chapter 12

1381 Words
Parang panaginip ang nangyaring pagdating kagabi ni Franz at pagsayaw niya sa'kin. Natapos ang araw ng birthday ko na masayang-masaya ang puso ko pero kinabukasan ay parang bulang naglaho ang kasayahang iyon. "It's official... they're getting married," mahinang wika ni Claire pero malinaw ko iyong narinig. Kasalukuyan kaming nandito sa likod ng building ng Grade 8 sa rati naming tambayang magkakaibigan. "It's all over the news," mahinang segunda ni Leo. Lahat sila ay parang ingat na ingat sa pagsasalita habang nakikita ko sa sulok ng akong mgamata ang pag-alala sa kanilang mukha para sa akin. Bago ako pumasok ngayong umaga ay ang balitang iyon ang unang bumungad sa'kin. Naka-post sa status ni Ma'am Sabrina ang about sa nalalpit nitong pagpapakasal kay Franz at ito rin ang front page ng lahat ng mga local newspaper sa buong rehiyon. Walang nakuhang reaksiyon sa'kin kanina ang pamilya ko ukol sa balitang iyon at maging ngayon ay wala akong maibigay na reaksiyon sa mga kaibigan ko. Namamanhid ang puso ko at para itong sinasakal pero kahit gaano kasakit iyon ay di ko pwedeng ilabas dahil senyales iyon ng pagkabigo. Matagal ko nang alam mula kay Franz ang tungkol sa pagpapakasal niya kaya dapat ay wala na akong mararamdaman pero iba pala talaga kung pati ibang tao ay alam ang bagay na iyon. Ramdam ko ang mga ibinigay na tingin sa'kin ng bawat nakakaalam sa pagpapakabaliw ko kay Franz at alam kong iniisip nila na all this time ay hindi ako seryoso sa hayagan kong pagsasabi na gusto ko si Franz. Di ko sila masisisi, wala kasi silang nakitang reaksiyon mula sa'kin ukol sa nakatakda nitong pagpapakasal. Ang di nila alam ay kahit kailan hindi biro o laro ang nararamdamn ko noon at haggang ngayon. Magaling lang talaga akong magpanggap pero ang totoo ay wasak na wasak ang puso ko. T*ng-ina gusto kong magwala pero hindi pwede dahil Ramirez ako! Tanda ng pagsuko ang pag-iyak gayong alam mong may magagawa ka pa. Ikakasal pa lang, hindi pa kasal at kung sakaling kasal man ay may annulment sa Pilipinas. Masama na kung masama pero wala akong pakialam. Ayokong magsisi balang araw na di ko ginawa lahat nang makakaya kaya ako nabigo. Kung matalo man ako o mabigo ay dapat matatalo akong lumalaban at hindi umiiyak sa sulok. Minsan pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ni Franz. I can fell his reaction toward my advances but he always acts so cold and distant. Kung pinaglalaruan niya ako ay magsisi siya sa larong sinimulan dahil lagi akong nanalo sa kahit anong laro, sukdulan mang gagamitan ko ito ng maruming taktika basta masiguro lang ang panalo. "Marami pa ang pwedeng mangyari hangga't di pa sila kasal," kampante kong pahayag. "Why are you so indifferent about this," napaisip na tanong ni Nina habang matamang nakatitig sa'kin. "Kung di ko lang alam ay iisipin kong di talaga gano'n kalalim ang pagkakagusto mo kay Sir Franz at ginawa mo lang siyang excuse sa katamaran mong mag-aral." Malakas akong napatawa sa dinugtong niya sa naunang sinabi. "Iyan ba iyong tawa ng babaeng namimilegro na makasal sa iba ang lalaking gusto?" nakangiwing komento ni Leo. Hindi ko alam kung ano ang napapansin nila sa tawa ko pero totoo ang tawa ko. "Kung kasing ganda at yaman mo naman ang isang babae ay tiyak madali kang makakita ng mas maraming Sir Franz in different colors, sizes, and nationalities," maarteng dagdag ni Leo na lalong nagpatawa sa'kin. Dumagdag pa sa naramdaman kong aliw ay ang reaksiyon ng mga mukha nila. Kung makatingin kasi sila sa akin ay para akong tinubuan ng isa pang ulo. "Lodi talaga kita, nagawa mo pang tumawa sa kabila ng lahat," buntong-hiningang usal ni Nina. Nang tingnan ko siya ay nahagip ng paningin ko si Sir Franz sa di kalayuan na seryosong nakatanaw sa kinaroroonan namin. Di ko mabasa ang ekspresyon niya sa mukha dahil nang muli akong kumurap ay papalayong likod na niya ang natanaw ko. Anong ginagawa niya rito? Bibihira lang may magagawi sa dakong ito kung di talaga sadyain dahil malayo ito sa main facilities ng paaralan kaya nakakapanobagong makikita ko siya rito. "Oy, malapit na natapos ang break time," anunsiyo bigla ni Claire. Nagmamadali agad na nag-ayos ng gamit sina Leo at Nina. "Una na kami, Julie. Terror iyong susunod naming subject teacher," ani Nina. Saglit lang ay tinatanaw ko na ang papalayo nilang mga bulto. History ang next subject namin at di ko pa kayang harapin si Ma'am Sabrina at baka may masabi akong 'di maganda. Di naman sana kakalat ang balitang engagement kung hindi siya nag-status sa face book habang nakabalandra ang mukha nilang dalawa ni Franz. Ayokong isipin na kahit ang isang mabait a mukhang anghel ay kayang gumawa ng hakbang upang mapanghawakan ang isang bagay. Ang pinakamahirap kalabanin sa mga panahong ito ay ang mga taong nagbabait-baitan pero nasa ilalim pang pala ang kulo. Dahil malapit na rin ang oras ng klase at wala akong balak pumasok ay naisipan ko na pang umuwi. Last subject na namin ang History kaya pwede na akong maunang umuwi. Kilala na ako ng mga guard at pati kotseng minamaneho ko ay kabisado na nila laya kadalasan ay nakaklabas ako ng paaralan kahit di pa oras ng uwian. Pahinamad kong tinatahak ang parking area ng paaralan. Punuan pa ito dahil nga di pa uwian kaya madadaanan muna ang ilang mga sasakyan bago ko marating ang kinaroroonan ng bago kong sasakyan na regalo ni Kuya Lance sa'kin. "Do you think I'll just stay at the corner and allow you to marry that man?" Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig na galit na nagsalita. Hindi muna ako tumuloy dahil baka may madisturbo akong usapan. "Papakasal ako sa kanya at wala ka nang magagawa roon." Nakuha ang curiosity ko nang marinig ang pamilyar na bose ng babaeng kausap ng lalaki. "I won't allow it! Ipapaalam ko sa kanya ang nangyari sa'tin," puno nang pagbabantang sabi ng lalaki. "Gusto mo bang patayin niya tayong pareho?" naiiyak na tanong ng babae. "Mabuti nang patayin niya ako kaysa makikita kong mapunta ka sa kanya!" "Lix, please...mahal ko si Raffy," umiiyak na pagmamakaawa ng babae. Raffy? Alam kong iyon ang tawag ni Ma'am Sabrina kay Franz at kahit di ko titingnan ay sigurado akong ito ang kausap ng sinumang lalaking natatakpan ng nakahilerang sasakyan. "Mahal din kita! At hindi ka niya kayang mahalin kung malalaman niyang may namagitan sa'tin,"mariing wika ng lalaki. "Please....Lix, huwag naman ganito. Kung mahal mo ako ay hahayaan mo akong lumigaya sa piling niya." Mapait akong napangiti habang napasandal sa pinakmalapit na sasakyan. Mabuti na lang at walang alarm ang nasandalan kong sasakyan dahil kung nagkataon ay mabulabog ko pa ang dalawang nagtatalo sa kabilang bahagi. "Paano ako? Sa lagay ba nito ako iyong magpaparaya gayong alam kong kaya kitang mahalin nang higit pa sa kaya niya," pasigaw na sabi ng lalaki. Ramdam ko ang hinanakit at galit sa boses nito katulad nang naramdaman ko. "Please, Lix... please... please, huwag ganito... kaya mo nga akong mahalin pero si Raffy ang kaligayahan ko, siya ang mahal ko," humihikbing pagmamakaawa ni Ma'am Sabrina sa kausap. Narinig ko ang impit na hikbi mula sa kausap ni Ma'am Sabrina. I can feel his pain because we are at the same boat. Kami ang mga dakilang nagmahal pero hindi pinili. Nang wala na akong naririnig mula sa panig nila ay tsaka pa lang ako nagpatuloy sa paglalakad. Nang sulyapan ko ang kinaroroonan nila kanina ay isang lalaki ang nakita kong nakayuko sa gilid ng isang sasakyan habang yumuyugyog ang mga balikat. Di ko na nakikita si Ma'am Sabrina sa paligid at tanging naiwan ay ang lalaking ito na parang pasan ang buong mundo. "Tears are sign of weakness," di ko napigilang pahayag. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ito ng tingin at nahigit ko ang hininga nang mapagsino ito. "Felix del Rio," maang kong bulalas. Hindi ko na nakikita ngayon ang masaying bukas sa mukha ng nakakatandang kapatid ni Franz. "That girl is really something," di makapaniwala kong pahayag habang pinagmamasdan ang kaawa-awang hitsura ng kaharap. He must be really in love with that woman. Iba rin pala talaga ang kamandag ng isang Sabrina Lopez dahil nagawa nitong tuhugin ang dalawang magkapatid na del Rio. Grabe, eh di siya na ang maganda! Sarap niyang tusukin toothpick sa eyeballs!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD