KINAGABIHAN, naIiling na muling sinulyapan ni Joan ang suot na relo. Kahit kailan talaga walang kupas ang mga kaibigan niya. Lagi siyang pinaghihintay. Nakatayo siya noon sa labas ng isang kainan na nasa tapat ng kanilang unibersidad. Nagpa-photocopy kasi ng libro ang tatlo. Nagpaiwan nalang siya doon sa labas dahil ayaw niyang makipagsiksikan. Bukod pa roon ay talagang umaasa siyang bago manlang siya umuwi eh masisilayan niya si Jim. Ang lalaking lihim niyang pinapantasya, minamahal. Natawa siya sa huling naisip. Ilang araw palang, kulang isang buwan kung tutuusuin pero ang bilis niyang nahulog sa binata. Nahalikan na nga siya nito, at ang halik na iyon ang pumukaw sa natutulog niyang damdamin. Kaya siya natauhan at sa dakong huli ay narealized niyang hindi nalang s