“WELCOME home!” ang masayang salubong sa kanila ni Marlyn. Kulang dalawang linggo rin inilagi nila ni Jim sa Palawan. At dahil iyon ang unang beses na nakatuntong siya sa kinalakhang tahanan ng asawa. Sumalubong sa kanila ang isang simpleng salu-salo na inihanda ni Marlyn para sa kanila. Halos sampung minuto lang ang nakalipas ay nakita ni Joan na pumarada sa tapat ng bahay ang isang pamilyar na sasakyan. Noon napuno ng pananabik ang dibdib niya saka masayang sinalubong ang sariling mga magulang. “Kumusta kana?” ang Mama niyang mahigpit na gumanti ng yakap sa kanya. Nakangiti siyang nagkibit-balikat saka sinabayan ang pagpasok ng mga bagong dating. “Okay naman ako Ma, kayo? Kumusta sa bahay?” ang magkakasunod niyang tanong. Nasa loob na sila at ang mga magulang naman niya at si Marlyn