Chapter 5

1269 Words
Lumingon ako sa aking likod para silipin ang lalaking bigla-bigla na lang mag-offer ng pera na gano’n kalaki. Akala mo naman ay tumatae siya ng pera para iwaldas na lang basta-basta. Ten trillion per hour? Ano ’yon? Ang hirap kumita ng pera pero kung magwaldas siya, parang barya lang. Nakapamulsa na siya na ngayon habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Nakatingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya sa akin. 6 footer ba ’to? Halos higante na sa paningin ko dahil 5'8” lang ako. “Siraulo ka ba?” bulalas ko na lang bigla dahil masisiraan yata ako nang bait sa lalaking ’to. Nakakalula ang pera na mayroon siya pero hindi naman ako mukhang pera para tanggapin ang offer na ’yon. Masiyadong malaki. Baka mamaya ay sabihin pang magnanakaw ako kahit hindi naman. Ang mga kagaya kasi niyang sobrang yaman, kayang baliktarin ang mga kuwento para lang umayon sa kanila ang lahat. Alam na alam ko ’yon dahil nasabihan naman na ako ng mga magulang ko noong bago pa lamang ako sa business world. Kahit na gaano pa kalaki ang pera na i-offer nila, dapat hindi ako mauuto. Ngumisi siya sa aking sinabi na parang naiintindihan niya ang murang binanggit ko sa kaniya. Kaya napaangat ang aking kilay habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Lumalabas na naman ang pagiging maldita ko at mukhang kinakailangan kong pigilan ’to para lamang hindi magkaroon nang gulo. “I’m not. Desperado lang ako para magkaroon ng girlfriend,” saad niya para i-defend ang kaniyang sarili. Nanglaki naman ang aking mga mata sa gulat dahil naiintindihan niya ang Tagalog. Ang mas nakakagulat pa ay marunong siyang magsalita nang Tagalog! “Did you just—” “I know how to speak Filipino, miss. May lahi akong Filipino but dominant ang pagiging Russian ko because of my father,” he explained, leaving me dumbfounded. So, he’s also a Russian like me? Kaya ba mukhang may lahi siyang Russian? The heck? Small world? I shook my head, “Still, ayaw ko pa ring maging girlfriend mo. Wala rin akong pakialam sa pera mo.” Wala talaga akong pakialam kahit na natutukso akong tanggapin ang pera niya. Ang tanging nasa isip ko na lang kasi ngayon ay kung paano ko maiaangat sa pagkalugi ang mga business namin. Ang mga gan’tong offer ay hindi dapat tinatanggap. Mas mabuti pang makipag-negotiate na lang ako sa kaniya dahil mukhang kilala naman sila sa industry. Mas katanggap-tanggap pa ang gano’n dahil hindi ko kailangang magpanggap. At least, professional ako sa lagay na ’yon at ang tanging iisipin lamang ay ang business na hahawakan ko. “But I care! Could you act as my girlfriend? If you don’t want ten trillion pesos, then I’ll f*****g make it as twenty trillion pesos just to be my woman,” pamimilit pa niya sa akin. Napahawak naman ako sa aking sintido dahil pumintig na naman ’to. Ganitong-ganito ako kapag ma-i-stress. Kaya as much as possible, kailangan kong pigilan ang mainis at magalit sa mga tao kahit na nakakaubos talaga sila ng pasensiya. “Act lang ba? Anong klaseng acting ba ang kailangan mo?” tanong ko bilang pagsuko. Hindi ko naman tatanggapin ang pera pero magtatanong lang ako nang mapag-isipan ko kung anong klaseng acting ba ang gusto niya. Naging seryoso ang kaniyang mukha sa naging tanong ko at niyakap ko naman ang aking sarili habang hinihintay ang kaniyang sagot. Kung aakto lang kami bilang magkasintahan, parang kailan naming maging touchy sa isa’t isa para kapani-paniwala ’yon sa harapan nila. Kailangan ko siyang yakapin palagi, humawak sa kaniyang braso, hayaan siyang akbayan ako, halikan siya sa harapan nang kung sino para hindi makatunog ang mga magulang niya na umaakto lang kami. Shit! Iniisip ko pa lang ang gano’ng senaryo, kinikilabutan na ako sa pangdidiri. Pihikan ako sa lalaki at hindi ko naman siya gusto o mahal kaya normal lang sa akin ang mangdiri dahil wala naman akong nararamdaman sa kaniya bukod sa inis. “We will kiss in front of them, throw sweet words, be very clingy to each other, dates, and we will do that.” Umangat naman ang aking kilay sa kaniyang sinabi. Hindi kasi kumpleto ang sinabi niya. Kaya medyo naguguluhan ako lalo na sa sinabi niyang gagawin namin. Ang alin ba? “What do you mean we will do that?” pang-uusisa ko pa sa kaniya. He licked his lower lip without breaking our eye contact. Hindi ko alam kung dapat ba akong maakit sa ginawa niya lalo na nang maramdaman kong medyo napalibutan kami nang hangin. “Make love. I’m a man with needs—” “That’s bullshit! Ang sabi mo lang ay aakto ako bilang girlfriend mo at hindi asawa! Kaya bakit kailangan kasama ang bagay na iyan?” gulantang na tanong ko sa kaniya. Totoo naman kasi! Aakto lang kami bilang magkasintahan pero bakit naman aabot sa gagawin namin ang bagay na ’yon? Hello? Hindi naman ako nakikisiping sa kung sino. Pihikan na nga ako sa lalaki tapos gagawin pa namin ang bagay na ’yon? “That’s why I offer you ten trillion pesos per hour because I have needs, woman. I can’t just f**k someone while we’re together. Paano nila tayo papaniwalaan kung ginagawa ko iyon sa iba? Can’t you understand—” “Hindi! Ang sabi mo lang kasi ay aakto ako bilang girlfriend mo. Hindi mo naman sinabi na parang f**k buddy ang hanap mo—” “Look, woman. I’m a man. I need—” “Shut up!” sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi naman siya nagsalita sa naging reaksiyon ko at nakatingin lamang siya sa akin nang kalmado ang kaniyang mukha. Nonchalant ba siya o talagang cold lang ang kagaya niyang Russian na lalaki? Sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko kasi talaga siya maintindihan kaya napipikon ako. Ang hirap talaga kapag maiksi ang pasensiya, mabilis magalit. “Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba para tapos ang usapan?” naiinis na tanong ko sa kaniya. “I can’t do that. Wala akong planong makipagsiping sa kagaya mong lalaki kahit pa gaano kayo kayaman o kaguwapo.” Nagba-base ako sa ugali. Bonus na lang kung guwapo o hindi kaya ay mayaman. Ang mahalaga talaga sa akin ay ang ugali dahil aanhin mo ang guwapo at kayamanan kung pangit naman ang pag-uugali? Nananakit ng babae? Walang pakialam sa nararamdaman ng girlfriend niya? Huwag na lang. Saka bakit ba kailangan niya ng girlfriend? Bakit hindi siya tinatantanan ng mga magulang niya? Dahil ba mukha siyang babaero? Nalukot ang mukha ko nang maalalang gusto pala niyang gawin namin ang bagay na ’yon. Siguro, ’yon ang rason kung bakit siya ginugulo ng mga magulang niya. Kasi babaero siya at walang balak magseryoso sa buhay. Gusto lang niyang tumikim nang tumikim hanggang sa magsawa siya. Marami na rin siguro siyang body counts. Baka mamaya ay makakuha pa ako ng sakit. “My parents wanted me to get married to a Russian woman. That’s why I tried to offer you money because you’re one of us,” paliwanag niya. Umirap naman ako sa kaniya at nilingon ang dagat na ngayon ay naging mahina na ang mga alon. “Ang hirap makahanap ng Pinay na may lahing Russian,” dagdag pa nito pero hindi ako makaimik. “Hanggang sa tigilan lang naman nila ako sa pagpapakasal saka matatapos ang contract natin.” “I’ll think about it,” simpleng sagot ko. “No. You’ll accept my offer and act as my girlfriend today.” Marahas akong napalingon sa kaniyang gawi at minura-mura siya sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD