“Wala akong naaalalang pumayag ako,” mariing wika ko habang nakatingin sa kaniyang gawi nang masama. Lumingon siya sa aking puwesto saglit pero mabilis niyang itinuon ang kaniyang mga mata sa harapan habang siya ay nagmamaneho. Isinama niya ako rito sa kotse niya at ang rason niya sa naiwang kotse ko? Mga bodyguard na raw niya ang bahala. Hindi naman siya nagsinungaling sa bagay na ’yon dahil nakita ko sa side-view mirror na sumusunod sila sa amin. Medyo naiilang nga lang ako dahil gusto niyang sumama talaga ako sa kaniya at maging passenger princess kahit na labag sa kalooban ko. “Hindi ko tinatanggap ang offer mo,” dagdag ko pa pero nanatili siyang nagmamaneho at parang walang naririnig. Bumuga tuloy ako ng hangin at pinagkrus ang aking mga bisig sa aking dibdib. Naiinis ako sa lala