Chapter 12

4536 Words
“Honor your father and mother, so that you may live long in the land the LORD your God is giving you.” – Exodus 20:12 -- Chapter 12 Angel Loise Kahit hindi pa masyadong lumalapit ay natatanaw ko na ang Raptor sa tapat ng nakasarado naming studio. Kumakalabog ang dibdib ko. Kaba o takot na makita kahit sasakyan pa lang ni Jandro. “Naghihintay sa labas si Jandro mo?” kalabit sa akin ni Debra. Wala sa sariling tumango ako nang tingnan ko ang phone ko. I texted him when we left the fast-food chain. “Si Mr. De Narvaez ‘yan, ah. Sinusundo ka ulit niya?” Napabaling ako kay Richard. Narinig ko ang pagbungisngis ni Debra sa likuran. “E, araw araw ‘yan, Engineer. Hindi pinagpag tricycle ni Jandro itong si Angel sa pag uwi.” maagap na paliwanag ng kaibigan ko. Kung ako ang sasagot kay Richard, I might not be able to answer him back. O-oo ako pero hindi ko mapagtatakpan ang totoo. Lalo na at kumakalampag ang dibdib ko ngayon. Wala pa ang presenya ni Jandro ay kinikilabutan na ako. “He’s just concerned, then?” “Uhm… ganoon na nga,” I hesitantly answered. Marahang tumawa si Richard. “I asked Tito Samuel about the De Narvaez. Pero feeling ko, may tinatago siya sa akin.” sinulyapan niya ako at kinunutan ng noo. Debra chuckled. “Hay, nako. ‘Wag niyo nang pag usapan si Jandro. Malakas ‘yan!” Mariin kong nilapat ang labi. “Malakas?” “Ibang klase ang background ni Jandro, Engineer. ‘Wag mo nang alamin at baka-“ “Debra.” Awat ko. Sinulyapan ako ulit ni Richard. “Oopsie. Sorry.” “You know him, Angel?” I sighed. “Oo…” “Ah.” Silence reigned inside his car. Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa iparada ni Richard ang kotse niya sa likod ng nakaparadang Raptor ni Jandro. “Kilala mo na siya bago bilhin ang farm mo?” Richard is still asking me. Kahit nakahinto na kami. Tinanggal ko ang seatbelt at pati rin siya. Hinarap niya ako at parang araw pa akong pababain. “Y-Yes…” alanganin kong sagot. “At Jandro ang tawag mo sa kanya? Alyas niya ba ‘yan? His full name is Draco de Narvaez?” “Hindi ko rin alam, Richard.” He nodded but still thinking. Lumunok ako at binuksan na lang ang pinto. “Ang sabi ni Tito, bigtime rancher itong si Draco de Narvaez sa Mexico. I never been in that country so I am not sure. One of these days siguro, I will try to research about him.” Naubo si Debra. Pagbaling ko sa kanya, sinalubong niya ako ng tingin at pinanlakihan pa ng mga mata. “There is something-“ Mariing tinuro ni Debra ang harap ng kotse sa labas. Hindi ko naintindihan ang sinasabi ni Richard dahil natabunan na ito ng matinding kalabog ng dibdib ko nang makitang nakababa na ng Raptor niya si Jandro at ngayon ay palapit sa amin. “Mukhang delubyo ang mukha, ah?” “Tsk.” I voiced out. “Wait, Angel!” Hinawakan ni Richard ang braso ko. Napabaling ako sa kanya sa pag aakalang may sasabihin pa siya. Pero imbes na magsalita, tiningnan niya lang ako. “Mauna na ako sa ‘yo, Angel.” Binuksan na ni Debra ang pinto. “Hi, Jandro! Kanina ka pa d’yan? Galing kami sa Jollibee, e.” “Bakit, Richard?” He licked his lips. “Ano…” Hinintay ko ang sasabihin niya. Lumapad ang pagkabukas ng pinto sa gilid ko. Kinatok ni Jandro ang bubong bago yumuko at sinilip kami. Agad kong hinila ang braso sa hawak ni Richard pagkakita ko sa seryosong mukha ni Jandro. I cleared my throat. “T-Thank you, Richard.” “Akala ko magtatagal pa kayo d’yan.” “Hindi,” sagot ko kay Jandro na binigyan nang malamig na tingin si Richard. Umatras siya para makababa ako. Sa driver’s side ay bumukas din ang pinto. “Salamat, Engineer! Good night!” Nakadama ako ng pagluwag ng hininga nang magpaalam si Debra kay Richard. Hindi ko na halos mabalingan ito dahil sa paghawak ni Jandro sa baywang ko. I bit my lip. Naglakad ako patungo sa studio para maibsan ang kaba pero kasunod ko rin si Jandro at ang nakapulupot niyang braso. Nagpaalam din si Richard. Ramdam ko ang titig niya kay Jandro at sa akin. Kahit hindi ko lingunin, damang dama ko iyon. Nang buksan ni Debra ang pinto ng studio, bigla niya akong hinarap at kinuha sa akin ang bitbit ko. Ni hindi na niya ako hinayaang pumasok sa loob. “Iuwi mo na ‘yan. Hindi na maipinta ang mukha.” Bulong niya at pasimpleng nguso kay Jandro sa likod ko. Binigay ko ang hawak ko. Binaba niya ang tripod sa ibabaw ng counter. Tapos ay hinarap niya si Jandro at kumaway pa. “Bye, Jandro! Pahatid na lang kay Angel, ah? Ingat kayo!” and then she closed the door. Bahagyang umawang ang labi ko. Pinagsaraduhan talaga ako ni Debra? But then… There is no point of staying in the studio. Gabi na. Bukas ko sisimulan ang pag e-edit ng pictures at may specific deadline naman ako sa pagbigay no’n sa kliyente. Sa ngayon ay hindi ako loaded sa trabaho. “Let’s go.” Aya at sabay hila sa akin ni Jandro sa baywang ko. Nagpatianod ako. Binuksan niya ang pinto ng Raptor sa harap. Tahimik akong sumakay doon. Pagkaupo ko, hindi ako kumilos para tanggalin ang bag ko at magsuot ng seatbelt. He is staring at me. Quietly. And I don’t want to stare at his eyes. Takot akong makita ang mayroon sa matang iyon. Nanginginig ang mga daliri ko. Lumapit siya sa akin. Kasing lapit noong halikan niya ako sa ganitong posisyon din. Kinuha niya ang backpack ko. Nilagay niya sa kandungan ko. Sunod niyang hinila ang seatbelt at sinuot ito sa akin. Hindi ako gumagalaw nang dumaan ang mukha niya sa harapan ko. Tumigil ako sa paghinga dahil sa emosyong naramdaman. He is quiet. At kung magsalita naman ay matipid. Tinitigan niya ako ulit pagkaayos ng seatbelt. Saka sinarado ang pinto. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya sa harap at hanggang sa maupo ito sa driver seat. Still not talking. Mabagal ang pagdrive niya. At nang hindi niya niliko ang Raptor papunta dapat sa farm, kumunot ang noo ko’t binalingan na siya. “Saan tayo?” He heaved out a sigh and didn’t answer me. Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Pagkaraan ng halos trenta minutos na pag iikot sa Padre Garcia, umuwi na kami sa villa. “Kumain ka na ba?” “Hindi.” He sighed again. Like as if I am forcing him to talk. Bumaba kaming pareho pero nauna siya sa pag akyat sa hagdanan. Nagdere deretso siya sa pag akyat sa taas. Lumiko ako sa pakusina. Naabutan kong nanonood ng TV sina Manang Lucinda at Roselia roon. Hindi ko sila nabati at nagsalin agad ako ng tubig galing sa refrigerator. “Gusto mong maghapunan, hija? Kayong dalawa ni Mr. De Narvaez ang-“ Binalingan ko si Manang at inilingan. “Kumain na po ako. Si Jandro na lang po,” “Ah… okay. Hanapin mo nga siya at tanungin kung gusto nang kumain, Roselia.” Umalis si Roselia at sinunod ang utos ni Manang Lucinda. Naupo pa ako roon sa kusina. Tulala sa mga nangyari kanina. Tumatawa si Manang sa palabas na pinapanood nito kaya hindi niya ako napapansin. Kinuha ko ang cellphone. Ako: Mag dinner ka na He looked tired. Hindi ako sigurado kung ilang oras siyang naghintay sa labas ng studio ko pero kung susuriin mo siyang mabuti parang kanina pa. Sinilip ko ang text niya kung saan nagtanong siyang bakit sarado kami. Pasado alas tres ng hapon. Siguro, dahil wala akong reply mula kaninang umaga, pinuntahan na niya ko sa studio. Hindi na kaya siya umuwi mula no’n? “Ayaw po niya, Manang.” Napaangat ako ng tingin kay Roselia pagbalik nito. Tinungo niya ang kalan at binuksan ang takip ng kaldero. Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Bakit daw?” Nagkibit ng balikat si Roselia. I shifted on my feet. “Busog ba siya?” “Walang sinabi, e. Basta ayaw niya. Hindi na ako pinagbuksan ng pintuan. Itatabi ko na ito sa ref, Manang?” “Oo, sige.” Sagot ni Manang na nakatututok pa rin sa TV. “Sana pinilit mo, Roselia.” Giit ko. “Baka magalit. Saka parang mainit ang ulo base sa tono ng boses niya.” “Tsk.” Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala siyang reply. Bakit ganito? Feeling ko, kasalanan kong ayaw niyang maghapunan. Ako: Anong oras ang huli mong kain? Naupo ako ulit. Nagliligpit na ng pagkain si Roselia. Tinungo nito ang refrigerator para itabi roon ang nalutong ulam. I checked my phone. Wala pa rin siyang reply. Ako: Jandro, kumain ka bago matulog Ano bang dapat kong sabihin? Mag sorry? Kahit trabaho naman ang pinanggalingan ko’t pinagkabisihan. Dapat ba akong mag sorry dahil hindi ko nabisita ang phone ko? Napi-feel ko na ang frustration sa pagdaan ng mga minutong hindi niya ako nire-reply-an. Gumaganti kaya siya? Ano sa tingin mo? Naalala ko pa ang tono niya nang tanungin ako niyan. Nakasambakol ang mukha kong pumasok sa kwarto ko. Nanonood at nagtatawanan pa rin sina Manang sa kanilang pinapanood nang iwan ko. Naligo ako at nagpalit ng damit. Tie-dye na spaghetti strap dress ang kinuha ko sa aparador. Hinayaan kong matuyo ang buhok sa tapat ng bentilador bago ko pinatay ang ilaw. Humiga ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko. He didn’t reply. Kaya tinabi ko na ulit iyon at sinubukang pumikit. Bumaling ako sa kabilang ng parte ng kama nang maalimpungatan. Nakatagilid ako. Nilagay ko ang mga kamay sa ilalim ng pisngi ko. Naririnig ko ang langitngit ng bentilador na pinapaikot ko para mas masarap ang tulog ko. Tiningnan ko iyon. Nakita ko ang bentilador. Tinitigan ko ang elisi nito. At ang likurang bahagi. Kumurap ako. Hindi ko nilakihan ang mata ko dahil sa utak ko, wala lang iyon. Madilim kasi. Kaya kung anu anong imahe o anino ang nakikita ko kahit dala lang iyon minsan ng imahinasyon ko. Pero nakita ko ang isang imahe na nakatayo sa pinto. Pinikit ko ang mata at dumilat ulit. Kalahati lang ng katawan ang tiningnan ko. I refused to look up. Hindi pa ako kinakabahan. At the back of my mind, hindi ako matatakutin. At hindi ang tipo ko ang sumsigaw kapag nakakakita ng multo. They could pass in front of me without me screaming or what. Naniniwala naman akong hindi nila ako sasaktan o mahahawakan. Saka, sandali lang iyan nagpapakita. This time… ilang beses akong kumurap kurap. Hinihintay kong mag disappear o masanay ang mata ko sa dilim para mawala na ang imaheng itim na iyon. Pero palinaw nang palinaw ang nakikita ko. May taong nakatayo sa pintuan ko! Kumilos ang imahe. Napabangon ako at atras sa pader. Nakakaisang hakbang palang ito ay nakilala ko na ang bulto at mukha ni Jandro! Shit! Kumakalabog talaga ang dibdib ko. “Peste ka! Anong ginagawa mo d’yan?!” Hinablot ko ang unan ko at binato sa kanya. Nasalo niya iyon at lumapit sa akin. “Kanina mo pa ba ako tinitingnan?” napahawak ako sa dibdib ko at masama siyang tinitigan. “Naka-lock ang pinto. Pa’no ka nakapasok?!” At hindi siya itim na imahe. Nagtatago siya sa dilim habang nakatitig sa akin. “Sinusian mo ako?” bumaba na ang boses ko pero hindi ang kabang naramdaman ko. Binalik niya ang unan ko sa dati nitong pwesto. Umupo sa gilid ng kama. Wala siyang ibang suot kundi ang kanyang itim na pantalon. In the darkness, I could see his upper naked body. His strong and chiseled chest and abdomen. His broad and muscled shoulders. His body matured. His skin darkened by long years of working under the sun. It looked bigger and harder than the last time I saw him… very naked. What is wrong with him this time, ha? Tinititigan niya lang ako. “Jandro…” “I’m hungry.” “Edi kumain ka. Kanina pa kita tinext na kumain bago matulog-“ “Dapat pakainin mo ako.” Tinuro ko ang labas. “Nasa kusina ang pagkain.” “Then feed me.” “Pumunta ka pa rito para sabihin ‘yan?” Mabagal siyang tumango. Umirap ako at inalis ang kumot sa baywang ko. Sinulay ko ang buhok ko nang basta na lang gamit ang nanginginig kong kamay. “Bakit ka lumipat ng kwarto?” Sinundan niya ako sa kusina. Tiningnan ko ang pwedeng mainit sa refrigerator. “Magkakanin ka ba? Anong oras na?” Tumingala ako sa orasan na nakasabit sa pader. Ala una kinse ng madaling araw. Nilabas ko ang ulam. Pinasok ko sa microwave. May kanin pa sa rice cooker at ininit ko rin. Tapos ay kumuha ako ng plato at kubyertos. Pagharap ko sa mesa, naroon si Jandro. Nakaupo at tahimik akong pinapanood ko. Madilim pa. Ang isang ilaw na nakabukas ay iyong nasa tapat ng mesang kakainan niya. Ayos na siguro iyon. “Bakit ka lumipat ng kwarto?” Nilapag ko sa kanyang harap ang plato. “Mas gusto ko sa baba.” Tinalikuran ko siya para kumuha ng tubig at baso. “Mas gusto mo ang maliit at mainit na kwarto?” Nilapag ko ang mga iyon sa tabi ng pinggan niya. “Oo.” “Bakit?” “Anong bakit? Dahil gusto ko.” “Gusto ko ring bumalik ka sa taas.” “Bakit?” “Dahil gusto ko.” Namaywang ako at bumuga ng hininga sa kawalan. “Ayoko na ro’n.” “No problem. Doon ka sa kwarto ko.” “Ano?” Natapos ang iniinit ko sa microwave. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang ulam. Pagkalapag ko sa mesa, kumakalabog pa ang dibdib ko. Tumalikod ako ulit para isandok naman ito ng kanin. “Lumipat ka sa kwarto ko.” “Ayoko.” “Ayaw mo rin. Edi ako lilipat sa kwarto mo.” Pagbagsak kong nilapag ang pinggan sa harap niya. “Ano bang pinupuntirya mo, Jandro? Nambibwisit ka bang talaga? Puro pang aalakas ang alam mong gawin sa akin, e!” “Pang aalaska ba ang gustuhin kong matulog ka sa kwarto ko?” “Oo! Dahil nandoon si Marina. Ang girlfriend mo. Tapos… gusto mong lumipat ako roon? Anong klaseng kahayupan ang sinasabi mo, ha?” Bigla, parang namatanda ang kanyang mukha. “May sariling kwarto si Marina,” “I don’t care!” “Buong akala mo, nasa iisang kwarto kami, ganoon ba?” “I said, I don’t care.” “Well, I do care!” Bigla siyang tumayo at hinaklit ako sa braso at malapitang tiningnan. “Buong maghapon kitang hindi nakita at hindi nakausap. Simpleng text hindi mo ginawa. Ano sa tingin mo ang inisip ko nang hindi ka sumasagot sa akin?” “Nasa trabaho ako, Jandro. At sorry kung nakalimutan kong sabihin sa ‘yong may trabaho kami sa labas ng studio!” “Inisip kong… tinakasan mo na ako. Inisip kong… nagpakalayo ka at bigla mo akong iniwan,” Umiling ako. “Ano…” He lowered his face. “Hindi ako mapakali. Ni hindi ko magawang kumain kakaisip kung saan ka naroon. Tapos… padadalhan mo pa ako ng litratong may braso ng lalaki,” “Hindi ko sinasadya ‘yon, okay? In-update lang kita. Malay ko bang mahahagip ng camera si Richard,” “Kung hindi ko nakita, hindi mo aamining magkasama kayo?” Umawang ang labi ko. “Nililigawan ka na niya?” “Hindi!” “Hindi pa?” “Hindi! Saka, ano ba? Ano sa ‘yo ‘yon, ha?! Lumayo ka nga!” Hinawakan niya ang kabila ko pang braso. “Jandro!” He pulled me. His eyes were bloodshot and his teeth gritted. “Sa akin ka lang, Angel.” Pumupugakpugak na ang hininga ko. Tumatalim ang mata ko. Ayaw niya akong bitawan, mas lalo niyang hinihigpitan ang hawak sa akin. Na halos masakit na. “Bitawan… mo… ako!” Nanubig ang mga mata ko. It hurts that his words cut deep into my soul. Narinig ko na iyon dati. Pero hindi ganito ang tono at pakiramdam. Iba ang kanyang itsura. Noon ay nakangiti siya, tinutukso at inaakit ako. Pero ngayon… galit ang pinagmumulan ang mga salitang iyon. Is it obsession? To get even? I gasped. Pinuwersa ko na ang lakas para makawala sa kanya. Binitawan niya ako. Out of anger, I slapped his face. Umalingawngaw ang tunog sa buong kusina. Tumabingi ang kanyang mukha. Hingal na hingal, galit na galit ko siyang tiningnan. “Binili mo na nga ako, ‘di ba? Ano pang gusto mo, Jandro?! Ano pa!” “Ikaw! Ikaw ang gusto ko!” turo niya sa akin. I could feel my nostrils burning from my harsh breathing. My chest heaving rapidly. My lips fell apart as I stared at him astounded from his mad and loud tone. Nagtitigan kaming dalawa. Napako ako sa kinatatayuan ko. At nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin… wala akong nagawa. Tumingala ako sa kanya. He grabbed my waist. He pulled me into his chest. He buried his hands in my hair and touches my scalp, creating a slow and loving caress. Bumaba sa batok ko at masidhi niyang minasahe. We are both panting. Unti unti niyang binaba ang kanyang mukha at tinapat ang nakaparte niyang labi sa aking labi. Tinitigan ko iyon. Pero nanunubig ang mata ko. Lumabo ang paningin ko nang tuluyang lumapat ang labing iyon sa akin. Niyakap niya ang kanyang braso nang mahigpit. Sa unang lapat, pinirme niya lang ang labi. Tila hinuli niya ang ibabang labi ko at kinulong sa kanya. I managed to part my lips and did the same to his upper lip. Then, he started to brush his lips. He started to suck mine slowly. He is encouraging me to copy his. Ilang beses iyong naulit haggang sa maramdaman ko ang pag abante ng kanyang dila. He moaned. Uminit ang pisngi ko, kasabay ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Kumapit ako sa kanyang balikat. Dumiin ang dulo ng daliri ko sa kanyang balat, kasabay ang pagdiin niya sa akin. Nagpaubaya ako. Nalunod. Nalusaw sa bawat halik na handog niya. Nasaan ang galit ko? Binuhos ko ba sa halikan namin? Halos… hindi ko na nakilala ang sarili ko sa klase ng pagtugon na nagawa ko. I felt his tongue inside my mouth. Clashing with my own. Unti unti akong nanghina. Ang mga tuhod ko ay parang naging tubig. Kaya pinirme niya ang hawak sa baywang ko bago pa ako tuluyang bumigay sa sahig. He pushed me on the edge of table. Umatras iyon at gumawa ng ingay. But Jandro ignored it. He continued eating my lips like as if he never did that before. But then… he stronger than before. He is braver than before. And his skin is burning! Nararamdaman kong ayaw na niyang bitawan ang labi ko. Nauubusan na ako ng hangin. Bumitaw ako at tumingala. Ang labi niya ay napunta sa panga ko at patuloy sa paghalik hanggang sa bumaba ito sa leeg ko at lalamunan. He stayed on my throat. He crouched his back. And his hands cupped my braless breast. I gasped and tightened my fingers on his shoulder. Ang kalambutan at init ng dila niya ay ramdam ng balat ko sa bawat hagod nito roon. Ang balat ko ay parang sorbetes na inuubos niya. Pumipintig nang napakalakas ang puso ko. I am melting in his arms and lips. “Jandro…” I throaty called him. I listened to his sound. Tumaas ang kamay ko sa kanyang leeg. Inakyat niya ang kanyang halik sa labi ko at paulit ulit iyong inangkin. “Let’s go to your room. I want you…” Para iyong gasolinang nagpadagdag sa apoy na lumalagablab. Kinagat niya ang labi ko. “Angel baby… I want you…” Umiiling ang ulo ko pero hindi makuhang magsalita ng labi ko. Pagdilat ko ay bumuhay ang liwanag. Namilog ang mata ko. Mabilis kong tinulak si Jandro at inayos ang binagsak niyang strap ng pantulog ko. He looked a mess. Kita sa mukha niya ang gulat at inis nang balingan nito ang nagbukas ng ilaw. Uminit ang mukha ko sa hiya. “Marina.” Mas lalong namilog ang mata ko at sabay lingon kay Marina. Nakatayo ito sa tabi ng switch ng ilaw. She is wearing a black silk sleeping dress with robe. May gulat din sa kanyang mukha at tila napako sa kanyang kinatatayuan. “I… I-I didn’t notice…” “Excuse me.” “Angel,” Malalaking hakbang na umalis ako ng kusina. Nagmadali ako sa pagpasok ng kwarto ko at ini-lock iyong mabuti. Rumurupok ang mga tuhod akong naupo sa gilid ng kama. Nakita kami ni Marina. I swear, nakita niya kami. Sinong hindi mag iisip nang mali sa itsura namin ni Jandro. Nakababa na ang strap ng dress ko. Magkayakap kami. At ang tunog ng mga labi… ang mga bulungan… ang mga mabibigat na hininga… kahit sino mahuhulaan iyon! Napatakip ako ng bibig. Heto at ramdam na ramdam ko ang pagngangapal ng labi ko. Nalalasahan ko pa siya. Ang init niya ay hindi pa nawawala. Sinabutan ko ang buhok ko at binagsak ang katawan sa kama. Tumitig ako sa kisame. Natulala sa maling nagawa ko. Ano ito? Ano itong nagawa ko? Dala ng init? Dala ng tukso? Dala ng pagkakataon at sitwasyon? Pwede ba iyong idahilan? Hindi. Anong gagawin ni Marina? Dapat ko nang paghandaan kung sakaling paalisin ako rito. Tama. Iyon ang dapat gawin. At huwag mo nang ulitin, Angel. “Pupunta raw ngayon si Gerry,” Maaga naming sinarado ang studio ng araw na iyon. Nag e-enhance ako ng mga litrato sa computer kaya kahit magse-seven na ng gabi ay wala akong balak na umuwi agad. “Anong oras daw? Hindi muna ako uuwi.” Sabi ko kahit hindi siya lingunin. Nakabukas ang software na gamit ko sa pag enhance ng litrato at ang page namin. Wala pa si Jandro. “Papunta na. May dala raw siyang pagkain.” “Sige lang. Hindi ako mang iistorbo sa inyo.” “Si Angel talaga…” pangusong angil ni Debra. Tumawa ako. Kinuha ko ang phone. Ako: Huwag ka na munang pumunta. Pupunta si Gerry dito. Saka may ginagawa pa ako At that point, kumatok sa labas ng pinto si Gerry. Malaki ang ngiti at tinaas ang hawak na plastic. Tumayo ako sa likod ng counter habang pinagbubuksan ni Debra. “Magandang gabi, mga binibini!” Humalukipkip ako at natawa sa kanya. Kumalat ang amoy ng dala niyang Barbeque. Nagutom bigla ako. “Flowers for you, Debs.” “Ito talaga… nag abala pa.” “Aba’y syempre naman. May dala rin akong pagkain. Nahihiya ako kapag kayo pa ang naghanda sa pagdalaw ko. Meron ka rin dito Angel, ha?” “Hindi ako tatanggi d’yan, Gerry.” Tumawa ito nang malakas at nagkamot ng ulo. “Salamat.” Tumulong ako kay Debra na maghain. Ang gamit nilang mesa ay mga upuan. Naroon ang kanin at chicken barbeque. Pati ang mabangong suka ng grill ni Gerry. “Doon na ako sa likod,” turo ko sa counter. Tinanguan ako ni Debra at Gerry. Well, naririnig ko pa rin naman sila kahit hindi ko makita. Para may kaunting background sound, nag open ng site ng paborito kong FM Radio. 96.3 Easy Rock. Nasa tamang lakas ng volume ang speaker. Then, I checked my phone. “Oh? Tamang tama ang dating mo, ‘tol!” Tumingala ako sa pinto. He didn’t reply. Siguro ay nasa byahe na papunta rito. Hindi ko siya naitext kaagad. Pero nag update naman ako sa buong maghapon ko. Kumalabog ang dibdib ko. Naalala ang huling nagsolo kami. “Si Angel?” “Kumakain,” Binalingan niya ako. Hindi ako tumayo at nakuwaring busy sa computer. Nag usap pa sila sandali ni Gerry bago umikot sa counter. Ito ang unang beses na napunta siya sa pwestong ito. Hinila niya ang upuan ni Debra at dumikit sa akin sa harap ng computer. “Nagtext ako.” Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Saka niya lang binasa ang text ko. “You’re late.” Sabay lapag ng phone sa tabi ng phone ko. “Kumain ka muna,” sabi niya nang tingnan ang ginagawa ko. “Jandro. Kanin at Barbeque.” Abot ni Gerry sa dala niya. “Kayo?” “Meron na. Pang limang tao ang dala ko. Alam ko namang kabuntot ka ni Angel, e.” “Gago.” Nagtawanan ang dalawa. Kinuha iyon ni Jandro at nilapag. Pakiramdam ko ay ang sobrang private naming tingnan sa likod ng counter. Naririnig ko ang biruan nina Gerry at Debra pero… iba pa rin kapag tila nagtatago kami ni Jandro rito. “Tama na muna ‘yan.” “Sandali na lang,” sabi ko. Hindi siya kumain hangga’t hindi ako tumitigil. Nilagay ko muna sa f*******: page ang screen ng monitor at sinilip ang inbox nito. He took my left hand. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. Sabay bawi ko sa kamay ko. “Mamaya na ‘yan. Kumain ka muna,” bulong niya. I didn’t answer him. But he took my hand again. Dahil sa background music, hindi marahil naririnig ang bulong niya. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa pangalawang pagkakataon pero hindi niya pinayagan. Kaya mouse na lang ang nagagamit ko gamit ang kanang kamay. Humilig siya sa balikat ko at binaba ang baba niya roon. “Jandro,” my warning. Nilagay niya ang mga kamay namin sa kanyang hita. Piniga niya ang kamay ko. “Mmm?” he murmured. “Anong ginagawa mo?” Kinuha niya ang cellphone niya. Hawak ko ang mouse pero ang mata ko ay nasa kilos niya. Tinapat niya ang camera sa mga kamay namin. Kinunan niya iyon ng litrato. He took the chance to check his own photo. “Pang update ko sa f*******: profile ko.” “Bakit kasama pa rin ako?” Nilingon niya ako. Saglit na bumaba ang mata sa labi ko kaya umangat na naman ang dibdib ko sa kaba. “Gusto mong sagutin ko ‘yan, Angel? Gusto mo?” Lumunok ako. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Tumayo si Gerry at bigla kaming nilapitan. Mabilis kong hinatak ang kamay ko na nasa hita niya pero hindi niya pa rin binitawan. Bumagsak iyon. Nagawa kong itago sa ilalim ng desk. “Coke, ‘tol?” “Ibaba mo lang d’yan.” Pinanliitan siya ng mata ni Gerry. Uminit ang mukha ko. Hindi nagtagal ang mata roon ni Gerry pero… alam kong sinundan niya ng tingin ang mga braso namin. “Baka may ginagawa ka d’yang anomalya, ha? Nandito pa kami ni Debra. ‘Wag kang magkakamali d’yan, Jandro. Kilala kita.” “Gago. Maupo ka na nga.” Ngumisi si Gerry. Sa ilalim ng desk, piniga piga ni Jandro ang kamay ko. Pinaparamdam ang kanyang malakas na presensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD