Tahimik kong ninamnam ang bawat sandali na kasama si Franz sa loob ng sasakyan niya habang ipinagmaneho niya ako pauwi.
Ang sarap sana kung sa bahay niya ako iuuwi.
Pero baka paghimasin siya ni Daddy ng rehas kaya huwag na lang. Magkasya na lang ako sa paghahatid niya.
Buong byahe ay wala kaming kibuan. Maya-maya ko siyang naririnig na napapabuga ng hangin o di kaya ay napapabuntong-hininga pero di na lang ako nagkomento lalo na at lalong nadepina ang tangos ng ilong niya habang nakatagilid mula sa kinauupuan ko sa mismong tabi niya.
Kanina ko pa gustong tumili dahil sa kilig pero kailangan kong magmukhang mature at baka ituring na naman akong batang estudyante niya.
Naiklian ako sa oras ng byahe dahil iglap lang ay nakahinto na kami sa tapat ng bahay namin.
Gusto ko tuloy lumipat ng address doon sa malayong bundok na limang oras muna bago marating.
"Thank you," basag ko sa katahimikang namayani sa aming dalawa.
Hindi muna ako bumaba kasi wala naman siyang sinabing gano'n.
Hindi pa nakapatay ang makina ng kotse niya at mahigpit pa rin ang kapit niya sa manibela pero di pa siya nagbigay ng indikasyon na gusto na niya akong bumaba.
"M-may kailangan ka pa?" lakas loob kong tanong dahil sa pananahimik niya.
"I'm getting married," mahina niyang sagot.
Kahit halos pabulong na iyong pagkakasabi niya ay para iyong bombang sumabog sa pandinig ko.
Ang kung anumang kasiyahang nadarama ko kani-kanina lang biglang naglaho at napalitan ng di matatawarang pait, galit, gulat, at sama ng loob.
Naghalo-halo ang emosyon ko at di ko matukoy kung alin ang nangingibabaw at humigit dahil parang sinasakal iyong puso ko.
Matalim ang tinging pinukol ko sa kanya.
Di ko matukoy kung ano ang emosyong nasa kanyang mukha dahil nanlalabo iyong mga mata ko sa mga luhang di ko napigilang nag-unahan sa pagpatak.
"Sh*t," nataranta niyang mura nang makita ang hitsura ko. "Hey, why are you crying?"
Parang dinukot iyong puso ko sa narinig kong pag-alala sa boses niya kaya lalong nagsibagsakan ang mga luha ko.
Masyado akong lunod sa hinagpis na nararamdaman kaya di ko alam kung paanong natagpuan ko na lang ang sariling nakaupo sa kanyang kandungan.
"Stop crying , please."
Sumulak ang galit mula sa kaibutuuran ko nang marinig ang pagsusumamo sa kanyang boses.
"Buang kang animala ka! Di ka pwede pakasal sa uban!" (Baliw kang hayop ka! Di ka pwedeng magpakasal sa iba!) galit na galit kong sigaw habang hinahampas siya sa dibdib gamit ang nakakuyom kong mga palad.
Masyado akong nadala ng emosyon kaya kusang lumalabas ang pagiging Cebuana ko.
"Stop it!" Pilit nitang hinuhuli ang mga kamay ko pero nagpupumiglas ako.
Gusto ko siyang saktan upang madama niya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
"Sinong may sabi sa'yong pwede kang magpakasal, huh?" nagwawala kong tanong sa kanya at lalong nilakasan bawat hampas.
Sunud-sunod na mura ang narinig ko mula sa kanya bago niya napagtagumpayang mahawakan ang dalawa kong pulsuhan kaya napigil niya ang panghahampas ko.
"What's your problem? Sinabi ko sa'yo na magpapakasal na ako upang lubayan mo na ako pero wala kang karapatang kwestiyunin ang desisyon kong iyon," pabulyaw niyang sabi sa'kin.
Nakakandong ako sa kanya at ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin kaya sa mismong mukha ko tumama ang mga salitang iyon.
Pakiramdam ko ay sinampal niya ako dahil sa sakit ng kahulugan ng mga iyon.
Nawalan ako bigla ng lakas at maging ang mga luha ko ay umurong dahil nasapol ako ng mga sinabi niya.
"Napakabata mo pa para sayangin ang oras mo sa isang tulad kong handa nang bumuo ng sariling pamilya," mahinahon niyang pagpapatuloy.
"Hindi na ako bata," may pagrerebelde kong sagot.
"Hindi ka pa nga naka-graduate ng high school," mapakla niyang wika. "Pinapalampas lang kita rati dahil akala ko kapag hinahayaan lang kita ay magsasawa ka rin dahil bata ka pa at normal lang sa mga kabataan ang humanga pero ikakasal na ako ngayon at ayokong bigyan ng rason ang mapapangasawa ko upang mag-isip ng hindi mabuti."
"Bakit?" pumipiyok kong tanong. "Pinagseselosan ba ako ng mapapangasawa mo?"
Saglit siyang natigilan bago pinahid ang basa kong pisngi gamit ang kamay niya.
Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa pagiging masuyo niya habang tinutuyo ang pisngi ko.
"Wala namang dahilan upang magselos siya," pabulong niyang sagot habang nasa ginagawa ang buong atensiyon. " Bata ka pa, alam niyang wala akong gagawing labag sa moralidad ng tungkuling sinumpaan ko."
"Puwes, bigyan natin siya ng dahilan!" matigas kong pahayag.
Nahinto siya sa kanyang ginagawa at nagtatakang napatingin sa mga mata ko.
Hindi ko na siya hinayaan pang makahuma, mabilis kong tinawid ang gahiblang pagitan ng mga labi namin.
Katulad ng nauna paglalapat ng mga labi namin ay gano'n pa rin kasidhi ang ikalawang pagkakataon.
Mas ramdam ko ngayon ang sidhi ng sensasyon dahil sa posisyon ko sa kandungan niya.
Kahit hindi siya gumaganti ng halik ay sapat na sa akin ang paglapat ng malambot kong mga labi sa mainit at mamasa-masa niyang mga labi.
Parang namimigat ang talukap ng mga mata ko kaya naipikit ko ang mga mata at sa ginawa kong iyon ay mas dama ko ang sensasyo g dulot ng paglalapat ng mga labi namin.
Hindi gumagalaw si Franz pero di rin naman niya ako pinipigilan kaya naging mas mapangahas ang mga labi ko.
Tuluyan kong sinakop ang mga labi niya at kung noon ay parang simsim lang ang ginawa ko ngayon ay diniinan ko na ang bawat paggalaw ng aking mga labi at ipinasok ko ang aking dila sa loob ng nakaawang niyang bibig.
Para iyong pumutol tanikalang nagpipigil kay Franz dahil bigla ay naramdaman ko ang paggalaw ng mga labi niya.
Noong una ay alalay lang ang ginawa niyang pagganti sa bawat hagod ng mga labi ko pero nang subukin kong hulihin ang dila niya ay tuluyang napatid anumang pagpipigil niya.
Iglap lang ay dinudomina na niya ang pinagsaluhan naming halik.
May munting pag-asang umusbong mula sa nawasak kong puso.
Ramdam ko sa bawat hagod at dampi ng mga labi ni Franz na may pag-asa pa ako.
"F*ck!" napamura niyang daing sa pagitan ng pagsipsip sa dila ko. "This is wrong," walang kombeksiyon niyang pahayag.
Dama ko ang malakas a kabog ng puso niya na sinabayan din ng puso ko.
"Yet so right," sisinghap-singhap kong usal nang pakawalan niya ang mga labi ko.
Kapwa kami naghahabol ng hininga habang magkahinang ang mga mata.
Bawat pag-alon ng dibdib ko dahil sa paghahabol ng hangin ay tumatama ito sa matigas niyang dibdib.
Pareho naming ramdam ang pagdadaiting iyon pero wala kaming aksiyon na ginawa upang pigilan o mas pag-igihan.
"You're playing a dangerous game," paos ang boses niyang wika.
Gusto kong mapapikit dahil sa pagtama ng mabango niyang hininga sa mukha ko.
Matagal kong pantasya ang pagkakataong makalapit sa kanya nang ganito.
"I'm not going to loose," matigas kong sagot.
"You're too late," mahina niyang anas.
"Still, I'm going to win," di nawawalan ng pag-asa kong giit.
"I'm not going to cheat," nagtagis ang bagang niyang sabi.
"It's too late, we're already cheating," mapang-akit kong bulong sa kanya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa balakang ko habang dumidilim ang buo niyang mukha.
"This will be the last," aniya. Di ko alam kung ako ba nag kinukumbinse niya o ang kanyang sarili.
"Let's see about that," bulong ko sa kanya.
Buo na ang loob kong gumawa ng hakbang.
It's time for some drastic measures.
Tapos na ang ang invitation stage, kung di makuha sa santong dasalan ay kukunin sa santong paspasan at sasabayan ko na ng Ramirez na galawan!
Franz Rafael del Rio, you can't get away from me!