Chapter 9

3070 Words
“You shall not make for yourself an image in the form of anything in heaven above or on the earth beneath or in the waters below. ” – Exodus 20:4 -- Chapter 9 Angel Loise Everyone, well maybe not everyone, looked at me as I followed him inside the grill resto. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa harap ko at naglakad papunta sa bakanteng mesa na nasa pinakagitna pa ng kainan. Jandro literally didn’t mind them. The stares and murmurs around us as they saw us walking inside. Pero ako… napapayuko na lang at iwas ng tingin sa mga taong nakakakilala sa akin bilang asawa ng yumaong Don Francisco Calavera. “Jandro!” Pareho naming nilingon ang tumawag. “Gerry!” Nakilala ni Gerry si Jandro kaya’t mas lalong lumaki ang ngisi nito. Nilapitan niya ito at nagkamay ang dalawa. “Long time no see, Ger.” Gerry took a quick scan of him. He shook his head while smirking. “Anak ng put-gago big time ka na, ah! Totoo ang bali balita na umiikot dito sa Padre Garcia. Umasenso ka na nga! Muntik kitang hindi makilala, gago!” Tinapik niya ito sa balikat at tinawanan si Gerry. “Ungas ka pa rin hanggang ngayon. Kumusta ka na?” Gerry only chuckled. Pinagmalaki niya ang kanyang negosyo na kilala sa bayan namin. “Aba at s’yempre lalong akong pumupogi…” Napansin niya ako sa gilid. At lumaki ang awang ng kanyang labi. “Angel? Teka…” Nagpasalit salit ang mata niya sa amin ni Jandro. Tinuro niya ako at sa kabilang kamay ay si Jandro ang turo turo. “Nagkabalikan kayo?!” Sa lakas ng boses ni Gerry, lumingon sa amin ang ilang kumakain. Mas lalo akong dinaluyan ng apoy sa mukha at batok nang pansinin nila kami. Hindi pa maka-recover si Gerry sa sinabi. Tumikhim si Jandro at sa akin bumaling. Umiling ako. “Hindi.” Tinitigan ako ni Jandro. Hindi pa rin umiimik. Wala sa mukha niya ang tensyon o ilang na damang dama ko ngayon. Samantalang si Gerry ay unti unti pa lang nakaka-recover pagkakita sa akin. “Tangna. Akala ko, nagkabalikan kayo. O, bakit magkasama kayo ngayon?” Napahilot na ako ng batok ko. Hinanap ko ang uupuan namin para iiwas ang pananatili kong tuod sa pagkakatayo at awkward na tanong ni Gerry. “Kakain kami, Ger.” Hinila ko ang plastic na upuan sa mesang bakante. Nag uusap pa rin sina Jandro at Gerry. Umupo ako nang nakatalikod sa karamihang nakatingala sa amin kanina. May bukas na flatscreen sa taas ng pader. Mahina ang volume at halos hindi ko maintindihan ang sinasabi. But then I knew, deep inside myself, walang pumapasok sa isipan ko kundi ang makahulugang tingin at tanong ni Gerry sa amin ni Jandro. “Dito na lang kayo maupo, Angel,” Panibagong buhos ng init na naman ang naramdaman ko nang tawagin ni Gerry ang pangalan ko. Medyo malakas at nakakatawag ng pansin. Tapos ay tinuro niya sa akin ang mesang pandalawahan. I got it. Pang apat na tao ang bakanteng inupuan ko at tinuro ni Jandro ito kanina. Pero ang tinuturo ngayon ni Gerry ay ang mesang nasa sulok. Okay sana iyon. Kaso… “Angel.” untag ni Jandro. Tumayo ako. Mariin kong kinakagat ang labi ko. He stood behind me and was waiting for me to move. Ang naiwang pinaggamitang plato, baso at pitsel ay mabilis na pinagpatung patong ni Gerry sa nakuhang tray. Siya na ang naglinis ng mesa bago namin upuan. Naramdaman ko ang isang kamay ni Jandro sa tagiliran ko. Para akong dinaluyan ng kuryente sa magaan niyang hawak. He motioned me to walk. So, I did. Nginitian kami ni Gerry at tinuro ang mesa. “O, hindi ko inalis ‘tong dati niyong pwesto. Walang nagbago d’yan. Kayo lang.” sinundan niya ng nakakalokong tawa. Pinaghila ako ni Jandro ng upuan. Pati siya ay tumatawa. Pero hindi ako. Nang makaupo ako ay nag usap na naman sila ni Gerry sa gilid ko. Mga dating kalokohan na para bang walang gap sa nagdaang mga taon sa dalawa. Nagbago lang ang itsura. Tumaba si Gerry. Si Jandro naman ay… gumwapo. Pero sumama ang ugali! “Mukhang asensado ka na. Lumaki itong pwesto,” “Oy ang laki rin ng hirap ko rito, ‘tol. Dugo at pawis ang puhunan ko para magtagal itong grill.” “Nag asawa ka na?” Nilagay ko ang bag ko sa likod ko. Nakapamaywang si Jandro habang nauusap sila. Binigay kay Gerry ang menu. Kinuha iyon ni Jandro at nilagay sa harap ko. “Wala pa rin. Single,” “Puro ka kasi trabaho,” “Idol kasi kita. Kapag may natuhog ka na, mantutuhog na rin ako.” “Ungas!” Tiningnan ko ang menu. Napapailing ako sa pagsasalita ng dalawang ito sa gilid ko. Sa gitna ng pagpasada ko sa mga litrato sa menu ay lumipat ang mata ko sa edge ng parisukat na mesa. Bumaba roon ang kamay ni Jandro kaya tumingila ako sa kanya. He is now watching me. “Ikaw na ang um-order para sa atin.” Tumaas ang kilay ko sa halos pabulong niyang sabi. “Okay…” at ini-scan ko ulit ang menu. Nang may lumapit na babaeng staff, kinuha niya ang order ko. Pero natitigilan ako kaya tiningala ko si Jandro dahil baka ayaw niya ng kukunin ko. “Jandro, gusto mo ba ng chicken barbeque?” Nakahalukipkip na siya habang kausap si Gerry tungkol sa mga naging ganap sa Padre Garcia noong nasa Mexico siya. I bit my lip. Hindi niya ako narinig. Tiningnan ko ang staff na naghihintay sa order ko. “Jandro,” hinila ko na ang damit niya. “Yes, baby?” “Tapos doon sa-” Gerry immediately stopped from talking. Lumunok ako. Nanginginig ang daliri kong tinuro ang litrato ng chicken barbeque sa menu. “Gu-gusto mo ba ito?” “Oo.” He didn’t look at it. He just stared at my face. “Dalawa nito, miss.” Hindi pa rin nagre-resume sa pagsasalita si Gerry. Ang atensyon nila ay napunta sa pag-o-order ko ng pagkain. Binasa ng staff ang order ko. Jandro protested. “Ang kaunti naman.” Pinakita ko sa kanya ang menu. He sighed heavily. Tumayo siya sa gilid ko nang mas malapit. Ang kanyang kanang kamay ay hinawak niya sa sandalan ng upuan ko at yumuko itong bahagya para tingnan ang o-order-in pa. Tumatama ang ulo ko sa kanyang dibdib. Mas naamoy ko siya. I tried to look away. The pounding in my chest felt so loud but I chose to remain calm despite of their wildness. Dinagdagan niya ang ulam. Garlic rice at chicken barbeque lang kasi ang sinabi ko. Dinagdagan niya ng Beef Kaldereta, Sizzling sisig at Nilagang Bulalo. Nang maghanap pa siya ay umeksena na ako. “Masyado nang madami. Baka hindi natin maubos.” Niyuko niya ako. Nakakaduling ang lapit ng mukha niya. Nahuli ko ang pagtitig niya sa labi ko. After that, he immediately turns his eyes on the menu. “Iuwi natin kapag natira. Special Iced Tea then… halo halo?” Mabilis akong umiling. In-imagine kong sa dami ng in-order niya, wala nang paglagyan ang halo halo sa tiyan ko. “Then, one halo halo for me and Banana Split for her. Iyon lang. Thanks.” Sabay soli niya sa menu sa babaeng staff. Pagkaalis nito, umupo na sa harapan ko si Jandro. Ikukuha niya dapat ng upuan si Gerry sa katabing mesa pero tumanggi na ito. “Aasikasuhin ko ang order niyo. Ang lagay e, wala ba tayong inuman d’yan sa pagbabalik-bayan mo, Jandro? Malamang nagkita na kayo ni bossing Dreau.” “Matagal na, Ger. Siya ang sumundo sa akin sa airport.” “Ang lakas mo talaga kay bossing Dreau! O edi kailan ang inuman at jamming natin? Gago, magpakain ka naman. Wala bang pa-chocolate d’yan?” Nagtawanan silang dalawa. Pati ako ay nangingiti na rin. “Wala akong pasalubong. Nagmadali kasi ako sa pag uwi rito.” “O sige. Kahit isang baka na lang.” Pabirong sinipa ni Jandro sa binti si Gerry. “Kailan ka nga magpapainom?!” “Pagdating ni Billy. Pinapunta siya rito ni bossing. Balitaan na lang kita.” “Sinabi mo ‘yan, ha? ‘Wag ka nang makakalimot.” Pabiro niyang tinuro si Jandro. “Oo na.” “’Yong huling beses na naglasing ka, ako pinagbayad mo. Naalala mo? May LQ kayo no’n ni Angel tapos ayaw sagutin ang tawag mo. Ang dami mong in-order. Wala pa man din akong pera no’n.” What? Tumikhim ako at umayos ng upo. Pumangalumbaba lang si Jandro na parang amuse na amuse sa kinukwento ni Gerry. “Kailan ‘yon?” Gerry laughed. “Mm, teka… ‘yong araw na nabasa ni Angel sa cellphone mo ‘yung text ng babaeng manager sa restaurant! May pinirmahan kang raffle roon. Tapos nakuha niya ang number mo at tinext ka. Nag reply ka pa nga. Akala mo nanalo ka! Kaso… nabasa ni Angel sa cellphone mo. Ayun! Nagalit siya sa ‘yo. Akala niya…” Gerry suddenly looked at me. “Akala niya… nambababae ako.” Jandro said in a lower and almost a whisper sound. “Ay! Sorry, Angel! Naalala ko lang naman. Nakalimutan kong kasal ka na nga pala.” Humugot ako ng hangin. Tiningala ko si Gerry at binuksan ang labi. “He’s dead now, Ger. Angel is single again.” “Oo nga. Pero…” Naiwan sa ere ang isasagot kong ‘okay lang’ kay Gerry. Tama naman ang sinabi ni Jandro kaso… iba ang dating. Parang mas pabor sa kanya ang pag-e-explain nito sa status ko. “He’s right. But I’m a widow.” Napakamot sa batok si Gerry. Binalingan niya si Jandro na nananatili ang mata sa akin. Kung hindi pa nag excuse itong si Gerry ay hindi lilipat ang atensyon ni Jandro. Yes, I’m single now. But also, a widow. Dahil nakakabit pa rin sa akin ang apelyido ni Don Francisco. Sa tingin ko nga, wala ni isa sa mga taga rito ang hindi nakakaalam na isa akong Calavera. Sa age gap pa lang namin, usap usapan na ang pangalan ko rito. At kahit hindi ungkatin ang nakaraan, marami ang may masasabi sa akin. Ito nga lang paglabas namin ay tiyak kong issue na. And I know, I would endure another day of murmurs from the people who doesn’t know me at all. But that’s life. If people are bored of doing right, they would entertain themselves in a wicked way. “You don’t have to impose that you’re a widow to Gerry. Or to anyone.” he said in a calm tone. Malaya niyang sinandal ang likod sa upuan at ang isang braso ay nakahandusay sa malinis na mesa. Ang pinagsusuksukan ng tissue sa gitna ay bahagya niyang nausod. I put my hands on my lap. “Iyon naman ang totoo. Mali ang pagkakasabi mong… single ako.” He tsked. “Anong mali roon?” “Iba ang… dating kapag sa ‘yo nanggagaling.” “Bakit? Kapag kay Engineer Divino nanggaling, ayos lang? Speaking of the devil, magkalinawan nga tayo tungkol sa lalaking ‘yan,” Nanlaki ang mga mata ko. He raised his voice, kaya napalingon ako sa ibang mesa. Kung ganito siya magsalita habang kumakain, walang sabi sabi akong tatayo rito at iiwan siyang mag isa. At bakit niya pinagsasalitaan nang ganyan si Richard? “Anong problema kay Richard?” He arched his brow. “Richard? So, closed kayo?” “Kaibigan ko siya.” “Kaibigan? Lang? Parang hindi ako naniniwala.” “Edi ‘wag kang maniwala. Problemahin mo ‘yang mag isa.” Sumambakol ang mukha niyang tumingin sa TV. Humalukipkip ako sandali. Pero nang magtagal ang hindi namin pag iimikan, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang f*******:. I diverted my attention. “Hindi ka pwedeng makipaglapit sa kahit sino.” Mahina ang pagkakasabi pero nagkunwari akong hindi ko narinig. Umayos siya ng upo at inalis ang mata sa TV. Dumating ang dalawang baso ng Iced tea namin. Pagkaalis ng waitress, nagsalita ulit siya. “Hindi ka pwedeng tumanggap kahit manliligaw.” Binaba ko ang cellphone ko sa mesa. “What is it, Jandro? Is this part of your ownership?” He leaned on the table lazily. He looked at my lips then looked in my eyes. Sinarado ko ang labi ko. Sa itsura niya, parang palaging distracted sa labi ko. Dahil ba sa halik sa Raptor? “Yes…” My jaw dropped even if… I expected that answer from him. “That is alarming.” He smirked. “I illegally owned you. But I don’t-f*****g-care. I will do everything to have you… back.” Matalim na titig na tila nakakasugat ng kaluluwa at katahimikang nakakatuliro ng isipan ang namayani sa mesa namin. He never looked away from me. Pati ako ay naiwang nakatitig sa kanyang mga mata. May iisa akong napagtanto at mas luminaw ito sa kaibuturan ako. He is determined. Baliw man iyong matatawag o hindi, sigurado na akong may plano siya gagawin sa akin. Iyon naman talaga ang agenda niya, Angel. At wala kang magagawa dahil binenta ng matandang… pinaglingkuran mo. Pero ngayon mo makikita, kung ano ang mas masama, ang magpakasal sa Calavera o ang bilhin ni Jandro o Draco de Narvaez. Inihatid ang pagkain sa mesa. Si Gerry pa mismo ang nagdala at naglatag habang dumadaldal kay Jandro. I forced myself to smile even if Jandro never tried. Hindi niya rin inaalis ang paningin sa akin. Those intense eyes made its way in my blood. Buhay na buhay ako ngayon sa kanyang harap. At nahihiya sa pagtitig niya. “Kumusta pala si Debra? Single pa rin ba?” “O-oo… yata.” Nabalingan ni Gerry si Jandro na deretso pa ang titig sa akin. Ngumisi ito at tiningnan ako ulit. “Binasted niya ko last year. May boyfriend na daw siya sa Bohol. Ligawan ko nga ulit ngayon. Baka sagutin na ako. Ano sa tingin mo, ‘tol?” sabay baling ulit kay Jandro. He sighed. “’Wag mong tigilan kung talagang gusto mo.” Nagkamot ng ulo si Gerry at bahagyang ngumuso. “Pero kapag binasted ulit ako, susuko na ako.” “So, hindi mo mahal?” Jandro seriously asked. Nailang si Gerry kaya tumawa. “Grabe ka magtanong! Ang lalim!” Ngumisi ako at sinilip ang reaksyon ng mukha ni Jandro. Nakatingin ito sa kanyang plato. Nagsalubong ang mga kilay sa pobreng tinititigan nang mariin. “May girlfriend kasi siya.” I murmured. Gulat at mangha, suminghap si Gerry at naipatong pa sa kanyang ulo ang hawak na tray. “May g-girlfriend ka na, Jandro?” then, he looked at me. Sandali siyang natahimik bago nilagyan ng dugtong sinabi. “Sabagay, nag asawa na si Angel. Tapos ikaw may girlfriend. Mm, pareho na kayong naka move on. Ayos na kayong dalawa. Mas maganda nga ‘yan, e. Bati kayo kahit may past.” Ngumiting patagilid si Jandro sabay angat ng tingin sa kanya. “Oo na, sige na. Kakain na kami.” “Aba… parang may hinanakit ka pa? Tara, iinom natin ‘yan!” They just both laughed about it. Nagkabiruan pa sila sandali bago kami iniwan na ni Gerry. Tumahimik din ang mesa namin at kumain kami nang hindi nag uusap. Masarap ang pagkain. Lalo akong nagutom nang maamoy ang mga nasa mesa. Kaya nilipat ko sa pagkain ang himutok ko sa kaharap at nilantakan ang lahat ng gusto. Tinikman ko lahat. Nagparefill pa ako ng Iced tea at naubos ko rin ang desert kong Banana Split. My tummy felt so full. Para bang ngayon ko lang ulit na-enjoy ang sarap ng iba’t ibang putahe. Naunang natapos sa pagkain si Jandro kaysa sa akin. Pero hindi ko siya tinitingnan habang kumakain ako. Naubos niya ang kanyang halo halo. Inalok niya ako no’n, umiling lang ako. Inalok ko rin siya ng Banana split ko, ayaw niya. Tinanggihan ni Gerry ang bayad niya. But he insisted. Nagbiruan pa sila sa inuman at doon daw babawi si Jandro sa kawalanan niya ng pasalubong. Pagkabayad niya, tinungo na naman ang Raptor. Napansin kong mabagal ang pagdrive niya. Hindi naman gano’n kasikip ang kalsada. Kaya ngang makuha ang byahe pauwi ng sampung minuto. Pero nakakatwenty minutes na kami sa sasakyan. Inisip kong baka sa sobrang busog kaya natatamad. “Ako na magtatabi nito sa ref. Magpahinga ka na.” sabi niya pagkarating namin sa villa. Siya na rin ang nagbitbit ng mga pinabalot namin sa grill ni Gerry. Tumango lang ako. Hindi ko na siya inimikan at nauna na akong pumasok sa loob. Mainit ang likod ko. Alam kong nakasunod ito sa akin. But he didn’t say anything other than that. At around ten PM, nakahiga na ako sa kama. Pinatay ko ang ilaw. Tanging lamp lang ang iniiwan kong bukas. I took my phone and checked in my social media account. Hindi ko muna tiningnan ang mga notification. Isang message ang tumawag ng pansin ko. Jandro sent his photo. His selfie. Kalahati lang ng mukha ang nakikita. Puti ang punda ng unan niya. Kita kong wala siyang pang itaas. Pinindot ko iyong litrato para mas lumaki sa screen. Bakit ko ito ginagawa? Tanong ko sa sarili habang sini-zoom in ko ang kanyang kuha. Every detail of his skin, of his eye and of hair and lips… brought massive familiarity. I touched it before. I had kissed it. Those were used to be mine. I had him. But now, he is only my past. Katabi niya ba si Marina sa pagtulog? Jandro Amante: Matutulog na ako Nagdalawang isip ako kung magrereply pa. Biglang nag kulay green ang tabi ng kanyang DP sa taas. At nagtype ito ng panibagong text. I bit my lip and waited. Jandro Amante: Hindi ka pa matutulog? Send me your picture I released my lip from biting. Nag isip ako ng lilitratuhan sa kwarto ko. Huwag lang ang sarili sa kama. Ayoko no’n. Nag-indian sit ako sa kama at inikutan ng tingin ng kwarto ko. Ang tanging maliwanag ay ang lamp. Nasa ibabaw din ng night table ang alarm clock at pang ipit ko ng buhok. Ito na lang. Binuksan ko ang camera ng cellphone. Kinunan ko iyon ng litrato at sinend sa kanya. Ako: Goodnight He seen me immediately. Jandro Amante: Okay. Goodnight Binasa ko lang iyon at hindi na nagreply pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD