KINABUKASAN nagising siyang wala na ang asawa sa kanyang tabi. Mabigat ang katawan siyang bumangon saka nagtuloy sa loob ng banyo. Ginawa lang niyang mabilis ang pagligo saka narin lumabas ng silid. Tahimik ang kabahayan. Marahil nakaalis na ang biyenang si Marlyn. Sa kusina, inabutan niyang busy sa paghahanda ng mesa si Jim. Nagulat pa ito nang makita siyang nakatayo sa may gawi ng pintuan. “Upo kana, aalis tayo after this” anitong sinalinan ng kape ang kanyang tasa. Nangunot ang kanyang noo. “Saan tayo pupunta?” taka niyang tanong. Sandali muna siyang pinakatitigan ni Jim bago kinindatan. “It’s a surprise!” Sa tono ng kanyang asawa alam niyang hindi niya ito mapapaamin kaya minabuti niyang madaliin nalang ang pagkain para malaman na