Chapter 10

4520 Words
“You shall not misuse the name of the LORD your God, for the LORD will not hold anyone guiltless who misuses his name.” – Exodus 20:7 -- Chapter 10 Angel Loise Umaga, pagkagising ko, chineck ko agad ang cellphone ko. Mabuti na lang walang chat at text si Jandro. Ibig sabihin, hindi ako obligadong mag update sa kanya. Oo, hindi mahirap iyong gawin pero ang alangan sa aking makipag usap sa kanya sa phone gayong kasama namin sa villa si Marina. Ang inuwi niyang fiancée sa Pilipinas. Walang masama sa ginagawa niya kaso… hindi maganda sa pakiramdam. Lalo na noong bigla niya akong hinalikan nang magkasagutan kami. “Nakabili ka ba ng mantika?” “Meron, Manang. Isang bote.” Sigaw na sagot ni Roselia. “Saan mo ba nilagay? Kunin mo na nga’t nahihilo na ako kahahanap!” nahahapong sabi ni Manang Lucinda. Pang apat na araw na ito mula nang simulang manundo ni Jandro sa studio gabi gabi. Walang palya iyon pati ang pag video call niya sa hapon o kaya tawag kapag breaktime at text palagi. Napapadalas iyon. To the point na mas marami na siyang message sa phone ko at palaging nasa taas na bilang ang pangalan niya sa messenger ko. Heaven didn’t text much. Buhos na buhos kasi ang oras niya sa pamilya. Pero palagi naman siyang nagsasabi kapag aalis ng Batangas. Tulad ngayon, ang text niya ay babyahe silang manila ni Dreau. May emergency daw. Sa tingin ko ay may kinalaman sa trabaho ni Dreau. Pagbalik daw nila rito, may salu salo sa villa ni Jandro at inuman kasama si Billy. Pupunta rin daw ang parents ni Dreau. Hindi lingid sa kaalaman kong naging malapit noon si Jandro kina Tita Cecilia at Tito Flameric Frago. Itinuring pangalawang mga magulang ni Jandro ang mag asawa. At kapatid ang turing sa kanya ng nakakabatang kapatid ni Dreau na si Euric. Mula ng araw na pumunta sa studio si Richard ay hindi pa siya nagpaparamdam. Kahit text wala. Busy? Being an Engineer, maybe. Pinagkibit balikat ko lang. Pero syempre hinihintay ko iyong posibleng trabaho galing sa kanya. Gustong gusto kong dumami ang ginagawa ko. Para makalimot sa sitwasyong kinasadlakan ko ngayon. “Pakitikman mo nga itong timpla ko, hija,” Kumuha ako ng tinidor. Nagluto ng pancit bihon si Manang Lucinda para pang meryenda. Suprisingly, walang nagtatanong kung bakit ako gabi gabing sinunsundo ni Jandro sa studio. Kahit ni Marina. Na madalas kong naaabutang nasa harap ng Birhen ng Guadalupe kapag dumarating kami. We… didn’t talk much. Siya ang may dala no’ng imahe galing Mexico. And it looked like devotee siya ng Our Lady of Guadalupe. Kung sila ni Jandro ang nag uusap patungkol sa ginagawa nito sa akin, wala na akong nalalaman. Malibang nakikita kong magiliw at palangiting tao si Marina sa lahat. Ako ang umiiwas. “Perfect, Manang. Pabaon po ako nito a?” She laughed and turned off the fire. “Kumuha ka ng gusto mo. Maraming pagkain dito. Pati si Debra ay pabaunin mo na rin. Teka, gagawan ko rin kayo ng sandwich.” “Salamat po. Nakatipid kami ng meryenda.” Kumuha na ako ng paglalagyan at nagsandok. Hindi lang ang panlabas at gawain ng farm at villa ang nabago, pati na rin ang pamamalakad nito. Siguro dahil kasama talaga ito sa pagkakaroon ng bagong may ari. Pero hindi ko maiwasang maikumpara ang dati. Nag iimpok din ng pagkain noon si Don Francisco. Nagbibigay siya ng budget. Pero… siya iyong tipong hindi naglalagak ng maraming pagkain sa pantry at refrigerator. Matipid din siya sa paggamit ng kuryente. Hindi siya nagpalagay ng aircon. Palaging bukas ang mga bintana. Honestly, I didn’t care much. Gusto ko ang sariwang hangin at hindi ako matakaw. Ibang iba lang talaga ngayon sa hawak ni Jandro. He made sure na puno ang pantry. Na kumportable ang gumagamit ng bawat kwarto. He didn’t mind the bills. He just freely enjoying everything that he earned for the past years he was in Mexico. Hindi naman siya tumitigil sa pagtatrabaho. Ginagamit niya lang ang pinaghirapan niya at marami ring nakikinabang doon. Isa na ako. Kahit bayad ako sa Don, ginagastusan pa rin niya ako. Pakiramdam ko, tumitira ako rito ng libre pero… bawal umalis. Iyong bang, sige, sagot ko lahat ng pangangailangan mong materyal pero sa emosyunal, pahihirapan kita. Iyon ang kapalit ng kaginhawaang panlabas. “Papasok na po ako, Manang, Roselia.” Pagkatapos kong magbalot ng baon, naghugas ako ng pinggan at kaunting tulong sa kusina. Kahit panay ang awat nilang dalawa. Pinagsasabihan na ako ni Manang pero hindi ako nakikinig. Hindi na ako ang amo nila. Sa totoo lang, magkakapantay kami ng katayuan sa villa kahit hindi ako deretsahin ni Jandro. “Mag ingat ka, Angel.” “Opo!” Ano bang klaseng pagpapahirap ang balak niya? Hanggang sa ma-satisfy siya, Angel. Paano iyon? Abangan mo na lang. -- Jandro Amante: Kumain ka na? Online siya nang pasado alas tres ng hapon. Ako: Kakain pa lang Pagsabi ko no’n ay kinunan ko ng litrato ang ginagawa ko sa computer. Tapos na akong kausapin ang dalawang kliyente. Hindi pa lang ako makatayo para bumili sa labas ng makakain namin ni Debra. Ang sabi ko kasi ay ako na ang lalabas. He seen me. Then, he sent me his selfie. Bahagya siyang nakayuko. Ang kaliwang kamay niya ay nakapatong sa ginawa nilang bakod. Nasisilaw ang mata niya sa pagtama ng sinag ng araw. Ang background niya ang luntiang damuhan ng farm. Ako: Okay. Nagmeryenda ka na? Nagluto ng pancit bihon si Manang kaninang umaga Pero baka hindi na iyon ang kainin nila, Angel! Hapon na! Ano ka ba? Jandro Amante: Yeah. Pero ubos na iyon. Magpapadala si Manang ng ginataang mais I tsked. “Ang sarap naman…” Ako: Okay Jandro Amante: Gusto mo no’n? Ako: Malayo ako Jandro Amante: Wala ka sa studio?! Kumunot ang noo ko sa OA niyang chat. Ako: Nasa studio ako. Pero malayo kapag dadalhan pa. Makakaabala lang ako Jandro Amante: Dadalhan kita dyan Ako: Huwag na! Magtitinapay lang ako! Jandro Amante: Uuwi muna akong villa. Then, punta na ako dyan Ako: Huwag na, Jandro! Ilang minuto ang hinintay ko, hindi na niya nabasa ang chat ko. “Hindi pa ba tayo kakain? Diet ka na?” Tiningnan ko ang chat namin ni Jandro. Hindi pa rin niya ako nasi-seen. Pag angat ko ng tingin kay Debra, nakataas na ang mga kilay niya. Bumuntong hininga ako. “Magdadala rito si Jandro ng ginataang mais,” “Hello po…” Isang makahulugang tingin ang ginawad niya sa akin dahil may dumating na customer. Hinintay kong mamili ito ng style. Pagkaraan ng ilang minutong usap at inquire ay saka pa lang kami nagsimula. Iniwan ko ang cellphone ko sa labas at tumayo para kumuha ng litrato. Paglabas ko, siyang pagpasok ni Jandro. Dala ang puting plastic bag na may lamang parihabang tupperwear. Si Debra ang nag asikaso muna sa kanya habang nag eedit ako sa computer. Nililingon siya ng customer. He’s still wearing his cowboy outfit. Plus, his manly scent filled the place like as if he owned it. Minadali ko ang ginagawa para hindi siya maging pansinin. “Ito bayad ko, o.” Kinuha ko iyon at binilangan ng sukling ibibigay. “Thank you.” Umupo sa tabi ng pinto ni Jandro. Katabi niya ang dala. Halos mangiti ako. Dahil naalala ko sa kanya iyong mga magulang na nagdadala ng pagkain para sa anak sa eskwela. “Gutom ka na.” he said without any preamble. Tumaas ang kilay ko. Alas tres y media nang higit. Kung gutom si Debra, malamang nalipasan na. Kasi bago pa lang mag alas tres ay nagtatanong na siya kung anong kakainin namin. “Hindi naman…” mahina kong sagot. Nakatayo ako. Pero nahihiya akong lumapit sa pwesto niya. Si Debra ay kumuha ng tasa at kutsara sa kwarto. Pinasadahan ako ng tingin ni Jandro. His one brow arched a little. At paghinto ng mata niya sa mukha ko, he tilted his face. “Bakit hindi ka lumalapit?” “Uh, hinihintay ko ang paglalagyan niyan. Sabi ko kasi sa ‘yo, magtitinapay ako.” I made my tone mad. He smirked. “May dala rin akong puto.” I stared at him. I waited for the insults but it didn’t happen. Nagtitigan kaming dalawa. Kahit hindi niya ako hinahawakan, para rin niya akong tinatali nang palihim. “Ayaw mo ba akong pumunta rito?” Lumunok ako. Bakit ako kinakabahan? Bakit ako natutuliro kapag kaharap ko siya? Hindi ba tama lang na mairita ako sa kanya? At bakit ako maiirita? Araw araw niya na akong sinusundo rito. “H-Hindi naman. Baka lang… nakakaabala ako sa trabaho mo,” Tinitigan pa niya ako bago nagsalita. “Wala ako rito kung abala ‘to.” Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Parang magnet ang makipagtitigan kay Jandro. Kung vacuum ang mata niya, kanina pa ako nasa loob ng paningin na iyon. At hindi siya nahihiya kahit sa liwanag na kung titigan ako ay parang walang ibang makakakita. Ginagapangan ako ng kilabot at nakakakiliting sensasyon sa balat ko. Natural iyon. Lalo na kung alam mo ang uri ng titig na binibigay sa iyo. That’s why I locked myself in a safe place and mind. Nilabas ni Debra ang mga lalagyanan. Pinatong niya sa counter at nagpasalamat sa nagdala. Hindi pa rin ako kumikilos. Kulang na lang ay magtago ako sa likod ni Debra para hindi makita ni Jandro. When he chuckled, my skin shivered a bit. “Walang anuman. Dadalhan ko kayo ulit next time. Kapag gusto ni Angel.” Binalingan ako ni Debra pagkasandok sa kanyang tasa. Nginisihan niya ako. “Mas gusto nga ni Angel ‘to, Jandro. Kasi nalilibre kami! Tulad kanina. May dala na siyang pansit bihon galing sa villa mo.” “Gano’n ba? Edi… araw araw na akong magdedeliver dito.” “Uyy! Nakakahiya naman kung palagi. Kahit MWF lang.” I scoffed at her. Jandro chuckled and answered that. “Wala ‘yon, Debra. Maliit na bagay.” Kumuha na lang ako ng uupuan. Wala kaming mesa kapag kumakain dito. Sa upuan din namin pinapatong ang pagkain. Si Debra ay mas piniling kumain sa likod ng counter. Pwede rin ako roon sa pwesto ko kaso… hindi pa umaalis si Jandro. At nakita ko pang tatlong tasa at kutsara ang kinuha ni Debra. Tinanggal ko ang takip ng tupperwear. Marami siyang dinala. “Jandro, gusto mo?” I asked. Tumayo siya. Lumapit siya sa likod ko. Dumidikit siya sa akin na parang gusto ring silipin ang dinala niya. My hands trembled. Kaya binaba ko agad ang takip sa takot na mahuli niya iyon. I looked up at him. “Ipagsasandok kita?” “Kung hindi nakakaabala sa ‘yo.” “Hindi.” Mahina kong sagot at umirap. Then, I heard him chuckled. I felt his breath. Its warmth and its freshly scent. Pagkakuha ko sa maliit na sandok, nilagay niya ang kamay sa baywang ko na para bang ini-steady niya ako. But it only added nervousness in my system. Patingin tingin pa sa amin si Debra habang kumakain ito. At may ngiting hindi rin maitago. Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik, bigla siyang nagsalita na parang hindi nakatiis. “Siguro, kung hindi kayo nagbreak noon, may junakis na kayo. Baka may kalaro na sina Aaron at Joshua.” Natigilan ako at matalim kong tiningnan ang kaibigan ko pagsambit niya sa mga anak ni Heaven at Dreau. “Debra.” “O, bakit?” maang maangan niyang tanong. “May girlfriend na si Jandro. ‘Wag ka nang mag bring up nang ganyang usapin.” Sermon ko. Napatakip siya ng bibig. “Oops! Sorry, sorry!” “I have no problem with that. I’m sure, Marina can understand.” Sagot ni Jandro. “Ows? Okay naman pala, Angel. Ito talaga. Sports sila.” “Hindi okay sa akin.” mariin ko pa ring segunda. Jandro tightened his hands on my waist. Sa unang sandok ko sa tasa ay naramdaman ko iyon. Kaya nilingon ko siya nang matalim pa sa kutsilyo. He looked down at me. He… just… looked… down. Inalis ko ang tingin sa kanya nang hindi ko siya mapatabi at nag concentrate na lang sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang tumayo sa likod ko. Pagkasandok sa pangalawang tasa, siyang dating ng mga customer. “Sa loob na kaya kayo kumain?” taboy sa amin ni Debra. “Huh? Hindi na-“ “Nakakain na ako. Kayo, kakain pa lang. Ako na muna rito. Sa kwarto na kayo, Jandro. Masikip, e.” turo niya sa mga dumating. Nasa apat o lima ang mga taong magpapalitrato. “Ihatid mo na ‘to roon. Kukunan ko sila,” Biglang hinawakan ni Jandro ang palapulsuhan ko. Tinuro niya ang pinto ng kwarto at pagkatango ni Debra ay hinila niya ako roon. “Jandro.” “Let’s eat here.” May diin niyang sagot. Halatang walang pasensya kung magmamatigas ako. Binalingan ko si Debra. Kinuha niya ang mga tasa at sinunod sa amin. “Talaga, Debra?” bulong ko sa kanya. “Tsupi ka muna, Angel. Kumain ka lang d’yan. Kayang kaya ko ‘to!” “Pero-“ “Ang kulit mo!” Hinigit pa ako ni Jandro papasok sa loob. Bukas na ang ilaw. Nahiya ako nang makita niyang sobrang liit lang ng espasyo. Pagbukas ng pinto, kama agad. At sa paanan no’n ay ang maliit na estante at mga bag ni Debra. Ang stand fan ay nasa sulok. Walang bintana. Medyo mainit at talagang pagpapawisan ka kung walang electric fan. “Dito ko na lang ipapatong ‘to, ha? Baka masanggi niyo.” Sa upuan lang din ipinatong ni Debra ang mga tasa namin. Binitawan ni Jandro ang kamay ko para buksan ang stand fan. “Labas na ako.” Kumalat ang hangin kaya nabawasan ang init. Nananatili pa rin akong nakatayo sa tabi ng kama. Umupo si Jandro sa gilid ng kama at tiniklop pataas ang longsleeves niya. Tiningala niya ako. “Bakit nakatayo ka pa d’yan?” natatawa niyang tanong. Kasing talim ng blade ang titig ko sa kanya. “Nagugutom na ako, Angel.” Nariyan ang pagkain, edi kumain ka! Pero hindi ko na iyon sinabi. Imbes ay, umupo rin ako sa gilid ng kama. Nilapit niya ang bangko at sinimulang lantakan ang ginataang mais. “Lumalamig na ‘to…” Wala na akong magagawa kaya nagsimula na rin akong kumain. Hindi kami nag imikan. Binilisan ko na ang kain para makabalik kami sa kanya kanya naming trabaho. Sinisilip ko ang laman ng tasa niya. Kahit medyo nakakapaso pa iyon. Ang sabi niya malamig na raw. Kailangan ko pa ngang hipanin bago isubo. Pero siya… tuloy tuloy ang subo. Kaya nang maubos ang unang tasa niya, sumandok ito ng panibago. “Kumain ka pa. Marami akong dinala sa ‘yo.” Sabi niya at may natira pa sa lalagyanan. “Busog na ‘ko.” sabi ko. “Tsk.” Binalingan niya ako at tiningnan ang katawan ko. “Patpatin ka na. Kasabay mo yatang nagdiet ang mga naiwang kabayo at baka sa farm.” “Siraulo.” Bulong ko. He chuckled. “Biro lang. Pero ngayong nasa akin ka na, patatabain kita.” I smirked. “Katulad ng ginagawa mo sa mga hayop mo? Para pagkakitaan ba?” “Pagdating sa ‘yo, confidential ‘yan.” Pilit kong nilunok ang huling sinubo ko. Nawalan na ako ng ganang kumain nang dumako ang usapin sa kanyang trabaho sa farm. Iyon na nga ang tingin ko sa sarili ko, ‘di ba? Wala akong pinagkaiba sa mga baka na binebenta sa auction tuwing biyernes. Aba, kilala ang Padre Garcia sa livestock market. At tapos ako? Binenta ng matandang asawa sa lalaking… namumuhi sa kanya. Hindi ko alam kung anong future ko ngayon. Nagplano ako pero bigo. Dumating siya at inangkin ako. Nawalan na ako ng sariling buhay. At ngayon… ibig niyang sabihin, isinama na niya ako sa mga alaga niyang hayop na patatabain at saka ibebenta! O kung hindi man ibenta, pagplanuhan! O kung hindi man din, marami siyang pwedeng gawin! I previously experienced a dark life. Ayoko nang mapunta ulit sa ganoon! Ayoko na! “Basta akong bahala sa ‘yo. Lulusog ka sa akin,” “Tumigil ka nga, Jandro!” Tumawa pa siya at parang biro lang ang galit ko. “Ano? Nakalimutan mo na naman ang sinabi ko sa ‘yo?” I glared at him. I swear. My anger couldn’t be swayed by now. Nalusaw ang mapaglaro niyang ngiti. Pinagmasdan niya ako. “Angel…” “Am I going to be for sale again, huh?” Walang kasing pait ang bagsik na sakit na naramdaman ko. Tuluyang nagbago ang kanyang mukha. Kung galit ba iyon o muhi o pandidiri ay hindi ko na masigurado. But definitely, he wasn’t joking anymore. “Hindi ganyan ang sinasabi ko,” “Pero ganoon din, ‘di ba?” “Angel.” “You’re going to hurt me. To use me. To make fun of me. Then after that, you’re going to throw me away or offer me to another wealthy man, so you can finally be-“ “Shut the f**k up.” He murmured. I gritted my teeth. “Bibihisan mo ‘ko. Papakain. Hanggang sa magsawa ka at ibenta rin ako para pagkakitaan. Limang milyon din ako. Luging lugi ka kapag hindi mo ako napakinabangan. Ilalagay mo ba ako sa auction para malaman ang value ko?” “Do you want to?” he mocked me. Uminit ang mata ko sa pagtitig sa kanya. “May say ba ako? Amo kita, ‘di ba? Kasama mo akong patatabain sa mga alaga mo!” Sa gitna ng initan namin, tumayo ako at balak na takasan ang galit na nararamdaman ko, Frustration sa buhay. At takot na binuhay kong poot sa kanyang mga mata. Nabunggo ko ang upuan at tasa ko pero hindi ko pinansin. Mabasag man ay hindi ko iindahin. I just wanted to escape this pain. But he halted me. Hindi umabot ang kamay ko sa door knob. He tugged my other hand and made me sat on his lap. My back against him. “Jandro!” Nagpumiglas ako. But he locked my arms by his hands. Kinulong niya ako. Tinali na parang sirang tatakas sa kanyang kulungan. “Let me go!” “Hindi mo ako naintindihan…” he calmly whispered. Humihilakbo pa rin ang dibdib ko. Ang utak ko. Anong nagpainit sa ulo ko? Ang tono ba niya? Ang ginamit ba niyang salita o siya mismo? Alin doon? Alam kong may mali akong natanggap kaya ganito ako kagalit ngayon. And making me sat on his lap… is also making me want to stand up and take the farthest distance away from him. Away from this man. Away from the very first man in my life. Take me away from the man… I wanted to erase in my whole life. “Mali ang pag intindi mo…” “Wala na akong pakielam! Bitawan mo ‘ko.” But he tightened his arms around me. Nilingon ko siyang bahagya. Ang ilong at bibig niya ay nakasandal na balikat ko. Para akong mahihilo sa kanyang lapit at yakap na mahigpit sa akin. “I didn’t mean to hurt you. Ang ibig kong sabihin…” “I don’t care.” “…aalagaan kita…” “Shut up!” nangigigil kong sambit. Pinirme niya ang kamay ko sa tiyan ko. “I’m sorry. Aalagaan kita. Iyon ang ibig kong sabihin.” “Pwede ba? ‘Wag na tayong maglokohan dito. Alam ko kung bakit ka nandito sa Padre Garcia, Jandro. Alam ko ‘yon!” “Really? Sige nga, sabihin mo.” In the middle of my anguish and frustration in life, I felt him smelled my skin on my neck. My lips parted to say something but words were… nowhere to be found. His lips… touched my skin. Pagkatapos niya akong samyuin na parang bagong sibol na bulalak, bubugahan niya ako ng mainit niyang hininga. And his fingers… started to caress mine. “Jandro…” I only managed to murmur. He made a low sound which I couldn’t name. Tumataas baba ang dibdib ko. Umiinit ang hangin at walang silbi ng electric fan. “Sabihin mo… kung bakit ako narito, Angel. Sabihin mo sa akin…” bulong niya sa tapat ng tainga ko. Umawit ang katahimikan. Tanging ang mahina pero lumalangingit na tunog galing sa electric fan ang maririnig. Iyong tunog na malalaman mong tulog ang taong hinahanginan nito. At nang nahihina ako. No. Hindi. Pwede. Angel… He held my hand and he started kissing my neck when I didn’t give him answer. “Jandro…” He sighed softly against my burning skin. “My baby…” Pumikit ako nang marinig ang boses niya. Damn memories. Damn my past. Damn endearment. Bakit ba ginawa pa ang mga iyan? Bakit hindi mo pa binura! Niyakap niya akong tuluyan. Hindi na pagpigil ang ginagawa niya kundi malambing na yakap galing sa likod ko. Binagsak niya ako sa kanyang katawan at pinaulanan niya ng mababaw na halik ang leeg ko at batok. Lumipat siya sa kabilang side at ginawa ulit iyon. “Tell me. Bakit ako bumalik?” bulong niya sa makasalanang tono. I parted my lips. Nagsimulang uminit ang mata ko. “Para… s-saktan ako.” “Uhuh. Then, what else, baby?” I gulped. I sighed again. “To hurt me… to get revenge with me… to show me that you’d changed now…” He planted delicate kisses again on my neck. Mas matunog na halik. Mas umaalab at diin. “Yes. All for you, my baby.” He put his hand on my jaw. Motioning me to look at him. Dumilat ako at marahan ko siyang binalingan. Tangan ang kalabog sa dibdib ko. Nagugulumihang tiyan ko at nag aalab kong balat. Nagtama ang mga mata namin. Pero bumaba ang kanya sa labi ko. We were sweating. Hindi na tumatalab ang hangin sa stand fan. O masyadong mahina para sa mga balat namin. But… he looked so soft. Just like before. Sa tuwing napag iisa kami ng lugar. Sa tuwing nagnanakaw kami ng oras para… maghalikan. Gustong gusto ko ang maamo niyang mukha. Pero mabagsik ang labi. He grinned and told me how beautiful I am. Na wala siyang ibang mamahalin at pakakasalan kundi… ako lang. Ako lang ang para sa kanya. Sabi niya noon. Now, he wanted to brush his lips over mine. Naparte na ang labi niya at palapit nang palapit sa akin. “No!” I squealed like a crazy. Agad akong tumayo at nakawala sa kanyang yakap. Pinunasahan ko ang luhang kumawala sa pisngi ko. “Angel…” “You’re crazy, Jandro! Hahalikan mo ‘ko ngayon? Paano si Marina? Pupunta punta ka rito habang nasa villa ang girlfriend mo at walang kaalam alam sa pinaggagagawa mo!” Tumayos rin siya kaya’t napaatras ako sa pinto. His jaw clenched. “You are crazy!” I punched his chest. He didn’t wince. He stepped forward. Hingal na hingal akong nakatingala sa kanya. Matagal niya akong tinitigan. Akala ko… akala ko ay talagang sasaktan niya ako o pipilitin. Pero paglipas ng ilang segundo o isang minuto, bumaba ang galit niya. Tila pagod siyang bumuntong hininga bago nagawang magsalita. “Susunduin kita mamaya.” Then he opened the door and left me alone. Pagkasara na pagkasara ng pinto, saka ko lang naramdaman na huminga nang malaya. Hinawakan ko ang dibdib ko. Kinalma ko ang puso ko. Buhay pa ba ako? I bit my lip and closed my eyes. Ang kirot na ng puso ko. Buti buhay pa ako? Salamat kung ganoon. Pero… makakaya ko ba ito sa mga susunod na araw at panahon? Ayokong mamuhay na tense, anxious at frustrated palagi. I knew, I would never fall in love again. Imposible na. Ramdam ko hanggang buto na hindi na. Ayaw ko na. Pagod na. At takot na takot na ako. Kung… bubuhayin ako ulit, ayoko nang maging Angel Loise Estrella. Iisa lang ang magandang nangyari sa buhay ko. The rest… is pain. “Hello, girls!” “Gerry?” Masasabi kong, masyadong maliit ang Padre Garcia. At marami rin akong alaala rito. “Flowers for you, Debs.” Nakangiting harap ni Gerry kay Debra. Alas siete na iyon ng gabi. Nang lingunin ko si Debra, mukha nang kamatis ang mukha niya. Sarado na ang studio. Hinihintay ko lang na sunduin ako. “Gerry naman. Nakakahiya ka.” I smiled. Humalukipkip ako. Nakatayo ako sa labas ng counter nang dumating si Gerry. Na may dalang bouquet ng bulaklak. Hindi ko lang alam kung hindi ito inaasahan ni Debra. Pero batid kong may balak si Gerry na manligaw. “Bakit? Kay Angel ba? Sus, alam niyang manliligaw ako sa ‘yo.” “Ehhh! Nakakahiya pa rin.” Natawa ako. Panay ang kamot ni Gerry sa likod ng ulo niya. Kinuha naman ang binigay niya. Nakita ko sa labas ng pagparada ng Raptor. Nalusaw agad ang ngiti ko at napaayos ako ng tayo. Hindi nagtagal ay bumaba si Jandro galing driver seat. Iba na ang suot niyang damit at bagong ligo ulit. Medyo gulat din ito nang makita si Gerry sa studio. “O, pa’no? Iiwan ko na kayo rito. Gerry… Debra…” kinuha ko na ang bag ko at sinuot. “Ingat kayong dalawa!” “Kayo lang dito?” kunot noong tanong ni Jandro kina Gerry nang malaman ang pakay ng kaibigan niya. “Oo naman, ‘tol. Babantayan ko si Debs.” “Loko, isang oras ka lang dito. Baka kung anong mangyari,” Bigla ko siyang siniko. Napasiko ako sa bandang tiyan ko dahil namula lalo ang mukha ni Debra. He looked at me and questioned me. Tumikhim ako. “Text mo ‘ko mamaya pagkaalis ni Gerry. Or much better, tatawagan kita bago ako matulog.” “O-Okay sige, Angel, Jandro. Don’t worry.” “Pambihira. Tumatayong magulang mo ba ang dalawang ‘to, Debs? Ano ba ‘yan!” “Gerry nga.” Saway ni Debra. Yumuko at tinago ang pagtawa. Sinundan ni Jandro ang mukha ko. At nang magtama ang mata namin, naalis ang tawa ko at tumikhim na lang. “Sige na. Alis na kami,” sabi ko. Jandro was still staring at me. “Swimmming tayo sa Bawi Eco Trail. Tayong apat lang. Double date.” “Gerry,” ani Jandro. “Minsanan lang, ‘tol. Saka, hindi papayag si Debra na kaming dalawa lang doon. Edi, sumama na rin kayong dalawa. Para bantayan niyo kami.” “Ano ka bata?” Nagkatinginan kami ni Debra. Tiningnan niya ako na parang… gusto niya ring sumama. Pero ayaw niyang mag isa. “E, kaysa naman mapurnada. Sumama na kayo ni Angel. Sagot ko ang pagkain. Sige na, ‘tol. Minsanan lang humiling, o?” Kami ni Jandro ang nagkatinginan. Papayag ba siya? Ako, okay lang na samahan si Debra nang wala siya. At kung sasama siya, hindi pwedeng iwan si Marina sa villa. “’Wag ka nang sumama. Ako na lang.” prisinta ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD