Naging mas maganda ang bawat pagpasok ko sa paaralan nang sumunod na mga araw.
Naging routine na namin ni Franz bawat umaga ang magkita sa classroom habang wala pang ibang tao.
Minsan din ay sabay kaming kumain ng mga pagkaing dala niya at niluto niya para pagsaluhan namin.
Hindi ko mapigilang kiligin sa bawat simpleng pagtatama ng mga mata namin tuwing nagle-lecture siya.
Naging gawain na rin niya ang pasimpleng pagdaan sa gilid ng upuan ko at sinasadyang pagtama ng kamay niya sa balikat o braso ko.
Kung noon ay ako ang laging nang-aakit at nanunukso sa kanya, ngayon naman ay siya na itong mahilig gawin iyon at sa harap pa mismo ng ibang tao.
Kung ako noon ay patagong ginagawa ang mga bagay na iyon, siya naman ay kalimitang sinusubok ang karupukan ko sa harap ng klase.
Mga pasimpleng galawan lang naman ang mga ginagawa niya at tanging ako lang yata ang bukod tanging pinagpalang nakakapansin at naapektuhan ng mga ito dahil wala naman akong naririnig o napapansing kakaiba mula sa reaksiyon ng mga classmate ko.
Minsan naisip ko rin na hindi naman siguro niya sinasadyang dilaan ang kanyang mga labi habang mariing nakatingin sa'kin dahil iglap lang ay balik seryoso na rin ang mukha niya na para bang walang nangyari at maging iyong iba ay di napansin iyon.
Mukhang hindi rin naman niya sinasadyang ihulog ang hawak na ballpen sa mismong tapat ng inuupuan ko upang yukuin iyon at kunin kasabay nang simpleng paghaplos sa binti ko habang nasa kalagitnaan kami ng exam.
Hindi rin niya siguro intensiyong guluhin ang sestima ko no'ng tumunghay siya sa'kin mula sa likod para kunwari'y turuan ako sa pinapagawa niyang gawain kahit na 'di ko naman kailangan iyon. Gano'n din naman ang ginagawa niya sa iba pero ako lang yata iyong masyadong apektado.
Masyadong maganda at kapana-panabik bawat araw ko kaya muntik ko nang nakalimutan ang tungkol sa fiancee niya kung hindi lang ito sumilip sa classroom namin habang nagkaklase si Franz.
'Di ko napigilan ang pagsiklab ng galit habang may kung ano silang pinag-usapan malapit sa pintuan ng classroom habang may pinapagawa sa aming activity si Franz.
Gusto kong maghumerintado nang makita kong hinawakan ni Franz ang kamay ni Ma'am Sabrina.
Normal lang iyon para sa iba dahil alam ng lahat ay magkarelasyon sila at ikakasal na pero hindi iyon normal sa akin na naninikip iyong dibdib sa sobrang selos.
'Di ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero parang ang saya-saya ni Ma'am Sabrina at nakangiti rin si Franz.
Nagngitngit ang kalooban ko dahil di ko naalalang ngumiti siya sa'kin nang ganyan.
Nandiyan lang si Ma'am Sabrina ay parang bigla niya akong nakalimutan.
Marahas akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.
Tears are sign of weakness!
Mabilis kong itinuon ang buong atensiyon sa pinapagawa niyang seat work.
Sa kabila nang panginginig ng mga kamay ko at paninikip ng dibdib ay pinilit kong intindihin bawat katanungang nasa harapan ko.
"Are you okay?" mahinang tanong ng katabi kong lalaki. Di ko tanda ang pangalan niya pero lagi ko siyang napapansing kasama ng mga scholars.
Tango lang ang sinagot ko sa kanya. Di ko kayang salubungin ang mga titig niya kaya tinuon ko ang atensiyon sa sinasagutang papel.
"Pwede kitang samahan sa clinic kung masama ang pakiramdam mo," muli ay wika nito.
"Umalis naman si Sir kaya pwede sigurong di na magpaalam," dagdag niya na kumuha sa atensiyon ko.
Mabilis akong bumaling sa pintuan kung saan ko huling nakita si Franz at Ma'am Sabrina na nag-uusap.
"Kailan pa siya umalis?" wala sa sarili kong tanong.
"Kanina pa... isinama yata ni Ma'am Sabrina," sagot ng katabi ko.
Pumait ang panlasa ko at parang sasabog iyong puso ko.
T*ng-ina lang! Di man lang nagawang magpaalam sa klase niya!
"Classmates, ipasa ni'yo raw sa'kin iyong seat work ni'yo kung tapos na kayo sabi ni Sir," bigla ay anunsiyo ng class president namin na siyang nakaupo pinakamalapit sa pintuan.
"Di na ba babalik si Sir?" tanong ng isa kong kaklase.
"Mukhang hindi na, may date yata sila ni Ma'am Sabrina," tumatawang sagot ng katabi ng class president.
Kalmado akong tumayo sa kabila nang magulo kong kalooban at kinuha ang mga gamit ko.
Wala namang pumansin sa'kin dahil nagkagulo na ang mga classmate ko sa pagkukumpara ng mga sagot nila.
Lumapit ako sa class president at inabot ang papel ko.
"Ate, di ka papasok sa next subject?" tanong niya nang makitang dala ko na ang bag ko.
"May pupuntahan ako," sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya bago tuluyang lumabas.
Huminga muna ako nang malalim bago tinahak ang fire exit na laging dinadaanan ng mga estudyanteng nagka-cutting classes.
Ito iyong unang beses sa taong ito na liliban ako sa klase umagang-umaga.
Papasok pa nga lang ang ilang mga estudyanteng na-late pero ako heto at maaga kaninang dumating pero pauwi na ngayon.
Ang malas ko lalo dahil hanggang ngayon ay sumasabay ako kay Kuya Vincent kaya kailangan ko tuloy mag-taxi.
Papalabas na ako ng gate nang may sasakyang bumusina mula sa likuran ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata upang pigilin ang sariling mapagbuntungan ng galit ang kung sinumang may-ari ng sasakyan.
Sa gilid naman ako dumaan pero kung makabusina ay talo ko pa ang nakaharang sa dadaanang ng kanyang hininga!
Huwag silang mananadya ngayon sa'kin dahil wala ako sa mood maging mabait.
Bahagya kong binagalan ang paglalakad upang paunahin ang sasakyan pero nagmenor lang ito at sinabayan ako.
Di ko na sana ito pansinin pero nagbaba ng bintana ang driver at sumungaw ang pamilyar na mukha ni Felix del Rio.
"Hop in, Miss Cholesterol," nakangiti nitong tawag sa'kin.
Bumalik na siya sa rati niyang masayahing personality at di ko na nakikita iyong Felix na iyakin at lasenggo. Buti pa siya.
Wala naman sana akong balak pagbigyan ang alok niya dahil naalala ko sa mukha niya iyong kapatid niyang mapanakit pero nahagip ng paningin ko iyong mapanakit na nilalang mula sa di kalayuan kasama ang fiancee nitong nakatanaw rin sa'min.
Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay ko sa kanilang dalawa at kumaway pa bago umikot upang sumakay sa sasakyan ni Felix.
"Bakit mo ginawa iyon?" natatawa niyang tanong sa'kin at ang tinutukoy ang ang ginawa kong pagngiti at pagkaway sa dalawang guro na nakita rin niya.
"Para ipakita roon sa babaeng bumigo sa'yo na pwede mo siyang palitan ng mas bata, mas maganda, at mas mayaman," nakairap kong sagot.
"Pero halatang mas apektado yata iyong kapatid ko," tumatawa niyang wika bago pinaharurot ang sasakyan palabas sa nakabukas na gate.
"Di ka ba pagagalitan sa inyo dahil lumiliban ka sa klase?" Nilingon niya ako saglit bago muling binalik ang atensiyon sa kalsada.
"Ang usapan namin ni Mommy ay ipapasa ko ang taong ito. Ipapasa, di sinabing i-perfect ko iyong attendance," masungit kong sagot.
"Mukhang di yata maganda ang araw mo," naiiling nitong komento.
"Mukha yatang di ka na iyakin ngayon," sarkastiko kong sagot.
Sa halip na mainsulto ay muli lang itong tumawa.
"Tara, inom ulit tayo," nakangiti niyang yaya sa'kin.
Saglit na nagtama ang paningin namin at di nakaligtas sa paningin ko ang pagsilip ng lungkot sa sulok ng kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan habang nakatanaw sa dinadaanan namin.
Oo nga naman, imposibleng maka-move on agad siya gayong iniyakan niya ang babaeng iyon nang bonggang-bongga.
"Ba't ka pumunta sa school?" naisipan kong itanong sa kanya.
"Para dalawin sana iyong kapatid ko, at syempre para muling saktan ang sarili ko." Sinundan nito ng pagak na tawa ang sinabi.
"So, gaano kasakit iyong napala mo?"nakataas ang kilay kong tanong.
"Masakit, sobrang sakit na kaya kong tumumba ngayon ng sampung bote ng gin," natatawa niyang sagot pero hilaw ang tawang iyon sa pareho naming pandinig.
Muli namayani sa pagitan namin ang katahimikan. Kapwa namin ininda ang sar-sariling naramdaman.
Pinagtagpo yata kaming dalawa upang damayan ang bawat isa.