HABANG sinasabayan nila ang magandang awitin, hindi napigilan ni Jim na i-relate ang sarili sa bawat mensahe niyon. Kahit hindi niya aminin, kahit sabihin pa ng lahat na nagiging unfair siya kay Karen, pero talagang kay Joan lang niya nararamdaman ang kahulugang mayroon ang kantang ito. At habang tumatagal, habang ipinagtutulakan siya ng nobya palapit kay Joan ay totoong sumisibol sa kanyang damdamin ang klase ng emosyong ngayon lang niya naramdaman. Iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit kahit anong gawin niya, kahit pinipilit niyang sikilin ang nararamdaman, ang ending, ngumiti parin siyang mag-isa kapag naiisip ito. Ayaw niyang dumating sa puntong kailangan na niyang mamili sa dalawa pero paano kung iyon ang kailangan. Paano kung pareho niya itong masaktan?