“Remember the Sabbath day by keeping it holy. Six days you shall labor and do all your work, but the seventh day is a sabbath to the LORD your God.” – Exodus 20:8-9, 10a
--
Chapter 11
Angel Loise
Sinet ni Gerry ang petsa sa pagpunta sa Bawi Eco Trail. Ang sabi namin ni Debra ay magbabawi kami ng trabaho sa studio bago mag outing. Though, date nila iyong dalawa na sasamahan ko lang, pero alam kong outing na rin iyon.
Isa pa, binigyang konsiderasyon ko ang kamamatay lang ni Don Francisco.
Ayokong magulo sa kakaisip sa sasabihin ng ibang tagarito, respeto ang inuna ko sa matandang Don. Gerry and Debra understand that. Maliban sa isang tao.
All the way home, medyo pinagtalunan namin ni Jandro. Gusto niyang matuloy na at sumama. Pero pinipilit kong ako na lang. Tutal ay gusto akong kasama ni Debra. Pero nirarason niyang kaibigan niya rin si Gerry at anong masama kung sumama siya. Pinaintindi ko sa kanyang maiiwan si Marina sa villa. Dahil hindi niya siya binabanggit na sumama sa amin. Iyon ang nagpatahimik sa kanya.
Ng ilang segundo.
“Marina can understand. Kahit maiwan siya sa farm.” Giit niya.
Umirap ako sa kawalan. Noong sasagot pa ako para ihabla siya sa kanyang sariling konsensya, natigilan ako. Bakit ko ba ipinaglalaban ito sa kanya? Nag aaway pa kami sa loob ng Raptor habang nagmamaneho siya. Mainit ang ulo niya. At napipikon na ako.
Kalaunan, napagtanto kong… pamilyar na naman ang eksenang ito. Kaya itinigil ko ang debate. Bahala na siya sa gusto niyang mangyari. Sumama man siya o hindi. Basta ang agenda ko ay samahan ang kaibigan ko. Maliligo ako. Pero kung sasama pa rin siya nang wala si Marina, bahala na siya! I told him what was bothering me. Kung hindi niya magets, gago siya.
Ayoko lang tawaging third-party.
At ang katotohanang nakatira pa rin ako sa villa sa kabila ng pagbenta nito, may lamat na ang pagkatao ko. Though people won’t confront me about it… I’m getting uncomfortable. Mas uncomfortable ito kaysa noong unang tapak ko sa farm at pakasalan si Don Francisco. It feels like… it’s more complicated than before. Wala naman kasing nalalaman ang lahat ng tao tungkol sa tunay na sitwasyon. I know Attorney Divino won’t tell everyone.
Kaya nang sumunod na araw, nagpasabi ako kay Manang Lucinda’ng lilipat ako ng kwarto sa baba. Sa bakanteng silid katabi ng room nila ni Roselia. Magkasama na naman sila sa iisang silid kaya mayroon pa para sa akin.
Nagtaka sila noong una pero sinabi kong mas nararapat ako roon. Kaysa sa kwarto ko sa taas.
It’s not that big deal to them. Nagpatanghali ako sa pagpunta sa studio para maglinis ng lilipatan ko sa baba. Malapit iyon sa kusina. Ang reply ni Debra ay siya na ang bahala sa studio. Papasok naman ako sa hapon. After lunch.
“Bakit biglaan yata ang pagdesiyon mo, Angel? Hindi ba, de-aircon ka sa taas? Naku, isang bentilador lang ang mayroon dito.”
Buti na lang may single bed kahit manipis ang kutson. Malinis naman ang silid pero nangangailangan lang nang kaunting linis pa. Naglalampaso ako, si Roselia ay nagpupunas ng dingding, salamin ng bintana at basic furniture ng silid. This is still too much but enough.
“Okay na ako sa bentilador. Makakatipid pa sa kuryente.” I made my tone jolly. Dapat nga matagal ko na itong ginawa. Pagdating palang ni Jandro.
Pagkatapos naming maglinis, binaba namin ni Roselia ang mga gamit ko. Madali na dahil may maleta ako. Iyong mga personal kong gamit tulad ng hygiene products, binitbit ko na lang. Iyong iba pinalastik ko pagbaba ko. Wala akong sariling banyo sa baba kaya naghanap ako ng maliit na basket para sa paglalagyan ng shampoo, sabon, toothbrush at toothpaste ko. Dadalhin ko na lang kapag maliligo. Doon sa banyo sa kusina. Iyon din ang banyo nina Manang Lucinda at Roselia.
“Kakaunti lang pala talaga ang gamit mo, Angel. Walang nagbago. Ganitong ganito lang din ang dala mo noong unang tapak mo rito sa farm,” napakomento si Roselia matapos niyang ibaba ang huling bitbitin.
Ngumuso ako. Minasahe ko ang likod at namaywang. “Taong bahay din ako. Saka, wala akong time mag mall o mamili noon.”
“Ngayon pwede na. Kahit itong mga damit mo dine, luma na rin.” Nasilip niya ang aparador kong gagamitin at may nakasabit nang mga hanger at damit kong panglakad.
“Kasya pa kasi. Kaya okay lang.”
The room is small but fine. Ang mahalaga naman ay malinis. Magagawan ko ng paraan ang ayos nito o setup. Pero hangga’t magagamit, walang kaproble-problema sa akin. Sa panahon ngayon ng buhay ko, hindi na ako choosy.
“Sabagay. Kahit noon pa lang hindi ka na materialistic na tao. Hindi tulad ng mga sinasabi sa ‘yo ng mga tagarito sa atin. Naku, lalo na noong mga kaibigan ni Don Francisco. Kesyo, pera, lupa at itong villa lang daw ang habol mo kaya ka nagpakasal sa kanya. Ang dami nilang satsat pero hindi ka naman kilalang tunay. Ang mga tao talaga… mapanghusga. Hindi nila alam, ang laki rin ng hirap mo roon sa matanda. Wala pang iniwan sa ‘yo-”
Lumapit ako sa bukas na aparador para tapusin na lang pagtatabi roon ng damit ko. I don’t want to hear Roselia’s rant about Don Francisco and his villa. Tumikhim ako para makalahata siya pero mukhang hindi niya ako napansin. Para bang nadadala siya ng damdamin niya sa paglalahad.
Hanggang sa pinabayaan ko na lang siya at binilisan ko ang ginagawa.
Nauwi rin naman sa tawanan ang kwento niya. Gumaan na rin ang loob ko kalaunan.
Paglabas namin sa kusina, kakwentuhan ni Manang Lucinda si Marina. Nakangiti ito nang maabutan ko. Sinubukan ko siyang ngitian pabalik. Mas malaki pa rin ang ngiti niya. Dumeretso ako sa ref at nagsalin ng tubig malamig sa baso.
“You don’t have work today, Angel?” magiliw niyang tanong. Nakasandal ang likod nito sa granite counter top. Nakahalukipkip. Her long hair was in a messy bond but still look stylish.
Tinapos ko muna ang pag inom bago sumagot. She was watching me.
“I’ll be in the studio at one PM.”
Nag aalangan akong kausapin siya kahit mukha namang mabait si Marina. I haven’t seen her mad o what. Most of the time, magiliw siya.
She nodded. Sinulyapan niya ang pinanggalingan namin ni Roselia. Tapos ay ngumiti.
“Why did you move into a new room? Are you not comfortable upstairs?” now she sounded concerned.
Alam na niya. Sinabi kaya ni Manang Lucinda?
Binaba ko ang baso sa lababo. “It’s not that I am uncomfortable. I prefer the smaller room. And I think I should be out from my old room. I’m sorry it slipped in my mind to move out…”
Nalusaw ang ngiti niya. Bigla itong napaayos ng tayo.
“We didn’t want you to move out. Did Draco tell you that?”
Umiling ako. “No. I… ahm… volunteered.”
She sighed. “You volunteered to sleep in smaller room?”
“Yes.”
“Because you think it’s the proper way?”
Nalilito kong tiningnan sina Manang at Roselia.
“Yes, ofcourse.”
“Mujer… He is right. You are really something…”
Kumunot ang noo ko sa paghina ng kanyang boses. Ilang sandali akong pinagmasdan ni Marina. I refused to stare back. Kaya nag excuse ako at bumalik sa bago kong kwarto. Dahil wala na akong gagawin, naligo na ako para makapasok sa studio.
Bago pa makauwi si Jandro galing farm para mananghalian, inagahan ko na ang alis ko.
Medyo hilo ako at kabado nang makarating sa trabaho. Nasa tapat ng computer si Debra. Nang makita niya ako, sinabi niya ang ganap kanina. Usual activity but then I just felt like… something. Hindi ko ma-pinpoint kung ano pero kinakabahan ako.
Kaya unang gabi ko sa silid sa baba, hindi ako agad nakatulog. Patay ang ilaw. Tahimik. Hindi ako naniniwala sa multo pero baka… bigla akong matakot kapag nakakita. So, I slept very late that night. Mahinang langingit ng pag ikot ng bentilador ang tangi kong pampatulog.
Hindi kami nagbukas ng studio sa sumunod na araw. Pinuntahan namin ni Debra ang kiddie party ng nakuhang kliyente. Dito lang din naman sa Padre Garcia kaya nag tricycle kami. Bitbit ang gamit namin pangtrabaho.
Excited at mababait ang parents ng celebrant. It’s their son’s seventh birthday kaya raw sila nagpaparty. Nilagyan nila ng mga pambatang upuan, mesa, lobo at palamuti ang hardin ng kanilang bahay. Sa labas, nakasetup din ang kinuha nilang catering. May inarkila rin sila para sa sound system at dalawang payaso.
“Ito ang ni-reserve naming mesa ninyo, Ms Angel.”
They provided an area for us. Katabi rin namin ang ilang staff ng catering at technician ng sound system team. Bandang likod ng mga bata. Mayroon nang dumarating na bisita pero kapag nag start na ang party, saka pa lang kami kukuha ng litrato.
“Thank you, Ma’am.”
“Your welcome. Mayamaya lang din ay ihahain ang pagkain. We prepared for you, ha. Kabilang kayo sa party ng anak ko.”
I smiled at her. “Thank you, Ma’am.”
“Wait, ipapakilala ko sa inyo ang anak kong si Scott. Scottie! Come here!”
Nagkatinginan kami ni Debra. Galing sa loob ng bahay, lumabas ang kanyang anak na ang pangalan ay Scott. Nakasuot ito ng branded na polo at maong jeans. Ang buhok ay naka-gel at tayo tayo. Cute ang bata. Ang sleeves pa ng kanyang damit ay nakarolyo hanggang siko at puting puti ang mamahalin nitong rubber shoes.
“Scott, she is our official photographer. Her name si ate Angel. Call her ate, okay?”
Tiningnan ako ng mommy niya. Ngumiti ako at nag squat sa harap ng bata.
“Hello, ate Angel! I’m Scott.”
Natuwa ako. “Happy birthday, Scott! I’ll take your pictures and we’ll shoot a video with you. Are you ready for that?”
He beamed a smile and squealed a little. “Yes, ofcourse! But can you also take picture of my brothers?”
“Yes, ofcourse. Where are they?”
“Scottie!” his mom called him. Tumakbo kasi ito pabalik sa loob ng bahay. O mansyon na yata sa laki.
“Sobrang excited na po siya, ma’am.” Biro ni Debra.
“Oo nga, e. Kagabi pa lang ‘yan hindi na mapakali.”
Pagbalik ni Scott, kasunod na ang dalawa niyang kapatid na lalaki at maliliit pa. Ang sabi ng mommy niya nasa five at three ang mga ito. Ang bunso ay buhat ng tatay.
“They are my brothers. He is Fitz and he is Gerald.”
Napaawang ang labi ko. At isa isa kong tiningnan ang magkakapatid.
“Scott, Fitz, Gerald…” I looked at the father.
Tumawa ang mommy at tinapik ang kanyang asawa.
“And this is my husband, Gatsby.”
“Ah! Iyon ang kumempleto sa puzzle ko.” biro ko.
Nagtawanan ang mag asawa.
Siniko at binulungan ako ni Debra kung bakit kami nagtatawanan. Sinamangutan ko na lang siya. At dahil hawak ko ang camera at kumpleto ang pamilyang ito, kinuha ko na ang chance na litratuhan at video-han ang mag anak. They are one of the examples of a happy family. Nakakatuwa silang pagmasdan. Pati ang kanilang mga anak ay mababait. Well, mukhang namana sa mga magulang ang kabaitan.
Hindi naglaon ay nagsimula na ang kiddie party. Una ang program na nihanda at performance ng mga payaso. Naging busy kami ni Debra sa pagkuha ng mga litrato at video. Palakad lakad ako sa paligid ng garden. Minsan ay napapanood sa pag magic ng payaso pero madalas ang atensyon ko ay na kay Scott at sa mga bisita.
Nang ianunsyo na ang pagkain, hindi ako naupo para sumabay. Kinunan ko ang buffet table, ang mesa nina Scott at pamilya niya pati ang mesa ng mga kamag anakan nito. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom nang ayain na kumain ni Sir Gatsby. Kapag kasi ganitong may hawak akong camera, tuloy tuloy ang tunog ng shutter nito sa kamay ko.
“Ikaw ba ang may ari ng Pose For Us studio, hija?”
“Uh, yes, ma’am.”
Nakatayo ako sa gilid ng buffet table at kumukuha pa rin ng litrato nang hindi ko namamalayan ay nilapitan pala ako ng lola yata ni Scott. Hindi naman sila pinakilala sa akin kaya nanghula na lang ako. Though, I heard Scott called her Lola Anita.
Naglabas ako ng calling card ko. Nakangiti at dalawang kamay ko iyong hinawakan at iniabot sa kanya.
“Ikaw si Angel Loise Calavera, tama ba?”
“Ako po, ma’am.”
“Anita, bakit?”
Napabaling ako sa lumapit na matandang lalaki. Siguro ay asawa niya. Pagkalapit ay sinilip din nito ang hawak na calling card.
“Look, she is Angel Calavera. Ang asawa ni Don Francisco ng Calavera farm.”
Medyo natigilan ako nang banggitin nila ang Don. Pareho nila akong tiningnan. Kita ko ang pagbabago ng itsura ng matandang babae. Lumunok ako nang mapagtantong, hindi yata ito interisado sa serbisyo namin. Mukhang kinausap lang ako para maniguro sa kanyang iniisip.
“Batang bata pala talaga ang asawa ni Francisco. Maganda pa…” anas ng matandang lalaki tapos ay sinipat ako.
Hindi iyon nakita ng Lola pero siniko niya ito nang sabihin ang huli.
Hinanap ko si Debra. Nakita kong nakikipag usap ito sa ibang mga bata at tila may tinutulungan.
“Walang pang isang buwan mula nang mamatay si Don Francisco. May bago nang may ari ang Calavera farm. Umalis ka na ba roon?” tanong ng matandang babae.
I gulped again. “H-hindi pa po.”
“Ha? Hindi ka pa pinaalis ng may ari?”
“Hindi pa po.” ulit ko sa parehong tono.
Ngumisi ang matandang lalaki at muli akong sinipat ng tingin. Kahit nakamaong jeans ako, putting spaghetti strap blouse at itim na blazer na nirolyo ko pataas ang sleeves, pakiramdam ko, nabubutas niya ang suot ko gamit ang mapanuring tingin.
“Kung gan’yan ba naman ang itsura ng iniwan ni Francisco, sinong magpapaalis sa ‘yo, ‘di ba? Mukha pa lang, sulit na.” kumislap ang mata ng matandang lalaki pagkasabi no’n.
“Hindi naman po gan’yan. Mali ang iniisip ninyo-“
“Ay hindi ba?” natatawa pa niyang tanong.
Kahit parang walang silbi ang sagutin iyon, umiling ako. Pag angat ng mukha ng lola sa kanya ay tinaboy na niya ang lalaki. Tumikhim ako. Ramdam ko ang lamig na dulot ng mga salitang sinabi ng matandang lalaki. Tuloy tuloy ang kasiyahan sa birthday party pero unti unti ring nalihis ang dapat kong maramdaman ngayon.
Work. I need to work that’s I’m here. Padre Garcia pa rin ito. Kung ano man ang sabihin ng ibang tao sa akin, lalabas din iyan sa kabilang tainga ko. Kahit minsan, naaapektuhan na rin ang trabaho ko.
“Sige, hija.”
Hindi na ako nagsalita. Magalang kong tinanguan ang Lola nang magpaalam ito. Sinundan ko siya ng tingin. Nagkunwari akong may kukunan ng litrato kaya tinaas ko ang camera. Kinalabit niya ang mommy ni Scott. May binulong tapos ay lumingon sila sa akin. Inalis ko na ang mata ko sa dalawa at nag concentrate ulit sa trabaho.
Hindi namin kailangang tapusin ang party. Marami na kaming kuha ni Debra kaya nagpaalam kami sa mga magulang ni Scott. Ice cream lang ang nagawa kong kainin doon kaya naman gutom na gutom ako paglabas ng gate nila. I still need to edit those pictures. Tapos ay magprint. Mag edit ng video at ang medyo madali naman ay ang mag save ng mga raw pictures sa USB na ibibigay ko sa parents ng celebrant kanina.
Hapon na. Hindi ko namalayan ang oras na ginugol ko mula kaninang umaga hanggang sa mga oras na ito. Pumara si Debra ng tricycle.
“Angel!”
Mula sa kabilang kalsada, nakita ko ang kumakaway na si Richard. Nagulat ako nang makita siya roon.
“Siya na ang patawirin natin para bongga.”
Tinawanan ko ang binulong na iyon ni Debra. Well, si Richard nga ang tumawid at lumapit sa amin.
“Trabaho?” sabay sulyap niya sa gate sa likuran namin. He smiled.
“Oo, Engineer. Saan ka galing niyan?”
“Uh, may pinuntahan lang akong bahay at lupa rito. Sinilip ko. Pero pauwi na rin ako kay Tito Samuel. Kayo ba?”
“Pauwi na rin, Richard. Katatapos lang namin magtrabaho.” Sagot ko.
“Ahh. Ang galing ng timing ko. Ihatid ko na kayo,”
“Ah…” binalingan ko si Debra at hindi agad sumang ayon.
Umirap si Debra at inayos ang hawak na tripod. “Hindi na kami sasakay, kuya. Nandito pala ang kaibigan namin.” Sabi niya sa tricycle na naghintay nang parahin niya.
Richard chuckled. Tiningnan niya ako. Nilapitan at tinanong ako kung mabigat ba ang bag ko. Humindi ako at umiling. Kinamot niya ang ulo at nag iwas ng tingin. Ibinigay sa kanya ni Debra ang tripod at siyang nagpasok sa kotse niyang dala.
“D’yan ka na sa harap, Angel.” Utos ni Debra.
“Okay.”
Habang nasa sasakyan ay nagkayayaan kaming kumain. Nagugutom na ako kaya tinanong ko si Richard. Agad itong pumayag at sumama sa amin sa isang fast food chain. Ako ang um-order sa counter. Naghanap ng mauupuan namin si Debra. Hindi ko akalaing susundan pala ako ni Richard.
“Ako na, Angel.” Giit ni Richard nang sabihin ang babayaran ko.
Namilog ang mata ko. Agad akong umiling kay Richard. Nilabas ko na rin ang wallet ko.
“Okay na ako, Richard.”
Pagkalabas ko ng pera ko, inipit niya iyon ng kanyang kamay, nilayo sa cashier at mabilis niyang inabot ang kanyang one thousand pesos. Kinuha ng babaeng crew kaya wala na akong nagawa. Natawa pa si Richard.
“Ang cute mong makipagtalo.”
“Ewan ko sa ‘yo. But thank you.” itinabi ko na rin ang pera ko.
“Sus, maliit na bagay.”
Binigay muna sa amin ang number at ihahatid na lang ang order namin. Habang naglalakad papunta sa mesang kinuha ni Debra sa tabi ng glasswall, nag uusap kami ni Richard. Umuwi pa lang siyang manila kaya hindi ko napagkikita sa studio. Though, hindi naman kailangang sa studio siya palaging dumaan. Hindi na rin naman siya bumabalik na sa villa. Tapos yata ang trabaho niya kay Jandro.
“Ikaw siguro ang pinakamalapit kay atty. Divino, ano?”
He chuckled. “Medyo. Siguro dahil palagi mo akong nakikita rito sa Batangas kaysa noon.”
I smiled. “Oo. S’yempre.”
Natanaw na namin si Debra na kasalukuyang nakatingin sa kanyang cellphone.
“Nagbabalak na nga rin akong mag stay dito.”
“Talaga?”
“Yup.”
“Bakit? Sawa ka na sa buhay metro manila?”
“Hindi naman. Sakto lang ang life ko roon. Pero… mas may nahanap kasi akong dahilan dito sa Padre Garcia, kaya gusto kong lumipat.”
Nilapag ko ang numero sa mesa namin bago naupo sa tabi ni Debra. Sa harap ko naman si Richard na tuloy tuloy pa rin sa pagsasalita.
“Biglang pakiramdam ko, ang bilis bilis pala ng buhay ko sa maynila. Hindi naman ako nagsawa pero… hindi ko rin nagugustuhan.”
Binalingan siya ni Debra. Hinubad ko ang strap ng bag ko at inupo iyon sa likod ko.
“Nagka-clubbing ka ba roon, Engineer?”
He smirked a little. Parang may nasapul si Debra.
“Minsan. After work.”
“Ako, gusto ko ring maranasan ‘yan. Kaso pareho kami ni Angel na mahina uminom. Mas lalo na si Heaven. Hindi pa yata nakakatikim ‘yun ng beer.”
“Ayaw talaga ni Heaven nang ganoon, Debs. Ikaw talaga,”
Pumangulambaba si Richard. “Baka akala niyo lumalabas akong lango sa bar? Hindi, ah. Kasama ko naman ang mga ka-officemates ko. Saktong partying lang. Umiinom ka rin ba, Angel?”
“Ay hindi masyado, Engineer. Hindi niya gusto ang amoy. Diring diri ‘yan.”
Napakamot ako ng sintido. “Hindi naman ako diring diri, ah?”
“Inalok kita ng isang baso. Ang sagot mo sa akin, ang baho!”
Natawa kaming tatlo. Kahit hindi matandaang sinabi ko iyon.
“Minsan, isasama kita mag bar. Kayo ni Debra. Sagot ko kayo.”
“Asahan ko ‘yan, Engineer, ha? Pero iuwi mo kami rito. O kaya… doon kami sa condo mo sa Makati.”
Siniko ko na ang kadaldalan ni Debra. Nakita iyon ni Richard kaya mas lalo itong natuwa sa kanya.
“No problem, Debs. Balak ko sa pagkatapos ng anniversary party ng parents ko, doon ko kayo patuluyin ni Angel. Pero doon ako matutulog sa bahay ng parents ko. Dalhin ko muna kayo sa BGC. Then, pasyal pasyal at saka ko kayo ihahatid dito.”
“Payag na silang kunin kaming photographer?” medyo excited kong tanong.
Natigilan si Richard. Tila nagulat sa reaksyon ko o sa sinabi ko. Alinman doon.
“Sorry. Nakalimutan ko pala kayong sabihan. s**t! Hindi ba kita natext doon, Angel?”
Umiling ako.
Umayos siya ng upo at nahihiyang ngumiti. “I already told my parents. Pumayag agad sila. Ako pala ang hindi nagpaalam sa inyo tungkol doon. Sorry na. pero kayo ang kukunin naming official photographer sa anniversary party nila.”
S’yempre, natuwa kaming pareho ni Debra. Pagdating ng pagkain, sinabi namin sa kanya ang package na mayroon kami. Nakita niya na ang prices at service kaya may alam na siya. He told us what package.
Masaya ako sa naging outcome ng paghihintay na iyon. Nadagdagan ang trabaho ko. Umulan sa labas at inabot kami ng gabi sa pagkain. Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan at kain nang maalala ko ang sarili kong cellphone. Kinuha ko iyon sa bag ko. Napahinto ako sa pagnguya nang makitang maraming text at miscall si Jandro.
Mula kanina sa kiddie party, hindi ko tinitignan ang phone ko. Kung kailan madilim na, saka ko lang nakuhang silipin!
Jandro:
Bakit hindi ka online? May chat ako
Jandro:
Nagmeryenda ka na? Anong kinain mo?
Jandro:
Bakit sarado kayo? Nasaan ka?
Jandro:
Answer your phone. Nasaan ka, Angel?
Jandro:
Angel
I bit my lip. Hindi ko na kayang basahin ang iba pa niyang text message. Kumakalabog ang dibdib ko. Alas siete pasado na ng gabi. Binuksan ko ang camera ko at kinunan ang pinggan ko at mesa ng fast food. Malalaman naman niya kung nasaan ako kapag nakita niya ito.
So, I turned on my internet signal. Binuksan ko agad ang messenger app ko. Sunud sunod na chat ang pumasok galing lahat kay Jandro.
Galit na siya sa pinakahuli niyang message. Nagawa ko pang tingnan ang picture na sinend niya. Litrato ng vegetable garden at mga trabahador ng farm.
Pero kanina pa iyon. Maayos pa ang mga nauna niyang chat. Kaso nang hindi ako nagrereply, pagalit nang pagalit ang salita niya.
Jandro Amante: Where are you?! Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?
Damn. I sent the photo I took. Nag uusap sina Richard at Debra kaya hindi ako napapansin. Kumain ako ng sundae. Ilang segundong lang ang lumipas, eto na ang tawag ni Jandro sa cellphone ko.
“Excuse me,”
Video call ang gusto ni Jandro kaya tumayo ako.
“Saan ka?” Debra asked.
“Sa labas lang,”
Hindi ko na tiningnan si Richard. Lumabas ako ng fast food chain. Sinagot ko ang video call ni Jandro nang nakatayo na ako sa gilid ng pinto. I was biting my lip out of nervousness.
“Nasaan ka?”
He asked me immediately. Lumunok ako. Madilim ang kinaroroonan ni Jandro pero naaninag ko ang lamig at mahinahon niyang mukha. Kahit mahina at medyo raspy ang boses niya, feel kong wala siya sa mood.
Tinaas ko ang camera para makita niya ang fast food chain na kinakain ko ngayon.
“Jollibee. Sinendan kita ng picture…” pinakita ko pa sa kanya ang estatwa ni Jollibee sa labas.
Tinititigan niya ako sa screen. Sa sobrang tagal, akala ko ay nawala na ang signal niya.
“Ikaw nasaan ka ba? Bakit madilim…”
He sighed. “Sa Raptor.”
Kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo d’yan? Mag isa ka?”
He nodded. “Kanina pa ako rito sa tapat ng studio mo. Hinihintay kitang umuwi.”
Damn. s**t. Bumuka ang labi ko pero… hindi ako agad makapagbigay ng sagot. Para bang nagkabuhol buhol ang utak ko! Tapos kada bitaw niya ng salita ay madiin pa.
“May kiddie party kasi kanina… hindi ko ba nabanggit sa ‘yo?”
“Sinong kasama mo?”
“Si Debra.”
“Sino pa?”
“Ha?”
He sighed again. This time, mas may bigat.
“May braso ng lalaki kang kinunan sa litrato. May itim na relo. Nakaupo sa harap mo. Naggigym na ba ngayon si Debra, hm?”
“Uh… si Richard. Nakita namin siya pag alis namin sa party ng anak ng kliyente namin.”
Inalis niya ang tingin sa screen. Lumingon ito sa labas ng Raptor na parang may hinahanap.
“Saan ‘yan?”
“B-Bakit? Dito lang…”
“Saan ‘yan?”
Binasa ko ang labi ko sa kaba. “Pauwi na ako. Hintayin mo na lang d’yan sa studio.”
“Dyan kita kukunin.”
Napasuklay ako ng buhok. Jandro is in foul mood. I knew him too well. At hindi ko maipagkakailang baka may masabi itong hindi maganda kina Richard.
Ewan ko. O baka assuming lang. Pero may okay pa ring umuwi na lang sa studio.
“Ayaw mo?”
Para siyang bumubulong sa video call namin. Kapag mas lalong humihina ang boses niya, mas nadadagdagan ang kaba ko.
“Jandro…”
He looked at me again.
“G-Galit ka ba?”
He tilted his head a bit. “Ano sa tingin mo?”
I bit my lip. I shifted on my feet. Tumingin ako sa madilim na langit. Umaambon ambon na lang.
“Pauwi na ako…”
Tinitigan niya ako sa phone.
“Pauwi na talaga ako,” nilingon ko sa loob sina Richard at Debra. Naabutan kong nakatingin sa akin nang deretso si Richard. Nginitian ko siyang kaunti.
“Angel.”
Mabilis akong bumaling sa kanya at tiningnan siya. “Mmm?”
“I miss you…”