"The LORD reigns for ever and ever." - - Exodus 15:18
--
Chapter 7
Angel Loise
Tinago ni Jandro sa ilalim ng kama ang pantalon ko. Bwisit na bwisit ako. Hindi ko naitago ang matindi kong irap sa kanya hanggang sa pinasakay niya ako sa kanyang black Ford Raptor.
Yes! He already has a new car! What about his license? He drove alone at midnight just to fetch me. Nakadagdag sa inis kong, pagkatapos nilang mag inuman at catch up ni Dreau ay nagmaneho siya. Ang iresponsable no’n para sa akin.
“Pasalamat ka, hindi ko tinapon ‘yan,” he reasoned out while driving. Tinapunan pa niya ng isang sulyap ang hita ko.
“Sino bang maysabing puntahan mo ‘ko sa Inn?” inis kong tanong kahit alam ko naman ang sagot.
“At sino ang hindi marunong tumupad sa usapan? Kung hindi ko lang kasama si bossing, nasa villa ka na, kagabi pa.” kinabig niya ang manibela sa kanto papunta sa gate ng farm. He drove smoothly. Parang walang hangover kung kumilos.
Natameme ako sa pasaring niyang iyon. Hindi ko sinagot dahil totoo ang sinabi niya. Pero gusto ko ring ipamukha sa kanya ang dahilan ko. Kaso kahit sabihin ko ang karapatan ko, malabong maintindihan niya iyon.
He faked a chuckle. “See? Hindi ka nakasagot. Balak mo talagang takasan ako.”
Nag init ang noo ko pababa sa pisngi. Marahas ko siyang binalingan at tila napatid ang pagtitiis ko panandalian. I hated the way he spoke and his tone. Nakakakulo ng dugo!
“I don’t want to be your prisoner! Babayaran kita!”
Mabilis na nagbago ang reaksyon sa mukha niya. “Oh? Paano? Wala kang kapera pera.”
That hit me hard. Oo. Wala nga. Pero…
“Paano kung may makuha ako? Tatanggapin mo ba?!” hamon ko sa kanya.
Hininto niya ang Raptor sa gitna ng kalsada. Wala kaming kasabay o kasalubong dahil maaga pa naman. Binalingan niya ako. Umigting ang kanyang panga sa galit. Naramdaman ko ang pagngatog ng binti ko sa mata niyang iyon.
“Did I give you the permission to pay me back?” umiling siya. “No. Kahit umutang ka pa sa kung sinong hinayupak na pwedeng magbigay sa ‘yo ng limang milyon, hindi ka pa rin makakaalis. Dahil binenta ka na sa akin ng matandang lalaking pinili mong pakasalan-“
Umigkas ang palad ko sa kanyang pisngi.
“Damn you!” sa mababa pero galit kong sambit. Binuksan ko ang pinto at bumaba.
Maglalakad na ako pauwi sa villa nang pinaharurot niya ang Raptor palayo. Tumigil ako sa paglalakad at masama kong tiningnan ang likod ng kanyang sasakyan.
“Sana hindi ka na bumalik!”
Pinuntahan niya ako sa Inn para sunduin at iuwi sa villa pero kaya niya pala akong iwan dito sa kalsada at nauna na siya roon. What the hell, right? Kung ganoon, umuwi siyang mag isa!
Pero bakit nangingilid ang luha sa mata ko? Sa matinding inis. Sa galit. Hindi na halos ako nakatulog nang humiga siya sa kama ko sa Inn. I didn’t even know how to cover myself because of what he did to my denim pants. At ngayon, mag-a-alas siete pa lang umaga, mainit na agad ang ulo ko.
Tumalikod ako at bumalik sa kanto. Pumara ako ng tricycle. Nagpahatid ako sa studio. Sarado pa at mukhang tulog pa si Debra. Sinusian ko ang pinto. Pagkapasok ko, saktong labas ni Debra galing sa maliit na tulugan ng studio. Mukhang kagigising lang at may lukot pa ang kanyang kanang pisngi.
“Oh? Napaaga ka yata… hindi ka umuwi?” Pinasadahan niya ang suot ko. “’Yan pa ‘yung suot mo kahapon, ah.” Turo niya sa damit ko.
“Hindi pa ako nakakapagpalit. Dito ako maliligo. Sorry. Naistorbo ba kita? Maaga pa naman. Tulog ka pa.”
Nilagay ko ang bag ko sa counter. Humikab si Debra. Tinaas ang damit at kinamot ang kanyang tiyan.
“Kanina pa naman ako gising. Tinatamad lang akong bumangon. Kape?”
“Sige.”
“Bibili ako sa labas. Pati ng pandesal.”
“Ako na.”
Wala na rin lang ang antok ko kanina pang madaling araw. Kumuha ako ng pera sa wallet. Humakbang palapit sa pinto si Debra nang bumukas iyon. Malakas na pagkakabukas kaya umalingawngaw ang bell sa taas nito at akala ko nga ay mapapagot sa lakas ng kalampag.
“Ah, Sir, sarado pa po kami-”
Nilingon ko ang taong bigla na lang pumasok sa studio. Namilog ang mata ko nang si Jandro pala iyon. Hinihingal at madilim ang matang nakadungaw sa akin.
“Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko sa ‘yo, Angel!”
Umawang ang labi ko. Sinulyapan ko ang sasakyan niya sa labas. Naroon at hindi ko napansing dumating.
“May iba ka pang pinupuntahan maliban kina Heaven?”
Humakukipkip ako at nagtaas ng noo. Kita ko ang pawis sa kanyang leeg at pamumula nito.
“Bumalik ka sa sasakyan.” Mariin niyang utos.
“Ayoko.”
Sinuklay niya ang magulong buhok at bumuntong hininga.
“Sumasakit na ang ulo ko…”
I smirked. “Problema mo ‘yan.”
“Hindi ba, ikaw si…” nangingilalang turo ni Debra kay Jandro.
“Ang tigas pa rin ng ulo mo talaga,”
Hindi niya tinapunan ng tingin si Debra na natulala sa kanya. He scooped me up. Sa gulat at takot ko, napakapit ako sa kanyang leeg at baka mahulog ako. He took my bag from the counter and then looked at Debra.
“Pakibukas ang pinto, miss.”
Pinalo ko siya sa pisngi at winasiwas ko ang mga paa ko.
“Ano ba, Jandro?! Put me down!”
Hinintay niyang buksan ni Debra ang pinto.
“Ah, eh…” si Debra na hindi makagalaw.
Tiningnan ko siya. “’Wag mong buksan!”
“Okay, fine.” Mayabang sabi ni Jandro at sabay harap sa salaming pinto ng studio. “Tumigil ka sa kagagalaw at masisipa mo ‘tong pinto,”
“Ibaba mo ‘ko!” pinilit kong ibaba ang sarili pero… diniin niya ako sa kanya.
He easily pulled the door. Napalapit pa si Debra pero walang nagawa. Tumama ang isang paa ko sa frame. He murmured a curse. I closed my eyes after I felt the pinch of pain on my foot.
“Damn you!”
Tiningnan niya ako habang lumalabas ng studio. “Pangalawa mo na ‘yan. Kakagatin ko ang labi mo kapag inulit mo pa…”
Hinampas ko ang kanyang dibdib. Walang kahirap hirap niya akong naiupo sa passenger seat ng Raptor. Paglapag ko sa upuan, tinulak ko ang balikat niya. Nauntog siya at napaungol. I stopped from wriggling but my chest was still pounding wildly. And I was breathing fast.
Hinaplos niya ang ulong nasaktan. “Ang sakit. Nabubugbog ako sa ‘yo…”
Aangal sana ako pero hindi ko tinuloy. Tiningnan niya ako. Sobrang lapit ng mukha niya at naaamoy ko ang kanyang hininga. His face has changed. He matured. But his eyes… was very familiar. Malapitan niya akong tinitigan. Kumurap ako at siniksik ang likod sa sandalan para lang ilayo ang labi sa kanya.
“I think, I need to tame you…”
His breath fanned my face. I gulped.
“I need to cut your wings, too.”
My teeth gritted. Hindi ko nagugustuhan ang umuusbong na pakiramdam sa dibdib ko. Inalis ko ang kamay niya sa seatbelt na balak niyang ikabit sa akin. Ang bag ko ay nilagay niya sa kandungan ko. Kinuha ko at umambang bababa kahit nakaharang pa siya.
“Alis d’yan.”
Kinuha niya ulit ang seatbelt at kinabit. Tinanggal ko iyon sa padabog na kilos.
“Bababa ako! Alis!”
Mabigat siyang bumuntong hininga at kinuha ulit ang seatbelt.
Tinanggal ko ulit.
“Don’t try me, Angel.” Kinabit niya ulit.
Nakadagdag sa tapang ko ang galit ko, tinanggal ko ulit iyon. “Bingi ka ba?!”
“Stop it.” he angrily said. He pushed his lips to mine.
Namilog ako ang mata ko sa madiin na paglapat ng labi niya sa akin. Para akong malulunod sa diin ng paghalik at galit na pag angkin ni Jandro. I pushed him. Kasing tigas ng pader ang kanyang dibdib. Kaya inulit ko ang pagtulak sa kanyang balikat. He just barely moved. Nagtagumpay akong ilayo ang labi sa kanya nang itagilid ko ang mukha ko.
Hingal na hingal ako na parang ilang kilometro ang tinakbo ko.
Nakabukas ang labi niya. Sinangga niya ang kamay kong sasampalin ang pisngi niya. I was mortified. His reflexes were still fast. Just like before. He stared at me like as if I killed something in him.
“Hahayaan kitang saktan ako dahil sa masasakit na salita ko sa ‘yo. Pero hindi ako papayag… na sampalin mo sa tuwing hahalikan ka ng labing dating sumasamba sa ‘yo.”
Padabog niyang binitawan ang kamay ko. Nakatitig siya sa akin nang umiigting ang panga. Padabog din niyang sinarado ang pinto ng Raptor. Lumingon siya sa paligid. May mga tao na sa kalsada pero walang nakakapansin sa away o ginawa niyang paghalik sa akin. Umikot siya sa driver seat nang hindi kumikibo pero tinapunan niya ako ng malamig na tingin.
Naroon pa rin si Debra sa pinto ng studio. Tulala, mangha, nakaawang ang labi sa taong nakita nuya ulit makalipas ang ilang taon. Marahil ngayon ay nakikilala na niya si Jandro.
Maiksi lang ang binayahe namin pauwi. Pero nanatili akong naninigas sa kinauupuan ko. Pinirme ko ang leeg at mukha sa labas ng bintana. Dinidiinan ang lapat ng labi. Tila sasabog ang galit sa dibdib ko. Naiipon. Nagpupumiglas na makawala pero hindi pwede!
Huwag kang iiyak, Angel!
Pigilan mo iyan. Kung hindi… Talo ka!
Huwag kang iiyak utang na loob!
Basta niya lang pinarada ang Raptor sa tapat ng villa. Walang salitang binuksan ko ang pinto at agad na akong tumakbo papasok sa loob nang walang nililingon na kahit sino. Kahit nakita ko pa si Marina na nakatayo sa harap ng kuwadro ng Mahal na Birhen ng Guadalupe. Nagdarasal siya roon o inaayos, hindi ko alam. Nilagpasan ko siya at nagkulong sa kwarto ko.
Ang sabi ko sa sarili, hindi pwedeng ganito. Ako at si Jandro ay hindi pwedeng magkasama sa iisang bubong. Pilit ko na siyang kinakalimutan. Ang noon… ay malabo na. Puro pait na lang ngayon.
Maraming nang nangyari. Nagbago ako. Nagbago na rin siya. Obvious naman sa kanyang estado sa buhay ngayon. Pero anong gagawin ko? Hindi ako makawala. Walang wala na ako at balak pa niyang… ubusin ako hanggang sa huli.
--
Dinalhan ako ni Roselia ng orange juice rito sa veranda. Dalawang araw ko nang pinapanood ang mga tao sa baba. Bumalik ang dating sigla, ingay at lakas ng farm. Siguro, matatawag ko na itong De Narvaez farm dahil kay Jandro na ito. Sinimulan na rin niya ang mga pagbabago.
Kinuha niya ulit ang mga pwede pang ibalik na tauhan ng farm. Kasama roon si Mang Nestor. Bumili siya ng mga baka, kabayo at tupa. Pinatamnan niya ulit ng Sunflower ang lupa. Kung nagdagdag siya ng bago ay hindi ko pa alam. Pwede niya iyong gawin kung magustuhan at kung may iba pa siyang plano sa pagpapalago ulit nitong binili. O kung tatawagin na niyang rancho, tulad ng sabing pagmamay ari niya sa Mexico.
May tao ring pumupunta at kinakausap siya. Si Marina ay palaging nasa kanyang tabi. Naksuporta marahil. Hindi pa kami nag uusap mula noong inuwi niya ako.
Kapag niyaya ako ni Manang Lucinda sa hapag ay umiiwas ako. Pinagbawalan niya akong umalis ng villa. Kaya dalawang araw kong ka-text sina Heaven at Richard. Nangangamusta lang pero hindi ko sinasabi ang nangyari. Pinakiusapan ko si Roselia na bilhan ako ng load nang maubusan isang beses. Kaya nilakihan ko na ang pina-load ko.
Nakasakay sa kabayo si Jandro. At sa kanyang likod ay nakasampa rin si Marina. Malalakas ang tawa nilang dalawa na tila kanila ang mundo. Mabilis na pinapatakbo ni Jandro. Lumilipad kasabay ng hangin ang mahaba at kulot na buhok ni Marina. Pareho silang nakapang cowboy outfit. Tulad sa mga novelang napapanood ko ang kanilang itsura.
Paghinto ng kabayo sa baba, tumingala si Jandro sa veranda kung saan nakadungaw ako. Nakatawa. Matalim ko siyang tiningnan. Titig na titig ang mata niya sa akin. I’d rather leave than entertaining those mocking eyes.
Umirap ako at bumalik na lang sa kwarto. Hindi pa ako ganoong nakakalayo ay narinig ko na ang malakas at insulto niyang tawa. I sighed heavily and ran.
Nang mainip, bumaba ako sa kusina dala ang cellphone ko sa pag aasam na makakahanap ako ng ibang tatambayan. Busy sina Roselia roon pero hindi ako nakigulo. Nilingon ako ni Manang Lucinda na nasa harap ng kalan. May hinahalo sa kaldero na marahil ay panghapunan mamaya.
Nilabas ko ang pitsel sa ref.
“Hindi ka ba nagsasawa sa taas, hija? Aba’y mula kahapon ay naroon ka lang. Bumababa ka lang kapag nauuhaw.”
Nagkibit ako ng mga balikat.
“Natuto na akong gumawa nitong tacos, Angel. Madali lang pala at masarap!” halos kinikilig pang kwento ni Roselia.
“Sinong nagturo?” tamad kong tanong bago sumimsim sa baso.
“Edi si Marimar! Este, si Mam Marina. Mabait pala ‘yun. Akala ko noong una, sosyal at maarte. Sabi nga niya, may pagkakapareho raw ang mga Pinoy at Mexican. Kaya madali siyang nakapag adjust.”
“Pero hindi sa pagkain. I guess.”
Tumawa si Roselia. “Mukha ring masarap ang pagkain nila. Bibigyan niya nga raw ako ng mga recipe at tuturuan pa ng ilang Mexican food. Parang nakakatakam nga!”
“Okay…”
Binaba ni Manang Lucinda ang sandok tapos ay yumuko nang hinaan ang kalan. Binalingan niya ako at ang basong hawak ko.
“Juice lang daw ang nimeryenda mo, hija. Gumawa ako ng Pimiento rito,”
“Ayos lang po ako, Manang. Busog pa po.” sabi ko. Pagkaubos ko sa tubig ay agad ko nang hinugasan ang baso sa lababo.
“Naku. Pakunti nang pakunti ang kinakain mo, Angel. Baka mas lalo kang pumayat niyan. Kita mo, lumiliit ang baywang mo,”
“Okay lang po talaga.” Inabot ko ang pamunas na pangtuyo sa baso. Hindi pa ako nakakaharap ay naririnig ko na ang mga boses ni Jandro at Marina. Palapit ng kusina. Espanyol ang ginagamit na lenggwahe.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang accent at matatas na pagsasalita ni Jandro. He really improved. Gaano katagal kaya niya naaral ang salitang ‘yan?
“Hola!”
Binati ni Marina si Roselia. Nilapitan at kinamusta ang tacos na ginagawa nito sa salitang ingles. Binalik ko sa drawer ang baso para makaalis na roon. Pagharap ko, nakahalukipkip at nakaharang si Jandro sa daanan. Nakatitig nang matindi sa akin.
“Draco… come here. Take a bite,” aya ni Marina.
Hindi kumilos si Jandro. At bakit nga ba Draco ang pangalan niya rito? Inampon ba siya o nagpalit lang ng pangalan? Pero wala na akong pakielam doon. Umiwas ako ng tingin nang susubuan ni Marina si Jandro ang pinalamang tacos.
“Marina,” he then took a bite. I heard the crackling.
“How is it? It’s good, right?” may excitement sa boses ni Marina.
“Si.”
“El clima es caliente. But the food is great! Muchas gracias, Roselia!” mabilisan niyang bineso si Roselia na kinagulat naman ng huli. Marina didn’t notice it and ate the remaining tacos.
Then, they talk about other Mexican food. Panay ang tango at tawa ni Roselia. Binalikan ni Manang ang kanyang niluluto kaya hindi ito nakisali. Tumikhim ako at nag excuse.
“Ah, Angel?”
Nilingon ko si Marina. Nakangiti siya at sa tingin ko ay palakaibigang klase ng ngiti iyon.
“I’m sorry. We didn’t have a formal introduction. The last time… you ran off.” She giggled.
Pormal akong tumayo. “Sorry.”
“Oh, but that’s okay! I just hope you have seen Draco’s face after he tasted your coffee. He looked… horrible!”
Tumikhim si Jandro sa kinatatayuan pero hindi ko sinulyapan. Kumuha ng platito si Marina. Nagpalaman ng taco at nilagay doon. Binigay niya iyon. Tiningnan ko lang siya sa ginawa niya.
“You should try this. I know you already have this here in the Philippines. But for me, these ingredients are much authentic.”
Umiling ako agad. “Uhh…”
“Por favor?”
Pinagsalikop niya ang mga kamay na tila labis na humihiling. Tiningnan ko ang pagkain at siya.
“Marina,”
“I want to be her friend!”
Nagulat ako. Tiningnan ko ulit si Marina. Pagkain lang naman ito. At para makaalis na rin doon ay tinanggap at nagpasalamat ako sa kanya.
“Gracias.”
Nginitian ko lang siya bago nag excuse ulit at lumabas ng kusina. Tila nakahinga ako nang maluwag nang mawala roon.
I wonder, alam kaya ni Marina kung sino ako sa buhay dati ni Jandro? Okay lang ba sa kanya na nandito ako sa villa? Habang siya ang present niya? Tanggap niya ba iyon? Ganoon siya ka-modern na babae para hindi mag alala sa akin at sa mapapangasawa niya?
At si Jandro. Hindi ba niya iniisip ang sasabihin ng girlfriend niya? Was it cool to have me around? Even if he just wanted to inflict pain in me. I don’t know.
I stayed in my room the whole day just like what I did yesterday. Marami akong iniisip pero walang nabubuong tamang plano. Umiwas ulit akong kumain kasabay nila. Ipinatawag daw ako ni Marina pero nagdahilan akong masama ang pakiramdam kaya hindi makakasabay.
Habang naliligo ako, pumasok din sa isip kong sumuko na lang. Makiayon sa tadhana at sa kung saan ako dadalhin. Para matapos na itong nagpapahirap na pag iisip sa akin. Kung... Lalaban ako nang lalabanan kay Jandro ngayon... Wala akong sapat na lakas.
Hindi niya tatanggapin kung babayaran ko siya. Kaya para saan pa kung mag ipon ako?
Kung ganoon... Mas dapat kong malaman kung anong magiging papel ko rito sa farm niya? Kasambahay? Tagatanim sa lupa? Trabahador? Ano?!
Nagpapahirap iyon sa akin. Pero may sarili pa rin akong buhay. Pinakahuling tatanggapin ko ay ang umasa na lang sa kanya.
Lumabas ako ng banyo nang nakatapis. Nakatayo si Jandro sa saradong pinto at nakahalukipkip pagkakita ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?!"
Ngumuso siya. Tinagilid ang ulo nang pasadahan niya ako ng kanyang mata.
"Talagang bang gawain mong basta na lang pumapasok ng kwarto ng iba?"
"Kumatok ako."
"Wala akong narinig." he must be lying!
He grinned. "Kaya pumasok na ako. Baka kasi... Tumakas ka na naman."
Umiling ako. Pumikit at pinahinahon ang sarili.
"Jandro... Hindi pwedeng ganyan ang ginagawa mo. Babae ako at nandito rin sa villa ang girlfriend mo. Magbigay ka ng respeto!"
Umahon siya sa pagkakasandal sa pinto ng kwarto ko. Mabagal na humakbang habang pinapaikutan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Huli niyang tiningnan ang kama. Kung saan ko nilapag ang pantulog ko at underwear!
Damn his chances!
"Iniiwasan mo ba ako?"
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"After the kiss..."
"Shut up."
He chukcled and stopped his tracks just infront me. "You are scared, Angel. I felt your body trembling."
Sinong hindi, Jandro? At gusto mong reaksyon ko sa 'yo, matuwa?
"Leave my room. Now."
"I want you to eat with... Me."
"Kumain na ako-"
"Sasabay ka sa amin sa pagkain. Umaga, tanghali at gabi, gusto kong nakikita ka sa mesa."
"'Yan lang ba ang sinadya mo rito? Ang pagkain ko?"
He smirked. "Do you still want your studio?"
Natigilan ako. Kinabahan sa kanyang pagpapalit ng tono. Tuso iyon.
"I will let you work if... You will follow my rules."
Tila binundol ang dibdib ko sa kanyang sinabi. At kahit natakot na ay gusto kong alamin iyon.
"What rules?"
Ilang segundo niya akong tinitigan. "You will follow what I say to you. Hindi ka pwedeng tumanggi o umayaw..."
Mapait akong ngumisi. Hindi ko na alintana na tanging tuwalya lang ang takip ng katawan ko.
"Dahil binili mo ako... sa asawa kong si Don Francisco?" may diin kong sambit.
Umigting ang kanyang panga. Tumalim ang mata niyang kanina lang ay nanghahamon. Natatakot ako ngayon. Ayaw ko lang ipakita sa kanya dahil tatabunan niya ako.
"May magagawa pa ba ako kung pati pag alis ko ay minamata mo? Kaya sige! Susundin kita. Papasok ako sa studio ko at dito uuwi. Kahit ano! Gagawin ko. Tutal, binenta ako sa 'yo ng asawa ko."
Inisang hakbang niya ako at pinulupot niya ang mga braso ko sa baywang ko. Sa bilis, kamuntik na mahulog ang puting tuwalya sa dibdib ko na agad kong hinawakan nang hindi mahulog.
Madilim ang kanyang mga mata. Tulad nito noon... noong sabihin kong nakikipaghiwalay na ako sa kanya. At magpapakasal ako sa iba.
He crushed his body onto mine. I pushed him but it didn't work. It was useless.
"You're not married anymore. You... Are... Mine."
Halos baliin niya ang buto ko sa higpit ng kanyang braso.
"Nasasaktan ako, Jandro,"
"Edi masaktan ka. Wala pa 'yan sa ginawa mo sa akin noon. Dinurog mo' ko, Angel. Wala kang awa."
I gripped on the towel and on his shirt. Ramdam ko ang bundol dito sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Bawat salitang galing sa kanya... Tila malalaking batong dumadagan sa akin.
Nangilid ang luha sa mga mata ko.
Agad niya akong binitawan at nilayuan. Disgust. Iyon ang nakasulat sa kanyang mukha nang tingnan ako.
"I won't be your poor slave anymore. Ikaw naman... ang magmamakaawa sa akin."
After he spat that words, he turned around and left my room. Pabagsak niyang sinarado ang pintuan.
And yes, I still remember that night. The place. The twisting of sheets. The raw feelings and the warmth of his skin. I gave in to him. But killed both of us, too.