MULING NAGKITA

1883 Words
Pagkatapos kong ayusin ang silid ni kuya Jared ay nagmamadali akong lumabas. Kailangan ko na pa lang magluto. Baka magalit sa akin si mama oras na hindi pa ako nakakaluto. Saka ayaw kong dahil sa akin ay ma-stress ang aking Ina. Hindi ko kaya na magkasakit ito. Labis na nadudurog ang aking puso. Lumipas ang mahabang oras ay dumating na nga ang isang tao na may galit din sa akin. Kung ano man ang masasakit na sasabihin niya ay tatanggapin ko iyon ng buong puso. Dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat. "Jared!" sigaw ni mama nang makitang papasok ng bahay ang binata. Bigla akong napatungo dahil ayaw kong salubungin ang mga mata nitong mapanghusga. Sa akin kasi ito nakatangin nang pumasok sa kabahayan. "Kamusta kayo rito, tita?" tanong ng lalaki sa aking mama. "Ayos lang kami rito. Tamang-tama ang daming mo dahil nakaluto na kami puwede ka nang kumain," masayang wika ng mama kay kuya Jared. Natuwa naman ako dahil ngayon ko lang nakita si Mama na muling sumaya. Hanggang sa narinig kong naglakad sila papunta sa kusina. Ako naman ay nakatungo pa rin hanggang ngayon. Siguro'y mamaya na lamang ako kakain kapag wala ng tao sa hapagkainan. Ayaw kong sumabay sa kanila dahil inaabot ako ng hiya. Walang ingay na lumabas ako sa kabahayan para pumunta sa harden. Umupo ako sa upuang bato at minasdan ang mga bulaklak na dinadapuan ng mga paru-paro. Ang gaganda nilang tingnan at para bang wala silang problema. Hindi katulad ko na sobrang balot ng lungkot ang aking puso. Saka, kahit mamatay ako ngayon ay labis pa rin na naghihinagpis ng aking kalooban. Subalit hindi pa ako puwedeng mamatay ngayon. May sinumpaan pa akong panata. Kaialngan ko iyong tuparin hanggang sa huling hininga ng buhay ko. "Stella!" nagulat pa ako sa biglang tumawag sa aking pangalan. At pagtingin ko roon ay nakita ko ang aking kaibigan at bihis na bihis ito. "Ang lalim ng iniisip mo, ah? Hindi mo tuloy narinig ang pagtawag ko sa 'yo? Kaya pumasok na lang ako rito," anas ni Doday. Ito ang nag-iisa kong kaibigan na handang dumamay sa akin ano mang oras. Ngumiti ako rito. "Mukhang may lakad ka yata?" tanong ko. "Ano ka ba? May simba ngayon hapon. Di ba nga mahal na araw ngayon. Saka gusto kong sumama sa alay lakad. Nagsimba ka na ba?" tanong nito. "Oo kaninang umaga. Pero gusto kong sumama sa 'yo ngayon," pagbibigay alam ko rito. "Huwag ka nang sumama Stella, papahirapan mo na naman ang sarili mo," awat sa akin ni Doday. "Tama lang ang ginagwa ko sa aking sarili. Para mapatawad ako ng Diyos sa aking nagawang kasalanan," sabi ko pa. "Nandiyan na naman tayo Stella. Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na may dahilan ang pagkawala ng kapatid at papa mo. Alam kong napatawad ka na rin nila. Kaya please lang, maawa ka naman sa sarili mo," pakiusap sa akin ni Doday. "Doday, hayaan mo na lang sana ako. Ititigil ko lamang ang aking ginagawa kapag napatawad ko na rin ang aking sarili," anas ko. At may lungkot sa aking mukha. "Stella, kahit ano'ng gawin mong pagpapahirap sa iyong sarili ay hindi na sila mabubuhay pa. Baka nga hindi sila masaya dahil nakikita nila ang ginagawa mo." Hindi na lang ako nagsalita sa mga tinuran ni Doday. Nagpaalam muna ako rito para magpalit ng damit. Papasok na ako sa aking maliit na silid nang makita ko si Kuya Jared na galing sa kwarto nito. Kahit gustuhin ko mang pumasok agad ay hinintay ko muna itong dumaan sa aking harapan. "Babatiin ko sana ito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Agad naman niyang sinagot at pagkatapos ay nilampasan na ako. Pumasok na lang ako sa aking kwato para magbihis. Papalabas na sana ako ng bahay nang makita ko si mama. Nakaupo ito sa sofa habang hawak ang picture nina ate at papa. Nakita ko rin ang luha na pumatak sa mga mata nito. Parang sinakal na naman ako dahil nababanaag ko na naman ang lungkot sa mukha ni mama. Marahan akong lumapit upang magpaalam dito. Alam kong magagalit ito sa akin kapag nakita ako. Pero hindi ako puwedeng umalis nang hindi nagpapaalam sa aking Ina. "Ma, aalis po muna ako," nakatungong paalam ko. "Saan ka pupunta?!" paasik na tanong nito. "Magsisimba po," magalang na sagot ko. "Magsisimba? Para ano? Para magpakabanal? Kahit ilang beses ka pang pumasok sa simbahan ay hindi pa rin mababago na ikaw ay may kasalanan kung bakit maagang nawala ang kapatid at ama mo! Kahit gumapang ka pa papasok doon ay wala na ring mangyayari! Sige na umalis ka na!" sigaw ni mama sa akin. Lahat nang sinabi ni mama ay totoo. Kahit araw-araw akong lumuhod papasok sa simbahan ay hindi na mabubuhay sila. Pero ito lamang ang tanging paraan upang saktan ko ang aking sarili. Pinilit kong hindi pumatak ang luha sa aking mga mata. Kailangan kong tanggapin ang lahat ng mga tinuran ni mama. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko agad si Doday. Naghihintay ito sa akin. Agad ko naman itong niyaya paalis. Mabilis lang kaming nakarating sa simbahan. Nang malapit na ako sa tapat ng gate ay agad akong lumuhod. Gamit ang mga tuhod ko ay nagsimulan ko nang ihakbang ito. Marami na ring tao sa paligid alam kong nakatingin sila sa akin. Ngunit wala naman akong narinig na kahit ano'ng salita sa mula sa kanila. "Stella, ano ba iyang ginagawa mo sa iyong sarili?" nag-aalalang pagpuna sa aking ni Doday. "Tama lamang itong ginagawa ko Doday," sagot ko. Hindi ko ininda ang sakit ng tuhod ko, dahil wala akong karapatang umangal. Hindi ko rin kailangang dumaing ng sakit dahil nararapat lamang ito sa akin. Nakarating ako sa loob ng simbahan na walang nagsasaway sa akin. Alam kong sana'y na rin sila sa ginagawa ko. "Stella, tumayo ka na nga riyan!" muling bulalas ni Doday. "Hayaan mo na lang ako Doday," sagot ko. Narinig ko ang malalim na bungtonghininga nito. Pero baliwala iyon sa akin. Nagdasala ako nang taimtim habang nakaluhod pa rin. Pagkatapos kong manalangin ay lumabas na ako upang gawin ang ikalawang pagpapahirap sa aking sarili. Alam kung magsisimula ang alay lakad. Walang pakialam akong dumapa sa gitna na daan kung saan dadaan ang mga taong may mga dalang kandila. "Stella!" bulalas ni Doday at agad na lumapit sa akin. "Tumayo ka nga riyan, Stella," nag-aalalang sabi ng kaibigan ko. "Doday, hindi ka na nasana'y sa aking ginagawa. Sige na iwana mo na lang ako rito. Kaya ko ang aking sarili," mahinang bigkas ko. "Stella..." "Umalis ka na Doday. Huwag kang mag-alangan na apakan ang likod ko kapag nagsimula na ang alay lakad," sabi ko pa sa aking kaibigan. Malungkot ang mukha ni Doday habang nakatingin sa akin. Hanggang sa umalis na ito sa aking harapan. Nababanaag ko rin ang pag-aalala nito sa akin. Mayamaya pa'y nagsimula na nga ang alay lakad. Ipinikit ko ang mga mata mo upang damhin ang ginagawa nilang tungtong sa likuran ko. Ramdam ko rin ang patak ng kandila sa balat ko. Hindi ako dumaing ng sakit, sa tuwing aapak sila sa aking likuran. Sa totoo lang ay wala akong nararamdaming kirot, siguro'y manhid na rin ang katawan ko. Hanggang sa lumipas ang kalahating oras ay nandito pa rin ako. Hindi talaga ako umalis hanggang hindi natatapos ang alay lakad. "Stella, nakikiusap ako sa 'yo. Tumayo ka na riyan!" bulalas ni Doday nang biglang na naman itong lumapit sa akin. At pilit na pinatatayo ako mula sa pagkakadapa ko. Ngunit sadyang buo na ang aking desisyon. "Please, Doday! Hayaan mo na lamang ako. Ito naman ang gusto sana ay intindihin mo na lamang at suportahan ako plano ko. "Stella, ako ang nahihirapan sa iyong ginagawa. Hindi naman yata tama iyan. Alam kong masakit na ang iyong katawan. Dahil sa mga taong umapak sa likod mo!" sermon niya sa akin. "Friend, sa maniwala ka o sa hindi. Wala akong nararamdamam na sakit. Ang tanging gusto ko lang ay saktan nila ako. Dahil iyon naman ang nararapat sa katulad kong makasalanan," sagot ko rito. Hanggang sa narinig ko ang buntonghininga ng aking kaibigan. Ngunit hinayaan ko na lamang ito. Lumipas ang mahabang sandali ay natapos na rin ang aking pagpapahirap sa aking sarili. Maliksi naman akong inalalayan ni Doday upang tulungang tumayo. Ito na rin ang nagpunas ng mga alikabok sa aking damit, ganoon din sa aking mga tuhod. "Nagugutom ka ba, Stella? Ibibili kita nang makakain mo," anas niya sa akin. "Huwag mo akong alalahanin dahil hindi pa ako nagugutom," anas ko rito. At nagyaya ako para umalis kami at umuwi sa mga bahay namin. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa tahanan namin. Agad naman nagpaalam sa akin si Doday para umalis na rin. Kaya nagdesisyon na rin akong pumasok sa loob. "Bakit ngayon ka lang, Stella?!" Bigla akong napalingon sa aking Inay. Galit siyang nakatingin sa akin. At tila inuusig ako. "Pasensiya na po kung natagalan ako, Ma." "Ano'ng magagawa ng pasensiya mo kung patay na kami sa gutom dito? Alam mo naman na ikaw ang nagluluto rito sa bahay, 'di ba?!" pasinghal na sabi sa akin ni Mama. "Sorry po, Ma." "Sige na! Kumilos ka na. Kahit kailan talaga ang bagal mo!" Magalang akong nagpaalam sa akin Ina. Ngunit pinagtabuyan lamang ako nito paalis sa kanyang harapan. Ako naman ay malungkot na pumunta sa kusina para magluto. Malabo na talagang magkaayos kami ni Mama. Kaya hindi na ako umaasa roon. Kasalukuyan akong nagluluto ng kare-kare nang maramdamam kong may nakatingin sa aking likuran. Kaya naman marahan akong bumaling upang alamin kung sino iyon. Napatda naman ako nang makita ko ang lalaking kinatatakutan ko. At alam kong suklam na suklam sa akin. Ang tanging nababanaag ko sa mukha nito ay galit sa akin. Siguro kung nakakamatay lamang ang titig ay matagal na akong bumagsak dito at nagkisay-kisay. "How are you, Stella?" seryong tanong ni Kuya Jared sa akin. Bigla tuloy akong napatungo. Dahil nahihiya ako rito. "Ayos lang naman po, Kuya Jared," anas ko. "Huwag mo akong tawaging kuya. Dahil hindi tayo magkapatid o magkadugo!" pagalit na anas niya sa akin. Kaya naman parang napahiya ako sa tinuran nito. Hindi ko rin alam kung ano ba ang itatawag ko rito. Lalo at sanay akong tawagin itong Kuya Jared. "Alam mo bang sabik na sabi na akong makita ang Ate mo. Kahit na matagal na panahon na ang lumipas ay siya pa rin ang hinahanap ng aking puso. Siguro kung nabubuhay lamang siya masaya na sana kami. At malaki na rin ang aming anak," anas nito sa akin at nasa boses nito ang matinding kalungkutan. Nanlalaki ang mga ko nang marinig ko ang sinabi nitong anak. Hanggang sa muling magsalita ang lalaki. "Tama ang iyong nasa isipan, Stella. Buntis ang kapatid mo noon. Kaya hindi ko matanggap na parihas silang nawala sa akin. At iyon ay dahil sa iyo. Alam mo bang sobra pa rin akong nagagalit sa iyo!" galit na sabi nito sa akin. Ako naman ay napaluha. Sabay iling ng ulo. Sobrang sama kong kapatid. Pati sarili kong pamangkin ay nadamay dahil sa katigasan ng ulo ko. Jusko po! "K-Kuya Jared. Patawad!" Hagulhol ko sabay luhod sa harap nito. Habang panay ang agos ng luha sa aking mga mata. "Masyado ng huli ang pagsisisi mo, Stella!" Sabay alis nito sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD