PART 4

1266 Words
AMUSE na pinagmasdan ni Jim ang mukha ni Joan. Halatang nahihiya dahil sa pamumula ng magkabila nitong pisngi saka pagkatapos ay nagbaba pa ng tingin. Kabisado niya ang ganoong ugali ng mga babae. At hindi niya maitatangging gusto niyang nakikita ang mga iyon kay Joan.           “D-Di ba sa library?” hindi nakaligtas sa kanya ng bahagyang panginginig ng tinig nito kaya lalong lumapad ang pagkakangiti niya.           “Ah okay!” ang tumatawang sagot ni Shaira.           “Mukha ngang magkakilala na sila ate!” ang prangkang sagot naman ng isa sa mga kasama ni Joan na ipinakilala sa kanya ni Shaira kanina bilang si Rose.           Noon siya natawa saka agad na tinapunan ng tingin si Joan na nananahimik at panay lang ang ngiti. Nang makita nito ang ginawi niya ay mabilis na umilap ang mga mata ng dalaga. Bagay na ikinatuwa niya. At kahit sabihing hindi niya ito nakausap ng maayos. May bahagi ng puso niya ang nagsasabing ibibigay iyon sa kanya ng pagkakataon. Dahil totoong nanghihinayang siya at hindi niya ito nakakwentuhan.           Interesado naman kasi siyang talaga sa dalaga. Bilang kaibigan. Dahil sa tingin niya hindi ito mahirap magustuhan at malakas ang kutob niyang magkakasundo sila sa lahat ng bagay. Lihim niyang pinagalitan doon ang sarili. Alam naman niyang may nobya siya at alam rin niya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya. Pero bakit pagdating sa babaeng ito, sa loob ng ilang beses nilang pagkikita. Bakit gusto niyang isiping malaya siya? Dahil ba iyon sa ngiti nito? Sa magaganda nitong mga mata? O sa kakaibang klase ng damdaming hindi niya kayang pasinungalingan mula pa man nang una silang magkita? “ANG gwapo talaga niya! Ang gwapo!” kinikilig niyang naisatinig habang nakasilip sa maliit na butas ng dingding na nagsisilbing dibisyon ng silid nila at ng kina Jim.           “Patingin nga!” si Tere iyon na natatawa siyang hinawakan sa balikat. “Oo nga ano? Bagay sa kanya ang gupit niya!” dugtong pa nito nang umalis sa pagkaka-silip sa butas at siya naman ulit ang humalili.           “Grabe hindi ko na talaga mapigilan itong nararamdaman ko para sa’yo!” kinikilig na parang baliw niyang sabi habang nanatiling nakasilip sa butas. Noon naman lumapit si Rose na kapapasok lamang ng classroom. “Hoy, anong sinisilip mo diyan?”           Mabilis siyang napatayo dahil doon. “Walanghiyang ito, ikaw lang pala. Akala ko kung sino na” ang nagulat niyang singhal sa kaibigan saka umayos ng pagkakaupo.           Umiiling siyang pinagtawanan ng kaibigan. “Nakakahiya kang ma-in love! Mabuti nalang pala tayong apat lang dito ngayon!” ani Rose na tawa ng tawa.           Humaba ang nguso niya sa narinig. “Tumigil ka nga!” saway pa niya sa kaibigan saka ito inirapan.           Noon kumilos si Rose. Humakbang ito palapit sa kinaroroonan niya para sumilip sa butas. “Kaya naman pala eh. No wonder, kaya pala para kang baliw na kilig na kilig diyan” komento pa nito saka naupo sa tabi niya.           Hindi siya nagsalita ng anuman. Sa halip ay nakangiti lang siyang nangalumbaba. Para pa niyang nakikita ang maamong mukha ni Jim habang nakangiti itong nakikipag-usap sa mga kaklase nito.        You are the love of my life, one thing that makes sense in this life; I’ll spend the rest of my days, just loving you…        Lihim niyang pinagtawanan ang sarili dahil sa pamilyar na lyrics ng kantang iyon.  Ganito pala ang pakiramdam ng in love Jim, ang sarap, ang gaan, laging may dahilan para ngumiti. Kaya alam mo, I want to stay in love with you, kasi alam ko sa’yo ko lang mararamdaman ang lahat ng ito. Ang isang bahagi pa ulit ng isipan niya. Sana lang ay magawa niyang sabihin ang lahat ng iyon kay Jim. Kung papaano siya kiligin sa tuwing nakikita niya ito. Kung gaano ito kagwapo, at kung gaano ito ka-perpekto sa paningin niya.  “GUSTO mo bang kumain muna anak?” nasa terrace siya nang lapitan siya ng nanay niyang si Marlyn. Nakangiti niya itong inakbayan.           “Mamaya na siguro nay. Busog pa naman ako, pupuntahan ko na muna ang puntod ni Karen” aniyang malungkot na napangiti nang maalala ang namayapang dalaga.           Noon naglalambing na inihilig ni Marlyn ang ulo nito sa balikat niya. “Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masayang-masaya siya para sa’yo” anito.           Buntong hininga ang isinagot ni Jim sa sinabing iyon ng kanyang ina. Mag-i-isang taon na siya sa Oklahoma nang mapag-alaman ang tungkol sa pagpanaw ni Karen sa sakit na cancer sa buto. Naalala pa niya noong huling taon niya sa kolehiyo, dahil nagawang ilihim sa kanya ng dalaga sa loob ng mahabang panahon. Stage four na iyon at hindi na naagapan kaya tumagal nalang ng ilang buwan ang buhay nito. Nang mga panahong iyon ay break narin sila nito. Pero dahil sa social media ay nagkakaroon parin sila ng chance para makapag-usap nilang magkaibigan.           Sinubukan niyang umuwi ng Pilipinas nang ipaalam sa kanya ni Karen ang tungkol sa tuluyang paglubha na nga ng sakit nito. Hindi na kasi nag-respond ang katawan ng dalaga sa treatment. Pero hiniling ng dalaga na mas makabubuting huwag na. Dahil mas mahihirapan raw ito sakaling nandoon siyang nakikita ang paghihirap ng dalaga. Kaya sumunod siya.           Once na hindi na kita nai-message sa f*******:, ibig sabihin wala na ako.           Iyon ang huling mensaheng natanggap niya mula sa dalaga. Masakit at mahirap tanggapin ang lahat lalo na’t may pinagsamahan naman talaga sila nito. Kaya minabuti niyang ituon ang lahat ng panahon at atensyon niya sa trabaho. Tapos siya ng kursong pagtuturo, but he landed on business. At iyon ang nagbigay sa kanya ng tagumpay. Nakapasok siya sa isang malaking Real Estate Company sa Oklahoma sa tulong narin ng kanyang ama. Isang buwan palang siya noon sa Amerika. Nagsunod-sunod ang promotions niya hanggang sa dakong huli ay hinirang siya bilang pinakabatang Presidente sa edad na twenty six.           Dalawang taon siyang nagsilbi sa ganoon posisyon. Bago napagpasyahan ng may-ari na maglagay ng sangay ng kanilang kompanya sa Pilipinas mismo. At dahil sa katotohanang tumatanda narin ang ina niyang si Marlyn, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ng kanyang amo na sa Pilipinas na niya ituloy ang paglilingkod sa naturang kompanya sa kaparehong posisyong mayroon siya sa Oklahoma.           “Sayang at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para makilala si Karen ng personal. Mukha siya mabait na bata” ang tinig ni Marlyn saka siya tiningala. “kunsabagay kahit minsan naman wala ka pang ipinakilalang babae sa akin. Kailan ka ba mag-aasawa? Aba hindi na ako bumabata anak!”           Natawa siya ng mahina sa sinabing iyon ng ina. “Hindi ko alam nay, hindi ko alam” aniyang hinalikan ang ulo ng sariling ina pagkatapos.           Tumawa ng mahina si Marlyn. “Buo na ba ang pasya mo? Hindi kana ba talaga babalik ng Amerika?” pag-iiba nito ng usapan.           Noon niya ito niyuko ng tingin saka nakangiting umiling. “Hindi ko na kayo iiwan, magkakasama na tayo ulit, kagaya ng dati” totoo iyon dahil iyon naman talaga ang dahilan niya kung bakit pinili niyang umuwi na ng Pilipinas. Para muling makasama ang kanyang ina.           Tumango ang ina niya ng nakangiti. “Sige, pero samahan mo akong kunin iyong resulta ng sugar ko sa ospital? Sasamahan narin kitang dalawin ang puntod ni Karen” anito.           “Sige nay, pasyalan narin natin si Mark” ang pinsan niyang doktor ang tinutukoy niya. “Ilang buwan narin naman mula nang makabalik ako pero hindi pa kami nagkikita, baka magtampo iyon sakin” natatawa niyang sabi saka iginiya papasok ng kabahayan si Marlyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD