bc

Gideon Rayne Smirnov (SSPG)

book_age18+
2.6K
FOLLOW
25.0K
READ
escape while being pregnant
playboy
badboy
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
serious
scary
lies
love at the first sight
addiction
actor
like
intro-logo
Blurb

Hearts Aligned Series #1 - Erotic novel

Si Nyxia Khione Levin ay isang college student at panganay sa magkakapatid. She’s an outstanding student ever since. Maaga rin siyang namulat sa lahat dahil sumasama siya sa kaniyang mga magulang sa pagpunta sa charity o hindi kaya donation area para tumulong. Hinubog siya ng kaniyang mga magulang para maging isang tagapagmana ng kanilang mga business.

Ngunit isang araw, ang mundong akala niya’y aayon sa kaniya ay unti-unting naglalaho. Ang mga magulang niya ay madalas mag-away dahil nalulugi na ang kanilang business at ang tanging paraan lang daw para maisalba ay magpakasal siya sa kilalang businessman para iangat ang kanilang business.

She’s mad. Hindi niya inaakala na ganoon ang mangyayari sa kaniyang buhay. Ayaw naman niyang sisihin ang mga kapatid niya dahil wala naman silang alam masiyado. Nilisan niya ang bahay nila nang mabigat ang kaniyang puso. Gusto muna niyang magpahinga sana at makahinga nang maayos dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya.

“How much do you need? Millions? Billions? Trillions? Name it,” he asked using his arrogant voice.

Ang akala niyang magpapahangin sana para makahinga siya nang maayos ay mukhang naging tulay pa para madagdagan na naman ang problema niya dahil sa lalaki.

“I need you to pretend to be my woman so my parents won’t intrude on me,” dagdag pa nito.

Tanggapin kaya niya ang offer nito nang hindi nahuhulog sa isang guwapo, mayaman at kilalang businessman sa buong mundo?

O

Hahayaan niya ang kaniyang sarili na malugmok hanggang sa hindi na sila muling makaangat?

chap-preview
Free preview
Gideon Rayne Smirnov
Gideon Rayne Smirnov Hearts Aligned Series #1 Nyxia Khione Levin “What do you mean?” ninenerbyos na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. He smirked before combing his chestnut straight hair using his fingers. I gulped, not minding his intense stare because I was so busy with his fingers running in his hair. Nagkakilala lang kami kanina pero kung makipag-usap sa akin ngayon ay akala mo naman matagal na kaming magkakilala. Gusto ko lang namang magpunta rito ngayon sa lugar na ito para sana magpahangin pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtama ang mga mata namin. “You know what? Mas mabuti pang umuwi na lang ako. We're not even close,” matapang na saad ko para putulin ang nakakabinging katahimikan. Hindi siya nagsalita at nakatingin lamang sa aking gawi. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko. Mukha naman kasi siyang hindi Pilipino para makipag-usap ako sa kaniya gamit ang Tagalog. Mas maganda ring umuwi na lang din ako dahil baka mamaya ay hinahanap na nila ako. Kahit naman masama ang loob ko dahil nag-aaway na naman ang mga magulang namin dahil na naman sa properties, hindi ko kayang magalit sa kanila nang malala. Malulugi na kasi ang negosyo namin at ang tanging paraan para maisalba raw ito ay maghanap kami ng taong kilala na sa business world para raw maiangat namin muli ang mga business namin. Ayaw ko naman iyon. Ang tanging gusto ko lamang ay ikasal sa taong mahal ko. Pihikan nga ako sa mga manliligaw ko tapos gusto ni Daddy na ikasal ako sa mayaman? Paano naman kung hindi guwapo at masama ang ugali? Ano naman ang mapapala ko sa ganoon? Hindi ko naman kayang magtiis sa mga ganiyang klaseng lalaki. Matagal kong inalagaan ang sarili ko tapos ito ang gusto ni Daddy para sa akin? Ang ikasal sa taong hindi ko mahal at tanging yaman lang ang maipagmamalaki? Hindi naman ako tanga para gawin ang bagay na iyon. Mahal ko sila pero mas mahal ko ang sarili ko. “How much do you need? Millions? Billions? Trillions? Name it,” he asked using his arrogant voice. Alam kong mayaman siya pero hindi ko naman alam na masama pala ang ugaling mayroon siya. Aminado naman akong naaakit ako sa kaniyang offer pero hindi ko gusto ang ganito; maging alipin ng pera para lang iligtas ang mga business namin. Ikinuyom ko ang aking kamao habang iniisip ang maaaring mangyari kung sakali man na pumayag ako sa gusto niya. Oo nga't maiaahon namin sa pagkalugi ang mga business namin pero baka kasi mamaya ay biglang magbago ang isip niya at ipabayad sa akin ang ibinigay niyang pera. “I need you to pretend to be my woman so my parents won’t intrude on me,” dagdag pa nito. Madali lang naman ang gusto niyang gawin ko. Magpapanggap lang ako bilang babae niya pero dapat ay hindi ako mahuhulog. Pagkatapos kasi niya akong gamitin, possible na iwan na lang niya ako basta. Kaya ko namang hindi magkagusto sa kaniya at madali lang din naman ang kailangan niya sa akin pero bakit natatakot ako para sa sarili ko?

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook