bc

PASAKIT

book_age18+
9.4K
FOLLOW
60.7K
READ
sex
contract marriage
dominant
manipulative
billionairess
drama
serious
first love
virgin
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Title: Pasakit

Author Srredilla

Hindi mo masasabing malakas ka kung hindi mo kayang harapin ang pagsubok na ibinigay sa 'yo. Pero paano kung puro hinagpis at pasakit na lamang at walang nakalaan sa 'yo na kaginhawaan?

Maaatim mo pa bang mabuhay sa mundong alipin ng hirap at pighati? Kung saan walang araw na hindi lamang ang pisikal na anyo ang nasusugatan maging ang pusong mapaghanap ng pagmamahal.

Paano mo babaliin ang itinakda nilang maging ikaw kung kahit pagtayo sa sariling paa ay 'di mo magawa?

Mapapalambot pa ba ang pusong piniling maging manhid at ilayo ang sarili sa lahat?

May hangganan pa bang naghihintay sa pusong tila pinaglaruan ng kapalaran?

Subaybayan ang kwentong pipiga sa inyong mga puso.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ate Sabel, puwede mo ba akong samahan? Gusto ko na kasing maligo sa dagat," pagyaya ko sa aking nakakatandang kapatid. Bigla muna siyang tumingin sa akin. Salubong ng ang mga kilay niya. "Hindi tayo puwedeng pumunta roon, ang bilin sa atin ni Mama ay huwag muna tayong maliligo sa dagat, saka walang tayong magiging kasama roon," tudo pagtangi sa akin ng Ate ko. "Ate, gusto ko lang namang pumunta roon sa dagat para maligo. Nasaan ba kasi sina mama at papa? Bakit ang tagal nila?" Pagrereklamo ko sa nakatatanda kong kapatid. "Huwag kang mag-alala parating na rin sina Inay, Stella." Bigla tuloy akong sumingot. Hindi rin ako tumugon sa aking Ate. Masama ang loob mo nang lumapit sa kama at nahiga. Sa totoo lang ay gusto ko ng maligo sa dagat lalo at minsan lang kami kung pumunta rito. Kaya lang ayaw naman akong samahan ni Ate Sabel. Nakakainis lang! Kaarawan ni Ate Sabel ngayon at dito ginanap sa beach resort dito sa Marinduque. Ang boyfriend nito ang may-ari. At iyon ang napag-usap ng pamilya ko kasama ang nobyo ng katapid ko. Isa rin sa pinagdidiwang nina mama at papa ay ang nalalapit na pagtatapos ni Ate Sabel ngayong darating na Marso. Sa aking pagkakaalam ay sa companya ng boyfriend nito siya mag-aply ng trabaho, lalo at ang course naman nito ay business management. Labis akong nainggit kay Ate Sabel. Kasi naman nakakuha ito ng nobyo na mapagmahal at maalaga. Hindi rin matatawaran ang angking kakisigan ng lalaki. Bunos lang talaga na mayaman ito. "Hay! Sana ako rin ay makatagpo ng ganoon lalaki balang araw..." bulong ko sa hangin. Subalit lalong sumama ang timpla ng mukha ko nang maalala ko ang sabi ni Mama na bawal pa raw akong magkaroon ng boyfriend kasi ang bata ko pa. At may gatas pa raw ako sa aking labi. Nakakainis talaga si Mama! Ngunit para sa akin ay hindi na ako bata. Labing limang taong gulang na kaya ako, marunong na nga akong magmahal. Bigla tuloy akong napangisi ng wala sa oras. Sa totoo lang ay may gusto ako sa boyfriend ng kapatid ko. Ang gwapo naman kasi nito. Wala akong pakialam kung matanda na ito at parang kuya ko na. Sure akong kapag nalaman ni Ate ang aking pagka-crush sa nobyo niya ay tiyak akong isusumbong ako kay Mama. Kung pwede lamang na agawin ko ang nobyo ng kapatid ko ay matagal ko na sanang ginawa ko, ngunit hindi maaari baka makurot ako sa singit ni Mama. At baka sabihin ang bata-bata ko po, eh, kumikiringking na ako. Bigla naman akong napatingin kay Ate Sabel nang makita kong pumasok ito sa loob ng banyo. May nabuo tuloy na plano sa aking isipan. Nagmamadali akong umalis sa kama at malalaki ang hakbang ko papalapit sa pinto para tuluyang lumabas ng silid. Halos magtatalon ako sa tuwa nang tuluyang sumayad ang aking mga paa sa buhangin. Napansin kong marami na rin ang naliligo rito, hindi naman kasi masyadong mainit ang panahon kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Hanggang sa magdesisyon na akong lumusong ako sa tubig upang pagtampisaw. Para akong nakawala sa hawla ng mga oras na ito. Walang pimipigil sa akin o sumasaway. Alam kong mayamaya lang ay hahanapin na rin ako ni Ate Sabel. At sure akong galit na galit ito sa aking ginawang pagtakas sa kanya. Baka nga mabatukan pa ako. Pasakit pa naman sa tainga ang bibig ng kapatid ko. Nakainis lamang. Hanggang sa manlalaki ang mga mata ko nang mamataan ko si Ate Sabel at kasama nito si Mama. Mukhang ako ang hinahanap nila. Lalo at napansin kong palingalinga sila sa paligid. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa. Maliksi akong lumangoy papunta sa medyo malamin na parte ng dagat. Upang kahit papaano ay 'di ako makita nina mama at ate. Pag-angat ng aking ulo sa ibabaw ng tubig ay napansin kong malayo na ako sa karamihan ng tao. Hindi ko na rin natatanaw sina mama at ate Sabel. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.Siguro'y mamaya na lang ako magpapakita sa kanila. Subalit bigla akong nagulat nang mamataan ko ang isang malaking alon at ito'y papalapit sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung lalangoy ako papabalik o hahayaan ko na lang na tumama sa katawan ko ang malaking alon. Ngunit kailangan kong bumalik sa tabi. At baka rito ako mamatay ng maaga, alam kong nag-aalala na rin sa akin si Mama. Kaya lumangoy akong muli. Bigla akong kinabahan nang hindi ko maigalaw ang mga paa ko. My Gosh! Ano'ng nangyayari sa akin? Hindi puwede ito? Kailangan kong lumangoy papabalik sa pangpang. Ngunit paano? Ano'ng gagawin ko? Hanggang sa maramamdaman kong tuloy-tuloy akong lumulubog pailalim ng tubig. Ngunit kailangan kong lakas ang loob ko, kaya kinampay mo ang mga kamay ko upang makapunta sa ibabaw ng tubig, pinilit ko ring igalaw ang mga paa. Bahala na! Gusto ko pang mabuhay lalo at masyado pa akong bata. Halos maghabol ako nang hininga nang tuluyang makaahon sa tubig ang aking ulo. Ang hindi ko inaasahan ay ang malaking alon na tumama sa aking buong katawan. Kaya ang nangyari ay tuloy-tuloy na naman akong bumulusok pailalim. Pinilit kong huwag huminga upang hindi malagyan ng tubig ang aking bibig. Pero hanggang ano'ng oras ko magpipigil ito? Ayaw ko pang mamatay, masyado pa akong bata para kuhanin agad ni God. Ngunit parang hindi ko na kaya pang magpigil ng paghinga. Lalo at nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Kaya saktong pagbuka nang bibig ko'y siyang pasok ng tubig sa loob ng katawan ko. Ngayon ako nakapag-isip na mali ang aking ginawa at hindi ako nakinig sa aking Ate Sabel. Labis akong nagsisisi sa aking ginawa, totoo nga ang sabi ng teacher ko na dapat pag-isipan muna ang lahat nang gagawin. At huwag pairalin ang katigasan ng ulo. At baka sa bandang huli ay magsisi ng labis o higit pa ang mangyari. Pero huli na ang lahat. Nagawa ko na ang hindi dapat. Wala na akong pag-asang makaligtas kaya tuluyan kong ipinikit ang aking mga mata. At tanging dasal ko'y sana lang ay makita agad ng pamilya ko ang aking katawang wala ng buhay. Ngunit may naramdaman ako na humihila sa aking buhok at dinadala ako sa ibabaw ng tubig. Nang nakaahon ang aking ulo ay halos magsuka ako sa kauubo. Tumingin ako sa taong nagligtas sa akin. "Ate Sabel," maluha-luhang usal ko. "Ang tigas ng ulo mo, Stella!" "I'm really sorry, Ate Sabel," sabi ko rito. At tuluyan nang pumatak ang luha ko sa aking mga mata. "Sana'y huwag na itong mauulit Stella. Kailangan na nating makabalik kina mama lalo at lumalaki na ang tubig, kaya ayaw kitang papuntahin dito kasi kapag ganitong oras ay naglalakihan ang mga alon," sermon nito. Labis akong kinabahan sa sinabi nito, lalo at medyo malayo-layo na kami sa karamihan ng tao. Bigla akong lumingon. At ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang mas malaki pang-alon na papalapit sa amin. "Huwag kang bibitaw sa akin, Stella!" sigaw ni ate. Hindi natagal ay humampas na nga sa amin ang malaking alon, kaya muli na naman akong bumulusok pailalim. Kinakabahan din ako nang mawala ang pagkakahawak ni ate Sabel sa akin. Pinilit kong lumangoy paibabaw kahit na hindi ko pa halos maigalaw ang mga paa. Laking tuwa ko nang umahon ang ulo ko sa tubig. Hinanap ng mga mata ko ang bulto ng kapatid ko. Ngunit hindi ko ito makitam Napansin kong lalo pa akong napapalayo sa karamihan ng mga tao. Sana lang ay may makakita sa akin dito. Para mailigtas kami ni Ate. "Ate Sabel!" pagtawag ko sa pangalan ni Ate. At baka sakaling marinig ako. Pero tanging hampas lamang ng alon ang naririnig ko. "Ate Sabel! Nasaan ka na ba?!" Nakita ko ang mga paparating na bangkang de motor. Nabuhayan ako ng loob nang masilayan ko si Papa ganoon din ang boyfriend ni Ate Sabel. "Stella!" pagtawag sa akin ni Papa, nang makta ako. Hanggang sa tuluyan na silang makalpit sa pwesto ko. Agad nitong inabot ang aking kamay niya upang madala ako sa ibabaw ng bangka. "Nasaan si Sabel?" tanong ni Papa. "Pa, nagkahiwalay po kami nang may dumating na malaking alon," sumbong ko rito. Napalingon kami sa taong biglang tumalon sa tubig. Walang iba kundi si Kuya Jared. Agad ding tumalon si Papa sa tubig upang hanapin si Ate Sabel. Nakikita ko sa mukha ng aking ama ang pag-aalala. Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko, hindi ko mapapatawad ang aking sarili oras na may mangyari sa Ate ko. Jusko po! Ito ang napapala ko dahil sa katigasan ng aking ulo. Hangang sa matanaw kong umahon si Kuya Jared. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Ate Sabel na buhat ni Kuya. Agad itong isinakay sa bangka. Biglang tumulo ang luha ko ng makita ko ang katawan ng kapatid kong walang malay tao. Agad na pinatakbo ang bangka nang mag-sink in sa utak ko papa. "Kuya Jared, si Papa wala pa, sinundan ka nang bigla kang tumalon sa tubig." Biglan itong napatigil sa ginagawa kay Ate Sabel upang palabasin nito ang tubig sa katawan. "Damn!" Muling pinatigil ang bangka, nagulat ako nang tumalon sa tubig ang isang sa mga tauhan ni Kuya Jared. Abot-abot ang aking dasal na sana'y ligtas sila sa ano mang kapahamakan. Hindi nagtagal ay umahon ang tauhan ni Kuya Jared na dala-dala si Papa na wala nang hininga. Agad itong isinampa sa bangak at mabilis na pinatakbo ang sa sakyang pandagat upang madala agad sa hospital ang mga mahal ko sa buhay. Lalo na't hindi pa rin nagigising si Ate. Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Kuya Jared. Tudo dasal naman akong sana ay makaligtas sila. Hindi naglaon ay tuluyan na kaming nakarating sa pinakamalapit na hospital. Agad naman inasikaso ng mga doctor ang aking ama at kapatid. "Stella!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin wala iba kundi si Mama. Magsasalita pa sana ako nang ubod lakas akong sampalin nito sa aking pisngi. "Ma!" maluha-luhang pagtawag ko sa pangalan ng Mama ko. "Oras na may ma mangyari sa papa at ate mo. Hindi kita mapapatawad, Stella!" sigaw ng Mama ko sa akin. Hindi ako makapagsalita. Mayamaya pa'y tinawag na ng doctor ang aking Mama. At narinig ko na lang ang malakas na pag-iyak nito. Hindi ko na kailangan magtanong. Alam ko na kung ano ang nangyari sa kanila. Mayamaya pa'y biglang lumapit sa aking pwesto si Mama. At magkakasunod akong sinampal sa aking mukha. Hindi ako pumalag, oh, tumutol sa pananakit ng aking Ina. Lalo at ako ang dahilan kung bakit maagang nawala si ate at papa. Kung puwede lang ibalik ang oras ay ginawa ko na sana. Ngunit sobrang huli na. Dahil nangyari na ang dapat maganap. Sa isang iglap lamang ay maaga akong nawalan ng kapatid at ama. Dahil sa katigasan ng ulo ko. "Heto ang tandaan mo Stella. Kahit lumuhod ka sa harap ko. Hinding-hindi kita mapapatawad!" sigaw ni Mama at nasa mukha nito ang pagkasuklam sa akin. Ang tanging nagawa ko na lang ay luha at magluksa. Sana lang ay mapatawad ako nina ate at papa sa aking ginawa. Kung puwede lang sana na ako na lang ang namatay ay hiniling ko na sana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook