Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin ako paakyat papunta sa hagdan at dinala sa aking kwarto. Nababasa ko rin sa mga mga nito na galit siya sa akin. Napatungo na lamang ako dahil ayaw kong tumingin sa mukha ni Jared, natatakot kasi ako rito at baka singhalan lamang ako. “Huwag na huwag kang lalabas ng kwarto na ito, Stella! Subukan mong suwayin ako, itatali kita sa kama!” pagbabanta ni Jared sa akin. “S-Sige---” nauutal kong sagot sa lalaki. Nagulat pa nga ako nang bigla nitong inangat ang aking mukha. Pagkatapos ay mataman nitong tinitigan ang mukha ko, pababa sa aking labi. Hindi ko alam kung ano’ng nilalaman ng isip ni Jared, hindi ko kasi ito mabasa. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla nitong sakupin ang aking labi at marahas akong hinalikan. Ramdam ko rin ang pagkagat niya