Walang nangyari sa amin ni Franz nang higit pa sa pinagsaluhan naming halik dahil biglang nagising si Felix at naibangga nito ang sasakyan ni Franz.
Sa sobrang abala namin ni Franz sa bawat isa ay huli na nang makita naming minamaneho ng lasing na si Felix ang sasakyan at nagawa nito iyon dahil naiwan sa ignition iyong susi.
Buti na lang at hindi ito tuluyang nakalabas sa parking area dahil bumangga ito sa gutter.
Pinauwi na ako ni Franz dahil ayaw niyang nasa iisang lugar kami ni Felix.
Para akong lumulutang pagkauwi. Hindi ako makapaniwalang biglang level up ang relasyon namin ni Franz.
Iyon kung relasyon ngang matatawag ang kung anong meron kami pagkatapos no'ng nangyari sa loob ng kotse ko.
"Pangit, bakit parang nakakatakot ang mukha mo ngayon?" Nagising ang diwa ko sa mula sa paglalakbay nang biglang magsalita ang kaharap ko sa mesa habang nag-aagahan.
Umagang-umaga nakikikain sa bahay namin itong si Tyron at balak pa yatang sirain ang araw ko.
Pero dahil maganda ang nangyari sa'kin kahapon at maganda ang gising ko ay 'di ako apektado ng presensiya ng bubwit na bisita.
"Alam mo, Tyron." Matamis ang ngiting tumuon ang atensiyon ko rito.
Kasama namin sa hapag ang dalawa kong kapatid at pati na rin sina Mommy at Daddy na kapwa tahimik lang na ini-enjoy ang breakfast.
"Isang tawag mo pang pangit sa'kin, susunugin ko na ang bahay ninyo," malumanay kong dagdag sa naunang sinabi at pasimple itong pinandilatan.
"Julie," naninitang saway sa'kin ni Mommy.
"Pero... joke lang iyon," tumatawa kong bawi at inabot pa ang matabang pisngi ng pinsan ko upang panggigilan.
"You're hurting me," salubong ang kilay nitong reklamo.
Napansin kong nasa amin na ang atensiyon ng buo kong pamilya kaya binitiwan ko na ang pisngi nito.
Sayang, balak ko pa sanang lamugin iyon at nang magtanda ito.
"Paano ka niyan magugustuhan ng crush mo kung pati paslit ay pinapatulan mo?" naiiling na komento ni Kuya Vincent.
Dinilaan ko lang ito at inirapan.
Kung alam lang nito! Pumatong na nga sa'kin, eh! Patong lang, as a friend kasi may fiancee pang dapat kong despatsahin.
Matapos mag-agahan ay nakisabay ako kay Kuya Vincent upang magpahatid sa school dahil ayaw kong gamitin iyong sasakyan kong bininyagan namin kahapon ni Franz. Gusto kong i-preserve ang amoy nitong naiwan pa rin sa back seat.
Kahit nakisabay ako kay Kuya Vincent ay maaga pa rin akong dumating sa school.
Kung may most punctual award lang ay tiyak akin na iyon dahil kasabayan kong pumasok iyong mga tagalinis sa school.
Magagaan ang mga hakbang na tinungo ko ang classroom ng section Hope.
Bagay talaga sa'kin ang section namin dahil 'di ako nawawalan ng pag-asa na sa bandang huli ay papansinin din ako ni Franz at heto na nga, nangyari na!
Kailangan ay 'di rin ako mawawalan ng pag-asa na maghihiwalay rin sila ng fiancee niya.
Wala akong balak na ipaalam kay Franz iyong nalaman ko tungkol sa namagitan sa fiancee niya at sa kanyang kapatid.
Ayokong manggaling sa'kin ang balitang iyon na maaaring makasakit sa kanya.
Mas pipiliin ko pang maghiwalay sila dahil sa kagandahan ko kaysa naman maghihiwalay sila dahil sa kadaldalan ko.
Kung matuklasan man ni Franz ang tungkol doon ay sisiguraduhin kong wala akong kinalaman doon dahil ayokong mapabilang sa mga taong magdudulot sa kanya ng sakit.
Pero magagawan ko naman ng paraan na iiwas si Franz sa nakaambang sakit na idudulot ng kataksilan ng dalawang taong malapit sa kanya. Ang kailangan ko lang gawin ay mapaibig si Franz upang di na siya masaktan sa panloloko ng fiancee niya.
Sa kanya mismo nanggaling na nakuha ko na ang atensiyon niya kaya ilang kimbot na lang at puso na niya ng sunod kong makuha.
"Ay! Bulate!" malakas kong hiyaw nang biglang may humila sa baywang ko papasok sa isang bakanteng classroom.
Agad lumapat ang likod ko sa isinarang pintuan kasabay nang paglukob sa'kin ng pamilyar na init na tanging presensiya lang ng iisang tao ang pwedeng magbigay.
"Franz," pasinghap kong bulalas.
"Good morning," buo ang boses niyang bati sa'kin.
Masarap ang pagkakalapat ng matigas at mainit niyang katawan sa katawan ko habang nakayapos sa baywang ko ang isa niyang braso.
"Y-you're early," medyo pumiyok kong komento.
Ilang araw na rin kasi siyang di pumapasok nang maaga kaya di ko siya inaasahan ngayon.
"I'm a teacher," balewala niyang sagot habang sinusuyod nang matiim na titig ang buo kong mukha.
"And I'm your student," nang-uuyam kong wika.
Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay bago marahas na napabuga ng hangin.
"I almost forget," dismayado niyang saad.
"Almost lang?" pilya kong tanong. "Let me make you fully forget."
Bago pa siya nakahuma ay patingkayad kong pinaglapat ang mga labi namin.
Hindi ko napaghandaan ang mabilis niyang pagtugon kaya muntik nang bumigay ang mga tuhod ko.
Nasanay kasi akong lagi niyang pinapalampas ang panunukso ko kaya nakakagulat itong pabigla-biglang pagbabago ng hangin.
Puno nang pagsuyo at pag-iingat ang bawat hagod ng kanyang mga labi na parang humehele sa puso ko.
Malaki ang kaibahan ng pinagsasaluhan naming halik ngayon kaysa kahapon.
Kahapon kasi ay mapag-angkin at mapagparusa ang nanabik na paggalugad ng dila niya sa bawat sulok na maabot nito.
May sariling isip na naglambitin sa leeg niya ang dalawa kong mga kamay habang mas lalong iginiit ang sarili sa katawan niya.
Mumunting ungol ang narinig kong galing sa kanya sa kabila nang patuloy na paghihinang ng mga labi namin.
"We have to stop," paungol niyang anas pero siya itong panay pa rin ang habol sa mga labi ko.
"Oh, s**t! I can't stop," padaing niyang ungol at muling sinibasib nang marubdob na halik ang mga labi ko.
I feel so beautiful and perfect because he can't get enough of me. Gusto ko siyang pakalmahin dahil ako lang 'to... iyong babaeng handang maghintay sana kung di lang nangangailangan ng mabilisan at marahas na aksiyon ang mga kaganapan.
Malakas na tunog ng bell ang pumutol sa mainit naming paghahalikan.
Every hour tutunog ang bell at dahil 6:30 akong nakarating ay para sa alas syete na ang naririnig naming tunog.
"Mamaya lang ay magsidatingan na ang ibang teacher," pagbibigay alam ko sa kanya.
8:00 AM ang pasok ng mga guro pero before eight ay mandatory na nandito na sila.
"I know, let me hold you for a moment," paos niyang sagot.
Naisandal ko sa dibdib niya ang pisngi habang nakayapos sa'kin ang dalawa niyang braso at nakapatong sa ulo ko ang kanyang baba.
Di ko alam kung kailan kami nakarating sa pinakamalapit na upuan at ngayon ay nakaupo na siya habang patagilid akong nakakandong sa kanya.
Naipikit ko ang mga mata habang pinakikinggan ang t***k ng puso niya at ninamnam ang bawat sandali.
Parang gusto kong maluha dahil katuparan ng matagal ko nang pinapangarap ang nangyayari ngayon.
Sino ba ang mag-aakalang darating ang pagkakataong ito na makulong ako sa mga bisig niya.
Isa na lang talaga ang problema, ang nakatakda niyang kasal.
Ayoko munang magtanong dahil baka masira ang moment. Sa ngayon ay magpapakasasa muna ako sa masayang pakiramdam na dulot ng pagkakalapit namin nang ganito.
Ilang sandali na lang naman bago kami babalik sa reyalidad.