Pagkatapos kong magluto at ihanda ang hapunan nina Mama at Kuya Jared. Napagdesisyonan kong hindi na sumabay pa na kumain sa kanila. Nagmamadali akong lumabas sa kusina at nagtungo sa hardin, ayaw kong magpang-abot kami ni Kuya. Wala akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Hindi ko rin kayang salubungin ang kanyang nagbabagang mga tingin sa akin. Hindi man niya sinabi ng diritsahan alam kung hanggang ngayon galit na galit pa rin siya sa akin. Dahil kulang na lamang kainin na niya ako ng buhay base sa kanyang mga titig.
Pero noon pa man nakahanda akong tanggapin ang kaparusahan na ipagkaloob sa akin ni Kuya Jared. Ngunit ang inaasahan kong parusa noon hindi nangyari dahil pagkatapos ng forty days nina Papa at Ate Sabel at paglipat namin dito sa kanyang pamamahay kaagad na siyang lumipad patungong ibang bansa. At ngayong nagbalik na siya paniguradong ngayon niya ako sisingilin sa sinasabi niya noon na aking kabayaran dahil sa pagkamatay ni Ate Sabel
Marahas ang buntonghiningang pinakawalan ko nang makarating sa may hardin at umupo sa bench. Pilit kong inialiw ang aking sarili para makalimot sandali. Gusto kong pandaliang takasan ang lahat! Ngunit kahit ano 'ng gawin ko tila nakasiksik na sa aking isipan ang malaking kasalanan na aking magawa. Hindi ko alam bakit sa dinadami raming tao sa mundo ako pa ang nakakaranas ng ganito?
Napatingala ako nang naramdaman kong nagsimula na namang nanginit ang sulok ng aking mga mata. Pinipilit kong pinipigilan na mapaluha. Nakakasawa ng umiyak! Nakakapagod! Tao lang din naman ako marunong din mapagod. Ngunit kahit ano ’ng pigil ko hindi ko namamalayan na kusang tumulo na pala ang mga ito.
Napahilamos ako sa aking mukha nang tila sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa aking isipan ang tinig ni Kuya Jared na nagsasabing nagdadalantao si Ate Sabel.
Naiisip ko na paniguradong mas lalong madagdagan lamang ang galit at kamumuhian ako ni mama kapag malalaman niya ang tungkol sa aking pamangkin. Kung hindi lang naging matigas ang aking ulo noon. Siguro kasal na sila ngayon at sana masaya ngayon sina Ate Sabel at kuya Jared kasama ang aking pamangkin.
Mas lalong nadagdagan ang bigat sa aking kalooban sa nalaman ko.
Lalo lamang akong inuusig ng aking konsensiya. Dahil hanggang ngayon paulit-ulit ko pa rin nababalintanawan ang araw na kinuha sa amin ang dalawang mahal ko sa buhay. At ngayon naging tatlo na pala dahil sa anghel na nasa sinapunan ni Ate Sabel, na nadamay dahil sa katigasan ng aking ulo. Maging sa aking panaginip hindi ko pa rin kayang takasan ang aking kasalanan. Hindi ko maiwasan na mapatanonh kung hanggang kailan ko ba pagsisisihan ang mga nagawa ko?
Ngunit isa lamang ang alam ko, maging ako hindi ko alam kung makakaya ko pa bang mapapatawad ang aking sarili?
Tama si mama isa akong kriminal! Mamatay tao! At ako ang may kasalanan sa lahat na nangyaring kamalasan sa aming buhay. Salot at piste ang tingin ni mama sa akin. Hindi pa siguro ako naipanganak nakakambal na sa akin ang kamalasan. Kaya tama lamang sa akin ang kaparusahan na ipinataw sa akin, ang pagtakwil sa akin ni mama bilang kanyang anak ay hindi sapat na kabayaran para sa nagawa ko.
Kung ako ang masusunod gusto kong patayin na lamang ako ni mama kung ito ang paraan para mapapatawad niya ako.
Ngunit napaisip ako para rin naman niya akong pinapatay dahil sa masasakit na salita na ibinabato sa akin araw-araw na tagos hanggang kaibuturan ng aking pagkatao.
At wala ng mas masakit pa na kahit sa mahabang panahon na wala sa amin sina ate Sabel at Papa hindi pa rin nakakayang tanggapin ni mama na wala na sila.. Na kahit ano ’ng gawin ko hindi na niya ako magawa pang mahalin. Hindi ko kayang pantayan sina ate at Papa sa puso ni mama.
Minsan nakaramdam din ako ng pagtatampo dahil bakit hindi niya ako magawang patawarin? Anak din naman niya ako. Ngunit wala naman pala akong karapatan na magalit o magtampo man lang. Kasalanan ko naman ang lahat!
Lahat ng mga paghihirap ko ngayon. At sa pagdating ngayon ni Kuya Jared hindi ko alam kung makakaya ko bang makasama siya sa araw-araw gayong alam ko na kinamumuhian din niya ako. Katulad sila ni mama mamatay tao ang tingin nila sa akin.
Nais kong umalis at iwan na lamang ang pamamahay at kung hindi lamang kasalanan sa Dios ang kitilin ang aking sariling buhay matagal ko ng ginawa dahil wala namang halaga ang aking buhay. Ano pa nga ba ang silbi ko sa mundong ito? Wala na! Mas may halaga pa sa akin ang basahan. Tila na bubuhay na lamang ako para pagdusahan ang kasalanan na aking ginawa. Ngunit hindi ko kayang iwan mag-isa si mama kahit galit siya sa akin. Ayaw ko pa rin tumanda siya mag-isa. Alam ko naman na hindi habang buhay kukupkupin kami ni Kuya Jared dahil darating din ang panahon na mag-aasawa na ito. At papalayasin na kami rito sa kanyang pamamahay.
Sa bawat araw na gigising ako naging mabigat sa aking kalooban dahil halos araw-araw kong nakikita si mama na umiiyak hawak ang larawan ni Ate Sabel at papa. Walang gabi na hindi ko hinihiling sa Panginoon na sana hindi na ako magising pa sa aking pagkakatulog nang sa gayon hindi ko na pagdusahan pa ang lahat. Hindi ko na maramdam ang sakit. Ngunit sadyang ganito talaga ang aking kapalaran.
Maging ang Panginoon ay tila ayaw rin sa akin dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya ipinagkaloob sa akin ang aking kahilingan na sana kunin na lang niya ako. Napakahirap! Ngunit pinilit kong labanan ang aking nararamdaman dahil na rin kay Mama. Siya na lang ang mayroon sa akin kahit hindi anak ang turing niya sa akin.
Itinaas ko ang aking mga kamay nang makita ko ang dalawang malaking bituin sa kalangitan. Naalala ko pa noon ang kwento ng aking guro. Napakapagnamatay raw ang tao minsan, maging anghel o hindi kaya ang iba ay maging bituin. Hindi ko alam kung totoo man ang kwentong ’yon. Pero umaasa ako na sana totoo dahil kahit sa malayo matatanaw ko man lang sina ate at Papa.
‘Ate Sabel, Papa. Kung kayo man ’yan. Sana mapatawad ninyo ako sa mga nagawa kong kasalanan. Lalo ka na ate. Sana magawa mo pa rin akong mahalin kung magkikita man tayo sa kabilang buhay.’
Malakas kong hinampas ang aking naninikip na dibdib dahil sa aking labis na pag-iyak. Iyak na tanging ako lamang ang nakakarinig. At tanging ang mga tala na nagniningning sa kalangitan ang naging sa saksi sa aking paghihirap ngayon. Gusto kong magpakalunod sa aking sariling luha, sumigaw at magwala para maibsan ang sakit na aking nararamdaman ngunit ayaw kong makita nina mama at kuya Jared. Dahil paniguradong sasabihin lamang sa akin ni mama na nagda-drama lang ako.
“Pst. . . Stella!” kaagad kong pinahid ang aking mga luha nang marinig ko ang tinig ni Doday.
“Umiiyak ka na naman ba? Hay, naku! Ako yata ang unang mamatay sa 'yo! Dahil ako ang mas nasasaktan sa tuwing nakikita kitang nagkakaganyan!” Nakita ko ang lungkot sa mata ng aking kaibigan. Alam kong naawa siya sa akin. Dahil tanging siya lamang ang taong nakakaintindi sa bawat hapdi at sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam na alam talaga niya kung kailangan ko ng karamay.
“Doday. . .” nahihirapan kong sambit dahil sa aking mahinang paghikbi na pinipilit kong kino-kontriol ang aking boses para hindi marinig nina mama at kuya Jared sa loob.
“S-Stella. . .” puno ng simpatiya ang tinig ni Doday.
“Ang sama ko. Napakasama kong kapatid!” tuluyan na akong napahagulhol sa mga bisig ng aking kaibigan. Ang kaninang mahina kong paghikbi ay napalitan ng malakas na pagpalahaw. Hindi ko na magawang kontrolin ang aking sarili para pigilin ang pag-iyak.
“Stella, tama na! Hanggang kailan mo ba pagdudusahan ang pagkamatay ng iyong ama at kapatid. Ilang beses ko bang sabihin sa ’yo na hindi mo kasalanan ’yon. Hindi mo naman ginusto na mangyari sa kanila ’yon. Aksidenti lang ang lahat. At isa pa, lahat naman tayo namamatay. Mas nauna nga lang sila sa atin,” tugon ni Doday sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking likuran para patahanin.
“Pero nadamay ang pamangkin ko dahil sa akin! Kasalanan ko ang lahat ng ’to! Kasalanan ko!” Pinagsusuntok ko ang aking sarili ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit na ano ’ng sakit. Siguro masyado ng maghid ang aking katawan. Ngunit ang aking puso hanggang ngayon hindi pa rin naging manhid.
Napanganga si Doday dahil sa aking sinabi. Alam kong nakuha niya ang aking ibig sabihin kaya mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
“Stella, alam kong matagal ka ng pinapatawad ng iyong ama at kapatid. At paniguradong nalulungkot sila ngayon dahil sa ginawa mong pagpapasakit sa iyong sarili.”
“Sana nga, Doday. Sana nga! Dahil maski ako hindi ko magawang patawarin ang aking sarili.”
PAGKATAPOS kong ilabas ang bigat na aking nararamdaman nagpaalam na ako kay Doday na pumasok na sa loob dahil baka kanina pa natapos silang kumain. At hindi ako nagkakamali dahil matalim ang mga tingin na ipinukol sa akin ni Mama na naghihintay pala sa kusina.
“Saan ka galing? Kahit kailan ay wala ka talagang silbi! Hindi ka na nahiya kay Jared! Pasalamat ka at isinama ka pa niya sa pagtira rito! Dahil kung hindi sa kakungan ka sana matutulog ngayon!” bulyaw sa akin ni mama. Nanatiling nakatungo lamang ang aking ulo sa puting tiles sa kusina.
“P-pasensiya na po, ma—” hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil mabilis nitong itinaas ang kanyang kanang kamay para pigilin ako.
A—pasensiya! ’Yan lang ba ang kaya mong sahihin kundi pasensiya?! Sana kayang bubayin ng pasensiyang sinasabi mo ang ang iyong ama at Kapatid! Pero kahit patayin pa kita ngayon kulang pa na kabayaran ang iyong buhay sa dalawang buhay na nawala sa akin dahil sa kagagawan mo!”
Hindi ko magawang sumagot at pilit na pinipigilan ang aking mga luha na huwag malaglag kahit sa sobrang sikip na sa aking dibdib.
“Ano pa ang tinunganga mo r’yan?! Maglinis ka na! At huwag kang matutulog hangga’t hindi mo malilinis ang buong bahay kahit abutin ka pa magdamag! Matuto ka namang mahiya, Stella! Hindi ka reyna rito kaya puwede bang mahiya ka naman, Stella!" bulyaw sa akin ni Mama at katulad ng dati iniwan akong durog ang aking puso dahil sa masasakit na salitang ipinupukol niya sa akin.