NAIILING habang nakangiti na inilapat nalang ni Mark ang pintuan ng silid ni Joan. Matapos ang lahat ng ipinagtapat sa kanya ni Jim kahapon ng gabi matapos niyang tanggalin ang benda sa mata ng pasyente ay naunawaan na niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng pinsan niya nang makita ang dalaga. Totoong attracted siya kay Joan noon pa mang umpisa. Pero matapos ang lahat ng narinig niya. Naisip niyang magparaya nalang para kay Jim. Lalo’t kung tutuusin ay hindi rin madali ang pinagdaanan nito sa namayapa at dating nitong nobya na si Karen. GAYA nang napagkasunduan, dumating si Jim sa ospital. Pero hindi si Paul. Tumawag ang ama nito at sinabing hindi sila makakarating dahil nagkaroon ng emergency si Letty na kinailangang isugod sa ospital ni Paul. “Ma,