Chapter 5

3395 Words
“In the greatness of your majesty you threw down those who opposed you. You unleashed your burning anger; it consumed them like stubble.” – Exodus 15:7 -- Chapter 5 Angel Loise Patuloy na pinasok ang kanyang mga gamit sa loob habang patuloy din akong tinititigan ni Jandro. Hindi malaman ni Atty. Divino kung anong isasagot sa kanya at nabubulol na siya sa pagsasalita. Tila nawala ang kanyang propesyon pagdating sa lalaking ito. And I stayed on my cold feet. This… wasn’t a dream. Narito si Jandro! At siya ang bumili ng Calavera farm! Paano nangyari iyon? Saan siya kumuha ng pera? Bakit Draco de Narvaez ang kanyang pangalan ngayon? Did he change his name when he accumulated his wealth in Mexico? “Pagdating sa trabaho ko, alam kong maayos kong nagampanan ang binilin ninyo. At hindi kasama roon ang pagbawalang magtrabaho ang asawang naiwan ni Don Francisco,” Jandro grinned. “Hindi na siya asawa ngayon ni Don Francisco.” “P-Pero kasal pa rin sila-“ “He’s dead.” Jandro said and was still staring at me like as if that fact was on my face. Crystal clear to his understanding. “And now… she’s mine.” Nagsalubong ang mga kilay ko sa kanyang huling sinambit. Mahina man ang pagkakasabi, pero dahil nasa harapan ko siya ay umabot iyon sa pandinig ko. Tumikhim si Atty. Divino. “Mr. De Narvaez, sa pananaw ko ay malayang magagawa ni Mrs. Calavera ang kanyang gusto dahil karapatan niya iyon at nasa saligang batas iyan. Kung hindi mo siya papayagang magtrabaho at labag sa kanyang loob, pwede kayong makasuhan at dalhin-“ “Did I not make myself clear before I paid you, Attorney?” Binalingan na siya ni Jandro kalaunan. Naguguluhan kong tiningnan si Atty. Divino. “Ma-Malinaw naman ang napagkasunduan. Pero-“ “Aware ba si Don Francisco Calavera sa mga gusto ko, bago niya binenta sa akin ang asawa niya?” What… The… Hell? Bumagsak ang panga ko. Sunud sunod na kalabog ang naramdaman ko sa dibdib ko. Kabado o takot akong sinulyapan ni attorney pero agad din niyang binalik kay Jandro ang buong atensyon. Iniiwasan niya ang mata ko! “Sigurado akong… nasa tamang huwisyo si Don Francisco nang g-gawin niya ‘yan…” Humakbang ako isang beses. “Attorney…” parang sasabog na ang dibdib ko sa labis labis na kalabog na nararamdaman! “Then, ikaw ang nagkamali sa pagtupad sa binilin ko para kay Angel Calavera. Ang sabi ko, panatilihin mo siya rito sa farm… ko.” binigyang diin niya ang salitang pang akin. “Pero… hindi umalis ng villa si Mrs. Calavera at narito rin naman sa bayan natin ang kanyang studio.” “Nasa loob lang dapat siya ng farm.” Inulit niya ang riin sa pagsasalita na parang hindi nakakaintindi ang abogadong beterano. “Attorney… ano po ito?” hindi ko na napigilan ang nag uumalpas kong kuryosidad. Pero hindi, e. Malinaw ang narinig kong pag uusap nila. Malinaw na malinaw pero gusto kong traydurin ang sarili kong tainga dahil ayokong maniwala. Hindi niya ako pinansin. Yumuko si Atty. Divino na tila wala nang maipaglalaban pa kay Jandro. Na nananatili ang paningin sa kanya. Galing sa taas, bumaba ang tatlong lalaki na naghatid ng mga maleta at tinawid ang sala kung saan naroon kami. Lumabas si Roselia mula sa kusina. Tahimik na nakiramdam sa naabutan niyang katahimikan sa amin. “Wala pa siyang alam, atty. Divino?” Lumunok ang matandang abogado tapos ay umiling. “Hindi ko pa nasasabi, Mr. De Narvaez.” “Ano ‘to? Anong pinag uusapan ninyo?” giit ko sa katahimikan nila. Binalingan ako ni Jandro. Ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon. Malamig at… iritado. Nalusaw na sa kalituhan ang takot at kabang naramdaman ko nang makita ko siya ulit. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang malaman ang kababalaghang pinag uusapan nila. Ikumpirma o… i-deny. Lumapit ulit si Jandro sa akin. Unti unting bumaba ang kanyang mga mata at isang beses akong pinasadahan ng kanyang paningin. Tila scanner na sinusuri ang pagkatao ko at physical na anyo. Matapang ko siyang tinapatan ng titig. “Hi-Hindi ako magtatagal dito. Hinintay lang kita at lilipat din ako ng matitirhan. You can have everything here. And I’ll leave.” Maliwanag pa sa buwan kong sabi. He smirked. Damn. Hindi ako magpapatalo rito! Kung anuman ang bentahang naganap sa kanila ni Don Francisco ay labas na ako roon! Tumalikod ako para kunin ang mga gamit ko sa taas pero hinaklit ako ni Jandro sa siko. “Ano ba?” iritado kong laban kahit mahinahon pa siya. He was still smirking. “Hindi pwedeng lumipat ka.” Hinila ko ang braso at nakahinga ako nang maluwag nang nakawala ako. “Ikaw na ang bagong may-ari nitong farm, ‘di ba?” Sinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng harapang pantalon. Tumaas ang kanyang kilay. “Oo…” “Naibenta na ito sa ‘yo kaya kailangan kong umalis. Nakaimpake na ako. Matagal na. Pero pinakiusapan lang ako ni atty. Divino na mag stay para hintayin ka. Nagawa ko na ang purpose ko rito, kaya ngayon din ay aalis na ako.” “Saan mo balak pumunta?” “Sa Inn nina Heaven.” Tumawa pa si Jandro. Kumunot ang noo ko. Namumukod tangi siyang natatawa samantalang nakikiramdam sina attorney at Roselia sa isang tabi. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Gusto niya akong pahiyain. Dahil nagkapera na siya at yumaman? Ganoon ba? Ganti niya ito sa amin ni Don Francisco? Pagtalikod ko ay nagsalita siya ulit. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?” Pinanlamigan ako. Hindi. Wala akong narinig. Mali ang narinig ko. Kaya aalis pa rin ako sa bahay na ito! “Angel…” mahinang tawag sa akin ni Roselia. Humakbang ako sa hagdanan. Kukunin ko ang mga gamit ko. Kahit hindi na ako siguro magpaalam kay Heaven na pupunta ngayon. Tiyak maiintindihan naman niya. At kung sakaling puno ang Inn, walang available na kwarto, tutungo ako sa studio at doon na matutulog. Marami akong pagpipilian pagkaalis ko rito sa Calavera farm. Hindi pa kayang lunukin ng pride ko na si Jandro ang bumili nito sa matandang halos isumpa niya noon dahil sa akin. “Wala kang pupuntahan kundi rito lang sa akin. Dahil kasama ng farm, ng villa, ay ikaw. Binenta ka sa akin ng mahal mong asawa.” “Ano…” napaharap ako sa kanya sa unang baitang ng hagdan. He grinned like a smart devil. “Ako ang bagong may-ari ng Calavera farm at pagmamay-ari na rin kita, Angel Loise Calavera. I bought you. Kaya hindi ka aalis sa puder ko.” Kumuyom ang kamao ko. “Sinungaling!” “Then, why not ask your attorney? Siya ang middleman namin ng asawa mo.” tamad niyang suhestyon. Tiningnan ko si atty. Divino. Bumaba ako sa hagdan at nilapitan pa siya para sa paliwanag dito. Hindi ako nakapagsalita sa harapan niya. Umiinit ang mukha ko, ang dibdib ko. Ang loob ng tiyan ko ay parang ginagambala at para akong masusuka. I felt like, I was put on a very uncomfortable situation and all I wanted was to run away. Kung panaginip ito, utang na loob, bangungot na ito! “Attorney, anong ginawa ni Don Francisco? Hindi pwedeng… hindi…” “Patawad, hija.” Namilog ang mga mata ko. Hinawakan ko siya sa mga braso at halos magmakaawa sa kanya na bawiin ang pagkakatindi ko. “Attorney!” Tila mas lalo siyang tumanda nang tingnan niya ako sa mata. “Sinubukan kong pigilan si Francisco. Maniwala ka. Ilang beses ko siyang kinumbinsing bawiin ‘yon. Pero… kailangan niya ng malaking halaga para makabayad sa kanyang mga utang. Milyon-milyon ‘yon,” “Hindi pa ba sapat ang halaga ng farm at villa para… pati ako ay magawa niyang ibenta?! Gano’n ba?!” mataas na boses kong salita. Hindi niya ako inimikan. Hinihingal ako sa galit at kaba. Pati takot at pagkagimbal sa ginawa ni Don Francisco. Ang matandang iyon… paano niya ako nagawang pagkaperahan? Hindi ba sapat ang pananatili ko at pag aalaga sa kanya? Binalewala niya ang ginawa ko? Wala na siya. Ayoko mang ipamukha sa kanya ang mga nagawa ko sa maikling sandaling nagsama kami, pero hindi ko akalaing gagawin niya itong hindi makataong trato. Ganito pa ang isusukli niya sa akin? “Magkano ang presyo ko?” mahina kong tanong. Siguro ay may pag-asa pa para makawala ako. Hinila ako sa braso ni Jandro palayo kay atty. Divino. “Limang milyon.” “Limang milyon?” “Yes.” Lumakas lalo ang kalabog sa dibdib ko. “He offered you for two but I paid five million instead. Para kasi ang baba ng tingin niya sa ‘yo. Then, he agreed. You are sold to me. That’s why I am here.” “Hindi ako papayag! Babayaran ko ang binigay mo!” He did that grin again. “Do you have five million right now? Kung meron, ibigay mo ngayon din.” Wala akong ganoong halaga. Binilang ko ang laman ng savings ko sa isipan. Ang meron ako roon ay barya lang para sa limang milyon niya. Anong gagawin ko? Lumunok ako. Hawak pa rin niya ako sa braso. “May makukuha akong pera,” “Saan? Sa mga Frago?” tinaasan niya ako ng kilay. Kay Heaven. Kay Dreau. Tatanggalin ko ang hiya para makahiram ng pera. “Kaya hindi ako papayag na ibalik mo ang binayad ko sa ‘yo.” “This is human trafficking!” “No, mi amor. This is payback time. Now, go up to your room and rest. I’m f*****g tired from the long flight. Kung gusto mo ng bardagulan, bukas na lang natin gawin. Kahit sa umaga, okay ako. Pero hayaan mo munang makapagpahinga ako ngayon. Okay lang ba?” “Lilipat ako sa Inn,” “Isang sambit mo pa sa Inn, ipagigiba ko na ‘yan. Matulog ka sa kwarto mo.” What? Ganoon ganoon lang ito sa kanya? Siguro. Siya ang may maraming pera. “Draco…” Iang malamyo na boses ng babae ang nagpabaling sa aming lahat sa nakabukas na pinto. Inaayos nito ang nagulong buhok pero hindi ang bumabang damit dahil kitang kita ang taas na bahagi ng kanyang dibdib. Morena at brownish ang kulay ng mahaba niyang buhok. Nakasimangot siyang lumapit sa lalaking tinawag niya. “Marina,” Jandro said her name and locked his arm around her small waist. A very narrow waist! Mukhang beauty queen at modelo. “Why didn’t you wake me up, hmm?” Sino ito? Girlfriend niya? “I’m sorry. Do you want to eat something? I know you’re tired, too.” Lumabi ang babae at hiniga ang mukha sa dibdib ni Jandro. “No. I want bed, instead.” “Alright. Let’s go upstairs.” Inakay niya ang babae sa baywang papuntang hagdanan. “Mag uusap pa tayo bukas, attorney.” Salita niya nang hindi kailangang lumingon. “Babalik ako rito bukas, Mr. De Narvaez. Good night sa inyong dalawa.” The woman yawned loudly. Niyuko siya ni Jandro at may sinabi ritong hindi ko na narinig. Pinanood ko silang dalawa na umakyat sa taas. Dumating ang babae na parang si Jandro lang ang nakikita. Hindi niya pinansin ang iba kahit ang mga mata ay nasa kanila. She went straight to him like as if she was used to it. They’ve been doing it for so long. “She is Mr. De Narvaez’s fiancée…” Matalim kong binalingan si attorney. Wala akong pakielam. “Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo?” “Kapag ginawa ko ‘yon, aalis ka rito.” “’Yon talaga ang gagawin ko, attorney! Pinagtanggol niyo ang karapatan kong magtrabaho pero hindi ang karapatan ko bilang tao! Kayo ang maalam sa batas pero pumayag pa rin kayo sa gusto ni Don Francisco! Bakit po, attorney? Dahil mababa ang tingin niyo rin sa akin?” “Hija… ginawa ko naman ang makakaya ko para hindi ka mapunta sa kalagayang ito. Kaya lang matigas si Francisco.” Umiling iling ako. “Ginawa niyo akong bagay na pinaglaruan at binenta nang ganoon ganoon lang.” “Bakit hindi mo subukang kausapin si Mr. De Narvaez? Sa tingin ko ay magkakilala naman kayo. Tama ba ako?” Tumiim ang labi ko. Ilang segundo ang pinalipas ko bago nagsalita. “Nakita ba ni Don Francisco ang lalaking pinagbentahan niya ng kanyang lupain?” May pagtatakang napaisip si attorney sandali. “Hindi. Sa telepono lang sila nag uusap. Pero isang beses lang at ako na palagi ang kumakausap sa buyer.” Nangatal ang ngipin ko. So, pinalano niya ito? “Kahit anupaman, hindi niya dapat akong binenta.” “Hija…” “At hindi dapat kayo pumayag!” Malalaking hakbang akong lumabas ng pinto. Tinungo ko ang labas pero agad akong binarakadahan nina Cardo. “Gabi na po, ma’am Angel. Hindi na pwedeng lumabas.” Paliwanag ni Cardo. “Kay Heaven ako pupunta.” Umiling siya. Tila napagsabihan na kung anong gagawin sa akin bago pa umakyat sa taas si Jandro. s**t! “Bawal na po, ma’am. Sa loob na lang po kayo.” Nadagdagan ang mga tauhan ngayon sa farm. May dalawang sasakyan ding nakaparada sa tapat ng villa, hindi pa kabilang ang kay atty. Divino. Nagbago ang lahat. Sa isang iglap. Nagulo ang buhay ko. Binenta ako ng asawa ko sa lalaking namumuhi sa kanya. Pero kahit hindi niya siya nakilala, binenta niya pa rin ako. Umalis si atty. Divino nang hindi ko tinitingnan. Sinarado ni Roselia ang pinto. Para akong nauupos na kandila na umupo sa sala. Tulala at bagsak ang mga balikat sa pag iisip sa nangyayari. Limang milyon ang halaga ko. Dinaig ko pa ang hayop sa auction market. Ang malala nito’y… parang kauri ko rin pala sila. Yumuko ako at sinalo ng dalawang kamay ang ulo ko. Tears formed in my eyes. Ano ba itong buhay ko? Wala nang nangyaring magaganda puro kamalasan na lang! Pati bagong simula ay pinagkait pa sa akin? Who can save me?! No one. Just… myself. -- Maaga akong bumangon kahit halos alas tres na nang madaling araw ako nakatulog. Ginugulo ang isip ko ng mga problemang nakapaligid sa akin. Parang sumikip ang Padre Garcia. At ang taong hindi ko inaasahang makita ay nandito na sa villa. Si Jandro. Si Draco. O kung sino man siya, ay ang bagong amo ng farm. Ngayon ko pinagsisisihang hindi agad bumili ng sim card. Hindi ko natawagan si Heaven. Pero kung nandito si Cardo at mga tauhan ni Dreau… alam din nila na nandito si Jandro! Kung ganoon, bakit hinayaan ni Heaven na nandito rin ako? O aware kaya siya? Magkaibigan sina Dreau at Jandro. At malaki ang respeto ni Jandro sa asawa ni Heaven. Siguro, mas kakampihan niya ang kaibigan na nasaktan ko noon. Hindi kataka taka iyon. Ngayon, ano ang susunod kong hakbang? “Maupo ka na rin sa labas, Angel. Gising na… ‘yung dalawa.” sabi sa akin ni Manang Lucinda habang nagkakape ako sa kusina. Wala akong balak sumabay doon. At sinabi na rin ni Roselia sa kanya ang narinig kagabi. Pagbaba ko rito, malungkot nila akong tiningnan. Tinapik ako ni Manang sa balikat at sinabihang kausapin si Jandro o Mr. De Narvaez sa kanila. “Hinahanap ka niya.” Nag angat ako ng tingin kay Roselia. Ngumiwi siya. “Ano’ng oras kang natulog kagabi? Para kang tinakasan ng dugo,” “Pasado alas tres na siguro. Masakit nga ang ulo ko ngayon.” At hindi maganda ang timpla ng mood ko. Pagdaan ko kanina sa master bedroom, narinig ko ang hagikgik ni Marina sa loob. Nanibago ako. Dahil dati rati, kahit noong buhay pa si Don Francisco ay walang maririnig na ganoon. Binabaan ako ni Roselia ng pandesal at keso. Sinawsaw ko sa kape ko ang tinapay. “Papasok ka ba ngayon?” tanong ni Manang Lucinda habang nagsasalin ng tubig mainit sa dalawang tasa. “Opo.” “Pinayagan ka ni Mr. De Narvaez?” Nilunok ko ang pandesal. “Hindi ko pa po nakakausap.” “Magpaalam ka. At baka magsagutan ulit kayo.” “Susubukan ko po, manang.” At pinagpatuloy ko ang pagkain. Habang ngumunguya, sinulpayan ko ang ginagawa niya. “Hindi pa yata sila sanay sa pagkain natin dito. May sinasabi ‘yung babae na pagkain nila pero hindi ko maintindihan,” “Probably Mexican food.” Sabi ko kay Roselia. Ngumiti siya at tumango. “Oo ‘yun nga sabi ni Mr. De Narvaez.” Tumayo ako. Nilapitan ko si Manang Lucinda. “Ako na po r’yan, Manang. Ilalabas na po ba?” “Oo. Nagpahingi ng kape,” Kukuha ako ng tray, pero dinala ko ang dalawang tasa sa tabi ng lababo. Nakatalikod ako sa kanila at tago. Inabot ko ang lalagyanan ng iodized salt. Nilagyan ko ng isang kutsarita ang black coffee. Na alam kong kay Jandro. Mabilis kong hinalo dahil tumabi malapit sa akin si Roselia para kumuha ng sandok. Pagkakuha ko ng tray, sumabay ako kay Roselia na ilalabas naman ang sinangag sa dining area. Maybe, I didn’t know what I was doing. Dala ba ng puyat at sama ng loob, pero ginawa ko. Nakaupo sa kabisera si Jandro. Nakikipagtawanan kay Marina na ngayon na buhay na buhay. Marahil ay maganda ang tulog kaya nakangiti habang kumakain. Tumahimik sila pagkakita sa amin. Binaba ni Roselia ang bowl ng fried rice sa gitna. Tiningnan iyon ni Marina at pumikit pagkaamoy. “Can you cook paella?” tanong nito kay Roselia. Sinusundan ako ng tingin ni Jandro. Lumapit ako sa kaliwa niya para ibaba ang kanyang kape. “Paella? Mam, no!” “Ibili mo ng San Marino sa grocery.” Bulong ko kay Roselia. “San Marino, mam! Yes!” “Where’s that?” nagtatakang tanong ni Marina. Tumikhim si Jandro. Umayos ng upo tapos ay tinuro ang upuang bakante sa kanyang kanan. “Dito ka, Angel.” “Kumain na ako sa kusina. Salamat.” Tinitigan niya akong masama. “Papasok ako sa trabaho. Sana payagan mo ‘ko.” walang buhay kong dagdag. Hindi ko alam kung papayag siya o tulad kagabi ay pagbabawalan pero gusto kong pumasok. Umalis sa villa para makahinga. Inabot niya ang kanyang tasa. “Hindi pwede.” Mangha ko siyang tiningnan. “I need to work.” Natigilan si Marina at nilingon ako. Hindi umabot sa labi ni Jandro ang bibig ng tasa. “You don’t need to work.” “May negosyo akong kailangang i-manage. Iyon ang kinabubuhay ko.” “What is it, Draco?” Tumikhim ako. He looked at his fiancée but didn’t say any words. “Sundin mo ang kung anong sinasabi ko sa ‘yo, Angel. Ngayon, kung ipipilit mong aalis ka para magtrabaho, mapipilitan akong ikulong ka sa kwarto mo, hanggang sa maintindihan mo ang gusto kong mangyari.” I didn’t like it here. Ngayon pa lang, hindi ko na matagalan ang pagtayo ko sa harapan niya tapos… patitigilin pa ako sa trabaho ko? Ang nag iisang alam kong dapat gawin ay, pakiusapan siya. Kung hindi… mas lalo siyang magagalit sa galit ko. “Why are you two talking about? Tell me,” tiningala niya si Roselia. Pero takot na umiling ito sa kanya. Lumunok ako. At pinuno ng hangin ang dibdib. “Nakikiusap ako sa ‘yo, Jandro. Gusto kong pumasok sa studio. Business namin ‘yon ni Heaven at… ayokong mawala. Buhay ko na ang pagkuha ng litrato at kahit… ikaw ay alam ‘yon. Kung magtago man ako, katulong si Dreau ay makikita mo rin ako. Kaya bakit hindi mo pa ako payagang pumasok? Hindi naman ako tatakas.” Nilapag niya ang tasa sa saucer nito. Tinitigan niya ako. Bumuntong hininga na tila nagpapabigat ang presensya ko sa kanya. “Alright. Sa studio ka lang.” Nagulat ako. Pumayag siya! “Y-Yes. Doon lang.” bibili ako ng sim card. Magpapabili ako kay Debra para matawagan ko si Heaven at sa kanya ako hihingi ng tulong. “Umuwi ka sa tamang oras.” Tumango ako. “Thanks.” Kinuha niya ulit ang tasa. Agad akong umalis doon. Pero hindi pa ako nakakalampas sa bukana ng dining area ay narinig ko ang pagbuga nito sa ininom. Gumasgas din ang paa ng upuan sa marmol sa sahig. Malutong itong nagmura. Patakbo na akong lumabas ng villa. “Angel!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD