Pakiramdam ko ay tinutupok ako ng init na nagmumula sa magkalapat naming mga labi ni Franz.
Ganito pala ang totoong halik mula sa isang Franz Rafael del Rio. Mapusok, mapang-angkin, at puno ng- pag-iingat?
Di ko masabi kung totoo ba o gawa-gawa lang ng lango kong isipan ang naramdaman kong pag-iingat sa bawat hagod ng kanyang mga labi at haplos ng kayang mga palad pero gusto kong magpakalunod sa pakiramdam na iyon.
Ito iyong unang pagkakataon na hindi ako ang nag-initiate ng halik kaya parang malulunod sa galak ang puso ko.
Parang pinag-isa ang reyalidad at pantasya at lahat iyon ay natagpuan ko sa bisig ni Franz.
Para akong nalulunod sa isang kumunoy pero wala akong balak na kumawala.
Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso habang ramdam ko ang daloy ng nagbabaga kong dugo sa bawat himaymay ng aking katawan.
Buhay na buhay ang katawang lupa ko habang tinatamasa ang pasilip ng maaaring mangyayari kapag tuluyang mapasakin si Franz.
"My little fire cracker," ungol ni Franz sa mismong tapat ng tainga ko matapos niyang pakawalan ang namamaga kong mga labi.
Napaliyad ako at lalong napadikit sa katawan niya nang maramdaman ang pagpasok ng isa niyang palad sa ilalim ng suot kong palda.
Para akong himatayin sa antisipasyon nang humaplos sa ibabaw ng hita ko ang mainit niyang mga palad.
Nagsalimbuyan ang mumunting kiliti sa kaibuturan ko kaya naglumikot ako sa kandungan niya at naikiskis ang sarili sa matigas na bagay na tumatama sa'kin kaselanan.
Nanonood ako ng mga romantic film na may mga sexy scenes kaya alam ko kung ano ang bagay na iyon at kakaibang achievement ang nararamdaman ko ngayon dahil sa lantarang reaksiyon ng isang Franz del Rio na ako ang dahilan.
Isang malalim na ungol ang nakuha kong tugon mula sa kanya dahil sa pabigla-biglang paggalaw ng balakang ko.
Bumaba ang mga labi niya sa nakalahad kong leeg at naramdaman ko ang paglumikot doon ng kanyang dila.
Para akong panawan ng ulirat sa paraan ng pagdila niya sa leeg ko. May gigil ang bawat dampi ng mga labi niya sa bawat madadaanan ng mga ito na sinabayan mumunting kagat.
Ang isang kamay niya ay malayang pumaloob sa suot kong blusa at deretsong kinubkob ang isa kong dibdib at sa kabila ng nakaharang na tela ng suot kong bra ay ramdam ko ang init na nagmumula sa palad niya. Agad namigat ang dalawa kong dibdib at nagsitayuan ang dalawa kong u***g.
"You think, you can take me?" mapanghibong bulong ni Franz sa pagitan ng paghalik, pagdila at pagsipsip niya sa leeg ko.
Sasagot na sana ako pero bumaba ang mapaghanap niyang mga labi papunta sa dibdib ko na 'di ko napansing nakahantad na mula sa nakabukas na mga butones ng suot kong uniform.
"I told you to run... but you didn't listen," paos niyang pagpapatuloy.
Napasinghap ako dahil sa nakikita kong apoy ng pagnanasa sa madilim niyang mga mata nang salubungin niya ang tingin ko.
Parang hinahamon ako ng mga mata niya na tumakbo habang maaga pa pero nanunuya naman ang nakapaskil na ngiti sa mamasa-masa niyang mga labi na wari ay pinaparating sa'kin na huli na ang lahat at wala na akong matatakbuhan pa.
Pilit kong pinanghawakan ang natitirang katinuan na meron ako.
Kahit buong buhay kong inasam ang pagkakataong ito ay hindi ito ang gusto kong mangyari. Hindi man umaayon ang sarili kong katawan sa matinong dikta ng isipan ko ay matatag ang isinilsil kong prinsipyo sa'king utak.
Oo at plano kong manlandi at mang-agaw kung kinakailangan pero wala akong balak na ibigay ang sarili sa taong di ko pa buong pag-aari.
Hangga't girlfriend pa ni Franz si Ma'am Sabrina ay hanggang laway at tikim-tikim lang muna siya at di niya pa pwedeng makuha ang bagay na ngayon ay hinaplos-haplos na ng isa niyang kamay.
Pag-aari na niya ang puso ko kaya kailangan ireserba ko ang katawan hangga't hindi siya buong maging akin.
Napakislot ako at saglit na napapikit nang idiniin niya ang hintuturo sa ibabaw ng suot kong panty. Parang snatcher siya sa bilis ng kanyang kamay.
Nang muli akong magmulat ng mga mata ay pilit kong sinalubong ang matiim niyang mga titig.
"Pwede mo iyang hawakan..." paanas kong sabi at nasundan ng boluntaryong ungol dahil pinaraanan ng daliri niya ang basam-basa kong hiwa sa ibabaw ng suot kong panloob. "Pero di mo pa pwedeng angkinin," paos kong dugtong sa naunang sinabi.
"This is mine," paangil niyang anas at mapag-angking dinakma ang kaangkinan ko.
Napakapit ako nang mahigpit sa balikat niya at napaliyad.
Puno nang antisipasyon ang buo kong katawan pero pilit akong nagpakatatag laban sa tawag ng tukso.
"Break-up with your fiancee and I'm all yours," mariin kong sabi.
Isang sumisingasing na ungol ang pinakawalan niya habang lalong dumiin ang pagkakahawak sa'kin.
Mariin kong kinakagat ang pang-ibabang labi dahil ramdam ko ang lalo kong pagkabasa sa bahaging hawak-hawak niya.
"Feel me..." mapang-akit kong utos sa kanya.
Lumalakas ang loob ko dahil ramdam ko ang tensiyon sa buo niyang katawan dahil sa nararamdaman niyang reaksiyon mula sa sarili kong katawan. Mukhang gustong-gusto niya ang tugon ng katawan ko sa kanyang bawat haplos.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng suot kong bra at ipinasok ito sa ilalim.
Sabay kaming napaungol nang tuluyang lumapat sa balat ko ang mainit niyang mga palad.
"Pumili ka... Ako o ang fiancee mo?" nanghahamin kong tanong sa kanya.
Sumiklab ang pinaghalong galit at pagnanasa sa kanyang mga mata.
Habang nagtatalo ang dalawang emosyong iyon ay kusa namang pumipisil sa namimintig kong u***g ang hintuturo at hinlalaki niya.
Ramdam ko tensiyon mula sa kanya habang may pagtatalong nagaganap sa isipan niya at kitang-kita ko ang frustration sa madilim niyang mukha habang tinitimbang ang kung anong gumugulo sa kanya.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko nang maalala ko ang reaksiyon niya kanina dahil sa pagsama ko sa kanyang kapatid.
Umabot na ako sa punto na kailangan kong gumawa ng mararahas na hakbang para masigurong sa akin ang bagsak niya.
Bibigay ka rin sa'kin Mr. del Rio, una pa lang ay tinatakan na kita kaya ngayon ay babawiin na kita.
Pinahiram ko lang naman siya roon sa girlfriend niya pero masyado siyang nawili at binalak niya pang pakasalan ang babaeng iyon.
"Remember... nandiyan si Felix sa tabi-tabi... single and-s**t!" Nauwi sa hiyaw ang sinasabi ko nang walang babala niya akong inihiga sa upuan habang halos nakadagan na siya sa'kin.
"Say it again!" mabalasik niyang singhal sa mismong mukha ko.
Purong galit na ang nakikita ko ngayon sa madilim niyang mukha. Nakaramdam ako nang pagkabahala dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit kahit na lagi niya akong sinusungitan noon.
Kampante naman akong di niya ako pagbubuhatan ng kamay pero nag-alala ako at baka may puputok na ugat sa kanya dahil sa galit... mabibyuda pa ako nang maaga!
"Kalma lang, Sir. Remember may fiancee kayong naghihintay," kunwari ay di apektado kong pahayag.
Di ko na dinugtong na ikakasal pa kami at baka bigla siyang atakehin.
"Huwag na huwag kang maglalapit sa kapatid ko," puno nang pagbabanta niyang pagbabawal sa akin.
Malas niya lang at di na ako tatablan ng mga pagbabanta niya at galit.
"Pipigilan mo ako?" nang-aasar kong tanong sa kanya.
Bilang sagot ay mas ipinwesto niya ang sarili sa pagitan ng nakahiwalay kong mga hita.
Pipi akong napahiling ng karagdagang lakas ng loob na labanan ang tukso nang kumiskis sa sentro ng p********e ko ang namumukol niyang hinaharap.
"I'll ruin you for all the men out there," nagngangalit ang mga bagang niyang pahayag.
"Too bad, you have a fiancee. Naghahanap kasi ako ng walang sabit," kunwari ay nag-iisip kong sagot.
"Too late, you already get my full attention... and you're going to take responsibility for it," matigas niyang wika.
Gusto kong magpapasad sa inis. Tagumpay ko ngang nakuha ang atensiyon niya pero di niya binanggit na hihiwalayan niya si Ma'am Sabrina.
"Paano ang fiancee mo?" umikot ang mga mata kong tanong.
"Labas siya rito... this is just between the two of us. Tayong dalawa lang... di kasali ang kapatid ko o kahit sinong lalaki!" puno nang pag-aakin niyang wika.
Kinilig ako syempre pero di buo iyong kasiyahang nararamdaman ko dahil di pa rin nababago ang katotohanang may fiancee siya.
Pambihira, magiging the other woman yata ako!