Malalim na ang gabi at kanina pa mahimbing na natutulog si Jared. Pagkatapos ng aming mainit na tagpo hindi na ito nagawang lumipat ng silid at dito na nakakatulog. Siguro dahil sa matinding pagod at nakakainom din ito nang dumating dahil amoy na amoy ko ang alak na kanyang iniinom. At kabaliktaran naman sa akin, dahil heto ako ngayon gising na gising ang aking diwa at kahit ano ’ng pilit kong ipikit ang aking mga mata hindi pa rin ako dalawin ng antok. Parang gusto ko na nga'ng ihampas ang aking ulo sa pader. Ngunit sa totoo lang ay marami ang bumabagabag at mga tanong sa aking isipan na hindi ko mabigyan ng ano mang kasagutan. At isa pa ito ang kauna-unahang pagkakataon na may kasama akong lalaki kapagmatutulog sa kama. Kahit pa noon grade one pa lang ako ay na sanay na akong mag-isan