Chapter 17

4998 Words
“Moses said to the people, “Do not be afraid. God has come to test you, so that the fear of God will be with you to keep you from sinning.” – Exodus 20:20 -- Chapter 17 Angel Loise Pagkakain ko ng tanghalian, hinanda ko ang mga gamit na dadalhin sa party ni Mayor Vicente Roque. Birthday party iyon ng kanyang anak na lalaki. Alas seis ang simula pero mas maaga kami pupunta ni Debra. Tinawagan ko na siya at sinabi kong magkita na lang sa sakayan ng tricycle. “Aalis ka na?” Hinarangan ako ni Jandro sa paglabas ng villa. Nakasalubong ko siya kaya agad niya akong nakita. “Oo,” nagmamadali kong sagot. “Maaga pa. Five pa lang.” “Photographer kami roon. Hindi bisita.” “Tss…” Inis siyang nagkamot ng ulo. Naamoy ko ang pinagsamang pawis, araw at natural niyang amoy sa katawan. Kagagaling niya lang sa kuwadra ng mga kabayo. Pero kahit pawisan ang taong ito, masarap pa rin ang amoy niya. Binuksan niya ang butones ng suot na polo. He is still pissed. Hindi ko alam kung bakit. “Maliligo lang ako. Hintayin mo na ako.” “Ha, bakit?” “Para sabay na tayong pumunta.” “‘Wag na. Magtatricyle kami ni Debra.” He stopped from unbuttoning his polo. Namaywang ito at nagsalubong ang mga kilay. “Bakit hindi mo sinabi sa aking maaga ka pala aalis? Edi sana…” “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo ‘yon?” He opened his mouth but he didn’t say any. Pumikit lang siyang mariin na parang pinipigilang pumutok ang mga ugat niya. Kinagat ko ang labi ko bago pa ako mangiti. “Napakasuplada mo talaga. Kung hindi lang kita…” Umirap ako at bumuntong hininga. “Magkikita naman tayo roon mamaya. Sige na!” “Teka lang…” hinuli niya ang siko ko. “Ano?” He parted his lips and licked it. “Pwedeng… pa-kiss?” Namilog ang mata ko. Agad akong napabaling sa paligid at baka may nakarinig sa sinabi niya. Binawi ko ang braso at pinanlakihan ko pa ng mata. He smirked. “Siraulo ka talaga.” “Matagal na, baby. Pengeng kiss mo…” Inayos ko ang backpack ko. “Flying kick gusto mo?” tinalikuran ko siya at nagmamadali nang lumabas ng villa. “Angel! Mamaya na lang pag uwi natin!” He shouted. Napabaling sa kanya ang ilan niyang tauhang pakalat kalat sa labas. “Manigas ka.” bulong ko at hindi na lumingon. He is getting more aggressive and… possessive nowadays. Iniisip niyang talagang makukuha niya ako tulad ng dati. Noong malaya niya akong nahahalikan. Noong nahulog din ang loob ko sa kanya. He is bringing those memories without copying it exactly but I still feel the same effect. The matured me is now dissecting everything he is doing and I am making a secret analyzation towards my feelings. Bahagya akong namangha na hindi pala simpleng birthday party ang pupuntahan namin. Pagsapit ng alas siete ng gabi ay nagsidatingan ang ilang bigatin at kilalang personalidad sa mansyon ng mga Roque sa Padre Garcia. Ginanap ang party sa malawak nilang bakuran. Highlighted ang marangya pero luma nilang mansyon. Puti at brown ang motif ng pintura. Nilagyan nila ng maraming ilaw kung kaya kumikinang ang venue. It is a formal party. Ang bunsong na anak na lalaki ang nagse-celebrate pero karamihan sa mga nalitratuhan ko ay may mga edad at may katungkulan sa gobyerno. May nakita rin akong mga artista, modelo at businessman. Nagkakatinginan at ngitian na lang kami ni Debra sa isa’t isa. “Kumpare, kumusta?” Inatasan akong kunan ang mga kinakausap ni Mayor Vicente Roque. Ang asawa niya ang tumatawag sa akin tapos ituturo ang alkalde. Napansin ko iyon kapag kilala ang nakakausap. Nasa party na rin ang kanilang tatlong anak na lalaki. Ang unang dalawa ay kasama ang kani kanilang asawa pero parehong walang anak. Iyong bunso ay binata at nagse-celebrate ng 21st birthday ngayon. “Mabuti naman, kumpare. Ang tagal nating hindi nagkausap,” Mayor Roque is having a conversation with another Mayor here in Batangas. Pagkatapos no’n ay ang sikat na Senator naman ang kanyang nilapitan. There is another Photographer in the event and that is okay. Naisip kong baka napilitan lang silang kunin ako dahil sa rekomendasyon ni Jandro. “Senator Buenaventura! Thank you for coming.” Nakunan ko ang kamayan nila ng Senador. Tapos ay tumingin silang pareho sa camera ko. “Ang ganda naman ang photographer mo, Mayor.” Said by the Senator. Binalingan ako ni Mayor Roque. Malakas itong tumawa at saka bumulong sa Senador. “Okay na po.” magalang kong excuse. “Sandali lang, hija.” “Yes, Mayor?” Lumapit ako nang bahagya. I am making my distance from them. I am not a visitor even if they want to talk with me. Senator Buenaventura stood up and smiled at me. Kulay gray ang kanyang buhok. Medyo bulky ang katawan. Nakasuot ito ng three-piece suit na kulay itim. His hair is short. Kapag ngumingiti ay lumalabas ang linya sa gilid ng magkabilang mata. “Kilala mo naman siguro si Senator Harold Buenaventura, hindi ba? Iyan ang pinakamasipag na senador natin sa senado. Puring puri ng ating mahal na Presidente.” “Ano ka ba naman, Mayor. Hindi mo kailangang ipangalandakan ang mga iyan. Nakakahiya sa magandang dilag na ito.” Ngumiti lang ako. Tinanggap ko ang kamay ni Senator Buenaventura. “Good evening po, Senator Buenaventura.” He gripped my hand a bit heavy. “Good evening, Miss?” Mayor Roque chuckled and directed his hand on me. “Angel Calavera, Senator. She is a professional photographer and owns a studio here in Padre Garcia.” “Miss Calavera…” Tinapos ko ang pakikipagkamay sa senador. Nagtagal iyon ng ilang segundo at napatingin na si Mayor Roque. “She is Don Francisco Calavera’s widow.” “Oh?” They looked at each other. May binulong si Mayor Roque sa senador. Tiningnan niya ako ulit at bahagyang tumango. “So, you’re single?” “Si Senator talaga. Nakakita lang maganda… Byuda na nga.” The conversation is making me uncomfortable. Hayagang tumititig si Senator Buenaventura. Tinapik na siya sa balikat ni Mayor Roque kung kaya naalis ang mata niya sa akin. “Excuse me, Sir.” “Ah, okay. Mrs. Calavera, see you soon!” Pahabol na sabi ng Senador. Nilapitan na rin siya ng ilang bisita at kinausap. Hinila ako ni Debra palayo sa mesang iyon. Kinawayan ako ng panganay na anak ni Mayor Roque para kunan ng litrato ang kanyang grupo. Nang matapos ay saka kami nagkaroon ng chance na mag usap ni Debra. Tinitingnan ko ang mga nakunan nang kalibitin niya ako. “Si Engineer!” Pag angat ko ng tingin ay nakangiting naglalakad papunta sa amin si Richard. Nasa gilid kami pero mabuti ay napansin niya. “Kanina ka pa nandito?” Namulsa siya paghinto sa harapan ko. He is wearing a white long sleeves polo that he folded up to his elbows. Cream ang kulay ng pantalon at nakaitim na belt. Maayos ang buhok at mabango. Parang kalalabas lang ng banyo. “No. Kararating lang namin ni Tito Samuel. Kausap niya si Mayor Roque. Nag iikot ikot ako nang makita ko kayo ni Debra.” Dumaan ang nag iikot na waiter na may dalang tray ng inumin. Ikinuha kami ni Richard ng champagne. “Si Tito Samuel lang talaga ang imbitado. Sumabit lang ako.” He cheerfully said. Ibinida na rin niya ang nakuhang bahay dito. Inuupuhan niya. “Madalas ka na namin makikita niyan, Engineer?” Richard looked at me. Nilapag ko ang inumin sa mesa at umatras nang kaunti. Kinunan ko sila ni Debra ng litrato. Pareho naman silang ngumiti. “I’m making sure of that, Debra.” Right before maumpisahan ang program, pinatay ang classical music at umakyat sa makeshift podium si Mayor Vicente Roque. Pinatay ang ilaw at nilagyan ito ng spotlight. Lumapit ako roon para makunan siya. “Angel,” Halos hindi ko narinig ang tawag ni Debra. Malakas ang boses ng Alkalde at nakatutok pa ang atensyon ko sa trabaho. “Sina Jandro at Marina dumating na rin,” Bumaling ako sa likuran. Maraming mga tao ang nakatayo malapit sa gate ng mansyon. Kumunot ang noo ko. Nakaalerto ang mga tauhan ni Mayor Roque sa lugar. It is an exclusive event kaya natural iyon. Nang mahawi ang mga tao, lumitaw sina Jandro at Marina na papasok. Marina is stunning. Ibang iba ang kulay ng buhok nito at ang kutis dayuhan ang nakakaagaw ng atensyon sa marami. She is wearing a simple white body-hugging dress. Maliit ang baywang niya. Big curls ang kanyang mahabang buhok at hindi itinali. Her make up is nude. Hindi magarbo pero lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda. Her body figure is head turner. Nasa tabi niya si Jandro. Nakaabriete siya rito. “Ang ganda ni Marina.” Bumuntong hininga ako at sinulyapan si Debra. Binalik ko ulit ang mata sa bagong dating. Nakuha nila ang atensyon ng lahat. Pati ni mayor na natigil sa pagsasalita. “Sino ba ang mga iyan?” Naririnig ko ang mga bulungan ng ilang mga bisita. Si Debra ay nakuha pang pumalakpak habang nakatanaw sa dalawa. I looked around. Lahat ay pinapanood sila. “Ladies and gentlemen, let’s all welcome, the new owner of Calavera farm, a rancher from Mexico… Mr. Draco de Narvaez!” Masigabong palakpakan ang namayani sa paligid. “Angel, kunan mo sila ng litrato habang naglalakad dali!” Mabilis kong binalingan si Mrs. Roque. Pumapalakpak pa ito pero nginunguso ang bagong dating. Tumango ako at sumunod. Kahit naroon na ang isa pa nilang photographer na lalaki. “Excuse me,” kailangan kong hawiin ang mga tauhan na nagbabantay. Nagkukumpulan sila na parang naglalakad sa red carpet sina Jandro at Marina. Pumwesto ako at inabangan ang pagdaan nila. My hands are trembling. Tinaas ko ang camera at basta na lang napindot ang shutter. He is wearing a round neck plain black t shirt. Nakatuck in sa kanyang masikip na dark blue maong pants. Nakabelt at leather black shoes na medyo matulis ang harapan. He is also wearing a brown cowboy hat. May palagay akong dala niya galing Mexico. Jandro didn’t bother to wear something very formal. His face is impassive while looking at the people. His biceps are screaming. His body is not bulky but he has muscled abdomen which is subtly highlighted through his shirt. The perfect angle of his stubbled jaw contoured by his cowboy hat. He is rancher anyway. Kahit hindi siya magsuot ng pormal ngayong gabi, walang magrereklamo dahil kaya niyang dalhin ang kanyang sarili sa simpleng pananamit. “Mr. De Narvaez!” Sinalubong siya ng mayor. Kasama ang kanyang asawa. Ipinakilala niya agad ang kanyang tatlong anak. Ang dinig ko ay may negosyo at may farm dito sa Batangas. The birthday boy kissed Marina’s hand. His eyes lingered and I can say he is flirting. “Happy birthday.” Bati ni Marina. Kinunan ko sila ng litrato. Katatapos lang makipagkamay ni Jandro sa asawa ni Mayor nang makita niya ako at nagkatinginan kami. Ngumisi siya at bahagyang ginalaw ang sumbrero habang nakatitig sa akin. Nakababa na ang kamay niya bago ko pa iyon makunan. Bumitaw si Marina sa kanya. Inakay siya ni Mayor at dinala sa mesang puno ng mga businessman at pulitiko. “Hija,” “Attorney,” Sinilip ko muna ang grupo nina Mayor Roque at Jandro. Nang makita kong naroon ang isa pang photographer, hindi muna ako nagpaalam kay Atty. Divino. “Hindi na kita masyadong nadadalaw sa inyo. Maayos naman ba ang lahat doon? Hindi ka ba nahihirapan?” It feels like his question is out of nowhere. Nasa party kami at ni hindi ko naiisip ang kalagayan sa farm. “Hindi naman po. But I… I’m not planning to prolong my stay with them.” He sighed. Nilapitan na rin kami nina Richard at Debra. Umatras ako ng isang beses para hindi makitang magtatagal ang usaping ito. “Tito. Imbitado rin pala si Mr. De Narvaez.” Nagkatinginan kami ni Debra. “Nasabi ko na sa ‘yo ‘yan, hijo. Bigtime rancher siya at pinag uusapan dito sa atin. Nakikita ni Mayor Roque na malaki ang madadala ng farm niya sa Padre Garcia. Magbu-boom lalo ang livestock market at cattle trading kapag gumulong sa kalakalan si Mr. De Narvaez. Malaki ang pinuhunan niya pagkauwi rito.” “Bakit? Magaling siyang mag alaga ng mga hayop?” Tumawa si Atty. Divino. “I’ve seen his livestock, hijo. May alam siya. Hindi na ako magtataka kung kunin siyang supplier ng mga gumagawa ng corned beef o magtayo siya ng sariling kumpanya para rito. The town is also anticipating his vegetable farm. Nagtatanong na nga siya sa akin sa posibleng pamilihan na garantisadong babagsakan niya. Kapag maganda ang supply, darami ang parokyano niya. He is very serious in the business, hijo.” Nagtaas ng kilay ni Richard. “Kapag maganda ang kalidad ng baka, mas mahal ang bentahan. Sigurado akong mababawi niya ang binayad…” Halos bumaon ang rubber shoes ko sa lupa paglingon niya sa akin. Sina Richard at Debra ay ganoon din ang ginawa kaya pinagpawisan ako. Alam kong hindi niya iyon sinasadyang masabi pero kamuntik pa niyang maisawalat ang ginawa ni Jandro. “Ang pinampuhunan sa farm, Tito?” Tumikhim si Atty. Divino. “Tama, hijo. Iyon na nga.” Mabuti na lang ay tumayo ulit sa makeshift podium si Mayor Roque para ipagpatuloy ang talumpati niya. Magkahalong negosyo, pulitika at pamilya ang kanyang sinabi. I was there to take photos. Pinagpapawisan ako’t nangangalay pero hindi pwedeng magreklamo. Kapag nakikita ko sina Jandro at Marina, mas lalo kong inaayos ang trabaho. Pagkatapos ng batian at ilang speech, sinimulan ang kainan. Sinundo ako ni Richard sa kinatatayuan ko at dinala sa mesa. Lumipat siya sa table na nakalaan sa amin. Si Atty. Divino ay naupo kasama ang mga kakilala sa munisipyo. Magkatabi kami ni Richard. Si Debra ay nakikikwentuhan sa isa pang lalaking photographer. Taga-Lipa sila. Kinuha ko ang panyo ko at nagpunas ng pawis sa noo at leeg. “This is a star-studded birthday party,” bulong ni Richard sa tapat ng tainga ko. Pinapatugtog ulit ang classical background music. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Kanina nga ay nakilala ko si Senator Buenaventura.” “Really? Siya ba ‘yong matangkad na gray ang buhok?” he looked at their table. “Oo. May mga artista rin. Though, hindi naman ako fan pero nakakatuwang makita sila in person.” Uminom ako ng juice at nilagay sa kandungan ang panyo ko. “Ah. Actually, nandito rin ‘yong singer na naging kliyente ko.” “Talaga? Sino?” Nagtawanan kaming dalawa. Tinuro niya sa akin ang mesa ng singer na iyon. Medyo lumapit ako sa kanya dahil sa dami ng tao ay nahirapan akong makita. Nagkibit siya ng balikat. “Nasurpresa ako na maraming kakilala si Mayor Roque. This is an unforgettable experience.” “Yes, it is.” We agreed at some point. Hindi ko rin inaasahan na ganito kaenggrande ang mga bisitang dumating. But then, I am just here for the job. “Alam mo ba, nang kinuwento ko sa parents ang paglipat ko rito, gulat na gulat sila. Ano raw ang nakita ko sa Padre Garcia at napalipat akong bigla. Baka raw niyaya ako ni Tito Samuel para may makasama.” Pinaikot ko ang pasta sa tinidor. Masarap ang pagkain at marami. Kumportable ring kausap si Richard kaya naaaliw ako. “Nagtaka ka pa? Kahit ako nagulat sa desisyon mo,” Kapag tumitingin ako kay Richard, tinatago ko ang mukha para hindi makita si Jandro. Natatanaw niya ako rito. Kaya hindi ko masyadong tinitingnan si Richard dahil may chance na lumagpas ang paningin ko sa lalaking iyon. Pero nang lumingon ako, nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Ang mga mata niya ay nagmistulang isang guhit na lang. Tumawa si Richard. “Kapag tumatanda na, mas pinipili mo na lang ang tahimik na buhay at magsettle down. I think, I’m done with late night partying and all that. Maaga kong sini-save ang katawan ko sa mas makabuluhang bagay.” Binalik ko ang mata sa kanya. “Tulad ng?” “Pag-aasawa.” I scoffed. “Kapag married na hindi na ba nagliliwaliw? Ewan ko sa ‘yo.” “Hindi ba healthy ang gusto ko?” “Okay lang. Meaning, maaga kang nag mature.” “Ah! Being in love means maturity, ano?” I shrugged my shoulders and looked at him again. Napatingin na naman ako kay Jandro. Uminom ito sa kanyang baso na tila naiirita o nabibwisit. “Hm, yata. Gumaganda ang pananaw nila kaya nakakapagdesisyon ng tama. Bakit? In love ka?” maintriga kong tanong. Ngumisi siya at kinagat ang karne sa kanya ng tinidor. “Yup.” Namilog ang mata ko. “Talaga?” He chuckled and nodded. “Kayo na ba o nililigawan mo na?” “Hindi pa ako nagtatapat. Masyado kang nagmamadali.” Bahagya ko siyang tinapik sa kanyang braso. “Aba’y madaliin mo at ipakilala sa amin ni Debra. Sinuwerte ka yata sa pagdayo rito sa amin. Akalain mo ‘yon?” “Kilala na siya ni Debra.” “Ah…” matanong ko nga mamaya. “It’s you, Angel.” “Ha, ano?” Natigil ako sa pagkain. Pero ngumunguya pa ako nang tingnan kong maigi si Richard. Sumeryoso ang mukha niya. Panay ang lunok at namula ang mukha. Then, something in me feels like the bomb has finally reached its destination. Bumagsak ang panga ko. “Seryoso ka?” gulat kong reaksyon. Napainom ako ng tubig dahil sa pagbara ng kinakain. “I like you.” “Pero Richard…” I’m not ready for this. Nagulat ako. Alam kong mabait at may pagka sweet din itong si Richard pero hindi ko inaasahang magugustuhan niya ako. Because I’m a widow. He is a bachelor and professional. Bakit ako ang nagustuhan niya? He cleared his throat. I feel like he gets my reaction. Nagmukha tuloy siyang tensyonado. “Hindi naman ako agad-agad na manliligaw, Angel. Gusto ko lang malaman mo na… gusto kita. Next year, kapag pinayagan mo ako ay aakyat ako ng ligaw. Alam kong kamamatay pa lang ni Don Francisco. May nasabi sa akin si Tito Samuel tungkol sa relationship ninyo kaya nagkalakas loob akong sabihin ito sa ‘yo ngayon. It’s still impromptu but… I really wanted you to know my feelings for you.” Tumahimik sa mesa. Debra is now watching us. Hindi ko siya matingnan dahil sa sinasabi ni Richard. “Hindi ko alam ang isasagot sa ‘yo.” Umiling siya at malungkot na ngumiti. Lumipat siya rito sa Batangas nang dahil sa akin! “I know. I know that you will be shocked. Ang hirap kasing pigilan ng nararamdaman ko sa ‘yo, Angel.” Tumikhim ako. “Sigurado ka ba? Baka… naguguluhan ka lang dyan?” He sighed. “I wouldn’t be here if I’m not sure. Noong unang beses na nagkita tayo sa office ni Tito Samuel, gusto na kita.” “Anong pinagbubulungan niyong dalawa, huy? Ang seryoso niyo.” Saka ko lang binalingan si Debra. “Excuse me. CR lang ako.” I stood up and Richard is staring at me. Tumayo rin siya. Pinapaypayan ko ang mukha habang naglalakad. Nagtanong ako sa kasambahay para mahanap ang banyo. May common comfort room sa dulong pasilyo malapit sa kusina. Pagpunta ko roon ay humina ang background music at tila nawala rin ang party panandalian. Pumasok ako sa loob ng malinis at mabangong CR ng mga Roque. Ni-lock ko ang pinto at tiningnan ang sarili sa bilog na salamin. Namumula pala ang pisngi ko. I can still feel the tension in my tummy. Pagka-flush ko sa toilet ay naghugas ako ng kamay. Nabawasan ang pamumula ng pisngi ko. Pero nahihiya na akong bumalik sa mesa. May nagbago na pagkatapos magtapat ni Richard. Nag iba ang tingin ko sa kanya ngayon. He is a good friend. Gusto ko ang pagiging magalang niya at kakwelahan. Ano naman ang nagustuhan niya sa akin? Tinuyo ko ng tissue ang kamay ko. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Ang daming magagandang babae ngayon sa party. Lahat ay naka-dress at ayos. Samantalang skinny jeans, black sando at maroon blazer ang suot ko. Naka-clip lang ang buhok malapit sa tainga. Ang makeup ay minimal. Ang layo layo ko sa mga taong nandito kung ikukumpara ang sarili. He could find and meet another girl here. Kaya ano ang nakita niya? Bumaling ako sa pinto. “May tao pa.” Hindi na kumatok ulit. Pero minadali ko ang pagretouch sa lipstick ko. Pagpihit ko sa doorknob, may tumulak sa pinto galing sa labas kaya napaatras ako. Binitawan ko ang doorknob at manghang tiningnan ang lalaking biglang pumasok. “Jandro!” He immediately locked the door again. “Jandro!” I lowered my voice. Natakot na may nakarinig. Inalis niya ang sombrero. He looked pissed. “Lalabas muna ako,” I normalized my tone. Lumapit ako ulit sa pinto pero hinigit niya ako sa baywang at tinulak sa may salamin. Gulat ko siyang tiningala. “Ano namang- My words muffled inside his mouth. Malakas akong suminghap. Namilog ang mga mata ko. Hinapit niya ako sa baywang. Napatingkayad ako at hawak sa kanyang balikat. He is kissing me with so much force. He is biting and nipping my lips. And his tongue went inside my mouth. I can almost feel his teeth. Hindi normal ang kanyang halik kaya tinulak ko siya sa kanyang dibdib. Nabitawan niya ako. “What’s wrong with you?” He is gasping for air. Tinitigan niya ako nang mariin. His lips are parted. “Stop making me jealous. Hindi na ako makahinga…” Inangkin niya ulit ang labi ko. Pero ngayon ay nasa mas malambing na halik na ang kanyang binigay. Bumagsak ang mga kamay ko sa kanyang braso. Tila ako nahilo at nanghina sa bawat dampi at hagod ng kanyang labi. We are kissing in front of the mirror. The sound of our lips bounced inside the comfort room. I tasted liquor in his mouth. Nalasahan ko ang kinain niyang putahe. Pero lasa ng ininom nitong alak ang mas nangingibabaw. Bakit hindi siya makahinga? Gayong sa tagal niyang humalik ay kitang kita ang sukat ng lakas niya. I closed my eyes and tilted my head. He bit my lip. If he is drunk, I can’t confirm it. Lumipat ang labi niya sa panga ko at pababa pa sa leeg. Pinasok niya ang isang kamay sa blazer ko at dinama ang dibdib ko. I bit my lip. This is wrong. We should be outside. Not here. Binasa ko ang labi kong namanhid dahil sa kanya. “Jandro… stop…” He continued kissing my neck. Nilalagnat na ang pakiramdam ko. I can hear my chest thudding rapidly. “Jandro…” Nagtagumpay akong patigilin siya. Hingal na hingal siya habang nakatingin sa akin. Umigting ang kanyang panga. Hinuli niya ang mukha ko at mariin akong hinalikan ulit! I firmly closed my lips but it didn’t work. Para siyang eksperto sa halikan at malaya niyang inulit. Sa pag atras ko, tumama ang likod ko sa pader. Mas lalo niyang diniinan ang labi sa labi ko. Inulit ko ang pagtulak sa kanyang dibdib at nakawala ako. Malalaking hakbang kong tinungo ang pinto. Hinila niya ako sa kamay, niyakap sa baywang at pinaghahalikan ang leeg ko. I can shout. I can scream and ask for help. But it didn’t form in my mind. He is stronger, yes, but I don’t want to do anything other than pushing him away by myself. But we can’t do it here. Ilang minuto ko siyang hinayaan. I kissed him back. I wanted to. Hanggang sa kinulong ko ang mukha niya at marahan kong tinulak. “Stop this, please. Stop.” He gulped. Tinitigan niya ako. Alam kong nasa katinuan pa siya. Ang galit na nararamdaman ko galing sa kanya ang nagpapahinahon sa akin ngayon. Humarap siya sa salamin at hinilamos ang mukha ng kamay. “Alam mong… nagdidilim ang paningin ko kapag nagseselos ako, Angel.” Tiningnan ko siya sa salamin. Pulang pula ang mukha niya, tainga at leeg. Iyong sombrero niya ay nakita ko sa sahig. Kung lalabas kami ngayon, wala akong mukhang maipapakita sa mga tao. Kina Richard at Debra. I sighed heavily. “Is this about Marina? Oo, nakita kong malagkit ang titig sa kanya ng anak ni Mayor- “This isn’t about Marina!” Nabigla ako sa pagtaas ng boses niya. “So, anong pinagseselos mo?” “You are flirting with Engineer Divino!” “F-Flirting?” Marahas niya akong hinarap kung kaya napaatras ako sa takot. “May gusto siya sa ‘yo, ‘di ba? Nagtatawanan kayo. Nagbubulungan. Hinahawi pa niya ang buhok mo!” Kumurap kurap ako. Talagang nakamata siya sa akin para masabi ang lahat ng iyan. “Pinapanood mo ba kami? May katabi ka,” “Kanina pa ako nagseselos habang magkatabi at masaya kayong nag uusap ng lalaking ‘yon! Anong gusto mong gawin ko? Hilahin kita at ikulong sa bahay ko!” Mangha ko siyang pinagmasdan. Tila tambucho ang butas ng ilong niya. “I’m not flirting with Richard.” “Edi ipaliwanag mo sa akin ang ginagawa ninyo!” I scoffed. “Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo. Saka, ilagay mo nga sa lugar ‘yang galit mo. ‘Yang pagseselos mo. Nasa ibang bahay ka. Wala ka sa teritoryo mo.” He stepped forward. “Nag aalburoto ako dahil may humahawak sa teritoryo ko.” He is very mad. He is furious and it reddened his eyes. Kinuha niya ang kamay ko at tinapat ang palad sa kanyang dibdib. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso niya. Parang nakikipagbuno. He possessively snaked in his arm on my waist. I feel like… he is going to break my bones. “Tingnan mo naman ako, Angel. Pakinggan mo…” diniin niya ang palad ko roon. Damang dama ko ang nilalaman ng dibdib niya. Hindi na normal ang t***k ng puso ko. Nanghihina ako pero ang isip ko ay nagrarambol. “Ganito ang ginagawa mo sa akin. Sinasakal mo ako. Paulit ulit mo akong pinapatay sa tuwing may kasama kang iba. Hindi na ako mapakali palagi. Takot na takot na akong maagaw ka,” Binawi ko ang kamay ko. Pero hindi niya hinayaan. I glared at him. “We are done.” My teeth gritted. “No. We’re not. We just had a pause, baby. You are still mine.” I scoffed. “Hindi ka pa rin maka-move on, Jandro? Kailan ka kaya magigising sa paniginip mo, ha? Kapag sinagot ko si Richard?” Nagdilim ang mukha niya. “Anong sabi mo?” I smirked. “We are through. I didn’t choose you years ago. I will not still choose you even now.” Binitawan niya ako at tinuro ang pinto. This is what you need. But he grinned like a devil. “Kaya pagkatapos mo sa matandang mayaman, ang bagong biktima mo ay lalaking taga maynila?” Sinarado ko ang labi. “Hindi ako papayag.” I stared at him. “You can’t stop me.” “Kaya ko, Angel. Uunahin ko ‘yang si Engineer Divino. Kung kailangang takutin at pahirapan ko para layuan ka, gagawin ko. Hindi ako titigil. Walang titigil.” Natakot ako. Nanlamig at nanginig ang kamay ko. He is serious. I can see it on his bloodshot eyes. Alam kong naging pabigla bigla ang pagsasalita ko. I made a mistake. He needed a stop sign. I gave it to him. I used a name. But now, I feel regret. Nauna akong lumabas ng banyo. Hindi ko na siya nilingon. Naroon siya ulit sa tabi ko nang magpaalam na kami. “Tayo na.” Natahimik sina Debra nang hawakan ako sa siko ni Jandro. Pati si Marina ay nakita ang ginawa niya. “Mukhang mag uusap pa kayo ni Mayor, Mr. De Narvaez. Ihahatid ko sina Angel at Debra. Mauuna na kami.” Hinila ako ni Richard. Masamang tingin ang ginawad sa kanya ni Jandro. Sumunod si Atty. Divino na medyo lasing. “Mr. Draco de Narvaez! Magandang gabi na sa inyo,” I never looked at him again. I never bid my goodbye either. Tama si Richard. Tinawag ni Mayor Roque si Jandro. The party is still alive for late night drinking. Nagsiuwian na rin ang ibang bisita at tapos na ang trabaho namin. Tangan ko sa isipan hanggang sa kwarto si Jandro. Madilim ang mukha niya nang umalis kami. At kung napansin ni Richard ang talim ng titig nito ay hindi ko alam. Panay ang daldal ni Atty. Divino habang nasa byahe. Nahiga ako sa kama. Patay ang ilaw. Madaling araw na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. “Walang titigil.” What does it mean? Binalingan ko ang pinto. Tinitigan ko. Mayroong kumakatok. Gising pa kaya sina Roselia? “Angel…” Bumangon ako. Tiningnan ko ang oras. Mag-a-alas dos na ng madaling araw! Hindi ako tumayo para buksan. Mahina ang katok ni Jandro pero nasa tunog na hindi ito titigil. Nag ring ang cellphone ko. I bit my lip. He is calling me. I stood up and answered him. He sighed heavily. “Open the door, baby…” Pumikit akong mariin. Nakatingin ako sa pinto na parang nakikita ko siya sa labas. “No.” Bumuntong hininga siya. Tumigil siya sa pagkatok. “Angel baby… please… let me in…” He is drunk. I can hear it in his voice. “No, Jandro.” He grunted. He cursed. “Parang awa mo na, Angel. ‘Wag mo na akong baliwin. Baliw na baliw na ako. Baliw na baliw sa ‘yo.” I gasped and held my chest. “Please, baby. Open the f*****g door. I want to be with you…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD