KALBARYO

1536 Words
KANINA pa ako nagpabaling-baling sa aking kama, ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakadilat ang aking mga matang nakatitig sa kisame ng aking iniukupahang silid. Gusto kong pumapalahaw ng iyak nang sa ganoon maibsan man lang ang bigat na aking nararamdaman ngunit tila na tuyo na ang aking mga luha dahil wala na akong mailuluha pa. Kahit ano’ng pilit kong ipikit ang aking mga mata kahit maidlip man lang sana ako. Ngunit hindi pa rin ako nakatulog dahil na natiling naglalaro sa aking isipan ang sinabi ni Kuya Jared na nagdadalantao si Ate Sabel. Patuloy pa rin akong hinahamok ng aking konsensiya sa mga nagawa kong kasalanan noon. Namilog ang aking mga mata nang namataan ko ang bilog na wall clock sa diding. Alas-tres na pala ng madaling araw. Kahit mabigat ang aking pakiramdam, gusto kong manatili na lamang sa aking higaan ngunit hindi p'wede. Nakakahiya naman kay kuya Jared na hindi ko pa natapos ang aking mga gawain kapag nagising siya. At paniguradong sandamakmak na sermon ang matatanggap ko mula kay Mama. Napipilitan akong bumangon ito na ang daily routine ko simula nang lumipat kami ni Mama rito. Maagang gumising para maglinis at magluto hanggang hapon. Gustuhin ko man magtrabaho dahil nakakahiya kay Kuya Jared na kinupkop pa niya kami kahit wala na si Ate Sabel. Hindi naman niya kami obligasyon. Pero paano? Ano ang makukuha kong trabaho? Hanggang high school graduate lamang ako dahil hindi ako pinag-arak ni Mama sa kolehiyo. Dahil na rin sa nawalan siya ng trabaho at na lubog sa utang dahil sa kanyang pagsusugal. Kaya kahit nakakahiya sa dating boy friend ni Ate ay wala akong magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ni mama na manatili rito. Una kong nilinis ang aking silid at pagkatapos buong ingat akong lumabas ng aking kwarto para hindi makalabas ng kahit ano ’ng ingay. Kahit alam kong malabo na marinig ni kuya Jared ang aking mga yabag dahil sound proof ang silid nito pero natatakot pa rin akong makita ko siya. Kaya sisikapin kong bago siya magising natapos ko na ang lahat na mga gawaing bahay para hindi na kami mapang-abot pa. Halos hindi ako humihinga nang papalapit na ako sa silid ni kuya Jared nang na mataan ko na may malaking awang ang pintuan sa silid nito. Ewan ko kung ano ang pumasok sa aking isipan na nagawa ko pang sumilip sa loob. Ngunit wala akong nakitang tao. Pero tila dinaanan nang matinding bagyo ang loob ng kanyang silid dahil sa maraming nagkalat na mga gamit sa kung saan. Ilang minuto rin akong mamatiling nakatayo sa pintuan ngunit hindi ko pa rin nakita si Kuya Jared. Nagmamadali akong pumasok sa kanyang silid. Nang maalala ko na umalis pala siya kagabi. Bandang alas-diyes nang pinaharurot nito ang kanyang sasakyan paalis at hanggang ngayon hindi pa nakabalik. Mas mabuti pa na ngayon ko nalilinisin ang kanyang silid. Sasamantalahin ko na nawala siya rito. Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ni Kuya Jared bakit ganito na lamang kagulo ang kanyang silid? Sinumulan kong damputin ang mga kalat sa sahig. Sinunod ko ang pagpalit nang kanyang kumot, punda at bedsheet at inilagay sa laundry basket para malabhan ko na. Isinama ko na rin ang mga pinagbihisan ni Kuya Jared na mga damit. Napatigil ako nang mapansin ko ang laptop ni Kuya Jared na naka open pala. Naiwan siguro niya ito kagabi na bukas. Muling nanikip ang aking dibdib nang makita ko ang iba’t-ibang larawan nila Ate Sabel at Kuya Jared. Mga larawan na puno ng kasiyahan. Kahit ilang taon na ang nakalipas nang mawala siya sa amin ngunit sa puso ko buhay na buhay pa rin sila ni Papa. Sobrang namimiss ko na si Ate. Kahit minsan nagtatalo kami dahil na rin sa katigasan ng ulo ko noon ngunit alam kong ginagawa lamang niya iyon dahil sa pagmamahal sa akin. Maging ang kanyang buhay itinaya niya para sa akin. Hindi ko namalayan na kusang tumulo na pala ang aking mga luha habang nakatitig sa larawan ni Ate Sabel at Kuya Jared. Nabitawan ko ang hawak kong mga labahan. Akmang itinaas ko ang aking braso para haplusin ang mukha ni Ate Sabel na nasa laptop ni kuya nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Kaya kaagad kong binawi ang aking kamay at itinago sa aking likuran at biglang napaharap sa nagsasalita. “Sino'ng nagsasabi sa ’yo na pakikialaman mo ang mga kagamitan ko, Stella?!” matigas na saad ni Kuya Jared na halos ikinatalon ko dahil sa magkahalong gulat at takot na aking nararamdaman. Masyadong naging occupied ang aking utak dahil hindi ko man lang napansin na dumating na pala siya o narinig ang tunog ng kanyang sasakyan. Napatungo ang aking ulo sa sahig. Ayaw kong makita ang nang gagalaiting mukha ni Kuya Jared. Natatakot ako! Bigla akong natataranta nang makita kong papalapit siya sa akin kaya napaatras ako sa aking likuran ngunit nabangga sa aking mga paa ang isang edge ng kama na nakapagpahinto sa akin. “Alam mo ba kung gaano naging miserable ang buhay ko sa pagkawala ng aking anak at ng iyong Ate Sabel, Stella?” tanong sa akin ni Kuya Jared na hindi ko magawang sagutin dahil sa nanginginig ang aking buong katawan. At ano ’ng aking isasagot? Wala naman akong alam sa buhay niya sa states. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo para makita ang mukha ni Kuya Jared. Nagsisisi akong pinili kong tingnan ang kanyang mukha dahil tumambad sa akin ang kanyang mga nagbabagang paningin. Napailing-iling ako nang nagsimulang mag-init ang bawat sulok ng aking mga mata. “Of course you don't know! Dahil ikaw ang dahilan sa pagkawala sa aking anak at ang babaeng aking pinakakamamahal! You're a selfish, spoiled brat! Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo mo sana buhay pa sila ngayon!” panimulang panunumbat ni Kuya Jared sa akin. Mabilis niyang tinawid ang pagitan namin at mahigpit na hinawakan ang aking magkabilang braso. Nasasaktan ako sa paraan ng kanyang pagkakahawak sa akin. Ramdam ko ang kanyang matinding galit dahil kulang na lamang na baliin niya ang aking buto. Hindi ko magawang lumaban. Tiniis ko ang sakit sa pagkakawahawak niya sa akin. Dahil wala naman akong karapatan na magreklamo. Wala sa kalingkingan ang aking nararamdamang sakit kumpara sa sakit na nararamdaman ni Kuya Jared na nawala ang babaeng kanyang minamahal at alam ko kung gaano kasakit sa isang ama ang mawalan ng anak. “Sabagay, hindi lang naman ako ang nawalan. Dahil alam kong hanggang ngayon ay sisingsisi ka rin. Ngunit huli na ang pagsisisi mo, Stella. Yes, walang gustong mangyari sa aking mahal, ngunit kung hindi naging matigas ang ulo mo buhay pa sana sila. Kaya magdusa ka sa kasalanang ganawa mo!” “P-p-ptawarin mo ako, K-kuya Jared,” nauutal kong tugon sa kanya. Dahan-dahan kong inuluhod ang aking mga tuhod para humihingi ng kapatawaran sa kanya habang walang patid ang pag-agos ng aking mga luha na nakatingin sa kanyang mga mata. “Kahit halikan mo pa ang aking mga paa, Stella. Hindi kita mapapatawad! At kahit lumuha ka pa ng dugo walang kapatawaran ang ginawa mo? Dahil kahit ano ’ng gawin mo hindi mo na maibabalik ang buhay ni Sabel at ng anak namin!” Naging garalgal ang tinig ni Kuya Jared at nasasalamin ko sa kanyang mga mata ang sakit at pangungulila. Dahan-dahan akong tumayo. Wala nang saysay ang pagluhod at paghingi ng tawad sa kanya dahil katulad ni Mama ay kinamumuhian nila ako. Walang makapagpaapula sa matinding galit ng kanilang mga puso laban sa akin. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Sarili ko nga hindi ko magawang mapapatawad. “I've already told you that stop calling me Kuya. Hindi kita kapatid at lalong hindi kita kadugo! At tigilan mo na ’yang paiyak-iyak mo dahil kahit kailan hindi ako maawa sa ’yo! Pagdudusahan mo ang ginawa mong kasalanan!” Singhal ni Kuya sa akin. Napaigik ako nang malakas niyang pinisil ang aking braso. Sobrang nasasaktan ako sa kanyang ginawa. Ngunit wala ng makakapantay pa sa sakit na nararamdaman ng aking puso. May mga taong nawala at nagdudusa dahil sa akin. “Masyado ng mahaba ang panahon na aking pinalipas. You're too much enjoyed your life. While me, suffering because I can't still that Sabel left me. Now it's about time para singilin ka sa kabayaran ng iyong mga kasalanan!” galit pa rin saad ni Jared. Muli akong napaangat ng tingin sa kanya. Nakaabang ako sa muling pagbuka ng kanyang mga labi. Ito na ang inaasahan ko. Kung ano man iyon ay nakahanda akong tanggapin. Kahit buhay ko pa ang gusto niyang maging kabayaran. “N-n-nakahanda ako sa ano mang kabayaran ang gusto mo, J—Jared!” Nanginginig ang aking mga labi habang binabanggit ang mga katanggang ’yon. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. Muling bumalik ang bagsik sa kanyang mukha. “That’s right call me, Jared. The name that will make you suffer from the rest of your life!” narinig kong tugon niya sa akin. Wala na akong dapat na ikakatakot pa dahil matagal na akong nagdurusa. Matagal ng naging kalbaryo ang aking buhay simula nang nawala sina Ate Sabel at Papa. Buhay pa ako ngunit pawang kadiliman lamang ang nakikita ko sa araw-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD