Simula nang huli kaming magkaharap ni Franz ay halata ang pag-iwas niya sa'kin.
Hindi na rin siya maaga pumapasok kaya tuwina ay bigo akong madatnan siya sa classroom.
Tuwing nagkaklase naman siya ay sinasadya niyang iiwas ang tingin sa pwesto ko at di niya hinayaang mapag-isa kaming dalawa.
Hindi niya ako habang panahon na maiiwasan lalo na at naging paikli nang paikli ang pasensiya ko dahil sa pang-iignora niya.
"Sir Frank, I have something to clarify about our lesson today," seryoso kong sabi sa kanya matapos ang period namin sa subject niya at kasalukuyan siyang naghahanda upang pumasok sa susunod niyang klase.
Vacant period namin pagkatapos ng subject niya kaya walang gurong pumasok at iyong iba kong mga kaklase ay nagsipaglabasan sa classroom at iilan lang iyong mga naiiwang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
Saglit niyang itinigil ang ginagawa bago seryosong tumitig sa'kin.
Aminin ko man o sa hindi ay na-miss ko ang matitigan niya nang ganito kahit na walang kaamor-amor para sa'kin ang mapupungay niyang mga mata.
Minsan tuloy gusto ko nang itanong kung bakit nga ba ako nagkagusto sa lalaking ito?
Dahil ba sa mapupungay niyang mga mata na kung tumitig ay parang binabasa ang pinakatago-tago kong sekreto? O baka naman dahil sa matangos niyang ilong na may prominenting kayabangan na lalong nagpalutang sa pagkaaristrokato ng kanyang mukha?
Nang dumako ang pansin ko sa mamula-mula niyang mga labi ay wala sa sarili akong napabuntong-hininga.
Di ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Mukhang gano'n talaga siguro... gugustuhin mo ang isang tao nang walang malinaw na dahilan dahil iyon ang nararamdaman ng puso mo.
"What is it?" untag niya sa paglalabay ng isip ko.
"I missed you," di ko napigilang nanulas sa'king mga labi.
Saglit lang siyang natigilan bago dumilim ang buo niyang anyo.
"Don't waste my time," mahina pero mariin niyang sabi bago tuluy-tuloy na naglakad palabas bitbit ang mga gamit sa pagtuturo.
Hindi ko na siya sinundan pa. Kakapagod din pala minsan ang maghabol.
Tao lang din naman ako na makaramdam ng pagod pero di ibig sabihin no'n ay susuko na ako.
Tamad akong tao at sa paghahabol lang yata kay Franz ako masipag kaya sisiguraduhin kong may magandang kalalabasan itong pagpakapagod ko.
"Ate Julie, tuluy-tuloy ba ang party sa debut mo?"
Awtomatikong gumuhit sa mga labi ko ang isang masayang ngiti dahil sa tanong na iyon ng isa sa mga kaklase ko.
"Of course, inaasahan ko kayong lahat roon jaya huwag kayong mawawala," nandidilat kong tugon na ikinatawa ng mga nakarinig.
"Di ba nakakahiya?" tanong ng isa.
Kilala ko siya, isa siya sa mga scholar ng paaralan.
"Dapat mas mahiya ka kung di ka pupunta! May nakareserba nang upuan para sa'yo kaya huwag mo akong i-ghost." Pabiro ko siyang binigyan ng nagbabantang tingin na ikinatawa niya.
"Walang dress code kaya huwag ni'yong idahilan na wala kayong maisusuot! Pwede kayong pupunta na suot ay uniform natin," patuloy kong sabi habang pinaraanan ng tingin ang mga naroon.
"Marami ka bang mga bisitang mayayaman, Ate?" interasong tanong ng isa.
Ngiti lang ang tangi kong sinagot dito. Wala naman akong ibang inimbetahan kundi ang buong section namin at iyong mga kaibigan ko sa senior high.
Ang masasabi kong mayamang imbetado sa party ko ay ang mga Carson dahil kapamilya na namin sila.
Simpleng handaan lang naman ang gusto ko at tanging ang mga pinsan ko lang ang nag-insist ng bonggang handaan.
Sa totoo niyan ay sila ang nagplano ng lahat mula sa decorations, foods, at sa isusuot kong gown.
I love parties but I want to celebrate my 18th birthday privately because that day is so much more special than me being a grown up woman.
Hudyat ang araw na iyon na legal na akong mang-agaw ng boyfriend ng iba. Ngayon kasi ay may limitasyon pa ang mga kilos ko dahil maari ko pang ipahamak si Franz sa kamay ng mga pinsan kong Ramirez kung sakaling salingin niya ako.
Hindi man sabihin ng mga ugok na iyon ay alam kong nakasubaybay sila sa mga kilos ng lalaking kinababaliwan ko.
Minsan nang nagbanta si Kuya Vincent na tanggalin sa pagtuturo si Franz kaya ayaw kong gumawa nang hakbang na tuluyang ikapahamak nito sa mata ng mga pinsan at kapatid ko.
Kaya siguro di nanghimasok si Daddy sa kabaliwan ko dahil kampante siyang kayang-kaya nang gawin iyon ng kapatid at mga pinsan ko.
"Guys, dismiss na ang klase dahil may emergency meeting ang mga teachers. Pwedeng namg umuwi," excited na pagbabalita ng kakarating lang namin na classmate mula sa labas.
Agad naghiyawan ang lahat at sinundan iyon ng anunsiyo mula sa mga speaker na nakakalat sa buong building at mula sa admin office ang announcement.
Iglap lang ay nagsipulasan na ang mga kaklase upang magsiuwi.
Di ko akalaing mami-miss ko ang mga panahong katulad din nila ako, walang ibang nasa isip kundi mga simpleng bagay.
Mula nang tumibok ang puso ko para kay Franz ay bigla kong nakalimutan ang pagiging bata sa kagustuhang pumantay sa pananaw niya sa buhay.
Bigla ay pinili kong mature kumilos upang di niya makitang dahilan ang pagiging bata ko upang di seryosohin ang hayagan kong nararamdam para sa kanya.
Pero at the end ay kakailanganin ko pa rin pala talagang gumawa ng mas mararahas na hakbang upang tuluyan niyang mapansin.
Salamat sa mga napanood kong tutorial kung paano humalik at mang-akit dahil malaking tulong ang mga iyon.
Nang qko na lang ang naiwan sa classroom ay pahinamad kong kinuha ang mga gamit upang umuwi na rin.
Wala nang chance na makakausap ko ngayong araw si Franz kaya wala nang dahilan upang magtagal pa ako rito.
Malapit na ako sa pintuan nang biglang itong bumukas at bumungad sa'kin ang seryosong mukha ng lalaking kanina pa naglalaro sa isip ko.
"I just want to give this back to you," anito habang iniabot sa'kin ang pamilyar na invitation card para sa debut ko.
Naiiling ko itong tinanggap at kahit na tanda-tanda ko bawat detalye nito ay mataman ko muli itong sinuri.
Hindi ko ideya ang gold and black nitong motif pero gusto ko ang sinisigaw nitjong kaelegantihan.
Medyo magaspang ang espesyal na papel na gamit at naka-imboss ang pangalan ko kaya marahan ko itong pinaraanan ng daliri.
"Hindi rin naman ako makapunta kaya mas mabuting ibigay mo na lang iyan sa iba."
Nag-angat ako ng mukha nang muli siyang nagsalita.
Saglit lang nagtama ang aming paningin dahil mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Too bad... your family and fiancee will be there," kunwari ay nanghihinayang kong sabi pero may ngiting nakasilay sa gilid ng mga labi ko.
Marahas ang ginawa niyang paglingon sa akin na nagpalapad sa ngiti ko.
Napuno nang galit ang kani-kanina lang ay blangko niyang ekspresyon.
"D-don't overstep your boundaries," matigas niyang wika. "I underestimated you."
"Once in my life, I also underestimated an opponent but it doesn't mean that I will not do some drastic measures if ever the situation will escalate against my favor," nakangiti kong pahayag habang nakipagsukatan ng titig sa kanya. "I just hope that you're also ready for that kind of situation," mapang-uyam kong dagdag.
Iglap lang ay halos magbungguan na ang dulo ng mga ilong namin dahil sa biglaan niyang pagkilos palapit sa'kin.
Napagtanto kong nagiging ganito lang kami kalapit tuwing ginagalit ko siya at kahit gano'n pa man ay di siya nagmintis na pakabugin ang uhaw kong puso sa kahit konting pansin mula sa kanya.
"Little girl, you have no idea what kind of devil I am," halos pabulong niyang anas sa mismong mukha ko. Gusto kong mapapikit dahil sa direktang paghampas ng mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko pero di ko kayang palampasin ang pagkakataong matitigan siyang muli nang ganito kalapit. "If I were you, you better run away from me before I'll totally lose it," marahas ang paghinga niyang dagdag habang naglalakbay ang kanyang mga mata sa buo kong mukha na para bang kinakabisado bawat anggulo nito.
Napakurap-kurap ako nang may kislap nang paghihirap akong nasilip sa kanyang mga mata na agad ding natakpan ng matinding galit.
May naramdaman akong pinong kurot sa puso dahil alam kong ako ang dahilan ng paghihirap na iyon.
Talaga bang mahirap akong mahalin?
Mabilis kong inalis lahat ng emosyon at ekspresyon sa'king mukha bago humakbang paatras mula sa kanya.
"Running is for the losers... I'll stay to tempt the devil himself," malamig kong pahayag bago siya nilampasan at tinungo ang pintuan palabas.
Di ko na pinansin ang pagkapatda sa mukha niya at walang lingon-likod siyang tuluyang iniwan.
Habang naglalakad palayo ay halos di ako makahinga sa lakas ng kabog ng puso ko.
I feel invincible after walking away from a confrontation with Franz without spilling my heart's content.
Muntik na ako roon pero sa huli ay 2 points sa'kin at 0 pa rin kay Franz.
Nang mapadaan ako sa isang trashcan ay pabalewala kong inihulog ang invitation card ns bitbit bago nagpatuloy sa paglalakad.
Who need an invitation if you can get crash a party and get away with it?