Naiilang ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Jared. Mula ulo hanggang sa aking talampakan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Jared habang nakatingin sa aking hubad na katawan. Alam kong hindi ko kayang pantayan ang angking ganda ni ate Sabel lalo na sa katawan nito. Kaya nahihiyang nagyuko ako sa aking ulo. Ngunit kaagad din niya hinawakan ang aking baba para magpantay ang aming paningin. Ilang minuto nitong pinakatitigan ang aking mukha. Hindi ko sinasadyang ipikit ang aking mga mata ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na damhin ang kakaibang kiliti nang dumapo ang maiinit na palad ni Jared sa aking mukha at marahan ang ginawa nitong paghaplos doon. Hanggang pumadausdos ang kanyang mainit na palad sa aking dibdib, pababa at hanggang nakarating ito sa kurba ng aking