Buong linggo akong nagkulong sa bahay.
Kahit gaano ako katapang ay di ko pa rin mapigilang ipagluksa ang balitang nalalapit na pagpapakasal ni Franz.
Wala akong nabasang official statement tungkol doon kaya medyo lumuwag-luwag ang pakiramdam ko.
Nang tuluyan akong bumaba sa sasakyan niya noong gabing hinatid niya ako ay taas noo at walang lingon-likod pa akong naglakad papasok sa bahay namin pero pagkapasok ko ng silid ay tsaka pa nagsibagsakang muli ang mga luha ko.
Pakshet! Ang sakit-sakit sa dibdib kahit walang kami.
Lunes ngayon kaya balik-eskwela na naman. Pinaghandaan kong mabuti ang araw na ito dahil ngayon ulit kami magkakaharap ni Franz matapos ang nangyari sa'min sa loob ng sasakyan niya.
Buong linggo kong binantayan ang sss account nilang dalawa ni Ma'am Joy upang makita ko agad kung may ipo-post ang kahit sino sa kanila tungkol sa kasalang nabanggit ni Franz at ikinapasalamat kong walang nangyaring gano'n.
Ngayon ang simula ng hakbang ko upang masigurong di mapupunta sa kahit na sino si Franz.
Gago siya, ilang taon ang sinayang ko sa grade 8 para sa kanya tapos ngayon ay sa iba lang siya pakakasal? It's a very big NO!
Binigyan ko siya ng pagkakataong ligawan ako pero ang ginawa niya ay nakipag-live in siya at ngayon ay binanggit niya sa mismong pagmumukha ko ang pagpapakasal sa iba. T*ng-ina niya! Kung di ko lang siya mahal ay siguro nabugbog ko na siya.
Simula ngayon ay akitan na ang mangyayari. Lalaki pa rin si Franz kahit na gaano siya katatag ay madadala pa rin siya ng tukso lalo na at kasing ganda ko ang manunukso.
Di naman sana kami aabot sa ganito kung una pa lang ay hiniwalayan na niya ang girlfriend niyang sobrang bait na parang di na makatotohanan.
Alam kong pang-aagaw itong gagawin ko pero wala na akong pakialam.
Minsan lang akong magkasala kaya lubus-lubusin ko na.
Naniniwala ako na ako lang ang kayang magbigay kay Franz ng pagmamahal na deserve niya. Hindi si Ma'am Sabrina ang babae para sa kanya.
Sigurado rin akong hindi niya gano'n kamahal ang babaeng iyon. Kung talagang buong puso niyang mahal ito ay hindi siya gaganti sa halik ko.
Habang maaga pa ay kailangang magising ni Franz na kung meron mang babaeng pwede niyang pakasalan ay ako iyon at hindi ang girlfriend niya ngayon.
Maaga pa lang ay dumating na ako sa paaralan. Wala pang gaanong mga estudyante at iilan lang iyong faculty members na nakikita ko habang naglalakad sa pasilyo papunta sa classroom na siguradong kinaroroonan ngayon ng taong pakay ko.
Naririnig ang tunog ng takong ng sapatos kong suot bawat hakbang ko dahil sa sobrang tahimik ng paligid.
Tantiya ko ay alas sais pa lang at alas otso magsisimula ang klase kaya di nakapagtatakang wala pang katao-tao sa hallway.
Matagal ko nang kabisado na sa ganitong oras ay nandito na sa paaralan si Franz upang gawin ang lesson plan na di niya nagagawa sa bahay.
Kung noon ay natutuwa ako dahil di niya nagagawa ang lesson plan sa bahay ngayon ay nakadama na ako ng ngitngit dahil di magandang eksena ang pumapasok sa utak ko na maaaring dahilan niyon lalo na at kasama na niya ngayon sa iisang bubong si Ma'am Sabrina.
Ipinilig ko ang ulo upang alisin ang nadamang inis nang matanaw na ang pamilyar na silid.
Grade 8- Hope.
Kabisado ko na bawat titik na nakatatak sa dahon ng pintong nasa harapan ko at sa likod nito ay naroon ang taong hinahanap ko.
Tahimik akong pumuslit papasok at tulad nga ng inaasahan ko ay naroon si Franz sa kanyang mesa at tutok na tutok sa kung anong sinusulat l.
Walang ingay kong isinara ang pinto sabay lock. Ang tunog ng lock ang nagpaangat sa mukha ni Franz.
Napakurap-kurap siyang napatitig sa mukha ko bagouling sumeryoso ang mukha niya.
"You're early," komento niya.
"Good morning," matamis ang ngiti kong bati habang papalapit sa kanya.
Nangunot ang noo niya habang pinanood ang paglapit ko at bago pa niya mahulaan ang gagawin ko ay mabilis kong kinabig ang batok niya at yumuko upang bigyan siya ng mariing halik sa labi.
Napaawang ang mga labi niya sa gulat kaya sinamantala ko iyon upang ipasok ang dila ko sa loob ng bibig niya.
Nang maramdaman ko ang akma niyang pagtulak sa'kin ay isinabunot ko sa buhok niya ang kamay kong nasa kanyang batok sabay sakay sa kandungan niya.
Hindi ako gano'n kadaling itulak dahil sanay akong nakipag-wrestling sa mga pinsan kong lalaki tuwing nagpa-practice kami ng mixed martial arts.
Nang makapwesto na ako sa kandungan niya ay mas pinag-igi ko ang paggalaw ng mga labi upang tudyuin siyang sumabay.
Para akong humahalik sa rebulto dahil wala man lang akong nakuhang reaksiyon pero di bale na basta masarap na rebulto.
Ilang saglit lang ay tumigil na siya sa pagtulak sa'kin at ang mga kamay niya ay nakakapit na sa baywang ko pero di pa rin siya tumutugon sa halik ko.
Nang mapagtanto kong wala siyang balak na gantihan ako ng halik ay pinasya kong itigil ang paghalik sa kanya.
Akmang ilalayo ko na ang mga labi sa mga labi niya nang walang babala niyang pinisil ang baywang ko kasabay nang marahas na paggalaw ng mga labi niya.
Napangiti ako at kulang na lang ay sumigaw ng 'success'.
He's not immune to my charms after all. Hindi siya totoong bato na di naapektuhan bagkus ay may ibang bahagi ng katawan niya ang nararamdaman kong tumigas katulad ng bato dahil sa patuloy na paghihinang ng mga labi namin.
Nang maramdaman kong dalang-dala na siya sa ginagawa namin ay mabilis kong inilayo ang mga labi sa kanya.
Noong una ay di pa ako nagtagumpay dahil hinabol niya ang mga labi ko upang muling sakupin at dahil marupok ako ay nagpaubaya ako nang ilang sandali bago muling tinapos ang halik.
Habang nadadarang pa siya ay mabilis akong umalis sa kandungan niya at lumayo sa kanya ng ilang hakbang.
Kitang-kita ko ang matinding emosyon sa kanyang mga mata na nagpanginig sa mga tungod ko at muntik nang nagpabalik sa'kin sa kandungan niya pero pilit kong pinatatag ang sarili.
"What the f*ck?" hinihingal niyang mura habang nagbabaga sa init ang mga matang nakatitig sa'kin. "Come back here," matigas niyang utos.
Muntik na akong bumigay at sumunod sa utos niya pero mas nagtagumpay ang matino kong pag-iisip.
"This is cheating, Sir." Sinadya kong lambingan ang boses habang binabanggit ang mga katagang iyon.
"F*ck!" malakas niyang mura sabay hampas ng kamay sa mesa.
Marahas siyang napasandal sa kinauupuan at mariing napapikit ng mga mata.
Nang muli niyang imulat ang mga mata ay mas dumilim ang kanyang anyong tumutok muli sa'kin.
"Julie," nagtagis ang mga bagang niyang sambit sa pangalan ko.
"Yes, Sir?" mapang-akit kong sagot at pinapungay ang mga matang tumitig sa kanya.
Gusto kong matawa sa paggalaw ng kanyang panga dahil sa galit pero gano'n pa man ay di maikakaila ang sinisigaw na pagnanasang pilit tinatakpan ng galit na iyon.
"Get out," mariin niyang utos sa'kin.
Nginitian ko muna siya nang matamis at pinasadahan ng tingin ang dibdib niya pababa sa umbok sa kanyang pantalon na agaw-pansin pa rin kahit nakaupo siya .
"See you around, Sir," malambing kong paalam bago siya kinindatan.
Sinadya kong sexy-han ang paglalakad habang papalbas ng silid dahil ramdam kong nakasunod sa'kin ang mainit niyang mga titig.
Di ko na siya nilingon at baka di ko mapigilan ang sariling tumakbo pabalik sa kandungan niya.
Bago ko tuluyang naisara ang pinto pagkalabas ko ay narinig ko pa ang malulutong niyang mura na puno ng prustrasyon kaya napahagikhik ako.
One point for me, zero for Franz.