Alas otso na ng gabi nang dumating kami sa bar.
Nang makita kami ng bouncer ay agad kaming pinapasok at di na kami nakipila tulad ng iba.
Sigurado akong kagagawan ito ni Mark.
"Hello, ladies!" Ang nakangiting mukha ni Kuya Igop ang agad sumalubong sa'min pagkapasok namin sa loob ng maingay na bar.
Kasagsagan na ng kasiyahan at marami na ang mga nagwawala sa dance floor.
Punuan na ang mga mesa sa baba at maging iyong nasa taas ay ukupado na rin.
Nang bumalik ang tingin ko kay Kuya Igop ay kausap na nito ang mga kaibigan ko na halatang kinikilig sa presensiya nito.
Dahil nandito si Kuya Igop ay posible ring nasa paligid lang ang iba kong mga pinsan. Ang lakas talaga ng pang-amoy ng mga ito.
Halatang inaabangan kami ni Kuya Igop kanina malapit sa entrance. Siguro ay nagkita na sila ni Mark at sinabi ng isamg iyon na darating kami.
"Magkalapit lang table natin kaya samahan ko na kayo," magiliw na pahayag ni Kuya Igop.
Di na ako nagtaka pa. Palagi naman eh, palaging magkataong na magkatabi iyong table namin tuwing nagba-bar kami at hindi ako naniniwala sa coincidence.
"Mauna na kayo, sasaglit lang ako sa counter," paalam ko sa kanila.
Bago pa makapagprotesta si Kuya Igop ay nakipagsiksikan na ako sa ibang mga kustomer.
Nang lingunin ko siya ay nakasunod sa'kin ang tingin niya at nang magtagpo ang mga mata namin ay parang ipinaparating niyang nakabantay siya sa bawat kilos ko.
As usual! Pinakitaan ko siya ng middle finger bago muling pinagpatuloy ang paglapit sa bar counter.
Malapit na ako sa pakay ko nang may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na bulto.
Di ako pwedeng magkamali, saulo ko ang 6'1" na tangkad ni Franz at kung gaano kalapad ang likod nito kaya kahit nakatalikod sa'kin ay seguradong ito ang natatanaw ko ngayon di kalayuan sa kinatatayuan ko.
Anong ginagawa ng prim and proper kong teacher sa ganitong lugar?
Halos pawang kabataan ang pumuno sa buong lugar. Kahit ipusta ko si Kuya Igop ay sigurado akong maraming mga minor na nandito ngayon.
Wala pa naman akong namataang mula sa school namin pero posibleng meron talagang maligaw dahil nandito nga kami , 'di ba?
Agad kong nilibot ang mga mata sa paligid at baka kasama ni Franz iyong girlfriend nito. Malabong teacher's night out itong napuntahan ko kaya nandito si Franz.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang mapagtantong wala sa paligid kahit anino ni Ma'am Sabrina.
Imbes na dumeretso sa bar counter ay ang kinaroroonan ni Franz ang tinungo ko.
Habang papalapit sa kanya napansin ko ang mga kasamahan niyang nakaupo sa couches na nakapalibot sa table nila.
Nakatayo siya dahil nakatayo iyong isang kinakausap niya na mukhang kakilalang napadaan lang.
Patay-sindi iyong ilaw at maingay ang pumapailanglang tugtog kaya walang nakapansin sa tuluyan kong paglapit lalo na at may kanya-kanyang pinagkaabalahan iyong mga kasama ni Franz.
Walang pangingimi kong ikinawit ang isang kamay sa braso ni Franz nang makalapit ako.
"Hi, bebe labs," malaki ang ngiting bati ko sa kanya.
Halata sa panlalaki ng mga mata niya ang gulat nang tingnan niya ako.
Di ko alam kung alin ang mas ikinagulat niya, ang pagkapit ko sa braso niya o ang pagbati ko sa kanya.
Di nakaligtas sa'kin ang pagpasada ng mga mata niya sa kabuuan ko.
Sanay akong tinitigan ng kahit na sino pero ibang usapan kapag siya na ang gagawa niyon dahil pakiramdam ko ay nag-iinit bawat parte ng katawan kong nadadaanan ng mga titig niya.
Normal ba 'to kapag nakatingin sa'yo ang taong gusto mo?
Bakit naman kasi ang lagkit niyang makatitig, nagha-hyperventilate tuloy ang puso ko.
"Do you know her?"tanong ng lalaking kausap ni Franz sa kanya pero sa akin nakatingin.
Ramdam ko ang bahagyang paninigas ni Franz dahil nakakapit ako sa braso niya pero mabuti na lang hindi niya pa ako tinutulak palayo.
Bahagya siyang tumikhim upang kunin ang atensiyon ng kausap mula sa'kin. Masyado lang siguro akong asyumera pero pakiramdam ko ay ayaw niyang tinitigan ako ng lalaking kaharap namin.
"Di ba iyan iyong tumatawag sa'yong bebe labs no'ng nakipaglaro tayo ng basketball sa mga Ramirez?" singit bigla ng isa sa mga nakaupo sa couch na nakapansin na sa presensiya ko.
Nang tingnan ko ito ay pamilyar nga ang hitsura niya. Normal lang na di ko ito maalala dahil kapag nasa paligid si Franz ay automatic na siya lang ang nakikita ko at wala ng iba.
Dahil sa sinabi nito ay napunta sa'kin ang atensiyon ng lahat na naroon. Mukhang naroon sila sa sinabing laro no'ng kasama nila dahil may rekognasyon sa mga mata nila habang nakatingin sa'kin.
"Sinong kasama mo rito?" salubong ang kilay na tanong ni Franz sa'kin at bahagya pa siyang yumuko upang magkarinigan kami sa gitna ng ingay.
"Kung sasabihin ko bang wala ay sasamahan mo ako?" nananantiya kong tanong.
Dumako ang mga mata ko sa kamay kong nakakapit sa matigas niyang braso at naengganyo akong pumisil kaya ginawa ko.
Oh, men! Ang tigas!
Napasinghap ako nang walang babala niyang hawakan ang pumipisil kong kamay sabay hila sa'kin palayo sa mga kasamahan niya.
Nakipagsiksikan kami sa ibang mga naroon at dahil hila-hila niya ako ay naging mabagal ang usad namin.
Siguro ay nawalan siya ng pasensiya dahil sa mga humaharang sa'kin havang hila-hila niya ako kaya ang ginawa niya ay ako ang pinauna niya habang nakahawak sa magkabilaan kong baywang ang kanyang mga kamay.
Halos di ako humihinga namg maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa matigas niyang katawan tuwing aksidenti kaming naitulak ng mga nakakasalubong o nakasunod sa'min.
Parang gusto kong bigyan ng pangkabuhayan showcase ang kung sinumang nanunulak sa likuran dahil nabibigyan ako ng pagkakataong makulong sa mga bisig ni Franz at madama kung gaano katigas at kainit ang katawan niya.
Di pa nasayaran ng kahit isang patak ng alcohol ang lakamunan ko pero pakiramdam ko ay nalasing na ako sa mabangong amoy ng pabangong gamit niya.
Ang sarap sumiksik sa katawan niya at singhutin siya nang singhutin hanggang sa mapuno ang baga ko.
Nakadama ako ng paghihinayang nang tuluyan kaming nakalusot sa maraming tao at narating namin ang may kadiliman at tahimik na pasilyo kasi wala nang dahilan upang patuloy niya akong hawaksn sa baywang habang nakasiksik sa matipuno niyang katawan.
"Anong ginagawa ng isang minor sa ganitong klaseng lugar?" nakapamaywang niyang tanong sa'kin.
Halatang galit siya dahil salubong ang kanyang mga kilay habang umiigting ang panga.
Gano'n pa man ay ang gwapo niya pa ring tingnan.
"Are you listening to me?"
Napadako ang mga mata ko sa muling pagbuka ng kanyang mga labi.
Wala sa sariling nakagat ko ang sariling mga labi dahil biglang sumagi sa isip ko kung ano ang lasa ng mga iyon.
"D*mn it, Julie! Are you drunk?" paasik nitong tanong.
Bigla akong napangiti dahil first time niya akong tinawag sa pangalan ko at hindi tumataginting na Miss Ramirez.
"Iuuwi na kita," nakukunsumi nitong anunsiyo na nagpagising sa buo kong kalamnan kaya mula sa mga labi niya ay napadako ang mga mata ko sa mga mata niya.
"Sa bahay mo?" bigla kong bulalas at nanlaki pa ang mga matang nakipagtitigan sa kanyang mga mata.
"Sa bahay ninyo," mariin niyang paglilinaw.
Bumagsak ang balikat ko.
Paasa talaga ang lalaking ito.
Gano'n pa man ay di ko mapapalampas ang pagkakataong maihatid niya sa bahay namin kahit na tuluyan kong di nagawa ang pinunta ko rito.
"Teka, di ba tayo magpapaalam sa mga kasama mo?" pigil konsa kanya nang muli niya akong hilain papunta sa direksiyon ng exit.
"No need, I'll just call them," padarag nitong sagot habang hila-hila pa rin ako.
Di mapalis-palis ang ngiti ko sa mga labi habang pinagmasdan ang pagkakahawak ng malaki niyang kamay sa kamay ko.
Ito pala ang pakiramdam nang holding hands while walking, di bale nang siya lang ang nakahawak sa kamay ko. Hahayaan ko na lang at baka kung makikihawak din ako ay biglang bumitiw.
Parang nakalutang ako sa ulap habang naglalakad kami palabas ng bar.