Chapter 4

1236 Words
Hindi ko siya pinansin. Minabuti kong tumingin muna sa harapan para i-admire muna ang dagat na sobrang ganda. Magmula kasi sa dagat hanggang langit, asul ang nakikita ko. May mga dumadaan namang ulap pero hindi naman siya gano’n kahalata. Saka mas maganda rin naman kasing titigan ang langit nang walang ulap lalo na kapag nasa tabing-dagat ako. Kapag naman nasa bahay; mas gusto kong makulimlim o hindi kaya ay umuulan. Tipid kasi sa kuryente madalas dahil hindi na kailangan pang buksan ang air conditioner. May solar panels kami pero bilang isang panganay at sensitive sa mga bagay-bagay, ayaw kong maging magastos dahil mahal din naman ang maintenance ng mga ’yon. Kuripot ba ako? Siguro pero sa akin lang. Pagdating kasi sa iab, napapagastos ako at hindi ko napapansin na malaki na pala ang bill na babayaran ko. Bumuga ako ng hangin nang maalala ako ang mga binitawang salita ng mga magulang ko. Mukhang matagal na nilang problema ’yon dahil sabi nga ni Mommy, hindi puwedeng itago ’yon habang-buhay. Kaya siguro napapadalas na pagod sila physically at mentally dahil may problema na pala sila sa mga hawak naming business. Kung sana sinabi nila nang mas maaga, baka matulungan ko silang iangat kahit na hindi ako ganoon kagaling sa business. Yes, marami pa akong kakaining bigas para maging magaling at makilala sa industriya pero hindi naman kasi ibig sabihin no’n, itatago na nila tapos ngayon na malapit ng ma-bankrupt ay saka nila sasabihin sa akin. “The scenery is beautiful, right?” Kumunot naman ang noo ko dahil nagsalita na naman ang lalaking nanggulo sa akin kanina. Hindi kami close at first time ko lang siyang makita rito. Hindi nga ako sigurado kung saang lugar ba siya nakatira pero base sa kaniyang facial features, may lahi siyang Russian. Kinagat ko ang aking dila para pigilan ang sarili kong magtalak sa lalaking ito. Kumukulo na ang dugo ko sa mga kagaya niyang maingay. Alam na nag-iisip ang tao at gustong manahimik, saka naman guguluhin. “But you’re more than beautiful to be my partner,” wika niya gamit ang kaniyang baritonong boses. Napantig ang aking tainga sa naging pahayag niya dahil hindi ko alam kung sa akin ba siya nakikipag-usap o kung may katawag siya sa kaniyang cellphone. Lumingon ako sa kaniyang gawi ngunit hindi ko inaasahan ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin magmula pa kanina. Bakit naman hindi ko naramdaman ang titig niya? Kanina pa ba niya ako tinitingnan o talagang hindi ko lang maramdaman ang nasa paligid ko dahil masiyado akong tutok sa pag-iisip sa problemang mayroon ako? “What do you mean?” ninenerbyos na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. He smirked before combing his chestnut straight hair using his fingers. I gulped, not minding his intense stare because I was so busy with his fingers running in his hair. May bughaw siyang mga mata na nahahaluan pa nang berdeng kulay. Sa sobrang lalim din ng kaniyang pagtitig sa akin, hindi ko namalayan na kumakalabog na ang puso ko sa nerbyos. Paano kung may balak siyang masama sa akin nang hindi ko napapansin? Kapag ibang lahi pa man din na hindi ako pamilyar ay nakakatakot silang lapitan. Iba kasi ang nakaugalian nila sa nakaugalian ko. Lumaki ako sa Pilipinas pero bumibisita kami madalas sa Russia kapag may time kami. Ang kaso nga lang ay saglit lang ang pagbisita namin doon dahil hindi inaabot nang taon. Nagkakilala lang kami kanina pero kung makipag-usap sa akin ngayon ay akala mo naman matagal na kaming magkakilala. Gusto ko lang namang magpunta rito ngayon sa lugar na ito para sana magpahangin pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtama ang mga mata namin. “You know what? Mas mabuti pang umuwi na lang ako. We're not even close,” matapang na saad ko para putulin ang nakakabinging katahimikan. Hindi siya nagsalita at nakatingin lamang sa aking gawi. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko. Mukha naman kasi siyang hindi Pilipino para makipag-usap ako sa kaniya gamit ang Tagalog. Mas maganda ring umuwi na lang din ako dahil baka mamaya ay hinahanap na nila ako. Kahit naman masama ang loob ko dahil nag-aaway na naman ang mga magulang namin dahil na naman sa properties, hindi ko kayang magalit sa kanila nang malala. Malulugi na kasi ang negosyo namin at ang tanging paraan para maisalba raw ito ay maghanap kami ng taong kilala na sa business world para raw maiangat namin muli ang mga business namin. Ayaw ko naman iyon. Ang tanging gusto ko lamang ay ikasal sa taong mahal ko. Pihikan nga ako sa mga manliligaw ko tapos gusto ni Daddy na ikasal ako sa mayaman? Paano naman kung hindi guwapo at masama ang ugali? Ano naman ang mapapala ko sa ganoon? Hindi ko naman kayang magtiis sa mga ganiyang klaseng lalaki. Matagal kong inalagaan ang sarili ko tapos ito ang gusto ni Daddy para sa akin? Ang ikasal sa taong hindi ko mahal at tanging yaman lang ang maipagmamalaki? Hindi naman ako tanga para gawin ang bagay na iyon. Mahal ko sila pero mas mahal ko ang sarili ko. “How much do you need? Millions? Billions? Trillions? Name it,” he asked using his arrogant voice. Sa paraan pa lang ng kaniyang pagsasalita, halatang mayaman na ang lalaking ’to. Limited edition nga na sasakyan ay sumisigaw na nang karangyaan ang dating niya. Alam kong mayaman siya pero hindi ko naman alam na masama pala ang ugaling mayroon siya. Aminado naman akong naaakit ako sa kaniyang offer pero hindi ko gusto ang ganito; maging alipin ng pera para lang iligtas ang mga business namin. Ikinuyom ko ang aking kamao habang iniisip ang maaaring mangyari kung sakali man na pumayag ako sa gusto niya. Oo nga't maiaahon namin sa pagkalugi ang mga business namin pero baka kasi mamaya ay biglang magbago ang isip niya at ipabayad sa akin ang ibinigay niyang pera. “I need you to pretend to be my woman so my parents won’t intrude on me,” dagdag pa nito. Madali lang naman ang gusto niyang gawin ko. Magpapanggap lang ako bilang babae niya pero dapat ay hindi ako mahuhulog. Pagkatapos kasi niya akong gamitin, possible na iwan na lang niya ako basta. Kaya ko namang hindi magkagusto sa kaniya at madali lang din naman ang kailangan niya sa akin pero bakit natatakot ako para sa sarili ko? “Shut your mouth! I don’t even need your money,” sambit ko para tanggihan ang kaniyang offer. Kung trillions ang ibibigay niya sa akin, hindi kaya sila maubusan ng pera? Mukha rin kasing kaya niyang magbigay ng pera na quadrillion pa. Puwedeng-puwede ko na ring iangat ang company namin dahil sa kaniyang offer. Madali lang naman ang gusto niya. Ang maging girlfriend niya sa harap ng kaniyang mga magulang para tantanan. Ang problema ko lang ay hanggang kailan? Hindi ba ako mahuhulog sa kaniya? Aakto kami na parang magkasintahan. Siguradong magaganap ang halikan o yakapan para magmukhang sweet pero hindi ko naman ugali ’yon kahit guwapo pa siya. Tumalikod ako sa kaniya para harapin ang aking puting sasakyan. Mabilis kong binuksan ang pinto ng aking kotse para makaalis na ako sa lugar na ’to. “Ten trillion pesos per hour. Pretend to be my girlfriend.” Tumigil sa ere ang aking kamay pagkabukas ko ng pinto. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero trillion? Pesos? Seryoso ba siya o ginagago lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD