Chapter 3

1240 Words
“Why don’t you inform our daughters? This is a serious matter. We can’t just act and pretend as if nothing happened.” Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Pababa ako sa hagdan dahil katatapos ko lang maligo at mag-ayos ng aking sarili. May pasok kasi ako ngayon kahit Sabado. Hinahabol kasi namin ang ibang deadline ng aming project saka kailangan ko ring pumasok nang maaga dahil ayaw kong ma-late. Kapag eksaktong 8 pa kasi ako aalis, I'm sure, maabutan na naman ako ng traffic. Katabi ng hagdan ang office room nina Mommy at Daddy. Talagang ipinasadya nilang magkaroon ng office room dito sa bahay para makapagtrabaho sila rito kung ayaw nilang magpunta sa company. Napansin ko ring hindi naisara nang maayos ang pinto. Kaya dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan nang hindi nila napapansin. “What do you mean, Circe? I’ll announced to our daughters that our business is at the verge of getting bankrupt? You f*****g wanted me to tell them—” “Yes, Eziah! For Pete’s sake! They deserve to know the truth! We can’t just hide everything from them. This isn’t about us anymore, it’s about their future, their life!” mom exclaimed. Parang sinuntok naman ang aking puso sa naging sagot ni Mommy. Naisip pa rin pala niya kami kahit na nahihirapan na sila sa lagay ng mga business namin. Wala kaming alam tungkol dito. Mas lalong wala akong alam dahil ilang taon na rin akong hindi nakakapunta sa company namin dahil busy ako sa pag-aaral. Magmula kasi nang tumuntong ako nang third year college, mas naging mahirap ang lahat ng subject. Major subjects na kasi namin ang natitira at ang lakas kumuha nito ng time. Kahit na nasa bahay na ako, madalas akong nakatutok sa pag-aaral para lamang itaguyod ang subjects kong sobrang sakit sa ulo. Maliban pa roon, hindi alam ng mga kapatid ko ang tungkol dito sa bagay na ’to dahil patuloy lang sila sa paggastos. Kaya ba nag-zero balance ang ATM card ni Reverie dahil wala ng ipinapasok si Daddy na pera? Kasi ’yon lang naman ang naiisip kong possibleng isa sa rason pero hindi ko man lang nabigyan ng pansin. Buong akala ko kasi ay wala lamang time si Daddy sa paglagay ng pera sa mga ATM cards namin at magastos lang ang mga kapatid ko sa kanilang mga luho pero mali pala ako. “Hindi natin ’to puwedeng itago. Kailangan aminin natin—” “No! Hindi natin sasabihin ang tungkol sa pagbagsak ng mga business natin, Circe. May naisip akong paraan para umangat muli ang mga business natin,” wika ni Daddy. Nanatili akong nakasandal pader na malapit sa pintuan habang ako ay nakikinig sa kanila nang mataman. Gusto kong malaman kung ano ang naiisip ni Daddy na paraan. Kaso habang hinihintay ko, kumakabog ang puso ko. Para akong nabibingi dahil sobrang lakas nito at sobrang bilis na parang tumatakbo ako nang pagkalayo-layo. “Puwede naman kasi nating sabihin sa kanila. Aminin natin ang tungkol doon, Eziah. Kasi kailangan nilang malaman para hindi tayo namomoblema sa pera. Halos maubos na ang pera natin. Sakto na lamang 'yon para sa pag-aaral ng mga anak natin,” pagpipilit ni Mommy na may bahid pa ng lungkot at sakit ang kaniyang puso. I understand my mom. Siya ang ina ng tahanan ngunit parehas silang naghahanap buhay ni Daddy. Uuwi silang pagod mentally at physically tapos waldas lang nang waldas ang aking mga kapatid na akala mo ay mas lalong dumadami ang pera namin. Mahirap maging magulang pero mas mahirap kapag ang unti-unti mong pinaunlad nang ilang taon ay bigla na lamang nalulugmok sa putikan. “No! I need Khione to get married to an elite. Maiaangat niya ang kompanya kapag naikasal siya sa taong kilala na sa industriya! Siya rin lang naman ang magmamana nang lahat. I need her to do something about our business, Circe!” Umigting ang aking panga sa naisip na paraan ni Daddy. Hindi naman makatarungan ’yon sa side ko. Oo, ako ang magmamana dahil ako ang panganay sa lahat pero hindi dapat sa ganitong paraan. Para ko na rin kasing hinayaan ang sarili ko at ibenta sa kung kanino para lang iangat ang mga business na hawak ko. That’s adsurb! Hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na ’yon. Gagawa ako ng paraan pero hindi sa ganitong bagay. Iisip ako nang magandang plano. Kung kailangang kumapit ako sa patalim para lamang iangat ang mga business na mayroon kami, gagawin at gagawin ko ’yon. Huwag lang ang magpakasal at gumamit nang ibang tao para sa aking kagustuhan. Kumirot man ang puso ko sa nangyari, iwinaksi ko iyon sa aking isipan at mabigat sa damdamin kong nilisan ang aming bahay. Balak ko pa sanang um-attend pero mukhang kailangan ko yatang magpahangin para pakalmahin ang aking sarili. Kapag kasi gano’n kabigat ang nalaman ko, hindi ko kayang manahimik at makapagtrabaho. Kailangan kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko para lamang hindi ko ’yon dalhin hanggang sa mga susunod na araw. Kapag kasi napuno na ako, possible na mag-breakdown ako at ’yon ang kailangan kong iwasan. Kilala ako bilang matapang, hindi umiiyak, hindi nasasaktan. Kaya kong itago lahat maliban ang pagiging mataray ko o pagsusungit. Self-defense ko ang pagiging gano’n. Ayaw ko kasing gamitin nila sa akin ang bagay na ’yon para lang sila ay umangat. Ako ang panganay sa aming magpipinsan at magkakapatid. Si Daddy rin ay ganoon, panganay siya sa magkakapatid. Kaya talagang kailangan kong maging malakas at maging matapang dahil ako ang susunod sa kaniyang yapak. Ako ang sasalo ng mga responsibilidad niya kapag gusto na niyang bitawan ang kaniyang puwesto bilang owner ng mga business namin. Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan hanggang sa hindi ko napansin na malayo na pala ang narating ko. Napunta ako sa Marivelas, Bataan para lamang magpahangin. Hindi naman ako takot na umuwi mag-isa dahil sanay naman akong magbiyahe nang malayo. Saka may sarili naman akong sasakyan. Kaya ayos lang kahit umabot ako hanggang Ilocos Norte. Nakapag-text na rin ako sa mga ka-group ko sa project namin na hindi ako makakapunta dahil nga may inaasikaso akong importante. Mabuti at hindi na nila pinilit ang kanilang kagustuhan. Pagkababa ko ng sasakyan, doon ko lamang napansin na may katabi pala akong pulang sports car. Halatang limited edition ’to dahil ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Hindi rin kasi ako maalam sa mga sasakyan dahil hindi ko naman hilig ang mga ganiyan. Itinuon ko na lamang ang aking pansin sa harapan ko na kung saan ay humahampas ang alon sa dalampasigan. Naglilikha ’to nang malakas ngunit kalmadong tunog habang niyayakap naman ng hangin ang aking balat. Itinangay rin ang aking mahabang buhok na mabilis ko namang inipon gamit ang aking kanang kamay. Kahit tirik na tirik ang araw dahil halos mag-alas dose na, hinayaan ko lang ang sarili kong mabilad dahil hindi naman masakit sa balat ang sinag nito. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ko na naman ang sinabi ni Daddy na gusto niyang ikasal ako sa mayaman at kilalang businessman para lang iangat ang business namin. So, hindi pala anak ang turing niya sa akin kung gano’n? Ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin pero ang marinig sa kaniya ang gano’ng bagay, ang hirap paniwalaan. “Hey,” saad nang kung sino. Mabilis akong napalingon sa aking kaliwa at tumambad sa akin ang guwapong lalaki na halatang may dugong banyaga kagaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD