Natapos ang assembly ceremony na hindi ko namataang dumating si Franz. Mabuti pa nga si Ma'am Sabrina ay nakita ko kaninang dumating nang magsimula ang ceremony pero kahit anino ni Franz ay di ko man lang nasilayan.
Tradisyon na ng paaralan na pagkatapos ng assembly ay walang pasok at libreng makakagala sa buong campus ang mga mag-aaral.
Pinili kong maglakad-lakad sa likod ng grade 8 building dahil tahimik dito at wala gaanong nagagawing mga estudyante.
Ito iyong time na nakikihalubilo sa mga high school ang mga senior high kaya sigurado akong dadayo na naman dito iyong dati kong mga classmate at mga kaibigan ko pa rin hanggang ngayon.
Grade 11 na sila habang ako ay nananatili pa rin sa grade 8. Nakakatuwang sila pa iyong unang nagprotesta noon dahil sa pinaplano kong pag-ulit sa grade 8 dahil masasayang daw ang taon dahil maabutan kami ng k to 12.
Para sa'kin, mas masasayang ang panahon kung di ko gagawin ang bagay na nakakapagpasaya sa'kin.
Mayaman na ang buong angkan ko at kahit buong buhay akong gagastus at gagastus lang ay di mauubos ang pera namin kaya nga minsan ay parang nakakabagot na mamuhay kung saan ay abot kamay lang lahat ng gusto ko.
Si Franz lang yata ang ginusto ko na pinaghirapan ko nang ganito.
"Julie!"
Automatic akong napangiti nang marinig ang patiling pagtawag sa'kin ng dalawa kong kaibigan na sina Claire at Nina.
Huminto ako paglalakad at tinanaw ang patakbong paglapit ng dalawa sa'kin kasunod sina Mark at Leo. Section Hope kaming lima rati at kasama ko silang naglalaro ng 'bring me' no'ng unang dumating sa classroom namin si Franz.
"Grabe, dumaan lang ang summer vacation ay lalo ka yatang gumanda," puri sa'kin ni Claire.
"Maliit na bagay," mayabang kong sagot na umani ng tawanan mula sa lahat.
"Saan ka ba nagbakasyon at mukhang nahiyang ang beauty mo roon?" tanong ni Leo at sinuyod pa ako ng tingin mula ulo hanggamg paa."Pak na pak!" pumipilantik ang mga saliri nitong dagdag.
"Kinabog ang beauty mo, girl?" natatawa kong tanong.
"Nang slight," maarte nitong sagot at iminwestra pa ng kanyang hintuturo at hinlalaki kung gaano ka-slight ang tinutukoy niya.
"Maganda nga, di naman nakaka-points kay Sir Franz," singit ni Mark. "Kung sa'kin ka na lang sana, eh di hindi mo na kailangang pumila pa," pabiro nitong dagdag.
"May pila ba naman?" pang-aasar na tanong ni Nina.
"Basag!"
"Boom!"
Magkasabay na kantiyaw nina Leo at Claire na ikinalukot ng mukha ni Mark.
"Sa'kin ka lang kasi, Mark. Mabubusog ka na... magkakapera ka pa," malanding pahayag ni Leo at hinaplos-haplos pa ang braso ng lalaki.
"One-fifty?" sakay ni Mark dito na ikinairit nito dahil sa kilig.
Ito iyong gusto ko kay Mark. Magaang kasama at sabay na sabay sa mga biro.
"Basta ikaw, gagawin kong five hundred," mahinhing wika ni Leo at may pakagat-kagat pa ng labi.
"Magpasa ka na ng requirements, beb," ani Mark.
"Requirements?" naguguluhang tanong ni Leo.
Kaming tatlo nina Claire at Nina ay nagpipigil nang tawa habang pinanood ang usapan ng dalawa.
"Requirements...katulad ng NBI clearance, barangay clearance, sedula, SSS number, Pag-ibig number, TIN number, Phil-Health num—"
"Gago ka, Mark!" irap ni Leo na tinawanan lang ni Mark. "Kahit gaano ka pa kasarap, tandaan mo... matitikman din kita!"
Bumunghalit kaming lahat nang malakas na tawa dahil may labas-dila pang pauso si Leo habang malagkit na tinitigan si Mark na tatawa-tawa rin at halatang di sineseryoso ang biro ng kaibigan namin.
"Gayahin mo ako, Julie," baling sa'kin ni Leo habang parang beauty queen na umawra. "Kahit alam kong imposible ay di ako nawawalan ng pag-asang madilaan si Mark kaya ikaw gano'n din dapat. Huwag mawalan ng pag-asang matikman si Sir Franz!" with conviction nitong pahayag.
Nag-iritan sina Claire at Nina habang naiiling naman si Mark. Kimi lang akong ngumiti habang inaalala ang lasa ng mga labi ni Franz.
Ayoko siyang tawaging sir dahil pakiramdam ko ay lalong lumalayo ang agwat namin kapag gano'n.
"Sa loob ng tatlong taon mong pagsinta sa adonis na iyon ay kahit ba minsan di ka pa dumada-moves sa kanya?" interesadong tanong bigla ni Leo.
Di ako nagpakita ng kahit na anong reaksiyon sa mukha.
Ayokong may ibang makakaalam na sa unang pagkakataon ay nanakawan ko ng halik si Franz. Gusto kong akin lang ang kaalamang iyon, gano'n ako kadamot pagdating sa kanya.
"Tinalo ka pa pala ni Leo," kantiyaw sa'kin ni Nina. "Ilang beses na niyang napisil ang puwet ni Mark."
"Malapit ko nang kasuhan ng s****l harassment ang isang ito," tumatawang dagdag ni Mark.
Malandi itong hinampas ni Leo balikat. "Pananagutan naman kita," nang-aakit nitong pahayag na ikatawa naming lahat.
Kung titingnang mabuti ay gwapo naman itong si Leo. Maputi, singkit, balingkinitan at di kasing tangkad ni Mark pero mas matangkad kaysa karaniwan.
Iba naman si Mark dahil soccer player ito ay given na ang pagiging malaking mama nito.
Mamula-mula ang kulay ni Mark dahil lagi itong bilad sa araw pero mas dumagdag pa iyon sa taglay nitong kakisigan. Mestizo ito dahil Italyano ang tatay nito. Mas prominenti sa mukha nito ang green eyes nito na halos pagkaguluhan ng mga kababaihan.
Sina Claire at Nina naman ay parehong galing sa pamilya ng mga Chinese kaya parehong singkit. Nakuha rin ng mga ito ang pagiging petite ng mga Chinese kaya angat na angat ang gandang chinita ng dalawa.
"Pero maiba tayo," seryosong wika ni Nina na kumuha sa atensiyon naming lahat.
Ganito kami kapag nakakaamoy ng chismis, biglang nagiging seryoso.
"Alam ni'yo bang ayaw ng pamilya ni Sir Franz sa girlfriend nitong si Ma'am Sabrina?" dugtong nito sa naunang pahayag.
Agad niyang nakuha ang buong interes ko.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Claire.
"Narinig ko from my cousin na kaibigan ng sister ni Sir Franz na di raw nila bet iyang si Ma'am Sabrina," sagot ni Claire.
"Mukhang mahabang chismisan 'to. Upo tayo sa lilim," yaya ni Leo at nagpatiuna pang pumwesto sa lilim ng pinakamalapit na puno sa kinatatayuan namin.
Mabilis naman agad kaming nagsipagsunod dahil di halatang pare-pareho kaming chismosa at nahawaan na rin namin si Mark.
"Continue, please..." udyok ni Leo kay Nina.
"Ayon nga... di bet ng family ni Sir Frank si Ma'am Sabrina dahil masyadong spoiled iyong huli pagdating kay Sir Franz. Lahat daw ng gusto ni Ma'am Sabrina ay ibinibigay ni Sir at ito pa... nakatira na raw si Ma'am Sabrina sa mismong bahay ni Sir—"
"Ano?" bigla kong bulalas. Napatayo pa ako dahil sa napag-alaman.
Sabay-sabay na napatingin sa'kin ang mga kaibigan ko.
"Bakit hindi ko iyan alam? Kailan pa nagsimula iyan?" di makapaniwala at sunud-sunod kong tanong.
Ang alam ko ay nag-iisa lang na nanirahan si Sir Franz sa bahay nito malapit sa compound na tinitirhan namin kaya nga minsan ay nakikipaglaro siya ng basketball sa mga pinsan ko.
Nasa kabilang barangay ang bahay nina Ma'am Sabrina kaya mas malapit ako sa bahay ni Sir Franz.
"Nitong summer lang," mahinang sagot ni Nina.
Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao.
Nasalisihan ako ng lintik na girlfriend!
"Relax lang, Julie. Live-in lang naman, di pa kasal," mahinahong wika ni Claire.
"Masyado yata akong kampante at di ko napansing gumalaw na iyong kabilang panig," nagngingitngit kong pahayag.
Di ko lunos maisip kung ano ang pinaggagawa ng isang lalaki at isang babaeng magkarelasyon na nakatira sa iisang bahay.
"Ano na? Gagawa na ba tayo ng oplan akitin si Sir?" untag sa'kin ni Leo.
"Dalawang buwan pa bago ako mag-eighteen. Babalatan ako ng buhay ni Daddy kung malalaman niyang kumakaringking ako," namomroblrma kong sagot.
"Kailan ka pa kakaringking kung tuluyan nang maangkin ng iba ang iyong irog?" nakataas ang kilay na tanong ni Leo.
"Back-up mo kami sa plano mo," pahayag ni Claire.
"Basta ako, nandito lang ako kung sakaling magising na kayo riyan sa kalokohan ni'yo," naiiling na sabat ni Mark.
Umani siya ng kurot at hampas mula sa tatlo naming mga kaibigan dahil sa sinabi niya.
Sanay na naman ako kay Mark na dakilang kontrabida sa bawat desisyon naming mga magkakaibigan kaya batok iyong natikman niya mula sa'kin.
"Grabe kayo sa'kin... parang naalog iyong utak ko sa hampas at batok ni'yo,"malakas nitong reklamo.
"Ang tanong kung may utak ka bang pwedeng maalog, " sarkastikong wika ni Claire.
Habang nagtalo-talo sila ay iba't-ibang senaryo at plano na ang nabubuo sa isip ko.
Hindi na ako pwedeng manatiling nakaupo lang habang pinagsiksikan na ni Ma'am Sabrina ang sarili na hinahangad kong pwesto.
Wala oang Ramirez na natutulog sa kangkongan habang may importante nang kaganapan sa panig ng kalaban!