Chapter 18 Part 1

3372 Words
“Do not spread false reports. Do not help a guilty person by being a malicious witness.” – Exodus 23:1 -- Chapter 18 Part 1 Angel Loise Higit tatlong oras lang ang itinulog ko. Nakatitig ako sa pintuan habang nakahiga. Panay ang text niya sa aking pagbuksan ko siya ng pinto. May narinig akong kalansing ng mga susi. Tina-try niyang buksan ang doorknob pero napalitan na ni Manang Lucinda iyon. Napansin ko ang susi sa maliit kong night table. Wala na akong naririnig na ingay sa labas. Pasado alas seis na ng umaga. Chineck ko ang cellphone ko. He texted me numerous times and I never texted him back. He was begging. No’ng tumawag siya ulit ay hindi ko na sinagot. Tinatawag niya ang pangalan ko nang paulit ulit hanggang sa mapagod. I combed my hair. I sighed and stared at my locked door. Umakyat na siguro si Jandro sa kwarto niya. Wala siyang napala kaya tinantanan na niya ako. Sinampay ko ang bath towel sa balikat. Dala ang lalagyanan ng sabon at shampoo, binuksan ko ang pinto para maligo na. I will go to my studio as early as possible so I can avoid him. Iyong pag uusap namin kagabi, para akong ginagawang loka at sira dahil nagre-replay iyon sa utak ko. If he couldn’t stop himself from wanting me, edi sana ay pinayagan niya akong umalis. Hindi ako naniniwalang selos ang ugat ng galit niya kagabi. He just couldn’t reason that thing out. Gusto pala niyang maglaro ng apoy. Sabagay, I’m single. And a widow. Baka exciting ang ideya para sa kanya. I painfully smirked the very core idea. My father had already told me the insanity of my life would be. Baka tama siya. At ito na iyon. Nobody would truly understand me when I don’t even understand myself. Ganito nga hindi ba? They judged me even if they don’t know the real piece of my damn life. Yes, we all have our own mind and world but the experience and realness of life would give you the output of your view. He thinks that I am easy. He thinks that he owns me. He thinks what he wants to do with me even if he is already committed with someone else. Because I’m just Angel Loise Estrella. That I’m that girl. Pero nagngingitngit ang dibdib ko. Ang nararamdaman ko. If he ever feels frustrated, well damn I am too. Fuck judgmental people! f**k opinions! They just shown me who they really are and f**k them! Napahinto ako sa paghakbang palabas ng kwarto. Nabitawan ko ang doorknob. Umawang ang labi ko. I didn’t know. I didn’t expect this. Na makitang natutulog sa labas ng kwarto ko si Jandro. He is leaning on the wall. Nakaupo pero nakatiklop ang kaliwang tuhod. Naroon ang kanyang braso at nakapatong. Ang ulo niya ay bagsak patagilid. Banayad itong humihinga indikasyon na nasa kahimbingan pa ng tulog. He didn’t change his clothes. Iyong suot pa rin kagabi ang gamit. But he looked wasted. Ang buhok ay parang sinabutan. Hindi na nakatuck in ang t shirt. Wala na ring sapatos. He fell asleep there. Mukhang hindi nakayanang umakyat sa kwarto niya. Dahan dahan kong nilapat ang pintuan. Kinagat ko ang labi at hindi gumawa ng ingay. Dahil nasakop ng mahaba niyang hita ang daanan, hinakbangan ko siya. Nilingon ko nang makalayo ng ilang hakbang. Hindi ito nagising. Ni hindi nagbago ng pwesto. Ngumiwi ako. Umaalingasaw ang alak sa katawan niya. Sobrang kalasingan ba iyan? Nahagip ako ng tingin ni Roselia bago pa ako makapasok sa banyo. Tinawag niya ako. Kaya napabaling din sa akin ni Manang Lucinda. Nabuksan ko na ang pinto ng banyo. “Ipapagising ko na kaya kina Nestor? Inutusan ko kanina ang isa sa tauhan niya pero ayaw.” Tinanaw nila ang pasilyong tinutulugan ngayon ni Jandro. May pakiramdam akong umiiwas sila kapag nakainom ang amo nila. Hinawakan ako ni Roselia sa braso. “Talagang hindi siya nahihiya kahit makita kagabi ni Mam Marina! Nagmamakaawang buksan mo ang pintuan. Nakasandal at pinakuha pa ang susi sa kanya.” “W-What do you mean? Nakita siya ni Marina?” “Oo! Sabay silang umuwi kagabi, ‘di ba? No’ng marinig kong tinatawag ka niya, sumilip ako. Nasa labas din si Mam Marina at pinapanood lang siya. Nakakaloka nga!” Binalingan ko si Manang Lucinda para kumpirmahin iyon. She didn’t say any other than sighing her disappointment over Jandro. Nagmadali ako sa pagligo. Pagbalik ko sa kwarto, nakaupo pa rin si Jandro pero nagkukusot na ng mata. “Umalis ka na d’yan.” Malamig kong utos. Pahakbang ko, bigla niyang tinaas ang kanyang tuhod. Napatid ang paa ko at hindi na nakatawid sa kabilang side. Bumagsak sa kanyang kandungan dahil sa kawalan ko ng balanse. “Aray!” He groaned but he immediately caught me. Tumapon ang sabon ko sa sahig pagkabitaw ko ng basket nito. Suminghap ako nang mag-landing ang palad ko sa zipper ng kanyang pantalon. Kaya matalim siyang suminghap pagdiin ng kamay ko. Napapaso ko iyong inalis at lumuhod sa sahig. Naluhuran ko ang dulo ng tuwalyang nakatapis sa katawan ko. At nakalag sa pagkabuhol. Agad kong hinawakan pero huli na para hindi niya makita. He cursed. Inaayos ko ang tapis at tumayo. I glared at him because of his words. “Nakaharang ka kasi!” Pumasok ako sa kwarto nang malakas na malakas ang dagundong sa dibdib ko. Ni-lock ang pinto. He tried to open it. Mabilis ang hininga kong tinitigan ang doorknob na gumagalaw. Nagmura siya ulit at isang beses na tinadyakan ang pinto. “Sino bang nagpalit nito?! Putangina.” Tiningnan ko lang pintuan hanggang sa lumayo ang galit niyang boses. Nakahawak ako sa dibdib ko at mabilis na mabilis ang paghinga. Lumunok ako at mariing pumikit. Inhaled… exhaled. That is what I needed right now. Ilang minuto ang pinalipas ko bago nakuhang magbihis. Kung anong damit na lang ang nahila ko sa aparador at sinuot. Ang kilos ko ay parang may humahabol sa akin kahit wala naman. I hate him for cursing. I hate him for bringing this feeling. I hate him! Nagmamadali kong pinulot ang basket at panligong sabon. Hindi masyadong maayos pero mamaya na lang pag uwi ko. Mabilis ko iyong pinasok sa kwarto at saka nag-lock. The keys are in my bag. “Angel…” mahinang tawag ni Roselia. Tumango ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti kay Manang Lucinda at inayos ang bag ko. “Aalis na po ako,” “Maaga pa. Mag almusal ka muna.” “Hindi na po, Manang. Sa studio na lang. Sige po.” Malalaking hakbang akong lumabas ng kusina. “Sandali lang, Angel!” Huminto ako at nilingon si Roselia. May bigat akong nararamdaman nang makita ko ulit ang kaba sa kanyang mukha. “Mag ingat ka. Galit na galit na hinahanap ni Sir Draco si Mang Nestor.” Tuluyan akong napaharap sa kanya. “At bakit daw?” Lumunok siya at binulong, “Baka tungkol sa doorknob mo. Nagalit siya nang sabihin ni Manang na pinapalitan niya iyon kahapon. Si Manang kasi, sinabi pang huwag kang pasukin sa kwarto mo. Dumilim ang mukha niya tapos umalis. Narinig kong pinapatawag si Mang Nestor!” Umawang ang labi ko. “Kaya- “Hija,” Nilapitan kami ni Manang Lucinda. Hawak niya ang isang basahan pero mahigpit ang pagkuyom ng kanyang kamay. Umusod si Roselia at kabado pa rin. “Manang…” This is going to be messy now that she said those to him. Nag aalala rin ako. Paano kung tanggalin siya sa trabaho? Hindi ko dapat sila idinamay sa sitwasyon ko. “Hija, kung gusto mong tumakas… tutulungan ka namin.” Namilog ang mata ko. Hinawakan niya ang kamay ko at matamang tumingin sa mata ko. “Kakausapin ko sina Nestor na magbantay. Kaya niyang linlangin ang mga tauhan para makalabas ka ng villa. May pampatulog akong ibibigay kung kailangan- “Manang!” singhap ni Roselia at hinawakan ito sa balikat. “Hindi ko na kayang nakikita kang nahihirapan o inaatasang gawin ang ayaw mo. Sukdulan na ang paghihirap mo noon kay Don Francisco. At hindi na dapat maulit pa ngayon sa bagong may-ari. Magsabi ka lang. Tutulungan kita.” Sabay sabay kaming napabaling sa hagdanan. Sumisigaw at galit ang boses ni Marina. Parang nakikipagtalo ang tono at sa salitang Spanish. Naririnig ko ring nagsasalita si Jandro pero mas mahinahon kumpara sa babae. Nagkatinginan kaming tatlo. There is no doubt. They are fighting. “Salamat po, Manang.” “Magsabi ka agad.” “Opo,” Umalis ako ng villa na mabigat ang dibdib at magulo ang isip. Parang ayoko nang bumalik doon. Siguro, pwede akong matulog sa studio. Kahit isang gabi lang. Irarason ko ang trabaho para makaiwas sa villa. Pero hindi ako nakaiwas nang dumating siya bandang seven ng gabi at sunduin ako. Madilim ang mukha niya. Kinabahan ako kaya agad na sumama. We didn’t talk. Kahit inaasahan kong may maririnig akong reklamo sa kanya. Kaso wala. Umuwi kaming hindi nag uusap. “Hindi po ba niya pinalitan ang doorknob ko o nagpagawa ng duplicate key?” May isang susi si Manang Lucinda. Isinama niya sa lahat ng mga susi ng bawat silid dito sa villa. Umiling siya at hinila ako. “Pagkatapos nilang mag away ni Mam Marina, hindi na niya kinausap si Nestor. Wala na rin siyang nabanggit tungkol sa doorknob mo. Mabuti na iyon, ‘di ba?” “Ano pong ginawa niya maghapon?” “Nagtrabaho sa farm. Umuwi lang para maligo tapos umalis na. Sinundo ka lang.” Nag excuse ako at pumunta sa kwarto ko. Pinigilan ko ang sariling mag usisa pa. Though, may kaba sa dibdib kong darating siyang bigla at kakatok na naman sa labas ng pinto. I won’t let him in. Baka maulit ang pag aaway nila ni Marina. Pasensosya si Marina sa kanya. Another guilt runs deep in my chest. Guilt twinning with anger for him. Hindi siya dumating. Pero hindi rin ako nakatulog kaagad. Iniisip ko ang sinabi ni Manang Lucinda tungkol sa pagtakas. Is it possible? To escape Jandro? Ang ibig sabihin din no’n ay tatakasan ko ang perang binayad niya. Kaso ‘di ba ay hindi rin iyon makatao? Nagri-ring sa utak ko ang salitang “Kalayaan” kung papayag ako sa suhestyon ni Manang. Makakapagsimula ako ulit. Lilipat ako sa maynila o sa kahit saang lugar basta malayo sa Batangas. Itatayo ko roon ang studio ko. I could change its name and really start anew on my own. And having that freedom, I could work, save and live my life like a brand-new human being. I am hungry to live the normal life. Will Heaven be there for me? Is she going to support me, then? Pero bakit ko ba iniisip ang mga iyon. This is my life. I am entitled to do whatever I want. Even if I might lose people and friends for creating a new life for myself. Kung gusto ko ng bago, dapat ay matapang akong mawalan at iwan ang mahahalagang tao sa buhay ko. Lalo na kung may pinapaalala lang sa akin. But having that thought, bruises me, too. Nakakapanghina rin. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin para bukas. Pwedeng magplano ako para sa ikauunlad ko pero babagsak din sa paglabas pa lang ng pakpak ko. Kung ganoon, kailangan kong magsabi kay Heaven. No man is an island. Maaaring magtampo o magalit siya. Kaso ay baka mag away sila ni Dreau dahil sa akin. I groaned and closed my eyes. I’ll think again tomorrow. Then, the next day and the following day. This is a never-ending thinking. Ang tamis isipin ang pagiging malaya. Pero kaakibat nito ay mabigat na sakripisyo. I regularly checked my savings. Tinatapos ko rin ang backlogs sa trabaho ko. Nakakapag reply pa ako sa text ni Jandro. Though, nabawasan na ang pagtetext niya. Basta alam niya kung nasaan ako, hindi na siya hihirit pa ng ibang impormasyon. O baka ngayon lang dahil ilang araw ng mainit ang ulo niya. “Tara na! Baka naiinip na si Gerry do’n.” Aya ni Debra. “Isha-shutdown ko lang ito…” turo ko sa computer. “Bilisan mo, ah?” Nakangiting akong tumango sa kanya. 4PM ang usapang pupunta sa Bawi Eco Trail. Susunduin kami rito nina Euric at Billy para makasabay naming pumunta roon. Umuungot na kasi si Gerry na ituloy na ang pag swimming para sa date nila ni Debra. “Mas maigi ngayon. Marami tayo.” Sabi ko. Pwedeng hindi na ako sumama pero naroon din sina Euric kaya hindi na ako tumanggi. Isa pa, aalis na sila ng Batangas at susulitin na ang pamamasyal. Kagabi pa lang ay nakahanda na ang susuotin ni Debra. Magsusuot siya ng two-piece bikini na kulay yellow pero papatungan ng shorts na puti. Nagulat naman ako ng bilhan niya rin ng two-piece bikini na kulay red. Magsasando sana ako pero sayang ang effort at pera niya. Ayaw niyang pabayaran sa akin. “Sinamahan mo na ako kaya okay na iyan.” Niladlad ko ang bikini. Napangiwi ako sa tabas ng tahi. “Masyado yatang revealing ito, Debra. Hindi naman ‘yon beach o ano. Tabing batis pa nga.” May man-made pool sa Bawi. Ang batis ay pwedeng paglabhan ng mga residente. Mura lang ang entrance pero maganda ang paligid. Medyo secluded pero tourist spot din ng Padre Garcia. “Edi mag shorts ka. Sa ganda ng figure mong ‘yan, nahihiya ka? Kung ganyan ang katawan ko, sa Boracay ako rarampa, girl.” Sinungitan niya ako tapos ay ngumisi. “Mag-Bora tayo. Sa day-off.” “Uy wow. Totoo ba? Malayo ‘yon saka mahaba ang byahe. Hindi naman ako choosy. Kahit mag Isla Verde tayo mag-go-go ako!” Nagtawanan kami. Sinuot na namin ang bikini at pinatungan na lang ng shorts at maluwag na t shirt. Ready na kaming umalis anumang oras at sina Euric na lang ang hinihintay. Pero kumatok si Richard at naabutan ang mga bag namin sa labas. “Magtatampisaw kami sa Bawi, Engineer. Bakit napadaan ka? Naku, sarado na ang studio.” I don’t think magpapalitrato siya. Binalingan niya ako at nginitian. Naalala ko ang pagtatapat niya sa party ni Mayor Roque. Bigla akong tinamaan ng hiya kaya umiwas ako ng tingin. “Wala akong gagawin kaya napadaan lang ako. Malayo ba ang Bawi?” “Ay hindi! Dito lang din sa atin.” “Pwedeng… sumama? I have spare clothes in my car.” Binalingan nila akong dalawa. Kumurap ako. “Okay lang naman. Date talaga iyon nina Gerry at Debra. Pinasama niya lang ako.” “Ah. So, double date tayo?” Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ulit ng tingin kay Richard. He chuckled. “Biro lang. I’m bored. Samahan ko kayo sa date niyo.” “S’yempre naman, Engineer. Ikaw pa!” “Thank you.” Pagkarating nina Euric at Billy, nagyayaan nang umalis. Sinarado ko ang studio. Nakita ko ang tahimik na tinginan nina Euric at Billy, tapos ay babaling kay Richard. Ipinakilala ko sa kanila ang kaibigan ko para hindi mag ilangan. At dahil may dalang sasakyan ni Richard, sa kanya na ako sumakay. Habang si Debra ay sasakay kina Euric. “Are you sure, Angel? Pwedeng palit tayo?” tanong ni Debra nang pagbuksan ako ng pinto ni Richard. Tumango si Billy. “Dito ka na lang sa amin, ate Angel. Baka… maligaw kami,” Tumawa si Euric. Hinihintay ni Richard ang sagot ko kaya para akong nilagay sa mainit na upuan. Ramdam ko ang pamimilit nu’ng dalawa at determindo sa mga boses. Sa huli, nagpalit kami ni Debra. Pagkasakay ko, agad na nagmaneho si Euric. Nasa likod ako at si Billy ay nakaupo sa passenger side. Tumingin si Euric sa rear view mirror. “Manliligaw mo ‘yon, Angel?” he asked bluntly. Nakakunot noong nilingon ako ni Billy. “Siya nga, ate?” “Ah… a-ano…” Euric got something from his head. He smirked. “May karibal pa yata.” Then he tsked. Ngumisi rin si Billy bago binalik ang paningin sa harap. “Lagot.” Hindi ko na sila pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana. Hindi rin ako umimik kung hindi kailangan. Ako ang nagturo sa daan papuntang Bawi. “Ang tahimik mo, ah?” tudyo ni Euric pagkarating namin. Tipid akong ngumiti sa kanya. Tinungo ko ang hagdanan pababa sa paliguan. Naroon na sa cottage si Gerry at nagsisimula nang magpabaga ng uling. Si Richard ay nauna na sa baba pero nilapitan niya ako para maalalayan na hindi madulas. Maputik at basang basa ang lupa. Nagpasalamat ako sa kanya pagkababa ko. Unang bubungad ang pool na pambata. Walang tao maliban sa presensya ni Gerry. Ang kinuha nitong cottage ay sa tabi lang mismo ng main pool. Kung saan natatanaw din ang tabing batis at naglalakihang bato. Mga batong si Superman lang yata ang kayang bumuhat. May nakalabas ding tubo kung saan dumadaloy ang tubig na galing sa bundok. Ang sarap ng amoy ng mga puno sa hangin. Nakakahalina at antok. “Binayaran ko na ang entrance fee. Teka, nasaan na si Jandro?” Binaba namin ni Debra ang mga bag sa loob ng cottage. Naka-shorts na lang si Gerry. “Papunta na rin ‘yon.” Sagot ni Euric. Tiningnan ni Gerry si Richard. Nagpakilala si Engineer at nakilala naman ito ni Gerry dahil kay Atty. Divino. Tumabi sa ihawan si Richard at pinanood ang ginagawa niya. Kaya habang nagre ready kami ni Debra, hindi kami nagkakausap. Naghubad agad ng pang itaas si Euric. Sinampay niya ang damit sa cottage at tumalon na sa pool. Natatawa kami ni Debra pero nagkakahiyaan pang magtampisaw. Habang si Billy ay nakita kong bumaba sa batis at mukhang uupo sa malaking bato. “Busy sina Heaven at Dreau?” tanong ko kay Billy. “Try daw nilang humabol, ate Angel. Nagta-tantrum kasi si Aaron sa mommy niya. Si bossing ayaw iwan ang mag iina.” “I see…” tumango tango ako. Tumulong muna ako sa paghahanda ng pagkain. Sinagot ngang lahat ni Gerry ang kakainin namin at parang nagpa-catering kami sa grill niya. Pero tinulak niya ako at nginuso si Debra na nanonood kay Euric. Nagbibiruan pa ang dalawa. “Tawagin ko?” tukso ko kay Gerry. Napakamot siya ng ulo tapos ay tumango rin. Tumawa si Richard. Tinawag ko si Debra at pinalapit sa ihawan. Nagningning ang mga mata ni Gerry. Though, naintindihan niya ang pagtawag ko sa kanya, siniko ko pa rin siya. Namula ang mukha niya at parang kamatis na puputok. Umupo ako ulit sa cottage. Mayamaya na siguro ako lulusong. Paglingon ko ay siyang pagtabi sa akin ni Richard. Tinuro ko sa kanya ang pool. “Ayaw mo pang maligo?” “Ikaw?” I sighed. “Mayamaya siguro. Pero kung gusto mo na, go.” Tiningnan ko ang suot niya. Naka polo shirt itong puti at pantalon. Ang sabi niya ay may damit siyang pamalit kaya sumama. Kung hindi siya maliligo ay okay lang naman din. Kaso ang alangan kung lahat kami nag e-enjoy tapos siya ay nanonood lang. “Maliligo na ako.” Deklara ko. Tumayo ako at hinubad ang t shirt. Pinatong ko iyon sa bag at bumaba ng cottage. “Ako rin!” Sabi ni Richard sabay hubad ng damit at tinira lang ang kanyang blue na boxer shorts. Nilamig ako nang mawala ang t shirt. Naupo muna ako sa gilid ng pool. Pinanood ko si Euric na sumisisid at pabalik balik sa magkabilang dulo. Napaigtad ako ng tumalon si Richard sa tubig. Pagkaanhon ay nakangiti itong naglakad palapit sa akin. “Tara, Angel!” Nakakaengganyo ang tubig. Malamig at masarap sa balat. Tumango ako at inabot ang kamay niya. Hanggang dibdib niya ang tubig pero leeg naman ang sa akin. “Do you swim?” “Yes. Pero hindi masyadong sanay.” Hindi nagtagal, sumali na rin sa amin si Billy. Nagkatuwaan sila ni Euric na magkarera. Tumayo lang ako sa gilid at panay ang lingon kina Debra. Iyong dalawa sa tapat ng ihawan ay nagtatawan at hampasan pa sa braso. Nagkaroon na ng sariling mundo. “Euric Frago? Kilala mo si Mrs. Briseis Royal Altamirano-Santiaguel? ‘Yung asawa ng sikat na singer?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD