Chapter 2

1283 Words
“How’s your day, Khione?” mom asked. I rolled my eyes before kissing her cheek. I even heard my sibling shouting outside, but I shrugged my shoulders. Magdusa siyang buhatin ang mga gamit niya. “Not good, mom. What do you expect?” sagot ko sa kaniyang tanong nang makatayo ako nang maayos. “Binigyan ka na naman ba ng kapatid mo nang sakit ng ulo?” she whispered. “Mom, ano pa bang bago?” pagod kong tanong sa kaniya, “Palagi naman siyang ganiyan pero gosh! Kung alam mo lang, mom, kung ano ang nangyari.” “Why? What happened—” “Ate Khione!“ Reverie shouted, “Don’t tell mom about that!” “Shut your filthy mouth, Reverie! I can’t tolerate your attitude!” sita ko kaagad sa kaniya nang makapasok siya. Lumingon ako sa kaniya at ang bumungad sa akin ay ang kaniyang salubong na kilay. Marami siyang hawak na paper bags at ’yon ang mga pinamili niya kanina. Mukha siyang sasabog sa inis dahil pulang-pula ang mukha niya sa sobrang inis pero hindi ko siya puwedeng itago na lamang. “Iyang anak mo, mom, bumili ng mga maraming damit nang hindi tinitingnan kung may pera ba ang cards niya,” pagsusumbong ko sa aking kapatid, “Sinundan pa siya ng guard sa labas habang hinihintay ako! Kung hindi niyo ini-spoiled ’yang dalawa mong anak, mom; sana hindi sila gumagawa ng eksena sa public place!” “Ate!” she exclaimed, but I just rolled my eyes at her before glancing at our mom, who looked shocked. “I’ll ground them, mom. I don’t tolerate these kind of attitude,” paliwanag ko bago magtungo sa second floor ng aming bahay para makahiga na ako. Narinig ko pang umangal ang kapatid ko pero hindi ko na pinansin. Kung madalas silang gumastos ng luho nila na aabot sa ilang milyon, mas mabuti pang grounded sila rito sa bahay. Walang gadgets. Walang lalabas. Manonood lang, kakain at matutulog. Tumubo na kasi ang mga sungay nila at kailangan kong putulan ’yon hanggang sa sila ay makahanap na ng lalaking magmamahal saka mag-aalaga sa kanila. But for now, ako na lang muna ang gagawa no’n. Binasa ko ang aking ibabang labi nang makarating ako sa aking kuwarto. Nanuyo kasi ang lalamunan ko at mukhang kailangan kong uminom ng calamansi para agapan ang lalamunan ko. Baka mamaya ay magkaroon na ako ng ubo. Binasag ng cellphone ko ang katahimikan nang bigla itong tumunog. Kaya kumunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. I wasn’t expecting someone to call my phone number. Kaya hindi ko talaga sigurado kung sino ang tumatawag. Kinuha ko naman ang aking cellphone sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang caller ID. “Gwynne?” bulong ko sa aking sarili. Bakit siya tumatawag? Sinagot ko naman ang kaniyang tawag at saka inilagay ’to sa tapat ng aking tainga. “Ate, I’ve heard what happened to Reverie—” “May mga nakaalam na?” tanong ko sa aking pinsan. She’s Nyrah Gwynne Levin. Third year college student na siya at same campus kami ng pinapasukan. Kaya nga minsan ay magkakasama kaming magpipinsan dahil hindi naman nalalayo ang room niya sa aking room. Same course rin naman kaming lahat, Bachelor of Science in Business Administration. Lahat ng mga magulang namin ay may mga business. Kaya talagang kailangan namin kumuha ng Business Administration na course para matuto kami sa pagpapatakbo ng business. Hindi kasi sapat ang experience lang. Kailangan ay matutunan namin ’to dahil seryosong usapan ang business. Hindi kami nagwawaldas lang ng pera para sa wala. “May mga kumalat sa social media platforms, ate. Kaya napatawag po ako kaagad dahil may mga lumilitaw na pong articles,” pahayag ng pinsan ko. Kauuwi ko lang. Na-stress ako sa project namin, na-stress pa ako sa kapatid ko tapos ’tong issue naman niya sa social media dahil sa nangyari kanina? “Walang laman ang ATM card niya kaya tumawag siya sa akin. Hindi ko naman alam na umabot sa dalawang milyon ang na-punch ng cashier,” paliwanag ko at napahawak sa aking sintido. Mukhang mauubusan ako ng dugo sa kapatid ko. Wala pa sa kalahati ni Reverie ang ugali ni Maven. Kaya kapag umatake ang pagiging spoiled brat niya, idadamay ko siyang dalawa sa pagiging grounded niya. “Hindi talaga maubos-ubos ang mga luho nila.” Napailing naman ako sa sinabi ng pinsan ko at ipinatong ang aking bag sa mesa bago magtungo sa aking banyo nang ako ay makapag-half bath na. “Ako na ang bahala roon, ate. Kakausapin ko si Daddy,” pagpapakalma sa akin ng pinsan ko. “Salamat, Gwynne. Sakit kasi talaga sa ulo ang mga kapatid ko.” Isinara ko ang pinto at tiningnan ang reflection ko sa salamin. Namumula ang mukha ko dahil sa inis at stress. Sensitive kasi talaga ang balat ko. Maybe because I’m not a pure Filipino tapos mas malakas pa ang dugo nang pagiging Russian ko. Mukha akong hindi Pinay pero kapag narinig nila akong nagsalita nang Tagalog o Filipino, magugulat sila. I can’t blame them though. Mas malakas ba naman ang pagiging Russian ko kaysa pagiging Filipino. Sinuklay ko naman ang aking straight at blonde kong buhok gamit ang aking mga daliri habang tinititigan ang bughaw kong mga mata sa salamin. Ang kapal ng aking kilay ay eksato lamang. Kulay itim ’to at naahit lamang nang kaunti sa gilid nito. Ang aking pilik-mata naman ay makapal, mahaba at paalon. Kaya nagmumukha akong naka-eyelash extension kahit na hindi naman. Matangos din ang aking ilong at may iilang pekas din ako sa aking pisngi lalo na sa aking ilong. Siguro ay dahil sa kaputian ko na rin at dahil sa lahi namin. Ang aking mapupulang labi naman ay natural talaga. Hindi ako gumagamit nang kung anong lipstick maliban na lamang sa lipgloss para magmukhang healthy ’to tingnan. “Ayos lang po, ate. Wala naman pong kaso ’yon. I think, Dad already know about that, ate,” natatawang sambit ng aking pinsan na nagpangisi sa akin. For sure, nakarating na sa Daddy ko ang tungkol sa nangyari. Kaya tinawagan na niya ang kaniyang kapatid tungkol sa issue ng anak niya. “Hindi malayong mangyari ’yan. Malakas ba naman ang pang-amoy ng mga Levin.” Umiling ako at inabot ang aking facial wash. Kailangan kong maghilamos dahil galing ako sa labas. Punong-puno ng dumi ang aking mukha at katawan. Ayaw ko pa namang magkaroon ng pimples saka acne. Kaya kailangan ay maalaga ako sa katawan ko kahit na minsan ay nakakatamad talagang gawin. “Ate,” pagtawag ng aking pinsan habang pilit kong binubuksan ang facial wash ko gawin ang isang kamay. “Hmm?” “Do you have boyfriend po ba?” tanong ni Gwynne sa kabilang linya. Napaangat naman ang aking kilay at inilayo ang cellphone sa aking tainga para i-loudspeaker ang aming tawag. “Wala naman,” bulong ko, “Marami akong manliligaw, yes. Pero wala pa akong napupusuan sa kanila.” Pihikan ako sa lalaki. They handsome, but masama kasi ang ugali nila. May hambog, babaero, basagulero, malandi at kung anong klaseng kasamaan pa ng mga ugali na mayroon sila. Halos lahat sila ay may issue at ayaw ko naman nang ganoon. Mataas ang standard ko sa isang lalaki kahit hindi pa ako ang tipo nila. Gusto ko kasi ay mabait, sensitive sa lahat ng bagay, maalaga, mapagmahal at gusto akong bigyan nang magandang buhay. Bonus na sa akin kung guwapo pero kung guwapo naman at saksakan nang masamang ugali? No. No thanks. “Sabi-sabi kanina sa campus na may boyfriend ka na po. Kaya naitanong ko, ate.” Nalaglag naman ang aking panga sa naging turan ng aking pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD