magising. Tiningnan ko ang taong humiga sa tabi ko at siniksik ang sarili sa makitid na kama.
Ang malaking kaha ng katawan ni Jandro. Yumakap siya sa baywang ko. Hindi niya binuksan ang ilaw pero kilalang kilala ko siya kahit sa dilim.
“Jandro,”
Nasa ibaba ng dibdib ko ang kanyang buhok. Hinagod ko iyon at hinila para makita ang kanyang mukha. His eyes are closed. Mamasa masa ang ibabaw ng kanyang buhok na parang naghilamos muna bago bumaba rito.
“Mmm…” ungol niya at nilubog ulit ang mukha sa tiyan ko.
I don’t want to panic because he is here again. In the middle of the night. Mukha siyang pagod at antok na antok na tulad ko. Though, mas marami siyang nainom kaysa sa akin.
“Go back to your room, Jandro.”
Hinigpitan niya ang yakap sa baywang ko.
“Jandro.”
“Hmm. Mas gusto ko rito…” he muffled on my tummy.
Hinagod ko ulit ang buhok niya. “Hindi pwede.”
“Umkay… let’s go upstairs…”
I sighed. Inaantok na ako. Bumabagsak na ang talukap ko. “Jandro…”
Wala na akong narinig na sagot sa kanya. Mukhang nakatulog na.
Bahagya kong sinuklay ang buhok niya. Pabagal nang pabagal ang hagod ko. I can touch him. I can smell him like this.
Pinikit ko ang mata ko at binaba ang kamay sa kanyang balikat. “Jandro…” ang huling tawag ko bago nakatulog.