Di ko alam kung sino sa aming dalawa ni Felix del Rio ang mas baliw. Ako ba na naghahabol sa lalaking ikakasal na sa iba o siya na naghahabol sa babaeng pakakasalan ng sarili niyang kapatid?
O pareho lang kaming minalas pagdating sa mga taong pinili naming mahalin.
Mula sa parking area ay natagpuan ko na lang ang sariling sinamahan si Felix sa paglalasing.
Sa aming dalawa mukhang siya yata itong mas mahina at di kayang i-handle ang kinasujsuungan naming sitwasyon.
"Alam mo Felix, hindi sagot ang alak sa kung anumang pinagdadaanan mo," di nakatiis kong sabi nang makailang bote na siya ng beer.
"How old are you?" medyo nakainom na niyang tanong.
Gusto ko siyang hatawin ng bote kung hindi lang ako naaawa sa ginawa niyang pag-iyak kanina. Kaka-attend niya lang sa debut ko kagabi pero limot na niya agad iyong edad ko.
"You're too young to call me by my name," dagdag niya nang walang makuhang sagot mula sa'kin.
"You want me to call you sir? Mister? Or how about, Loser?" nang-uuyam kong tanong.
Sa halip na mainsulto ay tumawa lang siya habang numungay ang namamagang mga mata na tumitig sa'kin.
"I like your frankness," natatawa niyang sabi.
"Too bad I don't like your pitiful self," deretsahan kong sagot.
Saglit siyang natigilan at lumumbaya ng mga matang nakatitig sa'kin.
"God! Stop crying," naiirita kong bulalas nang makita ang pamumuo ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata.
Nag-alala kong inilibot ang paningin sa plaigid dahil baka may makapansin sa amin at makita ang maluha-luha niyang estado at baka ano pa ang mabuong isyu.
"The pain is killing me," pumiyok ang boses niyang pahayag sabay tungga ng hawak na bote ng beer.
Nakahinga ako nang maluwag dahil di siya tuluyang umatungal nang iyak. Okay lang na magpakalunod siya sa alak basta di lang siya iiyak sa harapan ko.
Nasaktan din naman ako sa balitang pagpapakasal ni Franz pero hindi ako katulad nitong kaharap ko na umiyak na lahat-lahat pero heto at nilulunod na naman ang sarili sa alak.
"You know, if you really love her... why don't you fight for her," sabi ko maya-maya.
"But she loves him and I can't compete with that." Sinundan niya iyon ng pagak na tawa bago muling lumagok mula sa boteng hawak.
"I'll take him away from her," seryoso kong sabi.
Nabitin sa ere ang akma niyang pagtungga ng alak. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak na bote tumitig sa'kin.
"Why would you do that?" maang niyang bulalas.
"Because he doesn't deserve someone like her... he deserves someone like me," walang kakurap-kurap kong sagot.
Saglit muna niyang pinag-aralan ang mukha ko bago bumunghalit nang malakas na tawa.
Nagtagis ang bagang ko sa reaksiyon niya na para bang isang malaking biro ang narinig.
"Sige...tawa pa, tumawa ka pa dahil mamaya ay mamumulot ka ng mga ngipin mong malalagas kapag ako napuno sa'yong hayop ka," nakangiti kong sabi habang nagtatagis ang mga bagang.
Mukhang nakita niya siguro muderous intent ko kaya bigla niyang pinigil ang tawa.
Ilang sandali muna siyang nabigo bago tuluyang nagtagumpay na mapigilan ang tawa at ngayon pero di pa rin nawala ang pagkaaliw sa mga mata niya habang nakatunghay sa mukha ko.
Habang tumatagal ay nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Franz.
"Hindi sa naniniwala ako sa'yo , huh. Pero sabihin mo nga sa'kin kung paano mo mailalayo ang kapatid ko sa babaeng hinabol-habol niya at dahilan kung bakit tinalikuran niya ang pamamalakad sa sarili naming kompanya?" napapantastikohan niyang tanong.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang kawalan ng tiwala na magagawa ko nga ang bagay na iyon.
"Masyado kang nega... nakakapangit iyan. Kaya ka hindi pinili eh," nakairap kong pasaring sa kanya.
"Wow!" naiiling niyang bulalas. "Nagsalita ang pinili," mapang-asar pa niyang dagdag.
"Diyan tayo magkaiba," di nagpapaepekto kong sagot."Tinanggaihan ka lang sumuko ka na pero ako paulit-ulit mang tanggihan... gagawa at gagawa ako ng dahilan upang piliin sa bandang huli," determinado kong saad.
Isang totoong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang di hinihiwalay ang titig sa'kin.
"Huwag ka masyadong tumitig... taken na ako baka ma-fall ka," humalukipkip kong saway sa kanya.
Umani ng isang mahinang tawa ang sinabi ko. Parang gumaan ang pakiramdam ko nang mapansing umabot na sa kanyang mga mata ang tawang iyon at bahagyang natabunan ang kalungkutang namamahay roon.
Kapatid ito ni Franz at dahil sisiguraduhin kong makatutuluyan ko ang masungit na iyon ay parang pamilya ko na rin itong kaharap ko ngayon. At walang pwedeng mang-api sa pamilya ko kahit na ang babaeng mahal pa ng mga ito.
"You have the spirit! Cheers to that," sinserong sabi ng kaharap ko bago nilagok ang bote ng alak.
Well, balik na naman siya sa unang pakay namin sa bar na ito... ang lunurin sa alak ang puso niyang sawi.
"Mukha ba akong cholesterol?" maya-maya ay tanong sa gitna nang tahimik niyang pag-inom at panonood ko sa ginagawa niya.
"Pick-up line ba iyan?" tanong niya matapos ibaba ang hawak na bote.
Gusto ko siyang kausapin para panandaliang mawala sa pagtungga ng bote ang atensiyon niya.
"Bakit kita gagamitan ng pick-up line? So cheap!" nakaismid kong sagot.
Bahagya itong tumawa at nangalumbaba sa mesa.
"Bakit?" lasing na niyang tanong.
Pinasadahan ko muna ang ilang boteng naubos niya bago muling bumalik sa namumula niyang mukha na halatang lasing na.
"Tuwing nakikita kasi ako ng kapatid mo ay tumataas ang presyon niya... hindi pa nga niya ako natikman," paingos kong sagot.
Malakas itong tumawa at napahampas pa sa mesa.
"That was f*cking funny," tawang-tawa niyang pahayag.
Parang gusto kong magsisi sa sinabi dahil nakuha namin ang atensiyon ng ilang staffs sa paligid.
My gosh! Mabuti na lang at masyado pang maaga para dagsain ng costumers itong kinaroroonan naming bar.
Kung hindi nga dahil dito sa kanya ay di malalamang nagbubukas pala nang ganito kaaga ang bar.
O baka naman ay dahil isa siyang del Rio kaya gano'n. Pero sa bandang huli ay pare-pareho lang kaming hindi pinili.
"You know... we have to drink for that," nakangiti niyang saad sabay abot ng isa pang bote sa'kin.
Namumungay na ang mga mata niya sa kalasingan.
Wala akong balak uminom pero upang mabawasan ang ilang boteng may lanan pa na nakatayo sa mesa ay pinili kong tanggapin ang inabot niya.
Bago ko pa nahawajan ang bote ay may nauna nang umagaw nito sa'kin.
Umawang ang mga labi ko nang mabungaran ang madilim na anyo ni Franz na souang gumawa niyon at ngayon ay galit na nakatunghay sa'min ng kapatid nito.
"Franz! Brother dear," lasing na bati rito ni Felix nang mapagdino ng lasing niyang kamalayan ang bagong dating.
"It's time to go home," madiing pahayag ni Franz pero sa'kin nakatuon ang matalim nitong mga mata.
Di ko mapigilan ang pag-ikot ng mga mata. Sa paraan kasi nang pagkakatitig nito ay parang kasalanan ko na naman. Great!
"Susunod ka sa'min o kailangan pa kitang buhatin?" Napaigtad ako dahil sa matalim niyang tanong.
Tsaka ko lang napagtantong, papaalis na sila ni Felix na akay-akay nito at lupaypay na sa kalasingan.
Kahit mas bata itong si Franz kay Felix ay halos magkasing laki lang sila at halatang kayang-kaya nito ang buong bigat ng huli. May silbi rin pala ang namumutok na muscles ni Franz, akala ko kadi ay for display lang ang mga ito.
Hinamig ko ang sarili bago tumayo upang sumama sa kanila dahil sa paraan nang pagkakatitig ni Franz sa'kin ay parang mapuputulan na ito ng ugat sa pagtitimpi ng nararamdamang galit.
Mukhang mahaba-habang sermon na naman ito mamaya. Ako pa yata ang lalabas na responsable sa paglalasing ni Felix del Rio!
Habang nakasunod sa likuran ni Franz na karay-karay ang lasing na kaoatid ay di ko mapigilan ang sariling pagmasdan ang malapad nitong likod pababa sa maumbok nitong pang-upo.
Hindi na ito nakasuot ng teacher's uniform kaya mas na-emphasize ng suot na pants ang nakakaligalig na hulma ng likuran nito.
Parang gusto ko rin tuloy makita iyong bandang harapan nang ganito kalapit kasi hindi ko nabistahan nang maigi kanina, masyado akong distracted sa gwapo nitong mukha kahit galit na galit ito.