KATULAD ng mga nagdaang gabi naging madalang ang pagdalaw sa akin ng antok kaya ilang araw na akong daig pa ang lantang gulay sa aking hitsura dahil sa kakulangan ko ng tulog. Nang tingnan ko ang aking hitsura sa salamin may maliit na itim ang ilalim ng aking mga mata. Paano pa ba ako makakatulog ng maayos? Ilang araw na lamang ang nalalabi kasal na namin ni Jared. Gusto kong maglaho na lang bigla sa isiping makukulong na ako sa kanyang mundo. Ngayon pa lang tinuturing ko ng kalbaryo ang makita ko siya araw-araw paano pa kaya kung maging mag-asawa na kami? At isa pa parang mali na nobyo siya ni Ate Sabel at ngayon magpapakasal kami? Natatakot din ako na baka mas lalong magagalit sa akin si Ate Sabel dahil sa ikakasal ako ng kanyang nobyo. Balak ko sanang humingi ng payo kay father