chapter 5

1204 Words
Maghapon kaming nakatambay sa bahay nina Claire. Nanood kami ng movie at nag-imbento ng recipe na siyang main bonding naming lahat dahil pare-pareho kaming mahilig magluto at kumain. Nag-swimming din kami kanina. May kaya ang pamilya nila kaya malaki ang kanilang bahay at gustung-gusto ko ang malawak nilang swimming pool. Di ako nalalakihan sa swimming pool sa bahay namin at kung gusto kong maligo sa mas malaking swimming pool ay kailangan ko pang dumayo sa bahay nina Kuya Igop na ilang metro lang naman mula sa bahay namin. Pero ayoko doon dahil teritoryo ni Tyron ang lugar na iyon. Mas magkalapit ang mga bahay nila kaya laging tambay roon ang batang bulate na 'yon. Mabubwesit lang ako sa presensiya ng bulating iyon na may mapanglait na bunganga. Makakaganti rin ako sa isang iyon. Hindi niya siguro alam pero ako iyong tagatago ng mga laruan niya kaya tuwina ay nawawalan ito. Lagi itong pinapagalitan dahil bigla na lang ay naglalaho ang mga bago at paborito nitong mga laruan. Lahat ng mga iyon ay nakatambak sa toolshed namin sa likod-bahay. Isasauli ko sa kanya iyon kapag malaki na siya at di na siya maglalaro. Lintik lang ang walang ganti sa lagi niyang pagtawag ng pangit sa'kin! "Kumusta ang panliligaw mo kay Sir Franz?" bigla ay naitanong ni Leo sa gitna ng kwentuhan namin. Nahinto ako sa pag-aayos dahil sa tanong nito. Kasalukuyan kaming nag-aayos dahil plano naming pumunta sa bar. Minor pa kaming lahat pero may connection sa mga ganitong bagay si Mark. Ilang beses na rin naming napagkatuwaang pumunta sa mga ganoong lugar dahil hindi lang naman kami ang minor na nakakalusot. Kapag may koneksiyon ka talaga ay nagagawa mo kahit na ano. Alam ng mga pinsan ko na nagpupunta ako ng bar dahil tuwina ay bigla na lang sumusulpot ang mga iyon kaya kadalasan tuloy ay para akong may mga bantay kahit di naman nila ako pinagsasabihan. Basta lang sila naroon at nakiki-enjoy rin. Hindi nga nila ako pinipigilan sa pag-inom at palaging sila ang naghahatid sa'min ng mga kaibigan ko pauwi kapag lasing na kami. "Correction, hindi ko siya nililigawan," umirap kong sagot sa tanong ni Leo. Pinasadahan ko muna ang pagkakaayos ng make-up ko sa salamin bago tumayo mula pagkakaupo sa harap ng vanity table ni Claire upang lumipat sa full length mirror nito. Kay Claire itong suot kong off shoulder bodycon dress na di umabot sa tuhod ko ang haba at may split pa hanggang kalahating hita. Magkasing katawan lang kami ni Claire at medyo gifted lang ako sa dibdib department pero dahil stretchable iyong tela ay komportable pa rin ako. "Di pa ba panliligaw iyong hayagan mong pagsasabi na gusto mo siya?" muli ay tanong ni Leo. Sinipat ko muna ang sarili sa salamin bago ko siya hinarap. "Hindi iyon panliligaw," paglilinaw ko. "Invitation iyon para ligawan niya ako." Tinalikuran ko siya upang pumili sa mga bag ni Claire. Tapos na silang mag-ayos ni Nina at kami na lang ni Leo ang medyo natagalan dahil medyo pinakulot ko ang dulo ng mahaba kong buhok sa kanya. Si Mark naman ay kanina pa nauna upang laanan kami ng pwesto dahil ang napili naming puntahan ay ang pinasikat na bar tuwing Saturday night at tiyak maaaga pa lang ay magkaubusan na ng table. Ayoko namang mag-vip room dahil nag-bar nga ako para makipagbardagulan sa dancefloor at magpakalunod sa alak at hindi para magkulong sa vip room malayo sa ingay ng karamihan. Kung gano'n naman pala ay dapat sa bahay na lang kami mag-inuman! "Sa almost three years na duration ng invitation mo ay niligawan ka ba?" Marahas kong nilingon si Leo dahil sa muli niyang pagtatanong. "Hindi," maikli kong sagot sabay hablot ng napili kong bag na babagay sa ayos ko. "Dapat mag-iba ka na ng taktika. Hindi naman pala effective," aniya habang tinitingnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Malamya mang kumilos si Leo at baklang-bakla magsalita ay di ito mahilig magsuot ng damit pambabae. Alam naman ng buong pamilya niya ang kanyang pagiging pusong babae kaya wala na dapat pumipigil na magsuot siya ng mga pambabae pero nanatiling lalaki ang pormahan niya. Siya rin iyong baklang madada pero hindi nanlalandi ng kung sinu-sino bagkus ay tanging si Mark lang ang nakakaranas ng mga biro niyang panlalandi. Biro lang ba talaga iyon? "Malapit na ako sa next stage... kailangan ko lang maging legal age upang di ko mapahamak sa kamay ni Daddy si Franz," kampante kong sagot. "Wow Franz... ngayon lang kita narinig na directly tinawag mo siya sa pangalan niya kasi kalimitan ay bebe labs tawag mo roon." Maarteng pumilantik sa harapan ko si ang daliri niya bago nagpatiunang lumabas ng silid. Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at tahimik na lang na sumunod sa kanya. "Let's go girls," malakas niyang sigaw nang mababaan namin na naghihintay sina Claire at Nina. "Ako magda-drive," mabilis na anunsiyo ni Nina habang winawagayway ang susing dala. "May license ka na ba?" mataray na tanong ni Leo. Sa aming magkakaibigan ay si Nina ang pinakahuling natutong magmaneho at si Mark pa ang nagtuturo sa kanya. "Oo naman," mabilis na sagot nito. "Kasama niya ako nang kumuha siya ng student license," imporma ni Claire. Di na ako nagkomento pa dahil kampante naman ako kahit sino ang magmaneho. May pinsan akong daredevil sa pagda-drive at may pinsan din akong kahit sa busina ng minamanehong sasakyat ay ninerbiyus kaya sanay na akong ipagmaneho ng di pagkakatiwalaang driver. "Julie, I can see judgement in your eyes," nakasimangot na wika ni Nina. Napatawa naman sina Leo at Claire. "It's normal, I'm judgemental after all," kibit-balikat kong sagot at nagpatiuna na sa paghakbang palabas. Agad din naman silang nagsisunuran. "Sigurado akong may Ramirez na namang maliligaw mamaya," excited na pahayag ni Claire habang pasakay kami sa sasakyang gagamitin namin. "As always," patiling sagot ni Leo. "Sa 18th birthday mo, Julie, iregalo mo na sa'kin ang isa sa mga pinsan mo," ungot ni Nina. Nang masiguro nitong maayos na kaming nakaupo lahat ay pinausad na nito ang sasakyan. "Birthday ko iyon tapos ikaw ang bibigyan ko ng regalo?"natatawa kong tanong. "Nasa iyo na ang lahat kaya wala ka nang mahihiling pang regalo," sabat naman ni Claire. "Correction, hindi lahat dahil di ko pa nakuha si Franz," pagtatama ko. "Ay, tumpak! Si Sir Franz na lang ang kulang para masasabing ikaw ang pinagpala... ang pinili... at nag-iisang diyosa ng kalawakan," madramang pahayag ni Leo at may pakumpas-kumpas pa ng mga kamay. "Hangga't may isang Ma'am Sabrina ay malabo ang katuparan ng mga pangarap mo." Napatingin ako kay Claire dahil sa sinabi niya. Matagal ko nang naisip iyan pero hinayaan ko lang dahil mabuti na iyong habang hindi pa kami pwede ni Franz ay si Ma'am Sabrina muna ang babakod dito. Kahit kailan kasi ay di ko nakikitang malaking threat si Ma'am Sabrina kahit na matagal na itong girlfriend ni Franz. Nitong nakaraan lang nang malaman kong live in na sila tsaka pa lang ako naalarma nang konti. Mukha yatang kailangan ko nang bantayan ang babaeng iyon at baka malingat ako ay malaking damage pa ang magagawa niya. Kahit kampante akong ako ang end game ni Franz ay makakabuti pa ring maging mapagmatyag sa mga maaring banta na pakalat-kalat lang sa tabi-tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD