PASAKIT

1761 Words
Halos kalahating oras na nang namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Kuya Jared. At tanging ang tunog sa bawat pagkumpas sa kamay ng orasan ang nagsisilbing ingay sa loob ng silid. At maging ang lakas ng t***k sa aking puso ay rinig na rinig ko na rin. Nakakabinging katahimikan! Kanina pa ako nag-aabang sa kanyang susunod na sasabihin kung ano man ang aking maging kabayaran sa mga nagawa kong kasalanan noon. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin niya sinabi sa akin. Kung papatayin man niya ako wala na akong magagawa pa roon. Maluwag sa puso ko na tanggapin ang parusang ipapataw sa akin ni Jared. Nakakasiguro rin naman ako na mas ikakasaya ni Mama kung sakaling mawawala na ako sa mundong ito at ‘di na niya makita pa. ‘Jared!’ Nakakapanibago ang tanging pagbigkas sa kanyang pangalan. Nasanay ako natawagin siyang kuya--- Ngunit ngayon ayaw niya. Kaya dapat kung sundin ang kanyang mga kagustuhan. Simula ngayon dapat sanayin ko na ang aking sarili na tawagin siya sa kanyang pangalan. Daig ko pa ang isang manequin na naka-display sa mga tindahan ng mga damit. Nanatiling nakatayo sa gilid ng kanyang kama na tanging mga mata ko lang ang pinagalaw. Hindi ko man lang nagawang igalaw ang aking mga paa at tanging sundan ang bawat kilos ni Jared ang tanging nagawa ko lamang. Maging ang aking paghinga ay pigil na pigil ko rin dahil natatakot akong muli bumaling sa akin ang kanyang paningin. Ngunit napaigtad at napuno ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko magawang ipermi ang aking mga tuhod dahil sa labis na takot nang biglang nabasag ang katahimikan dahil sa malakas nakalabog mula sa itinapon niyang lampshade sa sahig dahilan nang pagkabasag nito. Nakadagdag pa sa aking kabang nararamdaman ang panunuot ng lamig sa aking buong katawan mula sa air-condition sa kanyang silid. Nang muli ko siyang tingnan mas lalong bumigat at sumukip ang aking dibdib. Ramdam ko ang kanyang paghihirap dahil sa nakailang ulit na niyang sinabunutan ang kanyang buhok, pagkatapos umupo sa gilid ng kama at inihilamos ang mga palad sa mukha. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawang ibuka ang aking nanginginig na mga labi. Lalo na at muli niya akong pinasadahan ng kanyang nakakamatay na tingin. Nais kong sabihin sa kanya na diritsahin na lang niya ako kung ano ang kanyang gustong gawin sa akin? Hindi itong naghihintay ako o nanghuhula. Muli siyang tumayo at nagpalakad-lakad sa aking harapan. Pagkatapos ay walang pakialam niya akong tinabig nang malakas dahilan para bumangga ang aking kanang braso sa gilid ng head board sa kanyang kama. Napaigik ako dahil sa matinding sakit. Pakiramdam ko ilang libong boltahe ng kuryenti ang nakadagan sa aking braso dahil sa kanyang ginawa ngunit tanging masamang tingin lang ang ipinukol niya sa akin. Pagkatapos ay kinuha niya ang larawan nila ng kapatid ko na ngayon ay nakalagay sa malaking photo frame. Kuha ang larawan nila noong araw bago naganap ang aksidenti. Kasama pa nila ako noon habang namamasyal sa isang sikat na mall. Nakailang ulit akong napalunok nang nakita ko kung paano niya tinitigan at buong ingat na hinaplos ang mukha ni Ate Sabel. Punong-puno ng pagmamahal, pananabik at pangungulila. Pagkatapos dinala sa kanyang labi at ilang minutong hinagkan niya iyon habang mariing naipikit ang mga mata ni Jared. Sunod dinala niya ito sa kanyang dibdib at Mahigpit na niyakap. Halos madurog ang aking puso sa nakikita kong tagpo. Ang bawat pag-angat nang balikat ni Kuya Jared dahil sa kanyang tahimik na pag-iyak. Kahit pitong taon na ang nakalipas hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa aking kapatid. Akala ko sa pagbalik ni Jared dito sa Pilipinas tuluyan na niyang nakalimutan si Ate Sabel at may bago na itong girlfriend. Ngunit nagkakamali ako dahil sa nakikita ko na hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni Kuya Jared ang pagkawala ni Ate. Minsan hindi ko maiwasan ang maiinggit kay Ate Sabel dahil sa daming tao na nagmamahal sa kanya. At isa na si Kuya Jared na wagas ang pagmamahal sa kanya. Kahit noon pa naman ay sa kanya na nakatoon ang atensiyon ng nakararami dahil sa kanyang angking kabaitan, katalinuhan at kagandahan. At ngayong kahit patay na si Ate Sabel ay na sa kanya pa rin ibinibigay ang buong pagmamahal lalo na si Mama. Samantalang ako buhay man ngunit walang sino man ang nagmamahal sa akin. Maging ang kaisa-isang tao na natira sa akin, itinatakwil at kinamumuhian ako. Walang sino man ang may gusto sa akin. Lahat sila ang tingin sa akin ay kriminal! At ang iba naman ay salot lalo sa mga kamag-anak ni Papa. Ako raw ang nagbigay kamalasan sa pamilya namin. Napaisip din ako, kung ako kaya ang mamatay iiyakan ba ako ni Mama? Mapait akong napangisi dahil sa aking naiisip. Ofcourse hindi! Siguro mas maging masaya pa ito kung mamatay na ako. Bumalik ang aking diwa nang marinig ko ang pagpalahaw ng iyak ni Jared. At kaagad iwinaksi sa aking isipan ang aking naiisip. Mali ang nasa isip ko. Hindi dapat ako mainggit kay Ate dahil kahit wala na siya kapatid ko pa rin siya. At itong nangyari sa akin nararapat lamang ito sa akin. “S-Sabel, God knows how much I tried to move on. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pa rin matanggap na nawala ka na sa akin,” garagal ang tinig habang kausap ni Kuya Jared sa larawan ni Ate Sabel at walang patid ang pag-agos ng kanyang mga luha. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang kanyang kalooban gayong ako ang dahilan ng kanyang kalungkutan at pighati. Ako ang may kasalanan kung bakit naghihirap ng ganito ang kanyang puso. Kung kaya ko lang ipagpalit ang aking buhay sa buhay ni Ate Sabel ginawa ko na. Para hindi ko na sila nakikita pa na nahihirapan ng ganito. Masyado ng mabigat rito sa kanyang silid kaya naisipan kong lumabas na lamang. Hindi ko na rin kayang makita at marinig ang bawat paghikbi at ang kanyang paghihinagpis. Pinahid ko ang aking masaganang luha at buong ingat na naglalakad patungo sa kanyang pintuan. Sana nga lang hindi niya mapansin ang pag-lis ko. Ngunit hindi umaayon ang pagkakataon sa akin dahil hindi pa man ako tuluyang nakalabas nang nagsalita Jared at mabilis na itinawid ang pagitan namin. “And were do you think you are going? Sa tingin mo ba matatakasan mo ang paniningil ko sa ’yo, Stella?” mabagsik na saad niya sa akin habang muling hinigit niya ang aking braso paharap sa kanya. Ngayon ko lang napansin na lasing pala siya dahil sa amoy alak niyang hininga na tumama sa aking mukha. “L-labas na ako, J- Jared. M-marami pa akong gagawin,” nauutal kong tugon sa kanya. Ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. “Hindi ka p'wedeng lumubas hangga’t hindi ko nasasabi sa ’yo ang maging kabayaran mo sa akin!” Kahit ano ’ng pilit kong huwag matakot ngunit hindi ko pa rin mapigil ang sarili na kabahan base sa pananalita ni Jared. Mas lalong lumakas ang tahip sa kaba nang aking dibdib nang napansin ko ang pagtitig niya sa kabuuan ng aking mukha lalo sa aking nakaawang na labi. Muli akong napayoko sa aking ulo dahil naasiwa ako sa paraan ng pagkakatitig niya. “S-sabihin mo sa akin kung ano man ang nais mong mangyari. S-sinabi ko na sa ’yo nakahanda ako sa maaring kaparusahan na ipapataw mo sa akin!” Kahit na uutal ang pagkakasabi ko ngunit pilit kong nilakasan ang aking sarili habang sinasabi ang mga katagang ’yon. Gusto ko nang makaalis sa silid na ito at makalayo sa kanya dahil hindi ko kanyang labanan ang kanyang mga titig niya akin. Na tila nakapagpapahina sa akin. Malayong-malayo na ito sa Kuya Jared na nakilala ko noon. He was my favorite person and best buddy before dahil napakagiliw niya sa akin. Naalala ko pa sa bawat punta niya sa amin. Hindi siya nakalimot na dalhin ang mga paborito kong pagkain. Kaya kahit boyfriend na siya ng Ate Sabel ko ay may lihim akong paghanga sa kanya. Ngunit ngayon napalitan ng galit ang nararamdaman niya sa akin at nawala na rin ang paghanga ko sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya napapalitan ng takot at kaba ang aking nararamdaman. “Tsk. . . talaga ba Stella? Paano kung sasabihin ko sa ’yo na ang pagiging ama ko ang ipinagkait mo sa akin noon?” Nangunot ang aking noo sa aking narinig. Naguguluhan ako. Hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ko naman alam kung paano ko pa maibabalik sa kanya ang buhay ng kanilang anak ni Ate Sabel. “A-ano ’ng ibig mong sahihin?” nauutal kong tugon. Na hindi ko man lang nagawang tingnan ang kanyang mukha. “Marry me and bear my child!” matigas niyang saad hindi iyon isang tanong kung hindi isang utos. Awtomatikong nakanganga akong napaangat ng tingin ako sa kanya dahil sa aking labis na pagkabigla. Sinuri ko kung seryoso ba siya sa kanyang mga sinabi. “A-ano?” tanging salitang namutawi sa aking bibig. Hindi ko magawang tumanggi kung ito man ang sinasabi niyang kabayaran ko. ‘‘Paano ka pa ako makakatakas sa kanyang paghihirap kung maitali na niya ako sa kanya?” Paniguradong puro pait at pasakit na lamang ang mararanasan ko mula sa kanyang mga kamay!’’ sigaw ng isang bahagi ng aking utak. “Don’t assume that I like you because you know how much I hated you, Stella! Tandaan mo ’to I only want my child! That's it! Put this in your stupid mind dahil walang sino mang lalaki ang nagkakagusto sa kagaya mong mamatay tao!” bulyaw ni Jared sa tapat ng aking mukha. Tila isang kutsilyo ang nakabaon sa aking puso ang salitang binitawan ni Jared sa akin. Ipinapamukha niya sa akin nawala na akong karapatan na mahalin. “A-alam ko naman ’yon, Jared. Alam ko kung gaano ninyo ako kinamumuhian. Kaya huwag kang mag-aalala hindi ako tatanggi sa kung ano man ang gusto mo. Pero sana pagkatapos nito mapapatawad ninyo ako!” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob habang sinasabi ang mga salitang ’yon. At pagkatapos hindi na ako naghihintay na iinsultuhin na naman niya ako. Kaagad ko na siyang tinalikuran. Nagmamadali akong lumabas ng silid pigil na pigil ang aking mga luha. Gusto kong tumakbo sa aking silid at doon magmukmok. Ngunit sino ba naman ako para gawin ’yon. Nakikitira lamang kami sa kanyang pamamahay Kaya kahit pakiramdam ko naubusan ako ng lakas. Nanghihina ang aking buong katawan kailangan kong gawin ang mga trabaho ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD