"Happy birthday."
Isang matamis na ngiti ang sinagot ko sa bawat pagbating natanggap mula sa mga dumalo sa birthday celebration ko.
Wala sa magarbong ayos ng party at mga kilalang personalidad na bisita ang atensiyon ko kundi ay naroon sa partikular na mesa na inuukupa ng mga del Rio.
Di man dumating ang inaasahan kong del Rio ay dumating naman ang buo niyang pamilya, ang mga magulang niya at dalawang kapatid.
Binati na nila ako kanina pagkadating na pagkadating at may dala pa silang mga regalo.
Business associate nila ang isa sa mga pinsan ko kaya nandito sila ngayon.
Saglit kong nakausap kanina ang kapatid ni Franz na babae na matanda sa'kin ng ilang taon at masasabi kong malayo ang bubbly nitong pag-uugali sa laging seryoso at aburido niyang mukha.
Maging ang kapatid na lalaki ni Franz ay lagi ring nakangiti kaya sa kabila ng pagiging mas matanda nito kaysa kanya ay mas bata itong tingnan.
Hindi naman sa matandang tingnan si Franz pero may youthful vibes lang talaga iyong Kuya niya dahil sa masayahing bukas ng mukha nito.
Papatapos na ang party at nakaramdam na rin ako ng pagod sa kakangiti sa bawat bisitang dumating at bumati. Kanina pa nagsiuwian ang mga imbitado kong kaklase at maging sina Claire at Nina ay nauna na ring umuwi dahil may pasok bukas.
Di ko pa rin napansing nagpaalam sina Leo at Mark dahil sa dami ng mga bisita kanina.
Iyong mga pinsan ko naman ay lasing na karamihan at naroon na sa rooftop ng bahay namin nagkakantahan.
Dito sa malawak na bakuran namin ginanap ang party at ang iilang naiwan ngayon ay mga business acquaintance ng mga Tito at Tita ko pati na rin ng mga magulang ko.
Iba ang paraan nila ng pakikisaya sa isang party kaya di makaka-relate ang mga kabataan kaya nga iyong mga pinsan kong nabibilang sa sinasabi kong kabataan ay gumawa ng sarili nilang version ng kasiyahan sa taas.
Nanggaling ako roon kanina at parang naging bar ang set-up ng rooftop namin at may kasama pang DJ.
Nakaharap sa ibang direksiyon ang speakers na gamit nila roon kaya kahit malakas ang tugtog nila ay di pa rin nila nasasapawan ang tugtog dito sa mismong ginanapan ng party.
Wala sa sariling napadako ang mga mata ko sa makeshift stage na itinayo sa isang bahagi ng bakuran namin.
Di ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa'king mga labi nang maalala ang paisa-isang pagbibigay ng mensahe ng mga kamag-anak ko kanina para sa'kin doon.
Maging sina Mommy at Daddy ay may mga habilin din ibinigay kanina na muntik nang magpaiyak sa'kin buti na lang strong ako.
Napapalatak ako nang maalala ang munting kaguluhan kanina dahil kasali sa 18th roses ko si Tyron.
Ito ang first dance ko at katakot-takot na panlalait ang natanggap ko mula sa bulating iyon kanina.
Ang sarap mag-walk out sa sarili kong party nang sabihan niya akong parang saging na turon dahil sa suot kong gown na may yellow accent.
Panay ang reklamo niya dahil taas ng suot kong gown na naapakan niya habang nagsasayaw kami.
Di ko napansin kung paano namin natapos ang sayaw habang panay ang sipa niya sa dulo ng gown ko na ikinaaaliw naman ng mga bisita.
Ang anak ng impakto, binato pa sa'kin ang dalang rose dahil pangit daw ang party ko dahil walang chocolate.
Padabog pa niyang ibinigay sa'kin ang regalo niya na isang artwork na naka-frame.
Di ko alam kung ma-touch ba ako o magalit dahil sa ginawa niyang painting dahil ako raw iyon at doon lang daw sa painting niya ako nagmukhang maganda.
Gusto kong kwestiyunin ang katinuan ng batang iyon kung saang parte ng mga kulay na naghalo-halo at nahulmang parang tao na parang hindi ang hitsura ko pero dahil pinaghirapan niya iyon kahit para lang itong mga kulay na basta natapon ay masaya ko pa ring tinanggap.
Sasabihan ko na lang si Tita na huwag na piliting ipasok ang anak niya sa art school dahil mag-aaksaya lang sila ng pera kung gano'ng art ang pinaggagawa nito.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang makitang kausap na ni Mommy at Daddy ang mga del Rio at mukhang nagpapaalam na ang mga ito.
Nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay wala na gaanong tao. Nang tingnan ko ang oras sa suot na relo ay malapit na mag-alas dose ng gabi.
Alas-dos ng hapon kanina nagsimula ang party kaya mapahaba na nga ito kung iisipin.
Hindi na ako nagtangka pang lumapit sa mga ito dahil wala rin naman akong naisip na sasabihin. Pahinamad akong bumalik sa pagkakaupo at tinanaw na lang ang tuluyang pag-alis ng mga ito.
Napagod lang talaga ako dahil ilang oras din akong nakatayo kanina.
"So, it's a blast... right?"
Nag-angat ako ng mukha dahil sa tanong ni Kuya Vincent na bigla na lang sumulpot.
"And I'm so tired,"nskasimangot kong reklamo.
"Still, you're the most beautiful debutante that I've ever seen," masuyo nitong sabi. "Happy birthday, Julie."
"Binati mo na ako kanina," nakasimangot kong irap sa kanya.
"Pero di ko pa naibigay ang regalo ko," natatawa nitong sabi.
"Tatapatan mo ba ang bigay na bagong kotse ni Kuya Lance?" nakataas ang kilay kong tanong.
"Higigitan ko pa," makahulugan niyang pahayag.
Bago pa ako nakahuma ay biglang namatay lahat ng mga ilaw sa paligid at tanging ang mga dim lights mula sa mga maliliit na LED lights na nagsisilbing dekorasyon ang nagsindihan na nagbibigay ng parang romantic fairy tale ambiance sa buong lugar.
Isang mabining awitin ang tumugtog kasabay niyon ay ang naaninag kong paparating na bulto ng lalaking kahit sa dilim ay makikilala ko.
"F-Franz..." wala sa sarili kong usal.
Nakasuot siya ng tuxedo na parang terno sa suot kong gown.
Napakurap-kurap ako habang halos mabingi sa lakas ng kabog ng sarili kong puso.
"The devil can't resist the temptation after all," makahulugan niyang anas habang inilahad ang palad sa'kin para sa isang sayaw.
Di ako makapaniwalang inabot ang kamay sa nakalahad niyang palad.
Kung isa itong panaginip, sana magiging bangungot na ito para di na ako magising.
Nang kabigin ako ni Franz padikit sa kanya ay para akong butter na natunaw dahil sa init ng kanyang katawan.
"You're trembling," pabulong niyang sabi sa tapat ng tainga ko habang iginigiya ako ayon sa tugtog.
"Where's the little girl who wanted to tempt the devil?"
Kakaibang sensasyon ang dulot ng bawat bulong niya na bumalot sa buo kong pagkatao.
Napahigpit ang kapit ng isang kamay ko sa balikat niya habang nanginginig pa rin ang kamay kong bihag ng isa niyang kamay.
Ramdam ko ang kaaya-ayang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa baywang ko habang sumasabay kami sa saliw ng musika.
Sa pagkakataong ito ay wala na akong ibang nakikita kundi ay kaming dalawa na sumasayaw sa ilalim ng mga mumunting ilaw na nagsisilbing mga bituing nakatanglaw sa'ming dalawa.
"Ikaw ba ang regalong sinasabi ni Kuya?" tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Si Franz lang ito, ang lalaking pinapantasya at tinitibok ng lintik kong pusong parang tatalon mula sa ribcage ko kaya dapat chill lang!
"Kung ako nga, anong binabalak mong gawin sa'kin?"
Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi.
Bakit parang inaakit niya ako? Sanay akong sinusungitan at iniiwasan ni Franz kaya medyo nayanig ang buo kong pagkatao dahil sa nahimigan kong panunukso sa boses niya.
"Huwag mo akong tanungin baka di mo magugustuhan ang sagot ko," mariin kong sabi upang maalala niya kung sino ang kanyang kausap.
Ang tanga ko rin upang ipaalala sa kanya ang bagay na iyon pero mabuti na iyong malinaw para walang sisihan sa bandang huli.
"Ano ba ang kayang gawin ng isang 18-year na maaring di ko magugustuhan?" Kakaibang kilabot ang lumukob sa buo kong katauhan dahil sa paraan ng pagkakabigkas niya sa bawat salita.
Ito iyong uri ng kilabot na mararamdaman ng kahit na sino tuwing ganito kalapit ang matagal mo nang inasam-asam.
"You'll never know... you will not cheat with your fiancee, right?" nang-uuyam kong balik-tanong sa kanya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa baywang ko sabay hapit sa'kin padikit pang lalo sa katawan niya.
Nararamdaman ko kung gaano siya katigas laban sa kalambutan ko at gustung-gusto ko ang ganitong pakiramdam.
Naramdaman ko ang marahas niyang paghinga pero hindi na siyang muling nagsalita pa at itinuloy lang ang paggiya sa'kin sa saliw ng magkasabay na pintig ng magkalapat naming dibdib.
Binalewala ko ang munting kirot na nararamdaman sa sulok ng aking puso dahil sa pananahimik niya na parang kumpirmasyon sa sinabi ko.
One at a time muna, susulitin ko muna ang pagkakataong makulong sa mga bisig siya habang sumasayaw kami.
This is the best moment of my 18th birthday and he's my best gift, thanks to Kuya Vincent.
Di ko alam kung paano niya nakumbinse si Franz na umayon sa ganito pero masaya ako... masayang-masaya ako at nakumpleto ang araw na ito.