Nagulat pa nga ako nang biglang hawakan ni Jared ang panga ko nang mahigpit, ramdam ko ang sakit noon. Ngunit hindi ako dumaing ng sakit. Nakatingala lamang ako sa lalaki, ngunit nasa mga mata ko ang nangungusap dito. “Huwag mong tangkain na tumakas o umurong sa kasal na tinakda ko, Stella. Baka hindi mo kayang paghanda kung paano ako gumanti. Huwag kang mag-alala, dahil oras na magkaroon na tayo ng anak, magiging malaya ka na. At puwede rin nating ipawalang bisa ang kasal natin!” mariing sabi ng lalaki sa akin. Kahit hirap akong tumango sa lalaki ay ginawa ko pa rin. Wala naman akong ibang pagpipilian kundi sumunod dito. Mayamaya pa’y tuluyan ba nga nitong binitawan ang aking panga. Ngunit bago umalis ay nag-iwan muna ito sa akin ng tingin na may kasamang pagbabanta. Isang marahas na