“You shall not steal. You shall not give false testimony against your neighbor.” – Exodus 20:15-16
--
Chapter 15
Angel Loise
Tahimik ang kwarto ko. Naririnig ko ang ugong ng bentilador. Inaantok kong dinilat ang mata ko. Hayun ang nakasarado kong pinto. Maliwanag na at medyo bumibigat na ang hangin. Pumikit ako ulit. Ayaw ko nang bumalik sa pagtulog pero tinatamad pa akong bumangon.
May humingang malalim sa likuran ko.
Napadilat ako.
Ang braso ni Jandro ay nakatali sa baywang ko at ang kanyang kamao ay nasa tapat ng dibdib ko. Nawalang parang bula ang antok ko nang bumalik sa huwisyo ang isipan ko.
Tumabi siya sa akin kagabi at natulog pa rito!
Lumipat siya ng pwesto. Hindi ko alam kung anong oras o sadyang hindi ko naramdaman. Pinagkasya niya ang sarili sa kama ko. Pareho kaming nakatagilid at nakalikod ako sa kanya. Ngayong gising na ako, saka ko naramdaman ang presensya niya at katawan sa likod ko.
His body is heavy. Even his arm is heavy around my waist. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa likod ng ulo ko. Ramdam ng anit ko ang ilong niya. Parang ginawa niya akong unan na yakap yakap. Masyado akong antok at nakainom kagabi kaya hindi ko alintana ang kilos niya.
We are both clothed. Pero… wala akong bra kapag natutulog. Kaya naalarma ako sa pagdantay ng kanyang kamao sa dibdib ko. Nababalutan ng damit pero sinulid na lang ang pagitan ng mga balat namin.
Hinawakan ko nang dahan dahan ang kamay niya. Tinaas ko palayo sa dibdib ko. He is still sleeping. Binalik ko ang kamay niya sa tagiliran niya. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Namilog ang mata ko nang mapagtantong alas dies na ng umaga! Tanghali na!
Pumihit ako paharap kay Jandro at malakas kong niyugyog ang kanyang balikat. Araw araw siyang gumigising nang maaga dahil hands-on ito sa pagtatrabaho sa farm. Ngayon lang siya tinanghali.
“Mmm… tsk!”
Hindi siya dumilat pero gumalaw. Nilubog niya ang mukha sa unan ko.
“Tanghali na, Jandro. May trabaho ka pa, ‘di ba? Late ka na!” may tatlong beses ko siyang niyugyog.
Sumilip siya. Ang isang mata ay dilat. Magkasalubong ang mga kilay niya akong tiningnan.
“Baby, ako ang may-ari ng farm.” Paos ang boses niyang sagot.
“Kahit na! Hahanapin ka nila roon!”
“Inaantok pa ako…” he lazily said. At pinulupot ulit niya ang braso sa akin.
“Hay naku!”
Bumangon ako galing sa yakap niya. He groaned but I ignored it. Sinuot ko ang tsinelas kong pambahay at sinuklay nang basta ang buhok ko gamit ang mga daliri. Nilingon ko si Jandro sa kama ko. My bed size is not recommendable with his body figure. I mean, siguro pwede niyang pagtyagaan ang ganito pero sigurado akong sasakit ang muscle niya paggising.
“Bakit kasi dito ka natulog? Ang laki laki ng kama mo sa taas,”
May text message si Debra kaninang alas-siete.
Debra:
Ang sakit ng ulo ko. Meron ba kayong paracetamol?
Napahilot ako ng sintido. Bumangon si Jandro at naupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko siyang nag iinat at inaayos ang buhok niyang kung saan saang dereksyon nakaharap. Galing sa likod, hinubad niya ang suot na t shirt tapos ay sinampay sa kanyang kanang balikat. Pinindot niya ang bentilador para lakasan.
Nang bigla niya akong lingunin, mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at nag type ng sagot kay Debra.
Ako:
Meron. Nasa kusina
“Napakainit dito,”
Namaywang ako habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone ko.
“Pumanhik ka na sa kwarto mo.” pagsusungit ko sa kanya.
“Ikaw?”
Debra:
Kagigising mo lang? Nakahingi ako kay Roselia. Kakatukin sana kita sa room mo kaso baka tulog ka pa
“Lumabas ka na nga!”
Nagmadali ako sa pagkilos. Baka may makaalam na dito natulog si Jandro. Bigla akong naalarma. Malaking problema ito kapag nalaman ni Marina.
“Anong problema?”
Inirapan ko siya. Ikaw ang problema! Kumuha ako ng tuwalya para makaligo. “Baka may makakita sa ‘yong galing ka rito. Baka kung anong isipin…”
Ayoko ng gulo. Paano kung kumalat ito sa villa? Ano na lang ang iisipin sa amin nina Manang Lucinda? Baka masabihan akong inaakit ko ang bagong may-ari ng farm para gumanda ulit ang buhay ko.
Shit. Pumikit ako at hinilot ang batok ko.
“Baby…”
Napaigtad ako nang hindi ko namalayan ang paglapit ni Jandro. Itinali niya ang kanyang mga braso sa baywang ko. Binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko at sininghap ang balat ko.
Nakakapanghina ito. Para niya akong dinuduyan at pinapalambot ang mga tuhod ko. Pamilyar ang pakiramdam pero tila dumoble ang hatid na sarap sa kaibuturan ko. Ang sarap tumira sa bisig niya, sa yakap niya.
Pero bawal.
Bumuntong hininga ako at kinalas ang braso niya. Matalim ko siyang tiningnan at tinulak sa hubad niyang dibdib.
“Utang na loob, Jandro. ‘Wag mong ipilit ang gusto mo. Sinabi ko nang ayaw ko sa ‘yo.”
Ilang diin ba ang dapat kong gawin para maintindihan niya?
Tinitigan niya ako. Inabot ang pisngi ko at banayad na hinaplos ng kanyang hinlalaki. Balewala sa kanya ang galit ko.
“Kukunin kita ulit, Angel.”
Umawang ang labi ko. Inaantok pa siguro siya.
“Hindi ka na maaagaw sa akin nang kahit sino.”
“Jandro-
“Magwawala ako kapag napunta ka na naman sa iba.”
“Tumigil ka.”
He smirked and bit his lip. “Mahuhulog ka ulit sa akin. At kapag nangyari iyon, sisiguruduhin kong nakatali ka na sa pangalan ko. Mark my word, baby.”
Ilang segundo niya akong matapang na tinitigan. Binuksan niya ang pinto at walang paalam na lumabas ng kwarto.
Naiwan akong tulala at walang maapuhap na salita. What the hell is wrong with him? Is he not serious about Marina?
Or is this part of his revenge?
Inabot ako ng isang oras sa pag-aayos ng sarili. Simula pa lang ng araw ko pero ayaw nang matahimik ng isipan ko.
“Nakauwi na si Debra bandang alas otso. Pinag-almusal ko naman bago umuwi.”
Ipinaalam sa akin ni Manang Lucinda na uminom nga raw ng Paracetamol ang kaibigan ko. Kulang ang baon na damit ni Debra kaya kailangan niyang umuwi. Tinext ko siya na bumalik dito kung hindi busy. Dahil hindi kami magbubukas ngayon ng studio. Bukas na lang.
Nagpalaman ako ng tinapay at uminom ng orange juice bilang mabilisang almusal. Nalaman kong kanina pang umaga nandito sina Dreau, Euric at Billy. Dahil wala si Jandro ay tumambay daw sa villa pero lumabas din. Kaso bumalik ng bandang alas nuebe at pinapagising na siya.
“Hindi sumasagot sa tawag ko. Kaya ang sabi ko sa mga kaibigan niya na hinintayin na lang at baka lasing nga.”
Lumunok ako. “Si Marina po?”
“Sinamahang mag ikot sina Mr. Frago. Tumulong sina Nestor sa pagpahiram ng kabayo para sa kanila,”
Binalingan ako ni Roselia mula sa hinihiwa nitong karne. Nagkatinginan kami pero agad niyang binalik ang mata sa ginagawa.
Lumabas ako pagkatapos kong kumain. Nagshorts ako at round neck shirt. Patingin tingin ako sa cellphone ko at sa social media. Pumwesto ako sa kubol na hindi pa naliligpit. Pati ang mesa ay naroon pa rin at mukhang dito magtatanghalian sina Dreau. Hinanap ko si Heaven. Ang sabi ay puro lalaki lang daw ang bumalik.
Paglabas ko, wala na si Jandro si villa. Malamang na sumunod na ito sa bossing niya.
Tiningnan ko na lang ang mga litratong tinag ni Debra. Marami rami siyang in-upload sa f*******:. Nila-like ko ang mga iyon at pagkatapos ay tiningnan ko ang natanggap na notification pa sa baba.
A friend request from Richard Divino.
Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko muna ang profile niya. Nakangiting mukha niya ang nasa display photo. Mutual friends namin si Debra. In-accept ko. Kasunod no’n ay ang pagsend nito ng chat. He’s online.
Richard Divino: Angel?
Ako: Hello, Engineer :D
Richard Divino: Sarado raw kayo ngayon sabi ni Debra?
Ako: Yup
Richard Divino: :(
Nag-haha ako sa sad face niya.
Richard Divino: Pwedeng mag video call?
Nag-alinlangan pa ako kung sasagutin ko kaso pareho naman kaming nagchachat at sabi ko ay baka importante ang tawag.
“Richard,” I smiled at him.
He smiled wider. “Angel! Where are you?”
“Sa bahay.”
He nodded like as if he was processing my answer.
“Kagagaling ko lang sa studio mo. Si Debra lang ang nandoon.”
“Hindi kami magbubukas ngayon. Day off.” Sinundan ko ng mahinang tawa.
“Ah. Kaya pala. Pero susunod din daw d’yan si Debra?”
“Yup.”
Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya ako bago ngumiti.
“May bahay na ako rito.”
“Mmm?” hindi ko masyadong naintindihan kaya nilapit ko ang mukha sa screen.
Richard chuckled. “Kinuha ko na ‘yong bahay na kursunada ko. Nasa akin na ang susi!” he excitedly said.
“Talaga? Wow, congrats. Seryoso ka, ha?”
“Mukha ba akong nagbibiro sa ‘yo?”
I smirked. “You must be very wealthy, engineer. Ang bilis mong magdesisyon, e!”
Tumawa siya nang napakalakas at dinig na dinig sa labas.
“I told you. I’m serious. Hindi naman lahat ng tumira sa city ay gustong manatili roon. May ibang nagbabago ng desisyon.”
“Ibebenta mo na ang condo mo?”
I’m really happy for him. Kung sakaling dumito na nga si Richard ay may makakasamang kamag-anak si Atty. Divino. Nabanggit din niyang balak niyang mag rent sa building ng office ng tiyuhin niya. It is a good plan. At mukhang pinag isipan din naman ni Richard bago kumuha ng bahay sa Padre Garcia.
“Hindi pa sa ngayon. Para kapag kailangan ako sa manila ay may tutuluyan pa rin ako.”
“That’s good news, Richard. I’m happy for you. Matapang ka.”
“Matapang saan?”
“Na makipagsapalaran.”
“Kung alam mo lang, Angel. Kung alam mo lang.”
Ngumiti ako pero biglang nangati ang binti ko. Kinamot ko iyon at nakita ko ang paggapang ng langgam sa balat ko. Pag angat ko ng tingin, lumabas sina Dreau, Euric, Billy at Jandro galing sa gilid ng villa. Pare pareho mga nakangiti at mukhang nagkakabiruan na naman.
Kinawayan ko sila. Sumagot si Billy ng kaway. Nang makita ako ni Jandro, nalusaw ang ngisi niya. Binaba ko ang kamay ko at tumikhim.
“So, anong gagawin mo ngayon? Balak kong balikan ang bahay na uupuhan ko. Kulang pa ako sa appliances,”
“Ah… maglilinis ka?”
“Hm, no. Naglinis na ako. Iniisip ko kasi ang mga gamit na kailangang bilhin. Ayokong kunin ‘yung meron ako sa condo,”
“Ahh…”
Sinabi ko sa kanya ang mga pangunahing gamit na kailangan sa bahay. Nilista iyon ni Richard at kinukuha ang suhestyon ko.
“’Wag mong takutin, Jandro.” Boses ni Dreau.
Nagtawanan sina Euric. Pagbaling ko sa kanila, nabigla ako nang makitang papunta sa pwesto ko si Jandro. Mag isa lang siya. Si Dreau ay nakangisi at nakapamulsa habang tinitingnan ang kaibigan. At sina Billy ay pumasok sa loob ng villa.
“Pwede ba akong magpasama sa pagbili nito?”
Lumunok ako at binalik ang mata kay Richard. “Sure! Kailan ba?”
He smiled. “Kung kailan ka available. Text mo ako.”
Magkasalubong ang mga kilay akong nilapitan ni Jandro. Sinulypan ang cellphone ko at namaywang. He is sweating. Hindi pa naman siguro ito nagtatagal sa labas pero pawisan na. Iba na ang suot niyang damit. Sa tingin ko ay nakapaligo naman bago pinuntahan sina Dreau sa farm.
“Sino ‘yan?” siga niyang tanong.
Tiningnan ko si Richard. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
“Uh… sige. I-sched natin. Pero anytime ba pwede ka?”
“Oo naman! Ako nga ang nagpapasama sa ‘yo, e. Sa free time mo lang, Angel. Ililibre kita ng food bilang bayad.” Biro niya.
Sinilip ni Jandro ang cellphone ko. Inusod ko ang kamay para hindi siya makita ng camera.
“Saan kayo pupunta?”
It is just so hard to ignore him and to even pretend that he is not here. Pinaparinig niya talaga ang boses kay Richard kaya panay ang kunot ng noo nito sa screen.
“Hm, may gagawin ka na ba, Angel? Do you want me to…”
“No! It’s alright. Si Jandro lang naman ‘to.”
Though, I really wanted to cut the call but then I don’t want to finish this call and give Richard an impression that there is something going on between me and Jandro. It feels so awkward. Tapos kapag nagkita kami ay mas lalo akong mahihiya.
Jandro tsked.
“Ah, fine. Ano pa ba ang pwede kong bilhin?” dugtong niya sa listahan namin.
Nag iba ang pakiramdam ko. Wala nang pumapasok na ideya sa isipan ko dahil sa matang nakatitig sa akin. Hindi siya aalis. Parang hihintayin pa niyang matapos ang tawag ni Richard. Damn him.
Nag isip na lang ako ng hindi appliances. Tulad ng pinggan, kitchen utensils, pitsel at kutson. Tinanong ako ni Richard kung anong size. Biniro ko siyang siya ang Engineer kaya dapat ay alam niya. Tinawanan niya ako.
“Ikaw ang nakakaalam sa size ng room mo.”
He chuckled, “Okay, okay. Continue.”
Tumawa ako at naasar.
“I’m hungry, baby…”
“Sapin sa kutson, tapos unan,”
Sana ay hindi narinig iyon ni Richard. Matalim kong tiningnan si Jandro nang magsulat si Richard sa listahan.
“I’m hungry…”
“May pagkain sa loob.” binabaan ko ang boses ko. Inulit pa niya at talagang nananadya.
“Baby…” bahagya niya pang nilakasan ang boses.
Richard looked at me. “Nandyan pa si Mr. De Narvaez, Angel?”
Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Pinagpag ko ang binti ko. Kinagat ako ng langgam kaya napatadyak ako ng wala sa oras. Naramdaman kong umaakyat sila sa alak-alakan ko.
It is hard for me to answer him. Oo, nandito at nambibwisit siya, Richard. Pinagpagan ko ang binti at bahagyang niyuko na. Nagkapantal pa ako sa kagat!
“Angel?”
“Uh, yes! Nandito pa,”
“Do you want me to-
“Pinapapak ka na ng langgam d’yan.”
Kati at iritasyon ang sunod kong naramdaman. Lumuhod sa harap ko sa Jandro at pilit inaalis ang kamay ko. Tiningnan niya ang binti ko. May mga langgam pang gumagapang na agad niyang pinitik.
“May pantal ka na,” matalim niya akong tiningala. Dinantay niya ang kamay sa paa ko. Hinubad ang tsinelas ko para makita kung mayroon pa sa talampakan.
Malupa at may maliliit na damo kasi ang lupa rito. Kaya kapag umuulan ay maputik din. Ang pathway lang ang sementado.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Parang may maliit na gumagapang pa sa loob ng shorts ko!
Nabitawan ko nang wala sa oras ang cellphone sa mesa. Sinubukan ko munang magpatay malisya kay Jandro at kunwaring madumi ang ilalim ng shorts ko, sa upuan. Pero iyong kiliti at kaba ay nagsasama na baka umabot sa… hindi dapat abutin ng langgam na nagtrespassing!
Shit.
Pinagpawisan na ako. Handa na akong tumakbo papasok sa villa pero napansin agad ni Jandro ang ginagawa ko. Ang weird ko kasi. Pinaloob ko ang apat kong daliri sa hem ng shorts sa kandungan ko. Pinaikot ko hanggang sa umabot sa ibabang side at hinahanap ang maliit na insekto.
Meron ba o guni guni ko lang?
“Umabot din d’yan?”
Ngumuwi ako. “Teka, papasok muna ako sa loob,”
“Ako na ang titingin. Saan banda ba? Sa hita?”
“H-Hindi… sa… dito lang…”
Hinanap at inaabot ko rin ang nilalakbay ng langgam. Pakiramdam ko ay may pantal na ako at makati na.
“Angel? Are you still there?”
Tiningnan ko ang cellphone ko pero nagdadalawang isip akong tingnan sa ganitong sitwasyon ko si Richard. Gusto ko na ngang baliktarin ang shorts at maligo ulit!
“Angel?”
“Sandali lang, Engr. Divino. May ginagawa pa kami.”
Bahagya kong winasiwas ang paa na hawak ni Jandro. Nagkatinginan kami. Mainit ang ulo niya kaya matalim ko siyang tiningnan.
Narinig ko ang tikhim ni Richard.
Tumayo na ako at pinagpag ang shorts ko. Nananatiling naka-squat si Jandro. Tumulong siya sa pagpagpag ng shorts ko. Ang kalahati ng kanyang kamay ay pinasok niya sa hem ng shorts ko. Tinampal ko iyon.
“Ano ba!” pigil kong saway.
“Hindi ko naman pinasok lahat, ah? Umabot ba?”
Tinagilid ko ang katawan ko. Bahagya kong tinaas ang hem ng shorts at nakita ang isang malaking pantal sa balat ko.
“Tangina.”
“Bibig mo nga!”
“Ang laki niyan.”
Inirapan ko siya. Matambok na pantal nga. Pero nakita ko naman ang langgam na kumagat sa akin.
“Ang sakit kumagat niyan.” Komento niya nang makita ang insektong iyon.
“Wala na,” unti unti ko nararamdaman ang kaginhawaan maliban sa makating pantal.
“Check ko muna,”
Nananatili akong nakatayo. Tinitingnan ko ang simpleng pagtaas ni Jandro sa shorts para tingnan ang pantal at kung may insekto pa. Alam ko sa sarili kong wala na. Tapos ay pinagpag niya ang buong binti ko para makasigurong walang gumagapang.
But my heart beat wildly. I look at the villa, at the surroundings. Walang tao. Wala ang mga tauhan niya sa pwestong ito. Mainit at baka nagmimeryenda rin.
My tummy… turned crazy. Lumunok ako at tinabig ang kanyang kamay na nasa tuhod ko.
“Wala na.”
Inusod ko ang upuan at naupo. Pinagtabi ko ang mga tuhod ko. Nagdikit dikit ang hibla ng buhok ko sa leeg at batok dahil sa pawis. Bumuntong hininga ako. Hinawi ko ang buhok ko at tinabi sa kaliwang side ng leeg ko. Pinaypayan ko ng kamay ang mukha ko.
He is still staring at me.
Bakit ko ba ito nararamdaman? Naghuhumerantado ang puso kahit sa simpleng haplos niya sa balat ko. Am I that aroused? Hindi normal. Mali, e. This is just a feeling! Yes! Pagkaalis niya ay malulusaw din!
He moved closer to me. Napasinghap ako nang paikutin niya ang inuupuan ko paharap sa kanya at kinulong ako sa kanya. He put both his hands on each side of my waist. Tumatama ang tuhod ko sa kanyang tiyan. This is alarming. We are in a broad daylight.
“Jandro.”
Halos mag-level ang mga mukha namin. Abot kamay ko ang kanyang balikat.
Binalingan ko na lang ang phone ko. Inabot ko at tinaas. Richard is still there. Naabutan ko ang seryoso niyang mukha at bahagyang nakayuko.
“Sorry,”
He heard and he jumped. “Oh,”
“Ginapangan ako ng langgam.”
Richard slowly nodded and cleared his throat. “Good morning, Mr. De Narvaez,”
Namilog ang mata ko. I was late to notice that Jandro was caught on the camera, too. Binalingan niya lang si Richard nang batiin siya nito.
“Good morning, Engineer.”
Agad kong naibaba ang cellphone. Tinulak ko si Jandro sa balikat at pinaalis. Pero hindi ito nagpatinag. Para nang niluluto sa apoy ang mukha ko at sisingsing kinuha ko agad ang celllphone ko.
“Sa loob ka na,” mahina kong utos.
He bit his lip. “Ang bango mo na kagabi. Hanggang ngayon mabango ka pa rin.”
Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ng mata. I mouthed: Shut up!
Ngumiti pa ang mata niya.
Tumayo na lang ako at lumayo. Inabot ko ang phone ko. Pagkatingin ko, pinatay na ni Richard ang tawag. Bumagsak ang balikat ko at napatampal ng noo. I closed my eyes. Dinig na dinig ko ang tawa ni Jandro sa likuran ko.
Ako: I’m sorry. Basta magtetext ako kung kailan kita sasamahan mamili
Hindi na ako nagulat nang magreply agad si Richard.
Richard Divino: Okay. Hihintayin ko. Salamat, Angel.
Nagpanic ako sa langgam na gumapang sa shorts ko. Pero ang mabilis na t***k ng puso ko ngayon ay hindi dahil doon. Kundi sa ginagawa ni Jandro.
“Lagot sa akin ang engineer na ‘yan kapag pinormahan ka.”
I turned around and faced him. Nakatayo na siya at nakapamulsa pa.
“Wala kang karapatan-
Baritono siyang tumawa. “Sinong maysabi? Mula nang mamatay si Don Francisco Calavera, sa akin ka na, Angel. At gusto kong makuha ang lahat sa ‘yo. Lahat. Hindi ka pwedeng makipagboyfriend o kahit pormahan ng kahit sino. Ako ang makakalaban nila.”
Humalukipkip ako. “Kinain ka na ng pagiging mayaman mo. Mayabang at bilib na bilib sa sarili.”
Walang nagmamay-ari sa puso ko. Mapait kong sabi sa sarili.
He grinned. “Ito ang nagagawa ng pananakit mo sa akin. Pinatay mo na ako sa unang beses. Marapat lang na makulong… ka sa akin.”
Kinalas ko ang mga braso ko. My teeth gritted. May ngitngit sa dibdib akong nagmartsa papasok sa loob ng villa.
Nakatayo sa tabi ng pinto si Dreau. Nagkatinginan kami. Seryoso ang mukha niya sa pagkakahalukipkip. Nagdalawang isip ako kung kakausapin ko siya o dederetso sa kusina. But I chose to stay and faced him too.
Sumipol siya pagkatapos kong huminto. He glanced at the door then looked at me.
"LQ?"
"Hindi. At hindi kami."
"Ows. Bumabagal yata ang bata ko ngayon, ah."
"What do you mean?"
I never had this kind of confrontation before with Dreau. We are always civil at each other. Ginagalang ko ang asawa ng kaibigan ko.
Pero hindi ko dapat kaligtain na matalik na kaibigan din ito ni Jandro. Kaya nga naramdaman ko ang disappointment niya sa akin nang hiwalayan ko ang kaibigan niya. I felt that I was an evil woman in Jandro's life.
"Nothing." he shrugged his shoulders and left me alone.
Sinundan ko siya ng tingin. Paano kaya nagustuhan ni Heaven ang lalaking ito?