Chapter 1

1313 Words
Nyxia Khione Levin’s Point of View “Ate Khione!” sigaw ni Reverie nang ako ay makababa sa aking sasakyan. Kita kong ninenerbyos siya. Kaya napaangat ang aking kilay dahil mukha siyang problemado. Wala kasing kakulay-kulay ang kaniyang mukha at mukhang kanina pa ito kinakabahan sa hindi malamang dahilan. “Why? What happened? You looked,” sinuyod ko ang kaniyang mukha at lumilitaw ang mga ilang butil ng pawis sa kaniyang noo, “tense.” She’s my sister, Delythena Reverie Levin, the middle child of our family. Her wavy yet bouncy blonde hair makes her attractive. Dahil nga may lahi kaming Russian, half kung baga, mas litaw na litaw ang kaputian at mga iilang pekas sa kaniyang mukha. Hindi naman ito halata masyado kung biglang tingin. Kaso kapag tinitigan mo na talaga, litaw na litaw ito. Half Russian at Half Filipino kami. Both parents kasi namin ay may kalahating dugong Russian at Filipino. Kaya naging Half Russian at Half Filipino rin kami. May mga iilang business din kami sa Russia pero mas marami kaming business dito sa Pilipinas dahil dito na namalagi ang mga grandparents namin. Marami silang successful na business hanggang sa ipinamana nila iyon sa mga magulang namin hanggang sa umunlad nang umunlad. “Well, nag-zero balance ang card ko at marami po akong na-i-punch sa cashier,” paliwanag ng kapatid ko. Mas lalo namang lumalim ang pagkakakunot ng aking noo dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito. “What do you mean? Nag-zero balance ang ATM card mo?” nalilitong tanong ko sa kaniya. Malabong mangyari iyon dahil marami namang karga ang ATM namin pero iyong marinig ko sa kaniyang ubos na ang pera sa ATM niya, parang nakakapagtaka naman ang bagay na iyon. “Yes, ate. I didn’t know, okay? Please don’t be mad at me,” panunuyo niya sa akin at niyakap pa ang aking braso. Aside from Reverie being spoiled brat, mas malala pa ang bunsong kapatid ko na si Heather Maven Levin. Sakit sila sa ulo dahil hindi sila marunong mag-budget. Palagi silang may binibili sa online! Magugulat ka na lang ay may paparating na silang parcel tapos wala pa silang cash. My gosh! Mayaman nga kami pero hindi naman sila marunong mag-budget. Hindi naman maganda ang ganoong gawain dahil pera lang naman iyon kaso hindi nila alam gamitin sa tamang paraan. Pumintig ang aking sintido sa sinabi ng aking kapatid. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga ginawa niyang kalokohan ngayon o maiinis dahil madadali na naman ang savings na mayroon ako. “Ma’am, hindi pa ba kayo papasok para magbayad? Nandito na po ang kapatid niyo.” Lumingon ako sa lalaking nagsalita at doon ko napagtantong sinundan pala siya ng security guard. Hindi na nahiya! Nagmukha tuloy siyang nagnakaw dahil lang sa pamimili niya tapos wala naman siyang pera sa card niya! “Can't you just wait? I’m trying to explain it to her. Magbabayad naman ako,” masungit na sagot ng kapatid ko. Paglingon ko sa gawi ng aking kapatid, napansin ko kung paano siya umirap sa guard at kung paano pa siya mag-cross arms. Seriously? Nagagawa pa niyang magsungit kahit na hindi naman niya mabayaran ang ipinamili niya? “Magkano na naman ang nagastos mo, Reverie?” tanong ko sa kaniya nang may diin. Mukhang kailangan ko na kasing turuan ang kapatid ko para mag-budget dahil mukhang patuloy lang ito sa paggastos. Hindi na kasi nakakatulong ang ginagawa nilang pagwaldas sa pera. Mukhang magiging kawawa pa kami sa ginagawa nila. Pati kasi hindi importanteng bagay ay binibili niya. May makita lang siyang gamit, bibilhin niya pero hindi naman niya gagamitin. Parang ang gusto lang nila ay mag-shopping pero hindi naman nila gagamitin. Itatambak lang na naman nila sa kanilang kuwarto o hindi kaya idi-display sa kung saan. “I'm not sure, ate,” wika niya. “I think, one million pesos?” “Umabot po sa two million, ma’am,” singit naman ng security guard sa usapan namin. Nalula naman ako sa laki ng kaniyang bill dahil halos puwede na siyang magpatayo ng bahay! Napahawak ako sa aking noo at problemadong tiningnan ang aking kapatid na ngayon ay hindi man lang nabahala sa laki ng kaniyang bill. “Bakit umabot sa ganoong kalaki, Reverie?” nanghihinang tanong ko sa kaniya. “Ano ba? Balak mo bang ubusin ang pera natin? Araw-araw ka na lang bumibili! Kulang pa ang sampung milyon para lang sa luho mo sa isang araw!” Humaba ang kaniyang nguso sa aking naging tanong ngunit hindi naman siya nagsalita. Hindi man lang siya nahiya sa kaniyang ginagawa dahil mukhang uulitin na naman niya ang ganitong senaryo. Babayaran ko naman ang mga pinamili niya pero last na ’to. Hindi ko na sila ito-tolerate. Kung pupuwede ko lang silang hayaan hanggang sa makulong sila sa ginagawa nila, gagawin ko. Hindi ko naman pinupulot ang pera. Hindi naman namin ’yon itinatae. Kaya kung magrereklamo siya at kasusuklaman niya ako bilang ate niya, gagawin ko. Nang makarating kami sa isang kilalang clothing line, nakita kong maraming sales lady ang naghihintay sa amin. Balisa na rin ang manager ng clothing line na ’to pero ang kapatid ko ay chill lamang. Parang alam niyang babayaran ko na at ’yon naman ang pagkakamali ko. Masiyado ko yata kasi siyang na-tolerate. Napailing na lamang ako at mabilis na ibinigay ang aking card para mabayaran na ang mga pinamili ng kapatid ko. “This will be the last, Reverie,” babala ko sa kaniya nang lumingon ako sa kaniyang gawi. “Kapag naulit pa talaga ’to, hindi na kita tutulungan. I’ll make sure na matututo ka at magsisisi sa ginagawa mo ngayon.” Nawalan naman ng dugo ang kaniyang mukha sa aking ginawa pero inirapan ko lamang siya at lumingon sa cashier. “I apologize for that. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang gagawin ng kapatid ko,” paliwanag ko sa dalagang nasa harapan ko. Nakahinga na rin siya nang maayos. Bumalik na rin siya sa pagiging kalmado niya at mukhang ganoon din ang ibang nandito. Matagal na kasi yata nila akong hinihintay pero dahil nga busy ako sa project namin, minabuti kong tapusin muna ’yon. Ayaw ko naman kasing bumagsak kami kahit pa malayo pa naman ang deadline. Mas maganda kasing tapusin na namin nang maaga para hindi kami matambakan. Fourth year college pa naman ako at talagang kailangan naming pumasa para makapag-graduate. Ang kapatid ko namang si Reverie ay nasa second year college na habang ang bunsong kapatid ko naman ay nasa first year college na. Ilang taon lang ang gap naming tatlo pero tinatawag pa rin nila akong ate dahil ’yon naman ang kanilang nakasanayan. “It’s okay, ma’am. Salamat po,” aniya ng cashier bago ibigay sa akin ang aking card. Nakita ko naman sa aking gilid ng mga mata na kinukuha ni Reverie ang mga pinamili niyang mga damit pero mabilis na akong tumalikod. I can’t talk to her dahil galit ako. Palagi na lang ganito ang ginagawa ng kapatid ko. Kung hindi siya magastos sa mga gamit, magastos naman siya sa mga pagkain niya. Palaging gusto niyang kumain sa mga mamahaling restaurant at kulang pa ang fifty thousand pesos na baon niya! Kung ako ang nasa kaniyang posisyon, baka tatlong linggo ko na iyong baon dahil marunong akong magtipid. Kapag may bibilhin naman akong mahal, madalang kang ’yon dahil alam ko rin naman kung gaano kahirap kumita ng pera. Kahit pa isa akong anak nang mayaman, namulat ako sa hirap ng buhay dahil madalas akong sumasama sa mga magulang ko kung magbibigay sila ng donation sa mga charity. Natuto rin akong kumita ng pera at kasalukuyan kong mina-manage ang bago kong business na perfumes. Hindi man gaanong kilala pa sa ngayon, at least naaaral ko na kung papaano kumita at magpatakbo ng business. “Ate!” sigaw ni Reverie pero hindi ko na pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD