Chapter 8

4206 Words
“I am the LORD your God, who brought you out from Egypt, out of the land of slavery. You shall have no other gods before me.” – Exodus 20:2-3 -- Chapter 8 Angel Loise Tulad ng gusto niya, sumabay ako sa pagkain ng agahan. Okay lang naman at tahimik kami sa mesa. Maliban kay Marina na kung anu ano ang tinatanong sa akin. Pero naiintindihan kong, ramdam niya ang tensyon sa pagitan namin ni Jandro kaya gumagawa ito ng ingay sa hapag. Sumasagot ako kahit maiksi ang sinasabi ko. Pero iniiwasan kong magtama ang mata namin ni Jandro. He ate in silence most of the time. But when he started to talk with Marina, they talked in Spanish. That way, wala akong naintindihan sa pinag usapan nilang dalawa. Although, I was permitted to go to work, I still asked him about it before I go. “Give me your phone number.” Hinabol ko siya sa labas pagkakain nito. Dala ko na ang backpack ko para deretso na rin sa studio. Ang dinig ko, sasama siyang mag ayos ng bakod na niluma na ng panahon dito sa farm. Nakasumbrero siya, boots at kulay gray na round neck shirt. Bumaba sandali ang mata ko sa tiyan niya kung saan humahakab ang damit. Sandali ko lang iyon tiningnan. He was… very attractive. Still. “I want your number.” He insisted. “Okay…” kamuntik pa akong mapailing sa paghanga sa kanya. Dinukot niya ang kanyang cellphone galing sa likod na bulsa ng kanyang maong na pantalon. His phone was the expensive one. Iyong may magandang camera na gusto ko pero mahal. He unlocked and gave it to me. “I-register mo,” utos niya. Pagkatapos kong i-save iyon, kinuha niya ang phone. Tiningnan ang ginawa ko tapos binulsa. “Pwede na akong umalis?” naniniguro muna ako bago lumakad. May paparating na tractor sa kinatatayuan namin. Isang bagong trabahador na bata bata pa ang nagda-drive. Pagbalik ko ng paningin kay Jandro, nagsalubong ang mga kilay niya na tila nainitan sa araw kahit may sumbrero naman ito. He sighed heavily while staring at it. “Anong oras ang uwi mo?” “Mga seven.” Napabalik siya ng tingin sa akin. Lumalim ang kunot sa kanyang noo. “That’s late. Be here at five.” I shifted on my feet and reasoned out. “Maaga na nga ‘yung seven. Usually, mga eight o nine kami nagsasara. Depende sa kung may dumarating. Pero mas marami ang pumupunta sa studio ng hapon. Kaya ginagabi talaga ako ng uwi.” wala pa nga r’yan iyong mga shoot na kailangan sa labas. Nilagay niya ang mga kamay sa baywang na tila namomoroblema. Tumingin sa tractor na huminto na ngayon ilang dipa lang ang layo sa amin. Siguro, pinapatapos muna kaming mag usap. “Anong sinasakyan mo pauwi?” “Nagta-tricycle ako.” “Nasaan ang kotse mo?” Bahagya akong natigilan. Uminit din ang mukha ko nang maalala kung bakit iyon nawala. “Uh, w-wala na. Binenta ko na.” Bumaling siya ulit sa akin. Ilang segundong hindi umimik bago isang beses na tumango. “Susunduin kita ng alas siete.” He was about to leave but I halt him on his arm. Nilingon niya iyon. Napapasok kong inalis at nahiya sa bigla kong nagawa. “So-sorry. Kaya kong mamasahe. ‘Wag ka na pumunta,” “Gusto mong pumasok o makulong dito sa villa?” “Pe-pero… papasok ako.” Natameme kong tapos. He smirked and then nodded his hat. “Areglado.” He murmured. Umalis na siya at tinungo iyong tractor. Tumalikod na ako. Habang naglalakad palabas, tinitingnan ako ng kanyang mga bagong tauhan. Wala na rito sina Cardo. Bumalik na kay Dreau. Itong mga sariling tauhan ni Jandro ay puro bago kaya hindi ko nakikilala. Tiningnan nila ako hanggang sa makalabas ng gate. At around nine in the morning, he sent me a text message. Nalaman kong siya iyon dahil sa salita niya. At hindi naman mahirap hulaan. Jandro: Susunduin kita ng seven. Actually, busy ako nang mag text siya ng nine AM. Ka chat ko sa monitor ang isang kliyente na nagtatanong ng service namin. Saka, bihira akong sumagot kung text at sa ganito pang kaaga. Magteten na nang mabasa ko. May pangalawa na siyang text nang mabuksan ko iyon. Jandro: Angel Loise Estrella. Text me back. He called me by my maiden name. That was new, huh? Ako: May ginagawa ako kaya hindi makareply. Oo na. Pumunta ka na lang mamaya rito Jandro: Tatawag ako. “Huh? Nirereply-an na nga, gusto pang tumawag.” Bigla akong kinalabit ni Debra. “Huy. Sinong kausap mo r’yan?” “Wala.” Nagpupunas siya ng salamin sa pinto at hindi ko akalaing maririnig niya ang bulong ko. Nag ring ang phone ko habang nagtatayp ng sagot sa chat. Sinagot ko ang tawag at inipit sa pagitan ng balikat at tainga ang cellphone ko. “Hello?” Naulingan ko ang maingay na backgound ni Jandro sa linya. Ugong ng motor ng kung anong sasakyan. Mga boses na nag uutos. Nasa labas pa rin siya ng villa at nagtratrabaho. Kumunot ang noo ko. Natigilan ako sa pagtitipa sa keyboard. “Hello? Jandro?” Hindi siya sumagot. “Jandro?” Then, I heard his breath. He was on the phone. Listening. Kumalabog ang dibdib ko. I knew this act. He already… did this before. Ilang segundong walang nagsasalita sa aming dalawa. When I felt the painful familiarity, I called him again and threatened him. “Jandro? May ginagawa ako. Kung wala kang sasabihin, ibaba ko na.” I heard the sound of his lips. Parang kinagat niya tapos ay pinakawalan. “Anong ginagawa mo ngayon?” Umirap ako. Hinawakan ko na ang cellphone ko dahil pakiramdam ko ay hindi ito sandaling tawag lang. “May ka chat akong kliyente… ano bang kailangan mo?” hinaluan ko ng iritasyon ang pagkausap sa kanya. “Chinicheck lang kita. Meryenda na, ah. Bakit hindi ka pa kumakain?” Tumingin pa ako sa oras ng computer. “Mayamaya. Bibili ako sa labas,” “Anong bibilin mo… Pati ‘yon aayusin… oo… sandali lang… Angel?” I sighed. Mukhang naglalakad siya at tama ako na nagtatrabaho rin pero nagpapahinga lang. “Tinapay sa bakery at softdrinks.” Mabilis kong sagot. Ni-review ko ang una kong na-type sa screen. Saka ko dinugtungan. Mukhang interisado kasi itong nag chat sa studio. Pagka send ko ng sagot ko, sinend ko pati ang prices namin. “Sa tanghalian?” “Bibili rin sa labas.” “Sa bakery?” I rolled my eyes. “Hindi s’yempre. Sa karinderya.” I heard his low chuckle. Pinaglalaruan yata ako nito. “Jandro,” “Sino ‘yang ka chat mo?” Sinandal ko ang likod sa upuan. “Kliyente.” “Saan kayo nagchachat?” “Sa Facebook.” “Ah.” Nag inat si Debra ng mga kamay. Nginitian niya ako at tinuro ang labas. “Gutom na ako, Angel. Kain na tayo.” Tumango ako. “Tapusin ko lang ‘to.” “D’yan ka na. Ako na lang ang lalabas. Ano sa ‘yo? Puro ka ensaymada. Spanish bread?” Mabilis akong huminde. “Eggpie na lang, Deb.” Tumawa si Debra. Binalik niya ang ginamit na basahan sa banyo. “You hate Spanish bread, huh?” ani Jandro sa linya. Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Hindi ko sinagot ang pasaring niya. Ano ba ‘yon? Kapag pinatulan ko, lalagyan pa niya ng kulay. Kaya ‘wag na lang. Pinatong ni Debra ang mga braso niya sa counter. Ngumiti at pumangalumbaba. “Maiba ako. Mas lalong guwapo ngayon si Jandro mo, ha!” Suminghap ako. Tumawa sa linya si Jandro. Malakas kong tinapik si Debra sa braso pero hindi ako pinansin na tila ba nagde-daydream pa ito. She giggled. “Para na siyang model na galing sa magazine, ganoon na effect! Tapos ang macho niyang tingnan. Gwapo na siya na noon, rugged, pero hot na siya ngayon, Angel!” Kinurot ko na siya. Umigtad ito at pinanlakihan ako ng mata. “Ay bakit ka nangungurot? Jelly ka?” Tumawa ulit si Jandro. Pinanlakihan ko rin ng mga mata si Debra at matigas kong tinuro ang cellphone. I even covered the mouthpiece just so he couldn’t hear anything from her. But I guess, it was too late. “Si Jandro mo ‘yan?” Kinagat ko ang labi. At pagod na pagod na binagsak ang mga balikat ko. “Jandro mo…” Jandro repeated. I sighed. Nang makuha ni Debra ang senaryo, saka siya napatakip ng bibig at nag peace sign sa akin. Hinilot ko ang sintindo ko. Tumikhim. Kinuha ni Debra ang pera ko at saka nagmamadaling lumabas ng studio. “I heard the bell. Lumabas na si Debs?” nauulingan ko ang saya sa boses niya. Saya o pang iinis? Tumikhim ako ulit. “Sige na. May gagawin pa ako,” “You’re on break just like me.” “Kakain ako. Hindi pwedeng may kausap!” Tumawa siya ulit. Kanina pa siya masaya. “Anong account mo sa f*******:?” Kumunot ang noo ko. “Bakit?” “I want to video call you…” “Ano?” This time, siya naman ang tumikhim. “Parte ito ng pagbabantay ko sa ‘yo. Ano’ng account mo?” Pagbabantay niya. Parang CCTV pero f*******: version. Well, bahala siya. Hindi naman ako umaalis dito. Trabaho pa rin ang inaatupag ko. “Active pa ba ‘yung luma mong account?” “Oo…” “Okay. So, it’s still Angel Loise Estrella?” “Oo…” I didn’t update my details. I never… remember that. Dahil mas madalas lang ako sa page namin. Hindi sa personal ko. “Alright. Ibaba ko ‘to. Mag video call tayo.” “’Kay…” agad kong binaba ang tawag niya. Tinitigan ko ang cellphone ko. Nang mamatay ang ilaw, nabuhay ulit iyon. I saw Jandro’s f*******: name and he was calling me on Messenger. Napamura ako. He was using his old account too, along with his old photo. Wala naman siyang mukha roon. Ako ang kumuha ng litrato na nilagay niyang display. Ang mga kamay naming magkahawak. Nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita. May nails were in wine red. While his hand was so big compared to mine. I took that photo of us. Tila sinusunog ang mukha ko. Bumubuhos ang maraming alaala na akala ko’y nasa himlayan na. Sinagot ko ang tawag niya. Lumabas sa screen ang kanyang magkasalubong na kilay. Nakatayo siya sa isang puno kaya nalilimliman ng mga dahon at hindi naaarawan. Pero pawisan na siya. Namumula ang mukha sa kainitan. “Ang tagal mong sagutin,” I gulped. Then, sighed. “Busy nga ako. O, ayan, nakita mo na.” Tumaas ang kilay niya. “Mukhang ayaw mong naiistorbo. Kung gano’n, magpapalagay ako ng CCTV camera d’yan. O kaya bodyguard. Para nalalaman ko ang galaw mo-“ “Tumawag ka na lang!” nakakainis. Ngumisi siya at tumitig sa screen. “Akala ko ang breaktime mo? Saan ang pagkain mo?” “Ubos na.” Napaawang ang labi ko. “Wala pa ang kaibigan mo?” Umiling ako. Inilapit pa niya ang camera sa kanyang mukha kaya kalahati na lang ang nakikita ko sa screen. Noo niya hanggang ibaba ng ilong. He was perfectly made. Tinitigan ko ang mukha niya sa screen. Malantik ang pilikmata. Matangos ang ilong. Makapal ang kilay. He was… perfect. “Gusto mong umuwi?” bigla niyang tanong. Mabilis akong umiling. “Ayaw ko.” Ngumisi siya at nilayo ulit ang camera. “Tatawag ulit ako mamaya. Palagi mong i-on ang internet mo, ah? Gusto kong sagutin mo.” Umirap ako. “Bakit namimilit? Paano kung may trabaho? Nasa shoot ako? Ano? Magpapadala ka agad ng tauhan mo rito?” “Well, magandang suggestion ‘yan. Salamat!” I almost gritted my teeth. “Kung wala kang magawa, ‘wag mo akong pagdiskatahan, Jandro. Busy ako. Naghahanapbuhay ako.” Tumawa siya nang malakas na parang siya ang hari ng mundo. Malamang pinagtitinginan ito ng mga trabahador. Hindi ko lang kita sa screen ang mga kasama niya pero dinig sa background ang ilang malayong pag uusap. “But I love doing this, mi amor. Remember what I said to you last night? Mmm?” I didn’t answer him. He grinned more. Tila kinasisiya niya na makita ang mukha ko sa ganitong sitwasyon. “You have to accept me, Angel. You don’t have a choice.” He said. Tumingin siya sa malayo. Narinig ko ang paa ng kabayo. Then, before I could conclude, Marina’s sweet voice filled the background. Jandro smiled and just stared at her. Lumakad pa ito at siguro ay tinulungan si Marina. I cleared my throat. “Nandito na si Debra. Bababa ko na,” His lips parted. But he didn’t look at me. Si Marina ang kinausap niya. Kaya pinatay ko ang video call nang hindi na siya pinagsasalita. I was still alone. Wala pa si Debra. Tinitigan ko ang namatay na tawag sa screen. Natukso akong… i-scroll pababa ang chat box naming dalawa. Sunud sunod na video call ang mga huli naming activity sa messenger. At ilang taon na ang pinakahuli. Nasa f*******: pa pala siya. I… didn’t look. O baka deactivated lang nitong mga nakaraang taon. Ewan ko. Hindi ako nagtakang hanapin siya pagkatapos ko siyang paalisin sa buhay ko. I scrolled down. There were midnight conversations. Ang pinakamatagal ay umabot ng 1hour and 45minutes. That long? I bitterly chuckled. Tapos ay mga palitan ng text. Siya ang madalas na nagchachat sa akin. Magmula nang mapunta siyang Batangas, siya ang madalas na mangbulabog. Sumasagot ako sa message niya pero… siguro ay marunong akong magtago ng nararamdaman sa salita. Iba ang pakiramdam ko kapag chinachat niya ako. Jandro Amante: I miss you, my baby Jandro Amante: I miss you so much, my Angel. Bati na tayo, please? Jandro Amante: Sagutin mo naman tawag ko. Namimiss na kita Jandro Amante: Saan ka? Jandro Amante: Mahal na mahal kita, Angel Loise Estrella. Mahal na mahal Jandro Amante: I love you, my baby Ako: I love you too rin po :D Hindi ko na napigilan na basahin ulit ang mga convo namin noon. Kahit wala na, kahit tapos na, pati ang haba ng pag uusap namin ay para bang sobrang halaga ngayon. Those times na… parang hindi natatapos ang gabi. Na parang walang aasikasuhin kinabukasan kung mag usap kami sa cellphone. Bukod pa ang mga text niya sa numero ko. “Ito na ang pagkain,” Pumasok si Debra nang hindi ko tinitingnan. Dahil sa presensya niya, tila bulang pumutok ang mga alaala na bumalik sa isipan ko. In-exit ko ang app at binaba ang cellphone sa mesa. “Wala na si Jandro mo?” Do I have to delete that conversation? Tiningnan ko si Debra. Parang lumilipad ang diwa ko sa naramdaman. Pati ang trabaho ay hindi ko na magampanang maayos. I felt… the frustration. Dahil lang sa chat box na iyon, Angel? Edi burahin mo! What about him? Binura ba niya? O… binabasa pa rin? Baliw! Pagkatapos mong saktan ‘yung tao, sa tingin mo, magre-reminisce pa siya? I grunted. Sinabutan ko ang buhok at pumikit nang mariin. Bakit ako ang apektado? “Ikain mo na lang ‘yan, Angel. Kulang ka sa nutrisyon.” Himig tukso itong si Debra. Kung tingnan ako ni Debra ay parang may ginagawa kong anomalya. Tumayo ako. Lumipat ako ng upo sa bench at doon kumain. Pero hindi ako makakain nang maayos. Parang natutuyo ang lalamunan ko. Tumunog ang messenger app. Nagsend si Jandro ng litrato ng ginagawa nilang bakod. Kita roon ang tatlong trabahador na kasama niyang nag aayos. Jandro Amante: Sendan mo rin ako ng litrato kung anong ginagawa mo ngayon Bumuga ako ng hininga. But I still followed his so called rules. Kinunan ko ng litrato ang isang slice ng eggpie na nasa plastic at bote ng coke na may straw. At sinend sa kanya. Agad niya iyong sineen. Then, he sent an approved sign. -- “Mino-monitor niya ako.” Bulong ko. “Alam mo kung anong kulang sa ‘yo?” Kumunot ang noo ko pagkatingin kay Debra. “Ano?” “Kadena. Pero ‘yung may rosas. Parang medyo romantic pa.” Inilingan ko iyon. “Hindi romantic ang ganoon.” “Sus. Pagkatapos niyang mabigo sa ‘yo noon, nako, lintik lang ang walang ganti. Paiiyakin ka niyan. Kita mo.” Tinapos ko ang pinirint at saka kinut. Mag aalas seis na. Marami akong napikturan kanina. Tulad ng baby na magse-celebrate ng unang buwan. Nasundan pa iyon ng isang magbabarkada tapos ay may nag inquire. Kapag nagkakatabi kami ni Debra, inuusisa niya ako tungkol kay Jandro. Alam niyang ito ang nakabili ng farm. At doon pa rin ako nakatira. Hindi ko sinabi lahat pero gumawa na siya ng sariling konklusyon. “Thank you so much po! Balik kayo.” Nakangiti kong paalam sa babae naming customer. Tinitingnan niya ang kanyang litrato habang lumalabas ng studio. Tumingala ako sa white board namin. Malapit na iyong kiddie party na sched. Pinaalala ko iyon kay Debra. “Oo naman. Palagi ko ‘yang nakikita rito.” Nakanguso niyang sagot. “Mamamasahe lang tayo, ah? Okay lang ba?” “Sanay ako d’yan. No problem!” Nagkatawanan na lang kami ni Debra. Then, I checked my phone. Kaninang alas tres ang huling chat ni Jandro. Pinadalhan niya ako ng litrato na nasa kuwadra siya. He sent the picture of his horses. No words from him. For an update from me, I sent the picture of Heaven’s camera. Nakapatong sa counter at ang background ay side view ng customer na hawak ang baby. He sent an approved sign as an answer. “Good evening, Angel.” “Uy, Engineer!” Pabunying pumalakpak si Debra nang pumasok si Richard. “Tuloy ka,” “Nakapasok na siya, Debra.” I rolled my eyes. “Sinisugurado ko lang, Angel. Ikaw talaga. Papapicture ka na ba, engineer?” Si Richard, na parang nakaplaster ang ngiti sa labi, ay nilingon ako. “Ofcourse. Nandito na ang photographer ko, e.” Uminit ang pisngi ko. But I also chuckled because of it. “Ayaw sa akin ni engineer magpapicture. Choosy!” “Hindi naman, Debs. Mas nakakangiti ako kapag nandyan si Angel.” Tumayo na ako at kinuha ang camera. “Tara na sa loob. Ang dami mong bola.” Pagkasabi niya sa package na kukunin, tumungo na ako sa shooting studio. Binuksan ko ang softbox. Ramdam ko ang presenya ni Richard sa likod ko. Nakababa na ang white backdrop kaya binuhat ko na lang ang upuan na gitna. “Dito ka, Richard.” Turo ko sa high chair. “Yes, ma’am!” sumaludo pa siya sa akin bago sumunod. I chuckled. Pumwesto ako sa likod ng camera stand. Inayos ko ang posisyon ng camera. Nakangiti na agad siya. “Wait, hindi maayos ang kuwelyo mo,” turo ko sa suot niyang asul na longsleeves. “Ha?” niyuko niya iyon. Ginalaw nang kaunti. “Hmm, wait.” lumapit ako sa kanya at ako nang umayos ng kwelyo. “Sorry,” I smiled. “Okay lang.” Pinantay ko ang ayos ng kanyang kwelyo. Dinamay ko na rin ang sa balikat at pinagpag ang alikabok. Nang napansin kong may tikwas ang kanyang buhok sa noo ay pinatag ko iyon sa kanyang ulo. Umatras ako para makita sa itsura niya. “Okay na?” Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Jandro sa likuran. Ang aga niyang dumating! He looked fresh. Mamasa masa pa ang kanyang buhok at bago ang damit na suot. Itim na pantalon at itim na round neck shirt. His watch was black too. Kumikintab ang balat niya sa pagtama ng ilaw. His curly hair looked unruly. “Bakit ang aga mo?” tanong ko. He sighed. He looked… displeased. “Bawal ba?” Umiling ako na tila nagising. Naghuhumerantado ang dibdib ko kaya tiningnan ko na lang ang camera at si Richard. “Mr. De Narvaez.” Pormal na bati niya sa kanya. “Engineer.” Pinorma ko ang camera. My hands were trembling! Pakiramdam ko ay parang usok sa likuran ko ang presenya ni Jandro. Pinangiti ko sa camera si Richard. Ilang sandali pa bago ko nakuhang maging propesyunal sa trabaho ko. I did five shots. Tapos ay pinapili ko siya kung anong kuha ang ipiprint. Nakatayo sa tabi ko si Richard, bahagyang nakayuko para makita ang screen ng camera. Hindi ko maiwasang sulyapan sa likod si Jandro. Pinapanood niya kami. “This one, Angel.” Tumango ako. “Okay. I-edit ko na.” nauna na akong lumabas. Naiwan pa sa loob ang dalawa at narinig kong nag usap. Nakaupo na ako sa harap ng computer nang lumabas sila. Debra wiggled her brows. Inilingan ko siya at nag concentrate sa pag e-edit. Naghintay si Richard sa counter at panay ang kausap sa akin. Si Jandro ay nakahalukipkip sa pader. Isang beses ko siyang sinulyapan, naka-twist ang labi niya habang pinapanood kami. Nang piniprint ko ang litrato ni Richard, kinausap niya si Jandro. “Magpapa-picture ka rin ba, Mr. De Narvaez? Magaling photographer dito.” binalingan pa niya ako at nginitian. Sumipol si Debra pagkalingon sa akin. Inapakan ko ang paa niya. Jandro smirked. “Hindi, Engr. Divino. Sinusundo ko ‘yung photographer.” Sabay tingin niya sa akin. Nawala ang ngiti ni Richard. Lumunok ako. Ako na ang nag cut ng litrato. “Ah. Sa villa pa nga pala nakatira si Angel. E, Angel, kailan ka lilipat? Tutulungan kitang maghanap,” Naestatwa ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin si Richard na nandyan si Jandro. Mabuti na lang ay sinalo ako ni Debra. “Maghahanap kaming dalawa, Engineer. O kaya rito muna kami sa studio.” I looked at Jandro. His jaw clenched as he watched my reaction. “What about in Manila?” Bumagsak ang panga ko. “Ah…” “Magma-manila ka?” manghang tanong ni Debra. Umiling ako. “Hindi.” “So, saan mo balak maghanap nang malilipatan?” Ngumiwi ako. “Dito lang sa Batangas.” “Lumipat na rin kaya ako rito,” Tumikhim nang malakas si Jandro. Nag iinit na ang batok ko. Pinatay ko ang computer at bumalik sa studio para makunwaring icheck ang switch kung napatay ko ba. Paglabas ko ay nagbabayad na si Richard kay Debra. “Thanks, Angel. Siya nga pala, ni-recommend ko itong studio mo sa parents ko. Mag-a-anniversary kasi sila next month. I want you to be the official photographer. Text kita o tawagan kapag natuloy ang party sa amin. Okay lang?” “Oo naman.” He smiled again. “Sige. Text text na lang. Alis na ‘ko!” “Bye, engineer!” kaway ni Debra. Tumahimik ang studio pagkalabas ni Richard. Hindi ko tiningnan ang mabibigat na titig ni Jandro sa akin. Nagligpit ako ng gamit. Wala pang alas siete pero… nandito na ang sundo ko. “Uh, CR lang ako, Angel, Jandro.” Nag aalangan na paalam ni Debra. Tumango ako. Pagkaalis niya, lumabas ako ng counter. Binaligtad ko ang sign sa glass door namin. Nakaupo si Jandro malapit doon. Kaya madali niyang naabot ang baywang ko at hinila ako sa pagitan ng kanyang mga binti. “Magsasara ka na? Akala ko seven pa…” he put his big hands on my waist and looked up at me. Sinabuyan ng apoy ang mukha ko sa pagdungaw sa kanya. He smelled of shower gel. He smelled expensive but very manly. Pinirme ko ang mga kamay sa magkabila kong gilid. Takot na maabutan kami ni Debra sa ganitong posisyon. At ang labi pa niya ay bahagya pang nakaparte. “Sinusundo mo na ako, ‘di ba?” He nodded. “Pero pwede kitang hintayin na matapos.” “’Wag na. Umuwi na lang tayo.” “Angel—” Agad akong umalis sa hawak ni Jandro sa akin pagkalabas ni Debra ng CR. “A-Ano?” Patulis tulis ang labi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata nang hindi nakikita ni Jandro. “Wala. Nakalimutan ko, Punta lang ako sa kwarto,” umalis siya ulit. Kinagat ko ang labi ko at mariing pumikit. My heart was unbelievably pounding really fast! Kaunti na lang… para na akong hihimatayin sa tensyon! Nagbawas na lang ako ng ilaw. Pinaghintay ko sa labas si Jandro habang nagpapaalam ako kay Debra. Hindi ko makayang tingnan ang uri ng tingin niya sa akin kaya inirapan ko siya pagkaalis ko. Sinakay ako ni Jandro sa Raptor. Inunahan ko na ang pagsuot ng seatbelt bago niya iyon sinuot sa akin. Hindi ako gumagalaw. Tinitigan niya ako. I also refused to look at him. Ganitong ganito ang pwesto namin nang bigla niya akong hinalikan. He then sighed and closed the door. Hindi kami nag uusap nang magmaneho na siya. Buong akala ko ay deretso uwi na kami. Pero hindi. Pinarada niya ang Raptor sa tapat ng isang grill. “Kumain muna tayo.” Sabi niya pagkatanggal niya sa kanyang seatbelt. Medyo gulat pa ako. Tumango ako at tinanggal din ang seatbelt. “Then, pag usapan natin ‘yang si Engineer.” Sabi niya bago bumaba ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD