EIGHT YEARS AGO… “PAANO mo nagawang ilihim sa akin ang lahat ng ito Karen? Inisip mo bang tatalikuran kita?” mabigat ang loob na tanong ni Jim sa dalaga. Nagulat siya sa ipinagtapat sa kanya ni Karen tungkol sa malubhang karamdamang taglay nito. At papaanong nagawa nito iyong itago sa kanya sa nakalipas na mga taon. “Wala ng dapat pagtalunan Jim, I’m breaking up with you” matatag ang tinig ni Karen sa naging sagot nito. Nailing si Jim sa narinig. “Hell! Ito ba ang dahilan kung bakit pinagtulakan mo ako palapit kay Joan?” nang maalala ang dalaga ay mabilis niyang naramdaman ang pamilyar na hapdi sa kanyang dibdib. Tumango si Karen. “Mahal kita, pero mas mahal ka niya. At alam kong mas mamahalin mo siya kaysa sa akin” nagulat man sa narinig