“You shall not covet your neighbor’s house. You shall not covet your neighbor’s wife, or his male or female servant, his ox or donkey, or anything that belongs to your neighbor.” – Exodus 20:17
--
Chapter 16
Angel Loise
I know that it is not easy to compete with them. Malalakas silang tao. May natutunan na sa buhay at mabigat ang pinagdaanan. Isa iyon sa mga nagustuhan ko kay Jandro noon. He is a fighter. Hindi marunong umatras sa laban. Hindi siya takot magbuwis ng buhay.
Isang beses kong sinabi sa kanyang, hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanyang masama. I was in love with him. I wanted him all mine. But life wasn’t that easy too.
Akala ko pagdating niya sa buhay ko ay sapat na. Pero hindi pa pala. May mas mabigat pang darating na magpapatumba sa pag-ibig mo sa isang tao. Pangyayaring kayang gunawin ang nagpapaligaya sa iyo sa isang iglap.
Ganoon ang naranasan ko. Nawala ang apoy sa puso ko. Nanlamig ako. Nahiya ako sa mundo at higit sa lahat… sa sarili ko.
You could find happiness. You could find life. You could find joy. But the world isn’t perfect to live on.
Umiikot ito. Nagbabago.
Happiness is not forever. Life is short. Joy is rare. You couldn’t have everything on your own pace.
Choose. You must choose.
At ito ang pinili ko. Ang mag-isa. Dahil ito lang ang kaya ko.
Totoong ang sakit ay may kakayahang baguhin ang isang tao. Dahil ang makaramdam ng sakit ay isang karanasan. Maaari ka nitong hubugin, baguhin o palitan ang pananaw mo.
Kung hindi ko magagawang pigilan si Jandro sa paglapit-lapit sa akin, gagawa ako ng paraan para palayuin siya.
Naabutan ko sa kusina si Marina. Nasa harap sila ng kalan ni Roselia at may niluluto. Bahagya akong yumuko. Tumawid ako papunta sa fridge para kumuha ng tubig. Nakabukas ang TV. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Kumakalabog ang dibdib ko. Kasabay nito ang pag-init ng mukha ko.
She is Jandro’s fiancée. But he is sneaking in my room at midnight.
“We prepared breakfast for you.”
Bahagya akong napaigtad sa boses ni Marina. “Huh?”
She chuckled. “We cooked breakfast for you, Angel. Here,”
Tiningnan ko ang mesa. May takip ang plato at tasang naroon.
“Draco said, we should cook you new dishes and not just the leftovers. I agreed with him. He wakes up early and he eats a lot. Your breakfast wouldn’t be enjoyable if it is cold, right?”
“It’s fine with me, Marina. Cold or not, it’s no problem with me.”
“Oh no. That’s not okay with us. I totally agreed with Draco. Besides, there’s a lot of food in the pantry. He made sure you eat on time.”
Natulala ako sa kanyang sinabi. Binalingan ako ni Roselia habang may hinahalo ito sa kaldero.
“I’m sure it’s not all about me. I’m not part of your family,”
She smiled at me. Nilapitan niya ako. Humalukipkip sandali. Inabot niya ang buhok ko at inayos ang ilang hiblang humarang sa pisngi ko.
She sighed. “You are living in this house. So, you are part of our family. You are his angel, right?”
“Marina…”
“Ah! Never mind what I said. Roselia?”
“Yes, mam?”
“Can we have this dish later?”
“Marina.”
“Yes, Angel?”
“About Jandro,”
“What about him?”
Humigpit ang hawak ko sa baso habang manghang nakatitig sa kanya. This is my chance to tell her about Jandro. Dapat kong ipaalam sa kanya ang nangyayari sa amin. Nahuli na niya kaming naghahalikan dito sa kusina pero wala akong narinig sa kanya. Baka pinatahimik siya ni Jandro o pinangakuan ng kung ano. Ewan ko. Pero para maliwanagan siya, ipapaalam ko.
“He… he… wants…”
Nagkandautal utal ako. Hindi ko siya maderetso, Nasa akin na ang buong atensyon ni Marina pero ang dila ko ang humihina.
“He wants me to…”
Ilang beses kong binasa ang labi ko. Nagsisimula akong tensyonin.
Pinatay ni Roselia ang kalan. Binalingan siya ni Marina.
“Are you done? Can I taste it?”
Nalipat ang atensyon niya sa pagkain.
“Yes, mam. Spoon is here.”
Binaba ko ang paningin sa basong hawak ko. Hinintay ko matapos siya sa pagtikim sa pagkain at saka ko itutuloy ang sasabihin.
“Aw! This is soooo freaking good, Roselia! Great job!”
Masayang pumapalakpak si Roselia at nagpasalamat. Pagbaling niya sa akin ay nalusaw ang ngiti nito.
Kumunot ang noo ko.
“You are really a good cook. I might have you with me in Mehiko.”
Muling ngumiti si Roselia. Nag usap sila tungkol sa mga pagkain. Umupo ako sa mesa at sinimulang kainin ang almusal para sa akin. She is a homebody woman. Mas gusto niya ang ganap sa kusina kaysa ang lumabas. Pupwede siyang maging maalagang asawa at ina balang-araw. Tapos ay napakabait pa niya.
Heto ako. Pinagluluto niya ng pagkain para hindi tira tira ang kainin ko. While Jandro is pestering me behind her back.
“What are you telling me again, Angel? I’m sorry.”
Natigilan ako at tumingala sa kanya. I’m a little bit caught off guard when she approached me.
Kung kaya napailing ako.
Angel Loise! What did you do? Umiling ka? Dapat ay sinabi mo na kay Marina na gusto ni Jandro’ng balikan ka!
Istupida!
Marina tilted her head. “I thought, there is a problem with Draco. If there is, don’t hesitate to tell me, okay? I’m willing to listen for you. Really.”
“O… kay.”
“By the way, is there any bookstore or library that I can visit? I can’t rely in the internet speed here. It is so slow.”
Umalis si Marina pagkasagot ko sa kanya. Magpapasama raw ito sa tauhan ni Jandro para hindi maligaw. Naiwan akong tulala at halos hindi makakain.
May mali rin sa akin, e. Takot din akong magsabi kay Marina. Kung ganoon, hahayaan ko na lang si Jandro sa plano niya?
Pumikit ako. Dumagdag pa ito sa mga iniisip ko.
Naghuhugas sa lababo si Roselia. Pumasok si Manang Lucinda. Binati ako at tinanong ang oras ng pasok ko. Binalingan kami ni Roselia at nagulat ako sa medyo galit niyang tingin sa akin.
Pinagbaunan ako ni Manang Lucinda ng pagkain. Iyon daw ay bilin ni Jandro.
“Sige po. Salamat.”
Mabigat na bumuntong hininga si Roselia.
“Paano mo nagawa iyon, Angel?”
“Ang alin?”
Padabog niyang binaba ang basahan sa gilid ng lababo at humakbang ito palapit sa mesa.
Tiningnan na rin siya ni Manang Lucinda.
“Akala niyo siguro walang makakaalam. Pero nakita kong lumabas sa kwarto mo si Mr. De Narvaez noong isang araw. Walang pang itaas at bagong gising!”
Namilog ang mata ko.
“Roselia ang boses mo.”
Inabot ni Manang sa braso sa Roselia.
“Totoo ang sinasabi ko, Manang! Natutulog sa kwarto ni Angel si Mr. De Narvaez! May relasyon silang dalawa!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Kumalabog ang dibdib ko at parang naubusan ako ng sasabihin.
Mangha at gulat sa mukha akong binalingan ni Manang Lucinda.
“Ano ang ibig sabihin nito, hija? Ikaw at si… Sir Draco?”
Tiningnan niya ang paligid. Hindi niya binibitawan si Roselia na para itong magkakalat sa villa.
Tinuro ako ni Roselia habang ang mata ay mariin kay Manang.
“Opo meron iyon! Nakahubad siya noong lumabas sa kwarto ni Angel!”
“Pero… teka…”
“Opo, Manang. Siguradong sigurado ako. Niloloko nila si Mam Marina!”
Lumunok ako. Yumuko at nag iwas ng mata kay Manang.
“Hindi magagawa ni Angel iyan, Roselia. Baka nagkakamali ka lang.”
“Hindi po ako naduling, Manang. Kilala niyo ako. Hindi ako marunong mag imbento ng kwento. At saka, si Angel po ito. Matagal na natin siyang kasama rito sa villa.”
“Hija…”
Mas lalo ko pang niyuko ang ulo ko. I… don’t want to lie to them. These women are good to me. It is going to be late to cover it.
“Totoo po, Manang.” I bit my lip.
Pumadyak si Roselia at hinawakan ako sa balikat. Napatingala ako sa kanya.
“Bakit mo ginawa iyon, Angel? Bakit ka pumatol sa may girlfriend na?”
“Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa ‘yo!”
“Sino naman po ang makakarinig, Manang? Hindi nakakaintindi ng Tagalog si Mam Marina,”
“Kahit na.”
Sabay nila akong tiningnan. Si Roselia ay parang maiiyak na.
“Bakit, Angel?”
Umawang ang labi ko.
“Hindi ka naman niya… pinilit, ‘di ba?”
Umiling ako kay Manang. Tila ito nakahinga nang maluwag.
“Pero bakit natutulog siya sa kwarto mo? Natulog nga lang ba?”
“Natulog lang po siya roon.” may diin kong sagot.
Natahimik kami. They are probably waiting for me to explain more but then… I sealed my lips.
I feel embarrassed. I am ashamed even if it isn’t my intention to create an affair with him. Wala naman talaga. Magaan ang loob nila kay Marina. Kahit naman ako ay ganoon din. Kaya ang malamang pumupunta sa kwarto ko si Jandro ay nakakahiyang aminin sa kanilang dalawa.
“Huminahon po kayo. Wala kaming relasyon.”
I admit. It is harder to make an excuse when they have a witness. Hindi ko na tinapos ang kinakain ko. Naupo si Manang Lucinda at bumuntong hininga. Si Roselia ay tumayo sa likod ng inuupuan ko.
I feel like they are my team. That they are still on my side no matter what. That they would help me eventually to clean the mess we made.
“Umamin ka nga sa amin, hija. Matagal na ba kayong magkakilala ni Mr. De Narvaez? Tinatawag mo siyang Jandro. Pati ang mga kaibigan niya ay kilala mo rin. Tama ba ako?”
“Kakilala kasi ni Mrs. Frago kaya ganoon, Manang!”
“Tumahimik ka muna, Roselia. Si Angel ang kausap ko.”
Tiningnan ko ang mga daliri ko. Tumango ako.
“Bago ka pa magpakasal kay Don Francisco, Angel?”
“Oo.”
Nagtinginan silang dalawa. Bumuntong hininga ako at uminom ng tubig.
“Ex-boyfriend ko po siya.”
Malakas na suminghap si Roselia. At si Manang Lucinda ay napatakip ng bibig. Ganoon ba katindi ang rebelasyon ko sa kanila?
“Ah! Magbabalikan ba kayo, ganoon?”
“Hindi. Siya ang… siya ang pumupunta sa kwarto ko. Nagigising na lang akong… katabi siya.”
“Susmaryosep.”
Tumikhim ako at bahagyang ngumiwi sa reaksyon ni Manang Lucinda. Mas kinakabahan pa yata ako sa nakikita kong epekto sa kanila ng sagot ko.
“Wala po akong balak na makipagbalikan. Pero… hindi rin po ako pwedeng umalis ng villa. May… u-utang po ako sa kanya. Malaki. At ang pag-i-stay ko po rito ay bilang bayad na rin.”
“Hala siya! Ang laki laki pala ng problema mo sa lalaking iyon. Edi bakit hindi ka mangutang sa iba para makapagbayad kay Mr. De Narvaez? Humingi ka ng tulong kay Atty. Divino.”
Umiling ako. “Mahirap i-explain. Ang tanging magagawa ko ay sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero nag iipon ako para makabayad. Ganoon po ang naisip kong solusyon.”
Narinig ko ang mahinang buntong hininga ni Roselia. Pinatong niya ang mga kamay sa balikat ko. Nilingon ko siya at may pag iintinding ngumiti.
“It’s alright. Hindi mo sinasadya iyong makita. Walang… nangyayari sa amin. Lasing siya no’n at sa kwarto ko natulog.”
“Hindi iyon, Angel. Kasi pinag isipan agad kita nang masama. Sorry. Akala ko… talagang pumapatol ka sa may pera para makaahon sa hirap,” may pagkumbaba niyang sabi.
May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Pinisil pisil niya ang balikat ko na parang kayang alisin no’n ang hapdi ng pag iisip niya nang masama sa akin.
“I understand. Ganoon na naman ang naririnig ko mula nang pakasalan ko si Don Francisco. Hindi ko naman kayang palaging magpaliwanag ng side ko.” nagkibit ako ng balikat. “Ganoon yata talaga ang buhay…”
“Pasenya na, Angel. Naaawa kasi ako kay Mam Marina. Sunud sunuran siya kay Mr. De Narvaez. Palagi siyang nakangiti at masaya. Tapos malalaman kong pumupuslit sa kwarto mo ang boyfriend niya. Sumama ang loob ko. Nahirapan akong makatulog sa gabi.”
“Ngayon… ay alam na nating hindi kagustuhan iyon ni Angel, Roselia. Pero hija, wala ka ba talagang mahihingan ng tulong? Kay Mrs. Frago?”
“E, magkano ba ang utang mo roon? At saka bakit ka nagkautang? May ilang taon na ba kaya lumaki ang interest?”
Binaling ko ang paningin sa plato pero wala roon ang takbo ng isipan ko. I can feel my blood heating up and travelling in my veins. I never ask help from Heaven about the money. If I would do that, Dreau would find out.
And I will never disclose the fact… that Don Francisco Calavera sold me to Jandro. Sobrang nakakababa na iyon para sa akin. Hindi ko matanggap tanggap.
Kung sakali mang alam ni Dreau ang totoo, pasalamat na lang ako at wala siyang sinabi kay Heaven.
I’m sure Euric and Billy don’t know anything. I’m sure of it.
I sighed. “Malaki. At sana ay ‘wag niyo pong ipasabi sa iba. Kahit kay Heaven. Wala pong alam dito ang kaibigan ko.”
“Si Debra?”
Nahihiya akong umiling.
Hindi malaman nina Manang Lucinda at Roselia kung paano lulunukin o iintindihin ang problema ko. Nagsabi pa sila ng mga lending company at mayayamang tao na pwedeng lapitan. Pati gobyerno ay isinama na kahit malayong makatulong.
Pero may isa akong pinag aalala kaya pinaalala ko rin sa kanilang dalawa.
“Huwag niyo pong ipahalata kay Jandro na sinabi ko po ito sa inyo. Kasi… baka bigla niya kayong alisin sa trabaho.”
Namilog ang mata ni Roselia at kinagat ang labi. Si Manang Lucinda ay hindi naman ganoong kumibo. I don’t want to scare them but I just want to secure their jobs. Kung mali ang warning ko, okay lang din. Huwag na lang sana makarating kay Jandro na sinabi ko iyon.
“Ako na ang bahala sa lock ng kwarto mo. Uutusan ko si Nestor na palitan ang doorknob mamaya at sisiguruduhin kong walang susi si Mr. De Narvaez!” may diing sabi ni Manang Lucinda.
Pagpasok ko sa studio, maya’t maya ang text at tawag ni Jandro. He is reminding me not to entertain suitors and told me to ignore Richard. Hindi ko naman nire-reply-an dahil busy ako sa trabaho. Pero kapag tumatawag na siya ay kailangan kong sagutin at baka sumugod dito.
“Grabe naman mangbakod niyan.”
Sinilip ni Debra ang monitor. Kababa ko lang sa video call ni Jandro.
“Nakukulitan na nga ako.”
Sandali lang kami nag usap. Wala pa yatang limang minuto. Busy din siya sa farm. Pawis na pawis ang mukha niya at mukhang pagod pero sinisingit ang pagtawag sa akin. Para lang icheck kung nandito ako sa studio.
“Ang sweet kaya ng ganyang lalaki, Angel. Si Gerry nga hindi naman ako tinitext palagi. Minsan sa gabi lang. Pero si Jandro literal na baby ang tingin sa ‘yo. Kulang na lang lagyan ka ng pulbos. ‘Pawis na ang likod mo, baby.’”
Hinagisan ko siya ng papel at inirapan. “Tumigil ka nga. Ang corny mo.”
Tawang tawang si Debra na parang walang trabaho.
“Baby girl ka niya, ‘di ba? With matching, ‘I love you my baby’ na sigaw sa ‘yo no’ng tamaan ng alak. Kailan nga ba ‘yon?”
I rolled my eyes. “Birthday ni Gerry.”
“O naalala mo pa! Naks! Hindi makalimutan ang baby boy niya!”
“Kukutusan na kita d’yan.”
“Okie, okie. Pikon naman nito. Kaya mas lalo kang hindi tatantanan ni Jandro mo, e.”
“Ewan ko sa ‘yo, Debra. Back to work!”
Kinuha ko ang camera nang bumalik ang kliyente namin galing banyo. Pagdaan ko sa likod ni Debra ay kinurot ko ang braso niya.
“Aray! Isusumbong kita kay Gerry ko.”
“Tss.” I said and went inside the booth.
Noong bandang hapon ay dumalaw sa studio sina Euric at Billy. Libre ko silang pinicturan. Nang matapos ako sa pagprint ay siyang dating naman ni Jandro para sunduin ako.
“Bakit nandito kayong dalawa?” namaywang siya.
Tumawa si Billy. Ipinakita niya ang litrato binigay ko.
“May nagsabi kasing maganda at magaling ang photographer dito kaya pumunta kami. Nalibre pa.”
“Tsk. Magbayad kayo. Ang dami ninyong pera.”
Umiling ako kina Euric.
“E, ikaw? Anong ginagawa mo rito?” ganting tanong ni Euric.
Tinuro ako ni Jandro. “Sumusundo.”
“Kay ate Angel? Inupahan ka ba niya?”
Hinaplos ko ang braso ko. Sinutsutan ako ni Debra. Pagbaling ko sa kanya ay nginuso nguso niya si Jandro na parang hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon.
Pinanlakihn ko siya ng mata. Umikot ako sa desk para patayin ang computer.
“Oo, bakit? Kakasa ka?”
“Jandro.” Napabaling ako sa kanya dahil sa maangas niyang pagsagot kay Billy. Saka, mas batang higit iyon sa kanya kaya bakit niya pinapatulan?
Nilingon niya ako. Imbes na magpakumbaba, parang batang tinuro niya si Billy. Pinagtawanan lang siya ng huli.
“Hindi kita inuupahan. Ikaw ang may gusto nito.” Inirapan ko siya.
Binuyo siya agad nina Euric. Napailing ako. Parang mga bata kung mag usap ang mga ito. Kapag tumatanda, lalong nag isip bata.
“Bye, Angel. Ingat ka sa kanila!”
I laughed at Debra’s words. “Sira!”
Paglabas namin sa studio, hinuli ni Jandro ang siko ko. Nakaalis na sina Euric at Billy. Hindi sumabay sa amin dahil dala nila ang sasakyan ni Dreau.
“Nasaan ang camera mo?”
Napaatras ako. Masyadong nilapit ni Jandro ang mukha sa akin.
“Ay nasa loob. Wait,”
Binalikan ko ang camera sa studio. Pati si Debra ay nakalimutang kailangan ko iyon bukas.
“Sige, guys. Kita kits bukas sa party! Good night.”
“Good night, Debs.”
Pinagbuksan ako ni Jandro ng pinto ng Raptor. Pagkasara ay patakbo itong umikot sa harap para sumakay sa driver side.
Nasa daan namin nang magsalita siya.
“Daan muna tayo kay Gerry,”
“Ha bakit?”
It is eight in the evening. Nagkayayaan sila kaninang kumain sa labas pero tinawagan ni Dreau si Euric na umuwi sa bahay. Inabot kami ng isang oras sa studio dahil sa asaran ng mga lalaking ito.
“Kain lang. Saka… inom.” Nagkamot siya ng batok.
“Iinom ka na naman. May trabaho ka bukas, ‘di ba?”
“Ngayon lang ulit ‘to,”
Humalukipkip ako. Bumaling ako sa kalsada.
“Dumeretso na tayo ng uwi sa bahay. Kapag nagsimula kayo ng inuman ni Gerry, aabutin ka ng siyam siyam bago makauwi.”
“Isang bote lang?”
“Magtigil ka, Jandro.”
“Okay, commander.” At saka niya binilisan ang maneho.